Mission #56 Shadow's Death II

JANA's POV

Hindi tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko at panginginig ng mga kamay ko habang pinupunasan ang maputlang balat ni Lhorraine.

3 days na siyang tulog, hindi humihinga at hindi tumitibok ang puso.

Si Daemon tulala pa rin habang si Rose inaalagaan si Kristine na mas lalong lumalala ang kondisyon dahil sa sakit niya.

"Alam ko masyadong creepy at nakakatakot pero sana naman bumangon ka na Lhorraine mabuhay ka ulit." I sobbed and held her hand na nanigas na.

"Alam mo namang hindi kami kumpleto kapag wala ka." I sniffed. Dahan-dahan kong sinuot sa kanya yung damit niya bilang isang prinsesa.

After ko siyang linisan, nilakasan ko ulit yung aircon, hindi namin alam kung nawala na rin ba ang kapangyarihan niya gaya ni Kristine kaya maagnas na lang yung katawan niya.

Kaya namin nilalakasan ang aircon para mapreserve yung katawan niya.

Agad akong dumiretso sa baba para maghugas ng kamay naabutan ko si Daemon na nakaupo sa sofa at tulala.

Pinunasan ko yung kamay ko at tumabi sa kanya.

"May mga panahon talagang kailangan nating bitawan yung mga bagay na iningatan natin ng matagal." I said.

Tumingin siya sakin and patted my head.
"I knew there's something wrong about her attitude but still I didn't doubt her, mahal ko siya eh and I'm willing to accept whoever or whatever she is."

"In the end wala tayong nakuha, Diamond died, and we never knew kong buhay pa ba si Lhorraine or talagang kasama na siya ni Diamond na matutulog na forever."

"Bakit hindi pa kayo natutulog?" Napatingin kami sa taas kung saan kakalabas lang ni Rose at may dalang palanggana ng tubig.

"Kamusta na siya?" I asked.

"Hindi bumababa yung lagnat niya. Delikado ang masyadong mainit na temperatura sa mga Water Demons." Rose said.

"It's all my fault." Daemon sighed. Tinapik-tapik ko ang likod niya.

"If I haven't been so selfish, sana nabibigyan ko pa ng lakas si Kristine ngayon." He added.

FLASHBACK

Lahat kami tulala, magbebente kwatro oras ng tulog si Lhorraine.

Halos wala na nga kaming mailuha pati si Kristine nauubusan din pala ng luha.

"Sa ikatlong araw niya kailangan niyo na siyang ilibing." Yancey said.

"P-pero hindi naman nag-eevaporate yung katawan niya Yancey, buhay pa siya." Kristine insisted.

"We didn't know what happened on her nung nasa mission siya. We can't let Diamond out again." She said.

Lahat kami nanlumo sa sinabi ni Yancey.

"Pero may paraan pa naman eh, diba? Kailangan lang niya ng magsasalba sa kanya gaya kay Kristine noon, we need her Elemental Knight." Rose said. Nagkatinginan sila ni Kristine at sabay ba tumango.

"But Daemon tried to, alam niyong malakas ang bond ni Lhorraine at Daemon. Pero hindi tumatalab." Yancey said.

"P-pero may iba naman siguro diba?" Naiiyak na sabi ni Kristine.

"How about Ash? Diba naging sila naman ni Lhorraine?" Rose asked.

"Alam niyong wala ng nararamdaman si Lhorraine para kay Ash. Ibig lang sabihin nun wala ng bond sa kanila." Malungkot ba saad ni Yancey.

"P-pero alangan naman kasing tumunganga na lang tayo dito at walang gawin." Again Kristine cried.

I bit my lower lip. Napatingin ako kay Daemon na tulala at nakatingin lang kay Lhorraine.

"Si Ash ang solusyon." I said.

Napatingin sila sakin maliban kay Daemon.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?" Yancey asked.

"Lhorraine and Daemon never had that bond. Yung bond na iniisip niyo." I said.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Rose.

"It was all because of Daemon's power."

"What power??" --Kristine.

