Mission #58 Jealousy
JANA's POV
"Nadamay ka pa tuloy." Sabi sakin ni Daemon bago ako abutan ng burger yum na pinadeliver pa talaga niya.
"Ayos lang yun, alam mo namang hindi kita pwedeng pabayaan." I said.
"Buti na lang andito ka Jana, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag lahat kayo galit sakin." He said at umupo sa tabi ko sabay inom ng drinks niya.
Sabay kaming natigilan ng dumaan sina Lhorraine, Kristine, Rose, Daisy at He Royals sa hallway.
Pati nga sila natigilan ng makita kami ni Daemon dito sa may park na parang nagpipicnic.
Nasaktan ako ng makitang nag-iwas ng tingin si Crimson pero laking gulat ko ng biglang pumunta sakin si Throne at yakapin ako.
"Saan ka ba galing?! Bakit ka nagcutting!" Pektos nito sakin.
Napangiwi na lang ako, "H-Hindi ka galit sakin?" I asked. Bigla niyang kinagat yung burger ko at ngumisi sakin.
"Lakas mo sakin eh." He grinned. Napangiti na lang ako.
"Salamat Throne." I smiled.
"Throne, alis na tayo!" Tawag ni Hunter kay Throne. Nagsimula na rin silang maglakad paalis.
"Mauna na kayo, dito na lang ako kay Jana." Throne grinned. Tumango naman si Hunter at sumunod na sa mga kasama nila.
"Pahingi ha?" Throne asked Daemon.
"Tanungin mo si Jana. Sa kanya lahat yan." turo ni Daemon sa sampung burger na inorder niya.
"Dapat assorted ang pinabili mo! Napakaunhealthy ng mga kinakain mo!" Pektos ulit sakin ni Throne.
Natawa na lang ako. "Ewan ko sayo, nakikikain ka lang eh." Belat ko dito.
Hindi naman mainit ang dugo ni Throne kay Daemon dahil kinakausap naman niya ito. Para na nga silang magkakilala, feeling close talaga ito.
"PE mamaya, maglalaro kami ng basketball, cheer mo ko ha?" Sabi ni Throne.
"Ah oh sige, darating kami." I smiled.
"Gawa ka rin ng banner tol para makita ko kayo." Throne grinned at Daemon.
"Sige ba." Daemon said at nakipagbro fist kay Throne.
"Ang close niyo ah?" I chuckled.
"Halika na nga! Kakausapin pa natun si Yancey." Hila sakin ni Daemon, kumawat na lang ako kay Throne.
--------------
"Hayaan niyo na sila, maging ako walang alam sa pangyayari, so I did a research, bumalik ako sa Underworld." Yancey started.
"Kamusta na dun?" I asked immediately.
"Time still is frozen and I heard kagagawan mo yun Daemon, just how many years of your life have you sacrificed para lang makuha ang kapangyarihang yun?" Yancey asked Daemon.
Agad akong napatingin kay Daemon, the day na umalis kami ng Underworld, he was really able to stop time pero ako lang ang nakakaalam nun.
"Oo nga pala, immortal ka, ano ang sinakripisyo mo Daemon?" Yancey asked.
"I gave up my... immortality."
"You what?!" Halos sabay naming sigaw ni Yancey.
"Daemon bakit mo ginawa yun?!" I almost cried. He's now as vulnerable as we are now.
"I need to freeze time para mas konti ang maging damages sa Underworld. We are staying here quite long, kapag tuloy-tuloy ang oras dun. Baka ngayon naghahasik na rin ng lagim sa mundo ng mga tao si Hades."
"I also found out that whenever you try to heal someone, napupunta sayo lahat ng sakit na nararamdaman nila. Have you been in pain this whole time?" Yancey asked.
Nanlalaki lang ang mga mata ko sa narinig.
"I suffered at nights, I haven't slept since the day I came here. Mahal ko silang lahat and I'm willing to give up my life for them." Sabi ni Daemon at tumingin sakin.
