Mission #62 Aura

Para sayo ApinkLove :)

KRISTINE's POV

Bumalik na ang mga ahas peste...

Si Jane at Wave nagkabalikan na atah nakakainis!! Ang sakit-sakit!!

Kaya etoh ako nagwalk out na lang kesa magpakatangang pinapanood silang nagngingitian.

Hindi ako sa masokista! Sadista ako!! Grrrrr!!

Feeling ko nakalbo na itong bermuda grass sa inis ko. Nakakainis talaga!!!

"Dumudugo na..." I heard someone said kaya napalingon ako.

"Alin?!" Singhal ko dito.

"Yang kamay mo dumudugo na." He said at hinila yung kamay ko. Hindi ko napansin. Naglabas siya ng panyo at bottled water para linisin yung sugat ko.

"Hoy ex, tiefling ka ba?" I asked. Ewan ko dahil sa bwisit ko kung anu-ano ng lumalabas sa bibig ko! Desperada na ko.

"Hindi, pure Demon ako, kagaya mo" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kanya kaya nahila ko yung kamay ko.

"P-Pano?!" Hysterical kong tanong.

"Matagal na naming alam ni Throne kung ano kayo, kaya nga kami biglang sumulpot sa mga buhay niyo." Hunter said at nahiga sa may grass..

"H-how??"

"We're Royal Knights." Tipid na sagot nito.

"Jinojoke mo ba ko?!" Singhal ko dito.

"Wala akong mapapala kapag ginawa ko yun. Yancey told us to come with her para mabantayan kayo." Cool na sabi nito.

"Barkada kayo nina Wave diba?!"

"Hindi... wala talagang 5th and 6th member ang gang o barkada nila. Mga underlings na lang yung iba. Yancey altered everyone's memories para maging parte kami dun ni Throne. Lahat ng mga alaala nila about samin, gawa-gawa lang ni Yancey."

Halos hindi ako makahinga sa sinabi nito. Feeling ko naubusan na rin ako ng dugo..

"Royal Knight ka pero bakit ganyan ang ugali mo? Hindi mo kami ginagalang?!" I pouted at binato siya ng bermuda grass.

"Dito sa mga mundo ng mga tao, guardian niyo kami kaya kayo ang dapat gumalang samin." He smirked.

Ayan! Mas lalo na naman akong nainis. Humiga na lang ako sa tabi niya at ilang beses na bumuntong hininga.

"Kailangan ko ng bagong tiefling Hunter, tulungan mo naman ako." I said. Napatingin siya sakin kaya tumingin din ako.

"Tara maghanap tayo." He grinned at biglang tumayo kaya tumayo na rin ako.

Inayos muna namin ang sarili namin bago kami lumakad.

"Pano tayo makakahanap?"

"Tignan mo ang aura nila, ang mga tiefling ay may colored na aura habang ang mga tao colorless, parang mirage. Para malaman mo kung anong tiefling ang pwede sayo. Kailangan mong hanapin yung may aura na kakulay ng aura mo." He said.

"A-aura??"

"Oo, gaya nito. Tignan mo." Turo ni Hunter sa babaeng tumatakbo na may hawak-hawak na maraming libro.. "Tignan mo yung aura niya, white, gaya ni Lhorraine, she can be Lhorraine's knight."

Kumunot ang noo ko. "Anong aura?! Wala akong nakikita! Umamin ka nga sakin! Nagdrodroga ka ba?" I asked.

Napafacepalm na lang ito at napamasahe sa batok.

"Natural na saming mga Royal Knights ang makakita ng aura! Dun namin malalaman kung saang kaharian galing ang isang Demon!" He breathed.

"Kung ganun.. Turuan mo ko... Gusto kong makakita ng aura.." I said.

"Wag mong gamitin ang mga mata mo.. Gamitin mo ang puso at isipan mo." He said and again I'm puzzled.

Kailan pa nagkaroon ng mga mata ang brain at heart ko?!

May dumaang grupo ng babae sa harap namin. Tinitigan ko sila ng maigi pero bigla silang kumaripas ng takbo.

"Wag mo kasi silang takutin! Kung makatingin ka naman kasi para kang naghahamon ng away." Hunter laughed.

"Ayoko na... Ikaw na lang maghanap para sakin."

"Ayoko nga.. Ikaw ang may kailangan nun, kaya ikaw ang maghanap." He smirked at nagsimula ng maglakad palayo.

"HUNTER!!!"

LHORRAINE's POV

Kanina pa namin napapansin ang pagtingin-tingin ni Kristine sa mga taong dumadaan.

