Mission #54 Mirror

Para kay @AppleBarro ;)

LHORRAINE's POV

The moment I closed my eyes, a deafening silence immediately ate me.

Wala na kong naririnig.

Parang lumulutang na ko. The pain I felt was gone, and at the same time I can no longer feel my body.

Parang nakalutang ako sa isang lugar na madilim at mag-isa lang ako.

"Ang tahimik." I murmured.

Nakalimutan ko na kung saan ako galing, bakit nga ba ako nandito? Anong ginawa ko para mapunta dito?

Sino ba mga kasama ko kanina?

Napatingin ako sa paligid. Puro lang mga butuin ang nakikita ko. Para bang nasa outer space na ko at nagflofloat.

Ang tahimik, nakakaantok.

"Lhorraine."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng may marinig akong familiar na boses.

Then images of him started to flash.

Sino na nga ba siya? Bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko. I stretched out my hand, I wanted to hold him, to hug him, to kiss him.

He suddenly smiled at me.

"Ash."

I opened my eyes at bumalik ako sa lugar kung saan dapat ako.

Oo nga pala, I have a mission and I need to finish. Suddenly, may patak ng ulan na pumatak sa pisngi ko.

"Daemon?? Si Daemon! Asan si Daemon?!" Agad akong napabangon. Nasa gitna pa rin ako ng ipo-ipo.

"Kailangan kong protektahan si Daemon, dahil siya ang mahal ko." I said to myself.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Ash?

Siguro infatuation lang.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbalik ng lakas ko.

"I'm the Wind Princess, and I need you to vow before me..." sabi ko sa ipo-ipo.

Agad akong lumipad ng pataas at paikot-ikot. I need to remove first the fire.

Umikot ako pataas at sumunod naman yung apoy. Dumiretso ako sa dagat.

I closed my wings at nagdive papunta sa tubig. Sumunod ang apoy at naapula na ito. Agad akong umahon at bumalik sa may highway..

I created a wind barrier and pushed the tornado to the sea. Kahit bumaon na yung paa ko sa semento basta maitulak ko lang yung tornado.

Maraming mga debris ang tumatama at humihiwa sa balat ko. I spread again my wings and flapped it para mas lumakas ang tulak ko sa ipo-ipo.

Nagtagumpay akong itulak papunta sa tubig yung ipo-ipo hanggang unti-unti na itong mawala.

I was panting and almost lost all my energy.
Ng bigla ulit kumidlat and I was again striked by it.

Nasunog ang pakpak ko kaya nahulog ako pababa sa tubig.

Hindi na ko makagalaw cause of the pain. My wings and my body are aching.

Lumubog ako sa tubig and can't even breath. Naramdaman ko na lang ang mabilis na pag-ikot ng tubig at umikot-ikot ulit ako.

Para siyang malaking toilet bowl na nagflush.

*cough!* *cough!*

Hingal na hingal ako after kong bumagsak sa may batuhan.

"Asan ako?" I asked myself.

Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan punong-puno ng salamin. Inikit ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

Pero lahat talaga, salamin.

Tumayo ako at naglakad papunta sa salamin. I touched the mirror tapos hinawakan yung mukha ko.

"Andami ng sugat ng mukha ko, I doubt if magugustuhan pa ko ni Ash." I chuckled pero natigilan ako.

"Bakit si Ash? Dapat si Daemon ang iniisip mo Lhorraine! Ugh malala ka na!" Singhal ko sa sarili ko.

Sumandal ako sa salamin and sighed.

"Tama lang yan Lhorraine, si Daemon naman talaga ang nakatakda para sayo."

"Sino yan?! Sinong andyan?! May ibang tao ba dito?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Ako toh Lhorraine, si Diamond." She chuckled.

"D-Diamond? Asan ka?" I asked.

"Andito ako sa loob ng salamin." Lumapit ako sa salamin sa tapat ko at napahawak dun.

"Ako ay ikaw Lhorraine." Napaatras ako ng biglang magsalita yung reflection ko.

"A-ako?"

"Oo, ako ay ikaw. Ako ang katauhang, tinago mo." She chuckled wickedly.

"Hawakan mo ang kamay ko Lhorraine. Muli tayong maging isa. Pagod na pagod na akong mag-isa dito." She sobbed. Nilagay niya yung palm niya sa may salamin.

Dahan-dahan kong nilagay yung kamay ko sa palad niya.