"Daemon has the ability to control one's emotion and feelings. The first time Daemon saw Lhorraine, he fell inlove immediately. Minahal niya si Lhorraine ng sobra pa ng inaakala natin but Lhorraine couldn't love him the way Daemon was hoping for."

"Ano bang pinagsasabi mo Jana? You saw how deeply they love each other."-Yancey

"Lhorraine can't love him back because they're cousins..."

"WHAT??!!" sabay-sabay pang napatayo sa gulat silang tatlo. Tumayo si Daemon at umupo sa tabi ni Lhorraine.

"Then, ano yung pinakita ni Lhorraine? Bakit siya lumaban para pakasalan lang si Daemon if she already knew that they're cousins??"--Kristine.

"Gaya nga ng sabi ko, Daemon has the ability to control one's emotions and feelings. Daemon made Lhorraine forget they're relationship and made her fall for him using his powers. Hanggang ngayon nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ni Daemon si Lhorraine."

"Hindi man natin nakikita pero alam ko, Daemon never failed to kiss Lhorraine everyday. Kumbaga sa gamot prang maitainance ang mga halik ni Daemon para hindi mawala ang feelings ni Lhorraine para sa kanya. Sa madaling salita, akala ni Lhorraine mahal niya si Daemon pero ang totoo kinokontrol lang pala siya."

"Pero hinahalikan din ako ni Daemon." Kristine said.

"Yeah, kaya nga nawawala ang feelings mo para kay Wave, makamandag ang mga halik ni Daemon." I said.

"Kaya pala sa ating apat ako lang ang hindi niya hinalikan." Medyo malungkot na saad ni Rose.

"Kasi alam naman nating hindi na yun kailangan." I said.

"Pero ikaw, hinahalikan ka rin naman niya diba?"--Kristine.

"Hindi tatalab sakin ang mga halik niya."

"Why?" Rose asked

"Dahil ako ang nakatakdang pakasalan ni Daemon."

"WHATT??!!!"

"Eh para saan yung laban noon para sa susunod na Reyna?!" Kristine asked.

"Gawa-gawa lang yun ni Daemon para payagan ng mga matataas na opisyales ang relasyon nila ni Lhorraine. Mahigpit na tinututulan ng Palasyo ang relasyon nila noon, he made a bet with them na kapag nanalo si Lhorraine, hahayaan na sila ng Palasyo."

Nakita ko ang pagbigat ng hininga nilang tatlo.

"I can't believe you did that to us Daemon." Kristine said.

Nakayukong napatingin sa direksyon namin si Daemon.

"That's the only thing I can do to have her." He said at inilagay sa pisngi niya yung kamay ni Lhorraine.

"But still you don't have the right to play with our feelings!!" Singhal ni Kristine dito.

"I trusted you! Minahal ka namin tapos ganito lang ang igaganti mo!!" She cried helplessly.

Agad siyang pinigilan ni Rose ng akmang susugod ito.

"I hate you! I hate you! I hate you!!!" Kristine screamed at she summoned her beast form.

"Stop it Kristine hindi kaya ng katawan mo! Aray!!" Rose squealed after siyang makuryente.

Agad na natumba si Kristine at napaluhod sa sahig.

"Kristine control yourself!" Yancey ordered. Unti-unti bumalik si Kristine sa normal form niya pero gaya ng dati hinang-hina na ito.

"Daemon..." I called.

"A-ayo-k-ko. Wag kang la-la-lapit sa-k-kin. Wala kang kasing sama." Hirap na hirap na sabi ni Kristine habang naghahabol ng hininga.

"I need to kiss you." Daemon insisted.

"I said NO!!! Di bale ng mamatay ako kesa paglaruan mo ang damdamin ko." Kristine cried bago ito nawalan ng malay.

Alam niyong may silimarities ang kapangyarihan ni Daemon at Kristine. Daemon can send electrity to Kristine's body through a kiss para bumalik ang lakas nito but I guess malabo ng mangyari yun.

"Dadalhin ko lang siya sa kwarto niya." Rose said at binuhat na si Kristine.

