Mission #57 Revenge Declaration

ROSE' POV

Natigilan ako sa pagtugtog pati si Kristine na pinipilit lang umawit natigilan din dahil sa biglaang paglusong ni Ash sa tubig.

"He couldn't do anything, they're an hour late." I murmured.

Napalingon ako ng biglang mawalan ng malay si Kristine na swertehang nasalo ni Wave.

Binaba ko yung harp ko at lumapit sa kanila.

"Sige magpahinga ka na." I said at napatingin kay Wave. "Kaw muna bahala sa kanya, she's really not feeling well."

Tumango naman si Wave at binuhat si Kristine.

"Ang g*go ni Ash." I heard Hunter cursed.

"Wag ka ng pumunta." Pigil ni Jana kay Daemon na nagpupumilit na lumusong sa tubig.

Right after naming nalaman na may sabwatan sila sa panloloko samin parang lumayo na rin ng konti ang loob namin sa kanilang dalawa.

Lumubog na ang araw at tanging ang mga lumulutang na kandila na lang ang nagsisilbing liwanag sa dagat.

"Umuwi na tayo." Yaya samin ni Yancey.

"Uuwi na kayo? Pero nandun pa si Ash." Leif said.

"Iuwi niyo na rin yung kasama niyo. Sa kanya niyo na lang ipasunog yung bangkay ni Lhorraine." Cold na sabi ni Yancey at umalis na.

Napatingin ako kina Jana at Daemon na nag-uusap ng masinsinan at mukhang hindi narinig yung sinabi ni Yancey.

"Jana, Daemon, uuwi na raw tayo." Tawag ko sa mga ito kaya napatingin sila sakin.

"Pero si Lhorraine..." Jana said.

"Hayaan na natin sila." I said coldly at naglakad na rin paalis ng may maramdaman akong humigit sa braso ko.

"Bakit aalis na kayo?" Leif asked.

Kumunot ang noo ko. "Wala ka ng pakealam dun." Irap ko at piniksi yung braso ko.

Dumiretso kami sa sasakyan ni Yancey, wala doon si Kristine dahil nasa kotse ito nila Wave.

Dumiretso na kami sa mansyon. Nagkanya-kanya kaming diretso sa mga kwarto namin para magpalit.

Sumunod na ring dumating sina Kristine pero laking gulat na lang namin na buhat-buhat na ni Ash si Lhorraine at basa na ang damit nito.

"Bakit mo siya iniuwi?" Jana asked.

"Gumalaw yung daliri niya kanina." tuwang-tuwang sabi nito. Agad akong lumapit kay Lhorraine at kinapa ito.

"Wala siyang pulso at hindi siya humihinga baka imagination mo lang yun Ash." I asked.

Inihiga niya si Lhorraine sa couch.

"No, tignan mo, lumalambot na yung katawan niya." He said at ginalaw yung kamay ni Lhorraine.

"Ash, it's getting creepier! She's been dead for 3 days!! Impossible na siyang mabuhay."
Leif said.

"Malakas ang kutob ko, she's still alive."

Umupo ako sa tabi ni Lhorraine at pinulsuhan ito. Pumikit at nakiramdam ng mabuti.

Kumukunot ang noo ko dahil may nararamdaman akong mumunting pulso.

"Rose, ano?" Napamulat ako ng mata ng marinig ang boses ni Daemon.

"W-wala namang pinagbago." I lied and gulped.

"A-awww" Napatingin kami kay Kristine sa kabilang couch na pilit bumabangon.

"Kristine wag mong pilitin." Jana said. Napatingin si Kristine sa paligid niya at mukhang nagtaka pa ng makita kung sino ang nandito.

Napatingin siya sa suot nito.

"M-magpapalit lang ako." She said at agad na tumayo pero bigla siyang nahilo at nasalo ni Daemon.

"Bitawan mo ko!" Kristine squealed at tinulak si Daemon kaya sabay silang napaupo sa sahig.

Nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto niya si Kristine kahit pa ilang beses itong madapa pero hindi na namin napigilan si Daemon na sumunod dito.

"Aaaahhhhhh!!!!" Kristine screamed.

Agad kaming napatakbo papunta sa kwarto ni Kristine pero nakalock ito.

"Daemon wag mo siyang pilitin!!" Sigaw ko and tried to open the door.

"What's happening here?!" Tanong ni Wave.

"Wala. Bantayan niyo na lang si Lhorraine--"

"Nooo-- .... Ayok--..."

"Daemon! Anong ginagawa mo?!" Sipa ni Wave sa pinto pero hindi ito mabuksan. Pati sina Crimson nakisama nasa paggiba ng pinto.

Sigaw lang ng sigaw si Kristine like she's crying for help.

"Ako na..." I said, tumabi naman sila, maybe alam na nilang kahit anong gawin nila hindi matutumba yung pinto.

Hinampas ko yung pinto kaya bumagsak ito sa sahig.

Naabutan namin si Daemon who is on top of Kristine habang hawak-hawak nito ang dalawang kamay niya sa taas ng ulo niya.

Kung titignan mo para talagang sexual harassment kaya sumugod na sila Wave at pinagtulungan si Daemon.

Agad na sumiksik si Kristine sa gilid at humagulgol.

"G*go ka! Ang baboy mo!" Singhal ni Leif dito at binigyan siya ng suntok.

Napapaiwas na lang ako ng tingin dahil hindi gumaganti si Daemon at tinatanggap na lang yung mga suntok at sipa mula sa anim.

Napatingin ako kay Jana na nakayuko lang at mukhang nagpipigil.

JANA's POV

I bit my lower lip. Sobra na, marami ng pinagdaanan si Daemon. Marami na rin siyang sinakripisyo para samin.

Agad akong pumagitna sa kanila kaya ako ang tinamaan ng suntok sa mukha.

"Jana! S--Sorry! Umalis ka diyan!" Singhal ni Crimson. Dahan-dahan akong humarap sa kanila. Pero hindi ko na napigilang umiyak.

"Tama na please. Huwag niyo ng saktan si Daemon." I cried.

"Pero Jana nakita mo naman yung ginawa niya kay Kristine." Throne said.

"Oo, siguro sa point of view niyo hindi maganda yung ginawa niya pero hindi niyo alam kung bakit niya yun ginagawa eh! Naisip niyo ba kung bakit ang lakas naman ng loob niyang gawin yung iniisip niyo kahit nandito tayo? Kasi hindi naman talaga yun ang gusto niyang gawin." I sobbed.

"Then what is it? Obvious naman na ayaw ni Kristine yung ginagawa niya! Sexual Harassment talaga yun!" Ash insisted.

"Hindi niyo maiintindihan kahit sabihin ko sa inyo! Kahit tanungin niyo si Kristine walang balak na masama si Daemon sa kanya." I almost pleaded.

Napatingin silang lahat kay Kristine na inaalo na ni Rose.

Hindi sumagot si Rose at nag-iwas lang ng tingin. Mula noon naging malayo na ang loob nilang dalawa samin.

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol Jana? Eh balak atah kayong tuhugin niyan eh!" Sigaw ni Crimson sakin.

I bit my lower lip.

"Hindi naman siguro masamang magmahal." Biglang sabi ni Daemon.

"Mahal?! Anong alam mo sa salitang mahal?! Yung nakikipaghalikan ka in public kahit may fiancé ka na? Pagmamahal ba tawag mo dun?!" Singhal ni Ash dito at hinigit yung kwelyo ni Daemon pero agad naman akong umawat.

"Stop it! Ano ba?! Hindi engage sina Lhorraine at Daemon!" I shouted.

"Ano?! Pero diba..." Hindi na naituloy ni Leif ang tanong niya kaya nagkatinginan silang anim na animo'y naguguluhan.

