Mission #59 Guilty or Not Guilty

JANA's POV

Napatakbo kami pababa ng makitang may mga medics ng pumasok at nilagay si Throne sa stretcher.

"Naa-ah! Pano ka sasagutin ni Jana pag ganyan?!" Singhal ni Daisy kay Throne.

"What are you saying Daisy? Ikakasal na si Daemon at Jana, I think she doesn't have the guts to enter into one more relationship?" Biglang sulpot ni Kristine na kasama sina Rose at Lhorraine.

"Hindi pa naman sila kasal diba? Obviously napilitan lang sila sa ganitong scheme. Maghihiwalay din yan." Pinanlakihan ko ng mga mata si Daisy pero si Daemon tumawa na lang.

"Tumahimik ka na lang stupid." Daemon chuckled.

"Ayos ka lang ba? Pinagcheer mo pa ko bwisit di ka rin naman pala tatagal." I hissed.

"Haha sorry naman." Throne laughed pero napangiwi din ito sa sakit. "Kiss mo na lang ako dito." He said at ngumuso sakin.

"Baka gusto mo ng macrimate ng buhay?" Irap ko.

"Etoh naman. Daemon sub." Tapik ni Throne kay Daemon. "Ipanalo mo para sagutin ako ni Jana." Throne laughed.

"Sige ba, sisiguraduhin kong sasagutin ka ni Jana." Daemon laughed.

"Daemon!" Singhal ko. "Sige na po, dalhin niyo na siya sa clinic." Sabi ko sa medics. "Dadalawin kita after nito." I said. Tumango naman si Throne bago siya tuluyang dalhin ng mga medics.

"Wow, ganyan ka pala sa totoo mong fiancé pinamimigay mo na lang." Napalingon kami kay Lhorraine, who's being bitchy these past few days.

"I just learnt my lesson, I won't take someone who is not happy with me anymore." Daemon said, bakas na bakas ang lungkot sa mga mata nito.

"Palit ka na tol." Tapik ni Hunter kay Daemon sabay abot ng jersey.

"Umupo kayo sa tabi ni coach, hintayin niyo ko dun." Sabi ni Daemon samin ni Daisy.

"Pero diba mainit dugo nila sayo? Mga gangster yang mga yan, pati nga kagang nila pinatulan nila, ikaw pa kaya na ang laki ng kasalanan sa kanila?" Daisy asked.

Napatingin ako kay Daemon. "Just learn to control it." I said. He smiled at me at hinalikan ako sa noo bago kami dumiretso sa bench nila.

Nagtuloy ulit ang laban.

Hindi naman ako natatakot sa gagawin nila kay Daemon, natatakot lang ako sa kung anong pwedeng gawin ni Daemon.

White ball. Pinasa ni Hunter kay Daemon yung bola. Nasalo naman niya ito pero gwinardyahan siya ni Ash.

Drinibble-dribble ni Daemon yung bola at nagpakawala ng jump shot beyond the 3 point line.

Black ball. Nagpupuyos na sa galit yung apat. Nalulusutan kasi sila ni Daemon at nassteal nito yung bola.

Wave dunked the ball pero nablock ito ni Daemon kaya lumagapak si Wave sa flooring.

"DAEMON CONTROL!!" I shouted napatingin naman siya sakin at nagthumbs up. Napabuntong hininga na lang ako.

Sunod-sunod ang puntos ni Daemon at agad silang nakahabol kina Crimson. Lalo't halos puro drive ang ginagawa ni Daemon eh masyadong mabilis ang reflexes namin.

They tried to push him pero hindi ito natutumba, kaya kahit nagkakapisikalan na walang nakocall'n ng foul.

Napatakip na lang ako ng mata when I saw Daemon jump from the free throw line and dunked the ball. Narinig ko pa ang pagbasag ng glass board. Napatingin ako kay Daemon and there he is holding the ring na natanggal na from the board.

"I said control. Tsk." I murmured. Pansamantalang tinigil ang laban at masayang lumapit sakin si Daemon.

"5 point lead." He grinned.

"Uyy stupid. May pumasok na langaw." Turo ni Daemon sa bibig ni Daisy. Ngayon ko lang napansin na laglag ang panga nito at nakatitig kay Daemon.

"Daisy..." yugyog ko pero walng response.

"Anong ginawa mo?" Tanong sakin ni Daemon.

"Uyy di ko kasalanan yan." I said. Biglang binatukan ni Daemon si Daisy.

"Aray naman!!" Singhal ni Daisy dito.

