Mission #61 Green
Nahihirapan akong magreply sa mga messages niyo sa message board and inbox dahil sa baliw na net lols.
Salamat sa suporta :)
KRISTINE's POV
Natrauma sila literally. Para na silang nabaliw at ilang araw na nila kaming iniiwasan.
Minsan nga kukulbitin lang sila napapasigaw na sila sa gulat, kaya kanina pa pinagtritripan nung kambal.
"Feeling ko, mali yung ginawa natin." I sighed. Tulala kasi yung apat na parang takot.
"Feeling ko nga rin." Rose bit her nails.
"What are we suppose to do now? Alam na nila kung ano tayo, pano kung ipagkalat nila?" Jana asked.
"Hindi nila gagawin yun, and I'm sure mapagkakamalan lang silang baliw." Lhorraine sighed.
"Ikaw Daemon, wala ka bang balak sabihin kay Daisy?" I asked. Natigilan ito at tumingin samin.
"Why would I tell her? Damay ba siya dito?"
"Tiefling din si Daisy, Daemon, siya ang nakatakdang maging Elemental Knight mo." Lhorraine said.
"Whatda! Can't we do anything about this? Hindi siya pwedeng madamay dito." Kunot noong sabi nito.
"Daemon, nakakahalata na ko ah. May relasyon ba kayo ni Daisy?" Tahasang tanong ni Jana. Nanlaki ang mga mata ni Daemon at nagiwas ng tingin.
"Kilabutan nga kayo." Irap nito.
"Uyy denial ka masyado tol." Jana laughed. Napatsss na lang si Daemon and speaking of the devil.
"Yo! Sabay ako ah?" Daisy grinned at inilgay yung tray sa ibabaw ng table namin.
"Cool, dito ka na lang Daisy oh." Sabi ni Jana at umalis sa tabi ni Daemon pero hinila niya yung kamay Jana.
"Masyado kang obvious Dae." I laughed. Napailing na lang si Daemon at binitawan si Jana na agad umupo sa tabi naman ni Daisy.
"May problema ba?" Nagtatakang tanong ni Daisy.
"Ah wala naman, nalaman lang namin na may nagugustuhang babae si Daemon." Jana chuckled.
"What?! I mean... sino?" Malumanay pero parang inis na tanong ni Daisy. Sabi ko na nga ba, may something oily dito.
"Ayaw niyang sabihin eh, nahihiya daw siya. But I guess, taga kabilang section yun, yung Muse nila, si Stacey, diba Vice mo yun sa Group of Beauties?" Lhorraine grinned.
"Si Stacey?" Pag-uulit nito. Napatingin siya kay Daemon na parang maluluha.
Daemon glared at us.
"What do you think? Bagay ba sila ni Daemon?" Rose asked Daisy.
"Uhm ano.. hindi naman siya kagandahan tsaka hindi naman siya sexy eh. Tsaka ang baba ng boses niya, hindi siya magaling kumanta. Hindi nga rin siya marunong magpaint at tanging gitara lang ang alam niyang iplay na musical instrument. Tsaka ano, kaya nga nasa lower section siya kasi hindi naman masyadong matalino. Halata ngang nagparetoke siya kita niyo yung ilong? Medyo imba..."
Natawa na lang kaming apat. Natigilan si Daisy at nagtatakang tumingin samin.
"Just really? Isa lang atah yung tanong ni Rose, Daisy bakit ang haba ng explanation mo?" Jana laughed hard. Biglang namula si Daisy at napatingin kay Daemon na nagpipigil ng ngito.
"Ugh!! Pinagkakaisahan niyo ko." She pouted. Tawa na lang kami ng tawa.
"Ano ba kasing gusto niyong palabasin??" Daemon asked.
"Gusto naming umamin kayo na may gusto kayo sa isa't-isa." Lhorraine grinned.
Halos kasimpula na ngayon ng hinog kamatis ang mukha ni Daisy.
"A-ako? Magkakagusto sa isang maangas na katulad niya?! No way! Kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hindi ako magkakagusto sa kanya, masyado siyang mayabang, bossy, hindi gentleman and may pagkabastos! Those are the qualities I really, really don't like. Kaya no hinding-hindi ako papatol sa kanya over my dead gorgeous bod--"
Natigilan kami ng marahas na tumayo si Daemon at masamang tumingin kay Daisy.
"Bago mo sabihin sa lahat yan, dapat inisip mo muna kung gusto ba kita." He hissed at nagwalk out.
"Defensive ka talaga Daisy. Obvious namang may gusto ka kay Daemon." Nanlaki ang mga mata ni Daisy at nag-iwas ng tingin.
"Oo na, gusto ko nga siya." Nakangusong sabi nito.
---------------
Napatakbo ako papuntang classroom. Malelate na ko!! Late kasing natapos yung practice ng theater club. Nakakainis!!
"Aww! Sorry!!" Singhal ko ng may mabangga ako sa pagmamadali.
Narinig ko ang pagsinghap niya kaya napatingin ako sa kanya. My eyes widen when I saw him.
"W-wave..." I whispered. Bigla siyang nataranta ng makita ako.