"Ano ba yang tingin mo? May kaaway ka ba?" Rose asked and as usual kasama na naman nito si Leif.

"Pinapraktis ko kung pano ako makakakita ng aura." Sabi nito.

"Aura? Bakit gusto mong makakita ng aura? D*mn tumigil nga kayo sa paglalandian!!" Singhal ni Jana kina Rose at Leif na natawa na lang..

"Oo nga, stop muna okay?" Irap ni Kristine. "I'm looking for my tiefling at makakakita lang ako ng tiefling kapag nakita ko ang aura nila."

"Then how? Pano mo yun makikita?" I asked.

"Hunter told me na gamitin ko ang puso at isipan ko. Bobo din yun eh, wala akong third at fourth eye." She pouted.

"Hunter?? Bakit si Hunter? Does he know?" I asked.

Napatingin si Kristine kay Leif na paran bang sinasabing, umalis muna ito dahil may pag-uusapan kaming importante.

Mukhang nagets naman yun ni Leif kaya nagpaalam na siya samin.

"Hunter and Throne are Royal Knights." Kristine said in a low voice.

"What?!" Sabay-sabay pa naming tanong. H-How?! Diba mga tao sila?! Kabarkada sila nina Ash.

"He told me... Kasama sila ni Yancey and hindi totoong kasama sila sa grupo nina Wave. Yancey altered everyone's memories para mapasama sila dun at isipin ng lahat na matagal na silang nag-eexist dito sa mundo."

"So, all this time alam pala nila na Demon tayo??" Kunot noong tanong ni Rose.

Kristine nodded.

"D*mn! Pilit akong nagpapakaMaria Clara kapag kasama ko si Throne! Magkalahi naman pala kami." Naiinis na sabi ni Jana.

"Hayaan niyo na sila.. Tulungan niyo na lang akong maghanap ng tiefling ko!!" Kristine pouted.

"Pano ba?!" Jana asked.

"Tignan niyo silang mabuti, ang mga tao may transparent aura na nagmumukhang mirage, ang mga tieflings colored depende sa kulay ng aura ng lahi nila." Kristine explained.

"You only need to use your hearts and mind?" I asked. Tumango si Kristine.

I closed my eyes at nakiramdam, kailangan kong magmeditate para pag-isahin ang puso at isip ko..

Hanggang sa binalot na ko ng katahimikan.

I slowly opened my eyes and I can finally see their auras.

"Red... Blue... Green... and totoo nga colorless ang mga tao." I said.

KRISTINE's POV

THE EF!!! Halos mamuti na ang mga mata ko dahil sa kakatingin sa mga tao kung may lalabas na aura mula sa kanila but d*mn!!

Naunahan pa ko ni Lhorraine...

"So, may nakikita ka bang kakulay namin?" Rose asked pero umiling si Lhorraine.

"Wala lahat ng nandito puro tao..."

Napansin kong yumuko si Jana at Rose at ilang saglit lang nagtaas na sila ng mukha at tumingin sa paligid.

"White pala yung sayo Lhorraine." Jana said.

"Nakikita niyo na?!" Hysterical kong tanong. "Pano?!"

"Huwag kasing bunganga ang gamitin. Sige maghahanap rin ako ng akin." Jana said at umalis na.

Aish kainis!!

"Why don't you concentrate? Wag mo kasing pressure'n ang sarili mo." Lhorraine said.

"Close your eyes and relax."

"Pinagtritripan niyo ba ko? Mamaya iwan niyo ko dito." naningkit ang mga mata ko.

"Sa ating apat, alam mong kayo lang ni Jana ang gagawa ng ganong bagay. Hawakan mo yung kamay namin para malaman mong andito kami." Rose sighed.

Kumunot ang noo ko and closed my eyes. Hinawakan ko rin ang mga kamay nila. Unti-unti ko g nirelax ang sarili ko hanggang sa humihina na ang bawat tunog sa paligid at hanggang wala na kong marinig.

I slowly opened my eyes and nakita ko na nga.

Ang mga aura ng mga tao.

"I can now see it..." I exclaimed.

"Told you.. Hindi mahirap. Tara maghanap na tayo." Rose suggested.

Agad kaming naglibot para maghanap.

JANA's POV

Hindi ko muna proproblemahin yung tiefling ko, wala pa naman akong elemental ring. Hahanapin ko muna si Throne.

Pagswineswerte ka nga naman.