"Kanina ka pa tulala sa kagwapuhan mo, binabaha na kami ng laway mo." Ingos ni Daemon dito. Namula ang mukha ni Daisy at agad na nagpunas ng bibig.

"Nakakainis ka! You're so grrrrr!!" She gritted her teeth. Nagkatinginan kami ni Daemon at sabay na natawa.

Inannounce na nila na stop na ang game dahil matatagalan ang pagfix ng board. Yung main board kasi ang ginamit at hindi yung mga pang practice lang.

"We won! Sagutin mo na si Throne???" Daisy giggled.

"I never agreed to that." Irap ko.

"Paasa, pafall." nguso ni Daisy sakin.

"Oh eh di kaw na sumagot sa kanya." Belat ko.

"Ayoko nga! Hindi naman siya gusto ko!"

"Eh sino gusto mo?" Daemon grinned.

"Ikaw!" Nanlaki ang mga mata ni Daisy at agad na binawi yung sinabi. "I mean, hikaw! May hikaw siya sa left ear niya. Ganun kasi tipo ko, yung mga pabadboy ha-ha err.." Tarantang sabi nito at nagpunas ng pawis.

"Galing mo talagang magpanggap." Daemon murmured pero hindi ko naintindihan yung dulo. Feeling ko tuloy may tinatago sila sakin.

"Sasama ba kayo? Pupuntahan ko si Throne." Sulpot ni Hunter.

"Ah oo." I said. Nauna na siyang naglakad at sumunod na lang kami. Napalingon ako sa grupo nila Crimson na ang sama ng tingin samin. Napabuntong hininga na lang ako.

"Nag-iinarte lang yun hindi naman talaga yun napuruhan." Sabi sakin ni Hunter.

"Mabuti naman, kala ko ikakamatay na niya yun eh." I laughed.

"Pwede. Kapag hindi nakapagpigil si Crimson, obvious naman kanina, nagseselos siya kaya niya nasaktan si Throne. Ano ba kasi ang real status niyo? Sobrang complicated."

I sighed. "Ewan ko ba, he didn't listen to me, hinusgahan niya ko agad. I thought kilala na niya kung sino ako, alam naman niyang never akong nagsinungaling pagdating sa mga nararamdaman ko, if he thinks I just used him then let him be, I love him, that's the truth, hayaan mo siyang magdusa." Bitter na sabi ko.

"Pero pareho naman kayong nagdurusa, ewan ko ba sa inyo, pinapahirapan niyo mga sarili niyo." He laughed.

"Hayaan na, mas mabuti ng natapos ng maaga, in the end hindi rin naman kami ang para sa isa't isa." I sighed. Tinignan lang ako ni Hunter at nagkibit balikat. Pumasok na kami sa clinic.

"Kamusta ka na?" I asked. Agad na napalingon samin si Throne at ngumisi.

"I heard nanalo daw tayo?" He grinned.

"Parang ganun na nga." Tawa ni Daemon.

"Yes! Iend niyo na ang engagement niyo, tara na't magpakasal." Hila sakin ni Throne kaya binatukan ko na.

"Tigil-tigilan mo ko ah?! Baka naman nagpasubstitute ka lang talaga kay Daemon kasi alam mong wala na kayong panalo?" Taas kilay na sabi.

"Uy sobra ka naman sakin." He pouted. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Tara na nga, inaantok na ko gusto ko ng umuwi." I said.

"Sige tara na." Bigla niya kong inakbayan palabas ng clinic. Nsa tabi ko si Hunter tapos sa likod naman sina Daemon.

Natigilan kami ng makasalubong namin sina Kristine.

"Mukhang ok ka naman." Wave said.

"Pano naman ako hindi magiging okay, kaw ba naman sagutin ng babaeng gusto mo? Heaven tol." He grinned. Nanlaki ang mga mata ko at agad na inapakan yung paa ni Throne kaya napahiyaw ito sa sakit.

"Mukhang kailangan mong bumalik sa clinic, hindi atah nagamot ang pagkabagok ng ulo mo." Irap ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may humila sakin. Napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak niya ng mahigpit habang kinakaladkad niya ko palayo.

"T-Teka lang. Saan ba tayo pupunta?!" I tried to pull my hand pero hindi niya ko pinansin.

Napangiwi na lang ako ng bigla niya kong itulak papasok sa kotse niya. Bwisit isang sipa ko lang dito lilipad na toh.

"Saan ba tayo pupunta?!" Singhal ko when he started the engine.