"About Lhorraine's issue?"
"Lhorraine really is my cousin, her Mom beg me to marry Lhorraine, so she can continue living, Lhorraine was suffering from a grave illness before--she had a heart failure, her Mom and my Mother asked me to take good care of Lhorraine, there were some who saw me kissing her kapag inaatake siya so they assumed that we had really a relationship. Lhorraine got her healing powers from me. And eventually, my feelings for her became deeper."
"And you went through all this in silence?" Yancey asked.
"I'm a man, I need to endure those." Daemon said. "Kristine is a sister to me and I want her to keep living. Lhorraine is my precious cousin, and I'm happy I was able to cure her. Rose, gave me joy, she's my energizer, doctor and lecturer and Jana, you are my strength and comforter."
"Why don't you tell them?" Yancey asked.
"I'm no longer the ideal man they thought I am, for them, I am the worst. I already did my part and I'm satisfied with it."
Yancey sighed. "Okay then, makakaalis na kayo." Yancey smiled at us. Lumabas na kami ng office. Pareho kaming natahimik ni Daemon.
I slowly touched his hand kaya napatigil ito sa pagkalakad at tumingin sakin.
"Salamat hindi mo ko iniwan." He said at hinalikan ako sa noo. I smiled at him.
Agad kaming napalingon na may marinig na suminghap.
"Ah sorry! Did I interrupt something?" Daisy asked.
"Are you stalking me?" Iritang tanong ni Daemon kay Daisy.
"Hoy excuse me bampirang labanos, ano mapapala ko pag inistalk kita?!" Irap ni Daisy dito.
"You like me, don't you?" Daemon grinned.
Nanlaki ang mga mata ni Daisy at namula ang mukha.
"H-Hoy! Ang kapal mo ah?! Nandito lang ako to talk about our deal." Daisy said.
"Deal?" I asked.
"It's nothing, mauna ka na sa gym. Kakausapin ko lang siya." Marahan akong tinulak ni Daemon palayo na pra bang ayaw niyang iparinig sakin kung ano naman yung pag-uusapan nila.
Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa gymnasium.
DAISY's POV
"Now what?" Nakapamewang akong nakaharap sa kanya.
"Hindi ka nag-iingat! You open that up infront of Jana."
"Eh kasi naman mister, wala na akong alam sa mga mangyayari, akala ko ba partner tayo?" I asked.
"Dream on miss. I told you, gagamitin lang kita." He rolled his eyes.
"Oh pwes antagal ko ng hinintay na gamitin mo ko."
Bigla aiyang tumawa. Ewan ko ba nababaliw na atah to.
"You're stupid." He laughed.
"I'm what?!"
"Nothing, I need you to make a banner for Throne." He shifted the topic.
"Banner? Si Throne?! Bakit?"
"Jana and I have to cheer for him, sumama ka na lang din."
"Ayoko nga." Irap ko.
"Bahala ka... Remember I have Jana. Alam mo kung pano magalit yung babaeng yun." He smirked at nakapamulsa ng naglakad paalis.
"Aarrggghhh! Bakit ba kasi ang bilis mo kong mapaOO!" I mumbled.
.
.
.
JANA's POV
Nandito na ko sa may benches, kasalukuyang nagwawarm up sina Throne pagpasok ko. Natigilan pa ko ng makita sina Lhorraine sa may benches.
Yumuko na lang ako at dumiretso sa vacant seats sa gilid.
"Asan si Daemon?" Biglang sulpot ni Throne.
"Ah kausap si Daisy." I smiled.
"Ah ganun ba, sige cheer mo ko mamaya ah?" He grinned. Tumango na lang ako. Bago siya dumiretso sa gitna at nagwarm up.
Nagsimula ng dumagsa ang mga tao, pero walang umupo sa row ko. Hanggang sa dumating si Daemon na may dalang pagkain.