I smirked at nagtago sa poste ng makitang naglalakad siya sa hallway at nakaheadphone. Pagkadaan niya sa gilid ko agad kong kinuha yung sapatos ko at binato sa kanya.

Agad niya itong nasalo kahit nakatalikod siya sakin.

He removed his headphones at kunot noong tumingin sakin.

"WHAT THE F---- Jana?" I smirked at hinila yung sapatos ko.

"I hate you." Irap ko.

"W-whoah! Uyy bakit?! Dahil ba hindi ako nagpaparamdam lately? Marami lang talaga kaming inaasikaso ni Hunter." Sabi nito.

"So kamusta na ang Underworld?"

"Nakastop pa rin ang time pero nakakakita na kami ng signs na malapit ng tumakbo ulit ang ora--- f*ck.." He cursed ng nanlaki ang mga mata niya at narealized yung sinabi niya. Huli ka balbon.

"That day, nung umupo ako sa tabi mo noon, it wasn't just a councidence right? Planado lahat ng yun? Concern ka sakin dahil isa akong prinsesa." I bit my lower lip para pigilan ang paghikbi. I felt betrayed.

Akala ko nakilala ko lang siya naturally, naging magkaibigan kami naturally. Pero lahat pala ng yun nasa plano.

"J-Jana..."

"I felt betrayed Throne, isa ka sa mga pinagkatiwalaan ko. I told you everything I felt p-pero ewan ko, all this time hindi pala kita kilala pero ikaw kilalang-kilala mo ko." I wiped my tears at aalis na sana ng bigla niya kong pihitin paharap sa kanya and the things I knew his lips claimed mine.

Hindi ako na nakareact hanggang sa may humila sakin at nakita ko na lang si Throne na bulagta na sa sahig.

"D*mn you Throne!!" I snapped back to reality when I heard his voice.

"C-Crimson..." I breathed. He looked at ne and all I saw in his eyes were pain, sympathy and... hatred...

"I want to forget everything I feel for you Jana, but whenever you're near him hindi ako mapakali! Nasasaktan ako!! Loving you is like turning my back to humanity. Kung hindi ka lang sana ganyan, ipaglalaban sana kita hanggang patayan. Pero hindi eh.. So, please lang let me move on..." He said...

"Why? Bakit mo ko gustong kalimutan?" I asked.

"Dahil hindi ka tao!! Hindi tayo pwede! And I don't want this feeling to go any deeper cause I'm already buried deep!"

"So want to forget what you feel for me?" I asked kasabay ng takas na luha sa aking mga mata.

Hindi siya sumagot. And that silence broke my heart.

"I always knew we were different, pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na kakalimutan kong mahal kita dahil hindi ako tao. I was ready to cross the line even if it means taking away my own life, but you just showed how unworthy you are. Siguro nga bagay kami ni Throne dahil magkalahi kami." I gritted my teeth at lumapit kay Throne.

"Tumahan kana." He whispered at pinunasan ang mga luha ko.

"Jana.." I heard Crimson called my name.

"From now on, hindi na tayo magkakilala Crimson." I was able to turn my back before tears started to stream down my cheeks.

Nakalayo na kami ni Throne bago ko marinig ang sigaw na muling dumurog sa puso ko.

"JANA!!!!"

BACK TO KRISTINE's POV

Tapos na ang school hours pero wala pa rin akong nakikitang may blue aura.

"Balita?" Napalingon ako at nakita ko si Hunter.

"Wala pa rin eh pero nakakakita na ko nga aura." I said.

Napahawak siya sa baba niya na parang nag-iisip.

"Kung ako sayo wag ka ng maghanap."He said

"W-what?! Gusto mo bang bumagsak ang Underworld?!"

"Hindi ganun ang gusto kong sabihin!!"

"Eh ano?!"

"Wag kang masyadong mag-assume, mahirap umasa. Lalo na kung yung inaasahan mo eh ang dahilan kung bakit ka nahihirapan ngayon." He said

"Puzzle ka ba??" I asked. Kumunot ang noo niya at tumingin sakin.

"Bakit??"

"Ang gulo mo! Sige na maghahanap pa ko!" I chuckled at iniwan na siya.

I was walking down the hallway ng may makita akong blue sparks sa may hagdan.

Nanlaki ang mga mata ko at tumakbo papaunta sa direksyon ng sparks...

And I saw it! The blue aura...

Pero agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Dalawa silang may blue aura. Halos mags*x sila na dito sa may hagdan.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.

Bakit kailangang siya pa??

Bakit si JANE pa?

---------------
To be continued!! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top