"Sa lugar kung saan akin ka lang." Crimson hissed.

LHORRAINE's POV

Napatingin kami kay Throne na tatawa-tawa
lang habang nagkakamot ng ulo ng tangayin ni Crimson si Jana.

"Throne, follow your dreams." Daisy suggested.

"Pano ko siya susundan eh pinilay na nga niya ko." Ngiwi nito.

"Malala ka na. Umuwi na nga tayo." Irap ni Hunter dito.

"Buhat mo muna ko." Nagpapacute na sabi ni Throne kay Hunter.

"Aish, oo na! Sakay na!" Singhal ni Hunter dito at sinakay sa likod si Throne.

Kambal nga naman.

"Grabe ang sweet niyo naman. Kinikilig aketch." Tawa ni Daisy.

"Tumigil ka nga ipabuhat ko sayo ito eh." Irap ni Hunter dito.

"Goodluck bro." Tawa ni Daemon. Nagbrofist silang tatlo bago tuluyang umalis yung kambal.

Matagal ko ng napapansin ang pagbalik ng ugali ni Daemon, yung masayahin at palangiti. Yung dinadaan niya lang sa tawa lahat ng problema.

Kasalukuyan silang nag-aasaran ni Daisy ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ash sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, kunot ang noo nito.

"Don't look at him intently as if your jealous." Kinuyom ko ng maigi yung bibig ko para pigilan ang pagngiti.

"Naninibago lang ako." I said.

"About what?"

"His actions, naging light na lang hindi gaya ng dati na lagi siyang seryoso."

Napatingin ako sa gawi nina Kristine at Wave. Nagkabalikan na sila pero nagkakailangan pa rin, bumalik na kay wave yung singsing.

Si Rose at Leif naman nag-uusap din pero parang walang development ang relasyon nila.

"Ihahatid na kita, baka pagod ka na." Ash said.

"Ikaw? Ikaw yung naglaro eh." I pouted.

"How many times do I have to tell you to stop pouting Lhorraine?? You're making this hard for me." He breathed.

Ano na naman ba ang problema niya? Lagi niya na lang ako pinapagalitan kapag napapanguso ako. Grabe ang ewan niya.

I silently let my healing wind enter his body para mawala yung pagod niya.

"Why do I always feel refreshed and energized when I am with you?" He whispered. Natigilan ako sa sinabi niya, nakakahalata na kaya siya??

"I- I--"

"Lhorraine, hindi pa ba tayo uuwi?" Pagsalba sakin ni Rose.

"You don't have to be nervous, siguro masyado lang kitang mahal kaya ganun." He chuckled.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

"Stop na muna yan love worms. Nakakapangilabot kayo, uwi na tayo." Bitter na sabi ni Kristine.

Natawa na lang kami ni Ash.

"Hindi na kami sasabay sa inyo, may kailangan lang kaming tapusin." Rose smiled. But again with that creepy smile.

"Daemon, uwi na tayo!" Tawag ko dito na nakapagpahigpit ng hawak ni Ash sa kamay ko at nakapagpaalerto kina Wave at Leif.

"What's this?" Bulong ni Ash sakin.

"Uuwi na kayo? Ang aga naman." Daisy pouted. "Hindi mo ko ihahatid?" Daisy asked Daemon.

"Umasa ka." Daemon smirked at naglakad papunta samin.

"Sige uwi na tayo." He smiled at nauna ng naglakad diretso sa parking lot.

"Lhorraine..." Naguguluhang tawag ni Ash samin.

"We need to end this issue Ash, we can't keep hating them, there is a reason behind all of these." I said.

"Sige na Ash pakawalan mo na ang gummy worm mo. Hindi namin hahayaang kunin siya ulit ni Daemon." Kristine chuckled.

Pinanlakihan ko ito ng mata ng maramdaman ko ang pagpisil ni Ash sa kamay ko.

He sighed. "Sige, tawagan mo ko agad."

Agad kaming dumiretso sa bahay, dahil magkaiba kami ng sasakyan ni Daemon.

Naabutan namin siyang preskong kumakain ng popcorn habang nanonood ng spongebob.

"Oh! Andito na pala kayo." Biglang sulpot ni Yancey tsaka lang kami napansin ni Daemon at nag-ayos ng upo.

"Dito na tayo mag-uusap? It's kinda informal and wala si Jana." Kristine said.

"Hayaan niyo na si Jana, in the first place sumusunod lang siya sa gusto ko." Seryosong sabi ni Daemon pero hindi ko nagustuhan yung tono niya.