"Aww!!" I squealed. Napatingin ako sa palad ko, nasugat na ito at dumudugo na.

"Hahahahaha!!! Uto-uto ka talaga eh! Ang dapat talaga sayo nandito lang sa loob!" She chuckled.

Bigla siyang lumabas ng salamin and grabbed my wrist.

"Simula ngayon ako na ikaw Lhorraine." She smirked. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang magflash sa salamin yung lugar kung asan sina Rose.

She smirked at me bago pumasok ulit sa salamin.

"No!!!" Hinampas ko yung salamin. But I can't go through it.

Dumiretso si Diamond kina Rose na agad naman siyang niyakap.

"Kamusta? Nakuha mo ba yung weapon? Patingin!" Kristine said to her.

"Ah oo etoh oh." She smiled and showed the elemental ring.

"May nararamdaman ka bang masakit?" Jana asked.

"Wala, I'm perfectly fine. Daemon!" She grinned at biglang niyakap si Daemon. Nanlaki ang mga mata ko when she kissed him.

Napahampas na lang ulit ako sa salamin.

"No Daemon!!! She's not me!!!" I sobbed.

Diamond was so happy habang dikit na dikit siya kay Daemon at hindi na pinapansin sina Rose.

"Anong nangyari kay Lhorraine?" Jana asked.

"Good Jana, isipin mo, I'm not her!" I shouted as if maririnig nila ako.

"Baka epekto lang ng naging laban niya." Kristine said.

"Ah siguro nga."

"No! No! No!" Ilang ulit kong hinampas yung salamin.

Napaupo na lang ako habang pinapanood si Diamond na nilalandi si Daemon. I couldn't believe that Diamond who lies within me is like her.

Bumalik sila ng Pilipinas.

Diamond, slept with Daemon, and I was very thankful na hindi siya pinagbibigyan ni Daemon kapag pinipilit niyang makipagsipin nito.

"I want to do it after nating magpakasal." Daemon said.

"Eh di pakasal na tayo!" Diamond pouted.

"You know how much I wanted to, but I know we have to settle everything about Underworld first." Daemon said.

"Hayaan na lang natin ang Underworld Daemon, ang importante magkasama tayo." Diamond said.

Nanlaki ang mga mata ko.

"You can't say that!!"

"Are you okay Lhorraine? It's not like you to say that." Daemon said.

Kumunot ang noo ni Diamond at inirapan si Daemon. "Tch whatever ang boring mong kausap." She said at lumabas na ng kwarto.

Naabutan niya sina Rose, Kristine at Jana na nakikinig pala sa may pinto.

"What the hell are you doing?!" Singhal ni Diamond sa mga ito.

"Ah-ahm curious lang kami sa kalagayan mo." Rose said.

"Curious? O insecure?! Alam naman nating lahat na mahal mo si Daemon, inggit ka noh? Kasi ako ang mahal niya." Diamond smirked.

Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Diamond.

"Sumusobra ka na Lhorraine ah?!" Singhal ni Kristine dito.

"T-totoo ba yun Rose?" Daemon asked.

Rose gritted her teeth at tumakbo papasok sa kwarto niya. Daemon followed her.

"Tch ang drama." Diamond rolled her eyes.

"You're not Lhorraine." Jana said.

"Oo Jana! Andito ako! She's not me, please help me out!!"

Biglang may nabasag na salamin. Nagulat na lang ako ng biglang dumugo yung palad ko.

"Aaahhhh!!!!!" Diamond screamed. I bit my lower lip dahil sa hapdi ng sugat ko.

"What happened?!" Daemon came rushing.

"Daemon helped me! Sinaktan ako nina Jana at Kristine!" Diamond cried and showed her palm.

Natigilan pa sina Jana at Kristine.

"Jana! Kristine! Why?!" Singhal ni Daemon sa mga ito.

"N--"

"Galit sila sakin Daemon because I just told you the truth! Ayoko lang naman kasing maglihim sayo." Diamond sobbed.

"Sshhh it's okay, I'm not mad at you." Daemon said.

"T-talaga?"

Daemon nodded at inakay si Diamond papunta sa kwarto nito.

Diamond was still able to smirk to them bago siya tuluyang pumasok sa kwarto ni Daemon. .

"Matulog ka na, kakausapin ko lang sila." Daemon said at hinalikan sa noo si Diamond.

"Okay." Diamond smiled at humiga na sa kama ni Daemon.