"Oo alam namin mali yun, pero I need to let Daemon do that kasi gusto ko siyang maging masaya. Gusto kong makasama niya yung taong mahal niya habang pwede pa.

I let him do that to Kristine kasi alam naming pareho that there's something good will happen.

But I never told Daemon about Rose' feelings towards him dahil ayokong masira ang pagkakaibigan nila..

In short, may pananagutan din ako dito." I tried to speak straight kahit gumagaralgal na yung boses ko.

"H-how? Ano ba talaga ang relasyon mo kay Daemon, Jana?"

"Si Daemon..." Napatingin ako kay Daemon. Hinawakan niya yung balikat ko at tumango. "Ako ang totoong fiancé niya."

Napansin ko ang pag-atras ni Crimson sa narinig.

"Lhorraine said..." Hindi natuloy ni Ash yung sasabihin niya dahil hindi ito makapaniwala.

"Gaya nga ng sinabi ko... ginawa namin yun para makasama niya si Lhorraine."

"Niloko niyo kami??" Crimson asked. Ayokong sagutin yung tanong niya dahil halata sa boses niya ang nararamdamang sakit.

"Hindi naman sa ganun..."

"Ginago mo ko Jana! Ginago mo mga kapatid mo! Anong klase kang tao?! Anong klase kayong tao?!" Singhal ni Crimson samin bago niya hampasin yung pader sa tabi niya.

Napahagulgol na lang ako.

"Ganun mo ba siya kamahal para lokohin ang mga kapatid mo ng ganun na lang?!"

"Hindi mo naiintindihan..."

"Minahal mo ba talaga ako Jana? O pati yun lokohan lang??"

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Pero ewan ko't hindi na rin ako makasagot.

LHORRAINE's POV

"You had proven your worth.
You had defeated your greatest enemy--your self and broken the curse.

You are worthy to be a Wind's Elemental Princess."

Agad kong minulat ang mga mata ko.

I blinked couple of times. Parang pamilyar ang lugar na ito.

Tinaas ko yung mga kamay ko at kinapa yung mukha ko.

"Buhay ako." I murmured at dahan-dahang bumangon habang pinagmamasdan ko ang sarili ko.

Napatingin ako sa taas ng may marinig akong mukhang nagkakagulo. Tumayo na ko at naglakad papunta sa kwarto ni Kristine.

"Minahal mo ba talaga ako Jana? O pati yun lokohan lang??"

Natigilan akonsa narinig. Anong ginagawa nila Crimson dito? At bakit sila nagkakagulo?

"A--"

"Hindi kita kayang mahalin, dahil si Daemon ang papakasalan ko." Natigilan ako sa narinig.

Teka, ilang linggo o buwan ba ko tulog? Bakit iba na agad ang papakasalan ni Daemon?

Napasandal ako sa pader sa labas ng kwarto at nakinig.

"Mula pagkabata kami na ang itinakda kaya pano kita mamahalin?" Jana asked sarcastically pero bakas ang nararamdaman niyang sakit sa boses niya.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.

Napayuko na lang ako at naglakad papasok
sa kwarto ni Kristine.

"Grabe..." I bit my lower lip. Lahat sila napatingin sakin. "Bakit ganito? Kagigising ko lang pero ito agad ang maririnig ko? Ano pa? Ano pang tinago niyo sakin?"

"L-Lhorraine..." halos sabay na banggit ni Daemon at Jana sa pangalan ko.

"Lhorraine let me explain.." agad na dumiretso sakin si Daemon at hinawakan yung kamay ko.

Isang mag-asawang sampal ang binigay ko sa kanya.

"You both really owe me an explanation. Pero sa ngayon, lasapin niyo muna ang ganti ni Lhorraine... Diamond." I hissed at sinapak si Daemon sa mukha before I flipped my hair at dumiretso sa kwarto ko.

----tbc
Sorry natagalan.
Nadelete na naman first draft ko -.-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top