"Sige dun tayo sa conference room." Yancey suggested.

ROSE' POV

Ewan ko pero kinakabahan ako. Mali bang nagalit kami sa kanila? Why do I feel like kami ang guilty dito?

Dumiretso kami sa conference room at nagkanya-kanya ng upo sa mga dekolor na silya.

White- Lhorraine
Red- (wala si Jana)
Blue- Kristine
Green- ako
Yellow- Daemon

Black- Yancey

"I wanted you all to know that I won't let Daemon talk about this issue. He already told me his side and as a Royal Knight, I am here in behalf of the defendant."

"W-what? So hindi ka nasa panig namin?"

"I'm neutral, dahil alam ko ang nararamdaman niyo, it's hard to be naive about something that concerns ourselves. Pero gaya nga ng sabi ko I can't let Daemon talk. He's still under observation." Yancey said.

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Under observation of what?" I asked.

"I'm gonna answer other questions later, let start from the very beginning." Yancey started. Parang mas bumigat ang paghinga namin dahil atat na atat na kaming malaman ang totoo.

"It was years ago ng malaman ng mga magulang mo Lhorraine na may taning na ang buhay mo." Nanlaki ang mga mata ni Lhorraine sa gulat.

"W-what? I was totally healthy then!"

"Hindi, hindi ka gaya ng mga normal na bata noon. Lagi ka lang nasa Wind Castle at naglalaro sa may garden. Si Daemon at ang mahal na reyna ay dumating noon sa kastilyo para bisitahin ang iyong Ina na kapatid ng mahal na reyna."

"Wala kang kamuwang-muwang noon dahil naglalaro ka lang ng masaya kasama ang mga baby pegasus. That was the time Daemon first saw you."

"Pinakiusapan ng iyong Ina ang Mahal na Reyna na gamutin ka. But the queen couldn't. Alam mo ba kung pano ka nagkaroon ng kapangyarihang manggamot?"
Yancey asked Lhorraine.

"Nakuha ko yun kay Lolo. Nasa lahi namin yun." Lhorraine said.

"Ang healing powers ng mga Wind Demons ay naipapasa lang through their first direct descendant. And in the case of your family, ang Mahal na Reyna ang nakamana ng Healing Powers ng Lolo mo na naipasa niya kay Daemon, you never had that power in the first place." Yancey said.

Napansin naman ang pamumutla ni Lhorraine. "Y-You're lying.." Gumaralgal ang boses ni Lhorraine.

"Nalaman ng iyong Ina na nakay Daemon na ang Full Healing Powers, ang kakayahang manggamot ng iba at ng kanyang sarili. She begged Daemon to take good care of you, na pagalin ka niya araw-araw. Tinanggap yun ni Daemon ng walang pag-aalinlangan cause he himself wanted to see more of your smiles. He was so young then, yet he realized that if he could do something to keep you smiling then he would do everything he could."

"That's also the reason na kapag nagkakagalit kayo ni Daemon, Kristine sa isang halik niya lang gumagaan na ang loob mo. Daemon specializes in Oral Medication."

"He had to kiss you everyday of your life for you to continue living. Maraming mga Demon ang nakakita and assumed na may relasyon kayo. Daemon need to continue what he is doing dahil kailangan mo rin yun to the point na kailangan niyong iannounce sa iba na magpapakasal kayo." Sabi niya ulit kay Lhorraine. Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko sa narinig.

"Until the day came when you're already totally healed. Napansin din ng mga magulang mo na nagkaroon ka ng healing powers, The Queen find it alarming dahil nahati ang Full Healing Powers sa dalawa at napunta sayo ang kalahati. That's why the both of you can no longer heal yourselves but can only heal others."

"Nagalit ang mahal na reyna dahil akala niya si Daemon naman ang malalagay sa panganib when she saw that Daemon's wounds won't heal that fast anymore, inaabot na yun ng ilang oras."

"Pero hindi na lumaki ang problemang iyon dahil immortal naman si Daemon."

"T-Then how about those times na pinaglalaruan niya ang mga damdamin namin." Tanong ni Kristine habang umiiyak. Hindi ko napansing umiiyak na pala kaming tatlo.

"Ang resulta ng panggagamot ni Daemon ay depende sa kalagayan ng pasyente, Lhorraine was gravely ill, kaya nabura ang alaala niyang magpinsan sila ni Daemon. And you, too Kristine, malala ang kalagayan mo noon kaya may mga bagay ka ring nakakalimutan nagkataon lang na ang nararamdaman po para kay Wave yun."