"What was that?! Kagagaling niya lang sa misyon tapos sinasaktan niyo na?!" Singhal ni Daemon kina Jana.

"She's not Lhorraine!!"--Jana

"Anong she's not Lhorraine??"

"Can't you see? Ibang-iba ang kilos niya! The way she talks and treated us! Hindi siya si Lhorraine!!"--Kristine

"Hindi ba kayo nakakaintindi?! She came from a life threatening situation kaya siya nagkakaganyan!!" Daemon said.

"Hindi--"

"Maybe there's a psychological impact on her. Kayo ang unang-unang akala kong makakaintindi sa sitwasyon niya." Daemon said.

My tears began to fall.
Jana and Kristine were puzzled at dumiretso na sa kanikanilang kwarto.

>>KINABUKASAN<<

"Si Daemon? Pagkagising ko wala na siya eh." Mataray na sabi ni Diamond sa tatlong kumakain na ng breakfast.

"Kay Yancey siya sumasabay, nakalimutan mo atah Lhorraine?" Jana smirked.

Tumaas ang kilay ni Diamond. "Hindi naman. Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya nagpaalam sa mapapangasawa niya."

"Anyway, kamusta naman ang tulog mo Rose, or should I ask, nakatulog ka ba?" Diamond smirked.

"Kumain ka na lang, malelate na tayo sa school." Rose said coldly.

I bit my lower lip, I never wanted to see Rose act cold towards me.

Natapos na silang kumain at dumiretso na sila sa school.

"Hello! Good Morning." Masayang bati ni Daisy sa apat.

"Hi! Ang cute naman ng ayos ng buhok
mo bagay sayo! Anong tawag diyan?" Diamond asked.

"Etoh? Pig tail lang naman toh." Daisy chuckled and stroked her hair.

"Ah! Kaya pala bagay sayo eh, mukha kang pwet ng baboy." Diamond laughed.

Nalaglag ang panga ni Daisy sa inasal ni Diamond. Hindi ko magawang magalit kay Diamond dahil ako siya, ang kaya ko na lang gawin ay umiyak at maawa sa mga taong nabibiktima niya.

Nagsimula na ang klase.

Diamond wasn't listening and busy looking at her nails.

"Okay, Miss Lhorraine, can you solve the problem on the board?" Tanong nung teacher.

"Bakit ako ang inuutusan niyo? Problema ko ba yan?" She mocked. "Kayo gumawa niyan kaya sagutin niyo, wag niyong ipasa sa iba nakakaperwisyo."

"Lhorraine!" Saway ni Kristine dito.

"Where are your manners Miss Lhorraine!!" Singhal ng teacher.

"Nasa akin! Alangan na sayo?"

"Get out!! I don't wanna see your face for a week!!" Singhal ulit nito. I clenched my fist. This is too much already. She's ruining the reputation I built for so long.

"Try niyo kayang pumikit para di niyo na ko makita, or better yet, wag na kayong didilat."

"Sorry ma'am." Rose apologized at hinila na si Diamond palabas. Even Kristine and Jana followed them.

"Ano bang problema?! Sumusobra ka na ah!" Tulak ni Rose dito.

"Eh anong pakealam mo?! Ano ha?! Bitter ka pa rin!" Singhal ni Diamond. Nagsimula na silang makaattract ng atensyon.

"Anong nangyayari sayo Lhorraine, hindi ikaw yan eh."

"Hahaha! You can't expect me to live and act the way everyone wanted me to! Porke't nag-iba na ugali ko hindi na ko si Lhorraine?! Ang bobo mo naman!"

I tasted blood after I bit my lower lip. Pinaghahampas ko ulit yung salamin pero hindi siya mabasag-basag.

"Hindi eh, sobra na yang ginagawa mo." Rose almost cried. Halos madurog ang puso ko sa nakikita ko.

"Ang sabihin mo hanggang ngayon, insecure ka pa rin!!." Diamond shouted.

"Alam niyo kasi guys!! Ito kasing si Rose, matagal ng mahal yung fiancé ko!" Diamond announced. Napayuko na lang si Rose.

Lahat ng mga nakakita at nakarinig, nagbubulung-bulungan na.

"At tsaka isa pa itong malanding toh, na hindi na maitago yung kati at nakikipaglaplapan pa sa harap ng maraming tao." Tukoy ni Diamond kay Kristine na napasinghap na lang sa gulat.

