MISSION #6 Point of Views

"First day of school napapaaway tayo." Rose pouted.

"Pansin mo rin? Sabi kasi ni Yancey hindi tayo mapapansin kapag ganito ayos natin." Sabi naman ni Kristine habang hinihila-hila yung damit nila.

"Ang bigat-bigat nga eh. Ganu ba kabigat samin toh Rose?" Tanong ni Jana.

"1/2 ton lang naman sa inyo, tong akin nga 5 tons ang bigat."

"In fairness mukha lang siyang manipis na tela sa iba." Sabi ni Jana na inamoy pa yung damit nila.

"Bakit mo inaamoy? Mabango ba?" Tanong ni Kristine at nakiamoy na rin.

"Umayos kayo para kayong sira, pinagtitinginan na tayo." Sabi ni Lhorraine tapos tinuon ulit ang pansin sa book niya. Napatingin naman yung tatlo sa paligid at agad na nag-ayos ng eyeglasses nung mapansing tama nga si Lhorraine.

KYAAAAAHHHHHHH!!!!

OH MY GOD!!! THE ROYALS!!!!

Biglang sigawan ulit ng mga students at agad na pinalibutan ang Royals habang naglalakad papuntang cafeteria. Pinangungunahan sila ni King Crimson na may hawak na Itouch at nakaheadphones. Sa tabi naman niya ay si Jherraine na nakangiting kumakaway sa lahat.

"Plastic." Sarcastic na sabi ni Kristine habang tinutusok-tusok ng tinidor yung pagkain ni Jana.

"Eh bakit yang pagkain ko minumurder mo?" Tanong ni Jana sabay tapik sa kamay ni Kristine.

"Alangan yung pagkain ko murder'n ko? Duh! Hindi ako tanga." Irap ni Kristine at kinain yung pagkain niya.

Umirap na lang din si Jana at lumamon. Si Rose naman nakangiting pinagmamasdan yung Royals. Naaalala niya yung dating buhay nila sa Underworld. Lagi silang sinasalubong ng mga plebians kapag dumadaan ang mga Royalties. Laging may nag-aabot ng flowers sa kanila.

"I know what exactly you think Rose." Biglang sabi ni Lhorraine na ikinalingon ni Rose sa kanya.

"Ano ba naman ang hindi mo alam Lhorraine?" Tawa ni Jana.

"Oo nga. Lahat na atah alam mo. Kaw ba ang dating Wikipedia?" Tawa naman ni Kristine at nakipag-apir pa kay Jana. Inirapan sila ni Lhorraine sabay inom ng juice.

"Kayong dalawa talaga diyan na lang kayo laging nagkakasundo." Tawa ni Rose.

"Kami magkasundo?! No freakin' way!" Irap ni Jana sabay subo ng steak.

"As if naman gusto ko noh! Asa ka!" Irap din ni Kristine.

Napabuntong hininga na lang si Lhorraine at Rose at kumain na rin.

-----

Natapos ang lunch break at agad na bumalik sa classroom yung Apat.

"Kristine pakiayos yung contact lense ko." Sabi ni Jana kay Kristine. Kumindat lang si Kristine at may liquid ng pumasok sa mga mata ni Jana para ayusin yung contact lenses nito.

Agad din naman itong natuyo pagkatapos.

"Grabe ang kati."

"Good Afternoon class!!" Biglang pasok ng teacher nila.

"I'm your adviser and now I'll assign your permanent seats as requested by our President."

Nagkatinginan naman yung apat sa sinabi ng adviser nila. Nagsimula na ring magbulung-bulungan yung mga students.

"Kyaaahhhh!!! Sana katabi ko yung royals!!" Biglang tili ng isang students kaya nakisabay na rin sa tilian yung iba.

"Quiet!!!! Here are the arrangement." Inisa-isa na sila ng adviser. Maraming napapapout dahil hindi nila katabi ang Royals.

"...  RoseEmerald, Leif Allen Villaruel, Bea Serine Lee." Napayes na lang si Bea at nakipag-apir kay Leif. Ngumiti naman yung dalawa kay Bea at ganun din si Bea sa kanila.

>>other students>>

" LhorraineDiamond, Ashton Ryusei Grey, Daisy Grace Anderson."

"Oh my Gosh!!! I love it!!" Biglang tili ni Daisy. Pero parehong walang reaksyon si Lhorraine at Ash at umupo na lang sa seats nila.

>>other students>>

"KristineSapphire, Wave Daniel Montereal, Kimberly Jane Park..."

"Rose, ang layo ko sayo." Kristine pouted.

Napabuntong hininga na lang si Rose. Wala ng magpapaamo sa dalawa kapag nainis sila.