"Rose... pati rin ba ikaw?" Pigil ni Daemon kay Rose.

"I never knew you could actually be this selfish Daemon, hindi na ikaw yung Daemon na minahal ko." Rose said at inalis yung kamay niya sa pagkakahawak ni Daemon.

Umupo si Daemon sa tabi ko. I tapped his back. As he mess his hair.

"I'm also at fault, kinonsinte kita." I said.

"I'm the worst, it's all my fault." he hissed.

"Tama na yan, you better plan for Lhorraine's burial." Yancey said.

"Pero may pag-asa pa tayo, si Ash. Mahal naman ni Lhorraine si Ash." I said.

"Oo, pero pano kung nakamove on na si Ash?" Yancey said. Natigilan ako sa sinabi niya. If that's the case mawawala na yung bond at wala ng makakasave kay Lhorraine.

"No, they still love each other. I'm sure of that." Daemon said.

End

Ilang araw na namin silang kinokontak, hinahanap, pero ni anino ng He Royals hindi namin nakita.

No one would tell where they are.
And it's only 8 hours left before Lhorraine's burial.

ASH' POV

"And now we're done." Crimson said as he wiped his face na natalsikan ng dugo.

Ganun din ang ginawa namin nina Wave.

"Ang hirap niyong hagilapin mga peste kayo." Wave hissed at umupo sa maliit na stool.

Nandito kami sa Palawan. Nalaman na kasi nina Throne kung saan ang kuta ng mga gangs na kakampi ng She Royals na may masamang balak kina Lhorraine.

Gaya nga ng sabi ni Wave, we need to settle everything first. Kailangan naming tanggalin lahat ng tinik sa mga lalamunan namin, hindi namin kakayanin kapag napahamak pa sila dahil samin.

"Hello..." Lahat kami napatingin kay Throne na may katawag sa phone.

Ilang araw na kaming nagmamasid dito, walang signal dahil liblib ang lugar na ito. Swertehan lang sigurong nakakuha siya ng signal.

"Jana..." napatingin ulit kami kay Crimson. "wala masyadong signal dito. Oo... choppy ka.. About who?... Hello... hello.." he said and looked at his phone bago ito ibulsa.

"Anong sabi niya?" Crimson asked.

"I don't know, pero I have a strong feeling na umiiyak siya." Throne said.

"I remember 3-4 days ago. May natanggap akong balita mula kay Daisy." Leif started.

"Anong balita?" I asked.

"Lhorraine wasn't herself, naging bully na daw ito, sinunog yung isang classroom, nagbasag ng mga salamin at hood ng kotse." Leif said.

"Impossible yang mga sinasabi mo." I frowned.

"Pero yun ang totoo, nagawa pa nga niyang hampasin ng baseball bat sa ulo yung mga queens."

"WHAT?!" sabay-sabay nilang sigaw. Natigilan ako sa sinabi ni Leif. Lhorraine will never do that.

"But the last thing I heard, is nung nagkapisikalan daw sina Rose and Lhorraine. They say it was an open cut na dumugo, because after they're fight, Lhorraine's chest started to bleed kaya sinugod siya sa hospital kasama na yung mga nabiktima niya."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Biglang kwinelyuhan ni Crimson si Leif na agad naming inawat.

"Kapag sinabi ko mabubulilyaso ulit itong plano natin. It's not as if anything bad will happen to them, we need to set everything right before taking them back." Leif said.

"We better hurry." Hunter said.

Napatingin ulit kami sa mga gangsters na binugbog na namin kanina. Hindi naman namin sila pinatay, tinuruan lang namin ng leksyon.

There were hundreds of them at anim lang kami. Pero nanalo pa rin kami.

We went directly to the airport, isa sa mga pag-aari ng family nina Hunter at Throne kaya bihasa ang mga ito sa pagpapalipad ng mga eroplano.

Para mas mabilis sumakay kami sa jet. Halos hindi mapakali si Crimson dahil kanina pa ito nagsstomp ng foot.