Nasaktan ako sa reaksyon niya. Yung taong mahal mo iniiwasan ka dahil takot siya sayo, dahil feeling niya halimaw ka at sasaktan mo lang siya.
"W-Wave. Wag mo naman akong iwasan." I bit my lower lip feeling ko maiiyak na naman ako.
Hindi siya makatingin sakin ng diretso. Naglakad ako palapit sa kanya pero ilang beses siyang umatras.
"W-wag kang l-lalapit." Pumiyok pa siya sa sinabi niya.
"Wave.." Lalapit na sana ako ng bigla siyang mahimatay.
Buti na lang nasalo ko siya..
"Uughhhh!! Ano ba toh!!" Naiinis na sabi ko. Napatingin ako sa paligid at pansing wala ng tao dahil nagstart na ang klase.
Agad kong binuhat sa likod ko si Wave. Napatingin ulit ako sa paligid bago ako kumaripas ng takbo papuntang clinic.
Inabot siguro ako ng 2-3 seconds bago kami nakarating dun dahil nasa ground floor pa yun. Eh nasa fifth floor kami kanina.
"Miss Kristine!! Ipahiga mo siya dito." Agad na alalay sakin ng nurse. Agad kong pinahiga si Wave sa kama.
"Ano bang nangyari?" She asked.
"Nawalan po siya ng malay." I sighed.
"Ah ganun ba? Sige ayusin lang natin yung ventilation ha? Hindi ka ba papasok?" She asked.
"Dito na lang po ako, babantayan ko siya." I smiled.
WAVE's POV
Puting kisame agad ang bumugad sakin pagkagising ko. Pero nagulat ako ng makita ko siya sa gilid ng kama ko natutulog at hawak-hawak ang kamay ko.
Agad ko yung binawi at nakaramdam ako ng pangingilabot. Akala mo kung sino siyang Anghel dahil sa amo ng mukha niya...
Pero hindi..
Isa siyang DEMONYO...
Isa siyang HALIMAW...
Nataranta agad ako kaya napabalikwas ako at nahulog sa kama. Nagcreate yun ng ingay at muli akong kinilabutan nung marinig ko ang boses niya.
"Wave? Wave ayos ka lang ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?" Agad kong tinampal ang kamay niya ng hinaplos ang mukha ko.
Kinilabutan ako.
"Ahhh!! Stay away from me!! You're a freak!! A monster!" I screamed. Nakita ko kung pano siya natigilan sa sinabi ko bago siya tuluyang umiyak.
"Wave? Kristine??" Biglang sulpot ni Jane. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya.
"Please Jane, ilayo mo ko sa freak na yan! Papatayin niya tayo!" Hysterical na sabi ko. Nakita ko kung pano magdilim ang itsura ni Kristine.
Halos mangatog na ang tuhod ko sa takot. Naiimagine ko na ang pagkain niya sa laman ko ang pagtanggal ng mga braso at paa ko sa katawan ko.
Bago pa ko mahimatay ulit. Buong lakas kong hinila si Jane palayo. Pasakay sa kotse ko at mabilis na pinatakbo iyon.
"Wave! Wave! Calm down! Please, mamatay tayo!!" Jane shouted. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig kaya napapreno ako agad.
I felt Jane's palms on my face.
"Jane... natatakot ako..." I cried.
ROSE' POV
Kanina pa iyak ng iyak si Kristine. Naawa na ko sa kanya. Masakit na samin ang pag-iwas nila pero ang masabihan ng ganun ng taong mahal mo, wala na atang mas sasakit dun.
"Tahan na.. Pangit ka na nga mas lalong ka pang pumapangit baka mamaya ikulong ka na nila sa zoo.." Jana said.
"Jana!!" Saway namin ni Lhorraine sa kanya.
"Eh di sorry! Ganun ako mangcomfort eh." Dumila ito samin pero halata namang nag-aalala siya kay Kristine.
"What's the plan?" Daemon asked.
"Wala ka ba talagang balak sabihin kay Daisy?" I asked.
"What for?? Hindi naman siya damay dito." Irap samin ni Daemon. Bitter na naman.
"Kristine, tama na... Matulog ka na lang at wag pansinin ang mga nangyari... Makakamove on din tayo"--Lhorraine
"Pero pano?! Nasa kanya yung singsing ko!!" She sobbed.
"Hindi lang naman sila ang Tiefling dito Kristine, sigurado akong makakahanap din tayo at babawiin natin yung singsing." I assured her.
Yumakap siya sakin hanggang sa marinig na lang namin ang banayad niyang paghinga.
"Magpahinga na rin kayo?" I said kina Lhorraine.
"Sige ako na magdadala sa kanya sa kwarto niya." Buhat ni Daemon kay Kristine. "Magpahinga na kayo, mukhang nadagdagan na naman ang misyon natin dito sa mundo."
Umakyat na sila sa mga kwarto nila. Naiwan muna ako dito sa baba para hugasan ang mga pinagkainan namin ng marinig ko ang doorbell...
Napatingin ako sa orasan. Alas dose na ng gabi ah??