"Upo na tayo babe." Pinadausdos ni Wave yung kamay niya sa bewang ng kilig na kilig na si Jane. Habang si Kristine ay inis na inis sa mga nangyayari.

>>other students>>

"And last but not the least, Jana Ruby, Crimson Vince Zanders, Queenie Jherraine Akashi." Agad na yumakap sa braso ni Crimson si Jherraine at umupo na din sila.

Bakit ganun? Nerd, He and She?

Takang tanong ng isang student..

"That will be your proper seats from now on." Sabi ng teacher at umalis na.

JANA's POV

Grabe nagugutom ako. Kaya ayaw na ayaw ko sa mga schools at kahit anong uri ng lessons kasi nga amboring. Dagdag mo pa yung naglalandian dito sa tabi ko.

Grabe, kulang na lang magsakmalan eh. -.-

"Excuse me, CR lang ako babe." Sabi ng feeling reyna sa feeling hari.

"Sure babe." He grinned at tinignan pa ito with pagnanasa habang paalis.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Tanong niya sakin at bahagyang nawala ang ngisi sa mukha niya.

"Bakit ang lalandi niyo?" Tanong ko. Laglag ang panga niya sa sinabi ko pero mas lalong nangunot ang noo niya.

"What the f*ck!!" He cussed and clenched his jaw.

"Who the hell are you?!" Singhal niya sakin. Napaayos ako ng eyeglasses.

"Ako? Jana." Tipid na sagot ko.

"Pffffttt what a lame name." Tawa niya ng mahina pero sarcastic at medyo mapanglait.

"Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng pangalan mo." Biglang seryosong sabi niya.

"Bakit ikaw? Pangit ka na nga, pangit pa ng ugali mo. Dude! Asan ang hustisya dun? Nun bang nagpasabog sila ng kagandahan nagpayong ka? O baka naman tulog ka? Wag mong sabihing traffic kasi gasgas na excuse na yan."

"What da... Tssss."

"Hey anything wrong?" Biglang epal ni Feeling Reyna.

"Nothing just some low class people." Sabi ni feeling hari at tumingin pa sakin. Kunot noong napatingin naman si Feeling Reyna sa direksyon ko.

"Wag mo na lang pansinin ang mga cheap diyan sa tabi-tabi. They don't belong in our circle. Dapat talaga walang nag-aaccept ng pangit dito sa school, nakakasira ng image at nakakadistract, sakit sa mata." Feeling Reyna smirked.


KRISTINE's POV

Kinakabahan talaga ako kapag hindi ko katabi si Rose. Baka may kung ano akong gawin o baka di ko mapigilan yung sarili ko.

"Natatae ka?" Nagulat na lang ako ng biglang may mukhang ang lapit-lapit na pala sakin kaya agad kon tinulak yung mukha niya.

"Aray!" He squealed at sinimangutan ako. "Pano kung nasugatan tong gwapo kong mukha?! Eh di nasira na ang pinakagwapong natural face dito sa mundo?! Jeez! Konting ingat naman! Endangered species na ang mga gwapo!!"

"Ganun? Kala ko lahat na ng gwapo ngayon bakla."

"Huh?! Anong ibig mong sabihin?! Bakla ako?!" Medyo napalakas yung pagkakasabi ni Wave dun kaya napatingin samin lahat ng nasa classroom.

"Ngayon mo lang narealize Wave?" Biglang tawa ni Leif sa gilid.

"G*go ka Leif! Mas mukha ka pang bakla sakin." Asar namang sumbat nito.

"Wag mo ngang awayin si Leif, Wave!!" Bea pouted.

"K. Tssss."

"Yan kasing epal diyan eh." Irap ni Jane kay Kristine.

"Bakit ka nakatingin sakin?!"

"Alam mo? Sa lahat ng mga nerds sa mundo? Kayo ang pinakamay attitude grabe!! Sino ba kapit niyo dito? Next to the president, kaming walo na ang pinakamataas dito." Sabi niya sakin.

"Oh eh anong napala ko sa sinabi mo? Anong napala mo? Wala diba? Tsaka hindi ako rumerespeto sa mga taong hindi naman kagalang-galang." Irap ko.

"Aba't!!!" Biglang tayo ni Jane pero agad siyang inawat ni Wave.

"Jane stop it, she's not worth our time babe. Ang pangit-pangit na nga, tapos mukha pang alien." Gatong ulit ni Wave.

"Atleast hindi ako bakla." I murmured.

"Jeez! I'm not a gay!" Frustrated na sabi nito at ginulo pa ang buhok.

"Oh eh bakit affected ka?"

"A--"

"Tama na Wave, wag mo na ngang pansinin yang papansing yan." Irap ni Jane.