It was almost after 6 1/2 hours bago kami nakarating sa mansyon. Agad kaming nag-ayos ng mga sarili namin before we head out to their mansyon.

Halos hindi pa nagsstop yung sasakyan ng sabay naming buksan ni Crimson yung door. Naabutan namin si president na pasakay na sa kotse at gulat na gulat ng makita kami.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"We heard what happened few days ago, how is Lhorraine?" I immediately asked.

Napatingin siya sa relo niya.

"Sundan niyo ang kotse ko." She said at agad na sumakay sa kotse niya. Ewan ko pero bigla akong kinabahan kaya napatakbo kami
papasok sa kotse.

"Bilisan mo Throne!" Singhal ni Wave dito. Ang bilis kasing magpatakbo ni President. Sinundan namin siya hanggang sa dumiretso na kami sa may kakahuyan.

Bigla siyang nagstop kaya agad rin kaming bumaba. May kinuha siyang mga bulaklak at binigyan kami ng tig-iisang tangkay niyo.

"Diretso tayo sa may dagat." She said.

Sinundan naman namin siya hanggang may marinig kaming malungkot na awit at tugtog.

Hindi familiar samin yung lengwahe pero parang awit ito ng pamamaalam.

Then nakita na namin sila, wearing ball gowns. Yung mga suot ng mga prinsipe't prinsesa ng mga gaya sa disney.

Kinilabutan ako when I saw Lhorraine lying on a long white wood board filled with white rose petals na lumulutang sa dagat.

"What's the meaning of this?" I asked.

Natigil ang tugtog ni Rose at awit ni Kristine na mukhang may dinaramdam pa.

"You're late." Jana said, pulang-pula ang mga mata nila na mukhang kagagaling sa pag-iyak.

Agad kong lumusong sa tubig.

"Lhorraine.." tapik ko sa pisngi nito. She didn't respond. I held her hand pero hindi ko na maalis dahil matigas na ito.

Wala na siyang pulso and she's not breathing.

"No.. No.. No.. Lhorraine please... please wake up." I sobbed, parang pinipiga ang puso ko sa nakikita.

Why is she being like this? Sinubsob ko ang mukha ko sa chest niya and cried my heart out.

"Tiniis kong hindi ka makita ng ilang araw para ayusin lahat ng mga problema sa relasyon natin pero bakit ganito ang aabutan ko?" I sobbed.

"Lhorraine.. Lhorraine please..."

"Tama na, we have to let her go." Napatingin ako kay Daemon.

"No! Gigising pa siya." I hissed.

"Tama na Ash, we need to accept this." Pigil sa kin ni Throne na namumula na rin ang mga mata.

Napatingin ako sa mga kasama na lahat ay nakayuko.

"Just a couple of minutes please." I pleaded. Tumango naman si Daemon at iniwan ako.

Marami akong sinabi kay Lhorraine but I know she couldn't hear me anymore. I bit my fist para pigilan ang paghagulgol.

Hindi ko akalaing ito ang madadatnan ko.

"I guess I have to let you go. Always remember, mahal na mahal kita Lhorraine." I sniffed and kissed her forehead.

Hinawakan ko ulit yung kamay niya bago ako umahon sa may dalampasigan.

Rose started to play the harp and Kristine continues singing. Daemon pushed the board papunta sa gitna.

Napatingin kami kay Jana na may hawak na bow and arrow at may apoy sa dulo ng arrow.

We heard her utter some words sa ibang lengguahe bago ipatama yung arrow sa board.

Agad na lumiyab yung board and then some floating candles followed it.

I clenced my fist. I can't... I can't let her go..

I just can't...

Agad akong tumakbo papuntang dagat at nilangoy ito papunta kay Lhorraine.

Nagbingi-bingihan na lang ako sa mga tawag nila sakin. Agad kong sinabuyan ng tubig yung board para apulahin yung apoy.

Sumampa ako sa board at niyakap si Lhorraine.

"I guess I can't really let you go." I said and kissed her... lips.

-----
Tbc. Sorry natatagalan, busy month :3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top