"But what about me??" Lhorraine sobbed.

"Daemon was protective of you because he feel responsible, he has this fear na bumalik sayo yung sakit mo kapag nalayo ka sa kanya."

"Parang dito lang sa mundo ng mga tao, ang iba kapag dumaan sa operasyon dahil sa malalang karamdaman, nagkakaroon sila ng temporary amnesia at yun ang tawag sa nararanasan niyo."

"Jana was part of the plan, dahil bago pa lamang ito pinanganak nakatadhana na silang magpakasal ni Daemon. Sobra ang pag-aalala ni Jana sa inyo kaya tiniis niya lahat, ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang ama dahil walang ginagawa si Jana para paghiwalayin kayo noon, Jana wanted her friends to heal kahit siya na ang nahihirapan."

"And lately, I went back to Underworld--"

"Yancey, that's enough." Pagpigil ni Daemon kay Yancey.

"What? Ano pa?! Sabihin niyo na samin ang lahat! Pagod na kaming magpakatanga Daemon. May karapatan kaming malaman ang totoo." Kinagat ko ang nanginginig na labi ko para pigilan ang paghagulgol.

We didn't know they were suffering like this tapos nagalit pa kami sa kanila.

"Nanggaling ako sa Underworld, and I saw that time ther was frozen."

"A-ano?" Halos sabay-sabay naming tanong.

"I learnt that Daemon did that. He has the power to freeze time for a definite span of time."

"Pano ka nakakuha ng ganung kapangyarihan? Namana mo rin ba?" I asked Daemon pero hindi siya sumagot.

"Please Yancey, not this. Tama na yung nalaman nila." Daemon almost pleaded.

"They have the right to know Daemon." Yancey sighed and looked at us, "Daemon underwent something terrifying just to have that temporary power. He gave up his immortality."

"What?!" Halos sabay-sabay kaming napatayo sa gulat.

"B-bakit mo ginawa yun?! Makakaramdam ka na ng sakit!" I furiously said.

"Ironically, ang naiwan sa kanyang Healing Power ay Absorption. A kind of healing power that absorbs anyone's pain. That's why whenever he gives Kristine energy, napupunta lahat sa kanya ang sakit at panghihina ni Kristine, he suffered only at nights, that's why he never had sleep since he came here."

"I-Impossible, D-Daemon, w-why would you do that?" Kristine sobbed.

"Because, I love you, I would do everything--" hindi na natuloy ni Daemon ang sasabihin niya dahil sinunggaban na namin siya ng yakap.

Pilit kaming humihingi sa kanya ng tawad habang nagkakaiyakan na kami dito sa loob. Napansin ko ang pagtayo ni Yancey at pagtingin sa labas ng bintana para palihim na punasan ang luha.

BACK TO JANA's POV

Nagulat ako sa lugar kung saan niya ko dinala.

Ang lugar na pinakakinatatakutan ko sa lahat.
.

.

.

.

.

.

Ang dagat...

And worst balak pa niya kong pasakayin sa yate niya. Pano ako makakasay dun ng hindi lumulusong sa tubig?!

"Halika na! Wag ka na ngang mag-inarte diyan!" Singhal nito sakin.

Napapatakbo ako palayo dahil lumalapit sakin yung tubig dagat. Gusto ko ang tama ng init ng araw sa balat ko pero hindi ang pagtama ng tubig dito.

Para ang tinutunaw sa asido.

"Crimson, w-wag dito maawa ka. Ilayo mo ko sa lugar na toh." I almost cried. "Aray!"

f*ck! Napaupo ako sa dalampasigan ng maabot ng alon yung paa ko at nakita ko ang pag-usok nito.

"Jana! Jana! Are you okay?" Agad akong binuhat ni Crimson at pinaupo sa may hammock na nakatali sa dalawang puno ng niyog.

Napayakap na lang ako sa kanya dahil sa sakit ng paa ko...

"Ayoko dito please ilayo mo ko dito." I cried..

"Why? M-may phobia ka ba sa dagat?" He asked pero murmurs na lang ang pagkakakrinig ko dun at tuluyan ng nagdilim ang buong paligid.

------
Tbc..

Are you all still mad at Daemon?? ^^
We tend to weigh more those negative effects someone has brought than positive ones.
We never actually heard Daemon's true story but we already judged him.
Guilty? Or not guilty? Lols.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top