"You don't understand--"

"Ofcourse I don't!! Pero isa lang naman ang malinaw eh, malandi kayong dalawa." Diamond pushed Kristine and Rose' shoulder.

*slapped*

Naramdaman ko ang hapdi ng pisngi ko after Jana slapped Diamond. Totoo nga iisa lang kami, whatever happens to Diamond happens to me.

"Subukan mo pang magsalita, tatahiin ko na na yang nguso mo." Jana hissed.

Diamond gritted her teeth. I clenched my jaw. Go Jana! Do what you think is right.

"Wag ka ngang mangealam dito! Isa ka pa eh! Bitter ka rin dahil hanggang tinging kapatid lang ang kayang ibigay sayo ni Daemon!" Diamond hissed.

"Say it again!!" Biglang tinulak ni Jana si Diamond kaya bumalibag ito sa pader ganun din ang nangyari sakin, tumama ako sa isang salamin at nabasag ito.

"See? Guilty ka eh." Diamond chuckled.

"Tama na Diamond." I sobbed.

Jana pulled Diamond's collar habang pinipilit naman siyang pigilan nina Kristine.

"Jana, tama na." biglang singit ni Throne. Hunter was also there at inalo si Rose na umiiyak na.

Tahimik na lang si Kristine sa gilid na umiiyak.

"Hey Lhorraine, hindi mo naman sinabi sakin, gwapo pala itong si Throne at Hunter."

Natigilan ako when I heard Diamond's voice.

"Diamond? You can hear me right?! Stop this! Tama na!!" I cried. I heard her chuckled.

"No Lhorraine, ako na ikaw. At wala ka ng magagawa."

"What are you planning to do?!"

Biglang lumapit si Diamond kay Throne and pulled his face to kiss him.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Lahat ng nakakita napasinghap sa ginawa niya.

I felt a soothing wind went out from my mouth.

"Wag mong gamitin ang kapangyarihan ko Diamond!!" I hissed at hinampas ulit ang salamin.

Soothing wind ay para lang sa mga nagwawala, para itong tranquilizer. But what Diamond is doing now is different, para niyang hinihypnotismo si Throne sa mga halik niya.

Pain was drawn into Jana's face before she runaway. Kristine followed her pati na rin si Rose at Hunter.

Diamond break the kiss.

Nanlaki ang mga mata ni Throne ng matauhan siya few minutes after the kiss.

"What did you do?!" Singhal nito kay Diamond at agad na tumakbo paalis para hanapin sina Jana.

Diamond chuckled as she stroked back her hair.

Naglakad na siya opposite sa direksyon na pinuntahan nina Jana.

"Lhorraine let's talk."

I saw Ash. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang nabuhay ang kagustuhan kong kumawala sa kulungang ito.

"Sure!" Diamond said pero diretso lang siya sa paglalakad.

"I said we have to talk!" Ash grab Diamonds arm.

"Ano ba?! Ang sakit ha! You asked if we can talk and I answered you! Hindi pa ba tayo nag-uusap nun? Ang bobo mo naman!" Irap ni Diamond dito.

"What's wrong with you?!"

"Wala naman, nakakairita ka lang kasi, habol ka ng habol eh hindi nga kita gusto"

"Stop it Diamond!!" I screamed. Dalawang salamin ang nabasag.

*smirk*

Well, well, well, si Ash pala ang kahinaan mo Lhorraine. Tsk. tsk. Taksil ka talaga.

I heard again Diamond's voice.

"I said stop it!!"

"Lhorraine, may nangyari ba? Tell me, I will always be here for you." Ash said. Biglang nanghina ang tuhod ko at parang may kung anong tumarak sa puso ko.

"Mahal mo ba ko Ash?" Diamond asked.

"Yeah I do, I love you so much." Ash said. Muli na naman akong naiyak. "Kahit hindi mo na ko mahal my feelings for you will never change."

"Then say it. Say I love you, Diamond." Diamond grinned.

Halos mawalan ako ng hininga sa narinig ko.

"W-why Diamond?"

"Cause that's my second name, I just wanted to make sure that you love the whole me. Come on, say it." Diamond grinned.

"I love you so damn much... Diamond." Ash said. Dun na gumuho ang mundo. Hindi ko alam kung ilang salamin ang nabasag, pero isa lang ang sigurado ako.

Iisang salamin na lang ang natitira.

"Hahahaha!!!! Malapit ka ng nawala sa buhay ko... Lhorraine.." Diamond laughed wickedly.

--------
To be continued....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top