Sumunod rin si Daisy na may hawak na banner.
"Ang bilis mo naman?" Daemon asked Daisy at umupo ito sa tabi nito.
"Ako pa, painter atah toh." She grinned at inabot sakin yung banner na nakatupi.
Binasa ko yun kaso natawa na lang ako.
Maganda nga ang lettering pero andaming hearts na nakalagay.
Go Throne!
Love,
Jana
"Yan para mainspire si Throne." She grinned.
Nagsimula ng maghiyawan ang mga audience. Pati tuloy ako naexcite sa napapanood ko.
"Ah Jana! Kailan pala matatanggal sa blacklist ang he and she royals?" Napatingin ako kay Daisy pati nga si Daemon napatingin din sa kanya.
"H-Hindi ko alam, sina Lhorraine na bahala dun." I sighed. "But I think He Royals lang naman ang matatanggal."
"WHAT?!"
Nagulat ako sa reaction ni Daisy.
"Sorry I mean, why? Diba di na naman kayo ginugulo nina Jheraine?" Medyo naiilang na sagot nito.
"Ewan ko." kunot noong sagot ko. Muling naghiyawan ang mga students ng magsimula na yung laro.
Kinakabahan na rin ako pero ang atensyon nasa iisang tao lang.
He looks so mad na halos lahat na ng makasalubong niya iniiwasan siya at hinahayaan na lang magshoot.
"Jana itaas mo yung banner kanina ka pa hinahanap ni Throne." Siko sakin ni Daemon.
"Ayoko nga. Nakakahiya." I pouted.
"Sige na itaas mo na, natatalo na yung team nila." Siko ulit nito sakin.
Magkalaban kasi ang team nina Crimson at Throne.
Si Hunter lang ang kasama ni Throne sa group niya na kilala ko.
"Eh nakakahiya nga kasi."
"Nagpromise ka diba?"
Napabuntong hininga na lang ako.
"May tiwala ako sa lakas ng boses mo." he grinned.
Malakas talaga ang boses ko to the point na pagnasobrahan ko talagang magkakaroon ng earthquake.
"Daemon naman..."
"Tignan mo 13 points na ang lamang nina Crimson! Nangako ka kay Throne na ichicheer mo siya diba?"
"Pero..." Napatingin ako sa baba. Obvious ngang dehado na sila Throne. Mukhang pagod na pagod na rin ito.
"Jana..."
"Oo na! Oo na wait lang kasi." Irap ko. Bigla itong tumawa.
Napairap na lang ako and started to breath deeply. Kailangan ko ng maraming hangin.
Pinalobo ko yung tiyan at pisngi ko.
"GO THRONE!! IPANALO MO TO PARA SAKIN!!" I shouted.
Narinig ko pa ang pagecho ng boses ko at pagtahimik ng buong gymnasium.
Nirelax ko muna yung sarili ko bago ako tumingin sa baba. Natigilan ako ng makitang lahat ng player nakatingin sakin at tulala.
"OO BA BASTA PAG NANALO AKO SASAGUTIN MO NA KO!!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Throne. Feeling ko namutla ako sabay ng pag-ingay ng gymnasium at pagwagayway ni Daemon ng banner.
Nagsimula na ulit ang laban. Kanina pa nakangiti si Throne at sunod-sunod ang pagpuntos nito.
Everytime na nakakashoot ito, nagflaflying kiss siya sakin. Kaya napapayuko na lang ako sa hiya.
*prrrrttttt*
"Personal Foul! Black no. 7. " Napatingin ako sa game. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Throne na nakadapa sa sahig at namimilipit sa sakit habang nakahawak sa sikmura.
Habang si Crimson nasa tabi nito nakataas ang kamay at nakatingin ng masama sakin.
"This is going according to plan." I heard Daemon murmured pero hindi na nagsink in sa utak ko.
*gulp*
Ngayon lang ulit ako kinilabutan ng ganito.
-----tbc
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top