Agad akong nagpunas ng kamay at dumiretso sa labas para tignan yung taong halos sumira na ng doorbell namin.
"Oh! There you are!!" Ngisi nito. Pero tingin mo pa lang sa mga mata niya malalaman mo ng lasing siya.
"Leif, gabi na. Lasing ka pa." I said.
Bigla itong humalakhak.
"Alam mo?! Ang hirap mong paibigin eh. Tapos malalaman ko na lang hindi ka tao?! Peste may camera ba diyan? Nasa wow mali ba tayo? O yari ka?" Pasuray-suray itong naglakad papunta sakin.
"Rose... hindi ako gaya nila. Kahit sino ka man... kahit ano ka man... Mahal kita peksman! Tang*na ang corny ko." He chuckled.
Napako ako sa kinatatayuan ko at ilang beses na napalunok.
I-is he serious? Pero lasing siya diba??
Sabi nila kapag lasing ka, masasabi mo lahat ng mga nililihim mo...
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko and he immediately wipe my tears.
"Kahit ano ka pa Rose, mahal kita. Mahal na mahal kita." He whispered. Agad ko siyang niyakap, naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sakin.
It would be much better kung sasabihin niya ito ng hindi siya nakainom pero I can't hide what I am feeling right now.
Sobrang saya ko...
He cupped my face and brushed my tears dry.
"Wala man lang bang I love you, too?" He grinned. Natawa na lang ako and cupped his face bago siya siilin ng halik.
Natigilan siya sa ginawa ko. Pero hindi naglaon naramdaman ko ng sinasagot niya ang mga halik ko.
I broke the kiss and look directly to his eyes.
"You have already proven that you're more than worth it. Kaya maghanda ka, kapag sinabi kong akin ka.. akin ka lang.." I grinned bago ko ulit siya halikan sa labi.
At ngayon, dinig na dinig ko kung gano kalakas ang tibok ng puso ko.
Nagising ako kinaumagahan ng may maramdamang kumikiliti sa tenga ko.
"Mmm!!" I groaned. Natigilan ako ng may maramdamang kamay na dumausdos sa tiyan ko.
Goodmorning babe." He whispered. Napangiti na lang ako and bit my lower lip.
Kagabi after naming mag-aminan ayun natumba na kaya binuhat ko na at pinahiga dito sa kama ko.
But don't you worry guys. We didn't do that.
"Ano? Ayos ka na? Titili ka na rin at sasabihan ako ng monster?!" I said habang nakatingin ako sa mga mata niya.
He grinned at me at pinisil yung ilong ko.
"Ang ganda mo namang monster." He chuckled and I felt myself blush.
"Pero honestly, I am happy. Sa wakas akin ka na." He grinned at akmang hahalikan ako pero umiwas ako at bumangon na sa kama.
Concious din naman ako sa morning breath ko!!
"Rose..." he warned me pero tumawa lang ako.
"I love you..." I said. Nanlaki ang nga mata niya bago ko siya iwan para pumasok sa banyo.
JANA's POV
Asdfghjkl!!!
Bakit may naglalandiang mga butiki dito sa harap namin!!! Halos hindi na ko makakain dahil nawawalan ako ng gana! Peste.
"I see, ikaw lang atah ang hindi takot samin." medyo bitter na sabi ni Lhorraine at uminom ng kape.
"Ganun ko lang talaga kamahal si Rose, and I'm willing to accept her whatever she is." Leif said habang nakatingin sa mga mata ni Rose.
Arenola please nasusuka ako. -.-
"S-so, h-hindi ako ganun kam-mahal ni Wave kaya ganun na lang ang takot niya sakin?" Iyak ni Kristine.
"I-I don't know.. No one has the courage to open this issue in the mansion." Leif sighed.
"Alam mong Demon kami diba?" Pagsisimula ni Daemon... Tumango si Leif.
"Alam mo kung ano ang kaya naming gawin.." Tumango ulit si Leif at napalunok.
"Then, alam mo na ang mangyayari kapag sinaktan mo si Rose." Maraming beses na tumango si Leif.
Ewan ko naiinis ako peste.
"Buti naman nagkakaintindihan tayo. Punong-puno na kasi ako sa mga kaibigan mo at lagi na lang sinasaktan sina Lhorraine.. Tandaan mo kapag, nakita kong umiyak ang kahit isa sa kanila, iisaisahin ko kayo. Pero sa ngayon, uunahin ko na si Wave." Daemon hissed at ilang beses na napalunok si Leif.
"Wag kang mag-alala Daemon, hindi ako sasaktan ni Leif." Rose smiled. Maghahalikan na ulit sana sila pero tumayo na ko.
I can't stand it!!!
Naiinis ako!!! Nabwibwisit ako!!!
Grabe... ang hirap pala pag ganito.
NAIINGGIT AKO!!!
TT.TT
------
Tbc :*
The more "UD na po please.." Comments I read, mas lalo akong TINATAMAD magUD :)
Mas maappreciate ko kung magcocomment kayo ng reaksyon about the UD.
Alam ko po nararamdaman niyo pero sana intindihin niyo rin ang nararamdaman namin XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top