LHORRAINE's POV

Ang ingay -.-

Nasa magandang part na ko eh.

"Pakisaksak." May iniabot sakin si Ashton na charger ng laptop niya. Pero tinitigan ko lang yun. Isa akong prinsesa at hindi ako utusan.

"Plug it." Pag-uulit pa nito.

"Hoy!! Why can't you just get the charger and saksak it to the outlet there! Are you bulag or what?!" Biglang singit ni Daisy. Naririndi talaga ako sa babaeng toh. Sarap sarhan yung vocal chords.

Ang tinis na nga ng boses, pakonyo effect pa.

"Kayo na lang nagbabasa ako." Sabi kahit nasa tabi ko lang talaga yung saksakan. Nasa pinakagilid kasi ako sa may pader kung saan nasa tapat ng lap ko yung outlet.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa hita ko kaya agad kong ibinaba yung libro ko.

*tooogggssshhh*

"Ouch!"

Dahil sa pagbaba ko ng libro ko natamaan sa ulo si Ash. Kaya hindi niya naisaksak yung charger niya.

"Waaaahhhhhh!!! You ugly creature! Why did you hurt Ash!!!" Biglang eskandalo ni Daisy. Napatingin ako kay Ash na nakahawak sa likod ng ulo niya. Napalakas atah yung paghampas ko ng libro.

Nagbulung-bulungan na naman sila. One thing I hate about us, demons. Malakas ang pandinig namin.

"Stop it Daisy, I'm fine." Sabi ni Ash pero halatang napalakas yung hampas ko dahil namumula na yung mukha niya.

"Uhm ako na ang magsasaksak." I suggested at agad na hinila yung charger sa kamay niya. Sinadya kong sagiin yung kamay niya para dumaloy yung healing wind sa katawan niya.

Napansin ko naman ang agarang pagaliwalas ng mukha niya. Napatingin ako aa direksyon ni Jana at Kristine, pareho silang nakangisi. Alam ko na naman ang ibig nilang sabihin.

Lumabag na naman ako sa Rule #1.

Hayyyy..

"Okay ka na?" Tanong ni Daisy kay Ash.

"Y-yeah" sabi nito sabay tingin sakin.

"Bakit?" Kunot-niing tanong ko at sinara yung libro.

"Nothing." Tipid na sagot nito pero halata sa mga mata niya ang pagtataka.

"Are you--" magtatanong pa sana siya pero biglang sumingit si Daisy.

"Don't make friends with her Ash, she hurt you na nga eh. Don't make pansin that famewhore."

Napairap na lang ako sa kawalan at nagbasa ulit.


ROSE' POV

"Hi anong pangalan mo?" Tanong sakin ni Bea.

"Rose." I smiled.

"Ako nga pala si Bea at siya ang bestfriend kong si Leif."

"Hi." I smiled at nakipagshakehands sa kanila pero agad na humarang si Bea nung magsheshakehands na sana kami ni Leif.

"Magkakapatid kayo?" Tanong ni Leif sakin.

"Ahh oo haha. Pero hindi halata noh?" I smiled.

"Actually, I find it cute." He smiled at labas pa talaga ang dimples.

"Hahaha oo nga eh ang cucute niyo, diba Leif?" Singit Bea.

"Yeah, kasasabi ko nga lang eh. Ano bang nangyayari sayo?" Tawa ni Leif at ginulo yung buhok ni Bea na napapout na lang.

"Bakit nga pala ganyan ang suot niyo?" Biglang tanong ni Bea sakin. "No offense ha? Pero wala man lang ba kayong sense of fashion? Try niyo kayang manood ng TV may fashion trends din naman dun."

"Bea, you're going too far." Kunot noong singhal sa kanya ni Leif.

"Naku! Hindi naman, okay lang yun. Ito na kasi nakasanayan naming apat." I lied.

"Can we go out for a date some other time?" Out of the blueng tanong ni Leif na ikinathimik ng buong klase.

"What?! Pero may lakad tayo nun eh." Bea pouted.

"So what do you think Rose? If it's okay to call you Rose." He winked. Napatingin ako kay Bea na sobrang ang sama na ng tingin sakin.

Napatingin rin ako sa paligid na mukhang naghihintay ng sagot ko.

"Ahhmm wag na lang." I smiled an ikinagulat niya. The crowd even gasped.

"How dare she turn down our prince!!"

"Oh my! Hindi pa nga ko inaaya ni Prince Leif eh!!"

"That's insane!!"



"Ahm sorry ha?" Awkward na sabi ko.

"Haha no it's okay haha." Sabi na lang nito at bumaling kay Bea na sobrang tuwang-tuwa sa narinig.

She mouthed thak you at ngiting-ngiting nakikipag-usap sa bestfriend niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top