Mission #52 Daisy's Moves

Para kay @PrinchesZia14

Daming typo error haha pasensya na, nakamobile lang kasi ako :P

DAISY's POV

Sa wakas! NagkaPOV din!!! Anyways, I don't like that super yabang and super angas guy na kala mo kung sino.

Hindi porke't siya na may-ari ng school ganyan na siya.

FYI still, I am a Queen of this Academy! Inagawan pa niya ko ng pwesto sa tabi ng other Queens!! Gosh! Speaking of gentleman in a very sarcastic way!!

Pagpasok ko pa lang sa loob rinig na rinig ko na ang tawanan nila. Ofcourse napatingin agad sina Crimson sa kadyosahan ko at tumango.

It's showtime.

Lumapit ako kina Ash para tignan yung nasira kong upuan sa tabi nila. Well, sinadya namin yun.

"Oh my Gosh!! My chair!! Halah! Who did that? Saan na ko ngayon uupo?!" Dabog ko.

Napatingin naman samin sina Lhorraine.

"Why? Anong nangyari?" Jana asked.

"Now, obviously, I know who's at fault." Kristine smirked, nagkatinginan naman sila ni Jana at sabay na nagsmirk.

"Wag na, okay lang dito na lang ako sa center aisle. Akala ko kasi Queen din ako kaya may karapatan akong makitabi sa inyo kaso, kicked out na rin pala ako." Drama ko at maarteng nilagay yung handkerchief ko sa middle aisle.

"No! Hindi ka naman natanggal eh. Wag kang umupo diyan." Pigil sakin ni Kristine.

"Eh saan ako uupo? May nakakuha na ng chair ko eh." I said. Napakagat na lang ng kuko si Jana.

Lumapit ako kina Lhorraine at Daemon.

"E-excuse me, if you don't mind, that's my chair, may name pa oh, Daisy Grace Anderson tsaka it's painted with my favorite color--yellow, so pwede ba humanap ka ng upuan mo?" Sarcastic na sabi ko kay Daemon with a smile.

"Daisy." Saway sakin ni Rose.

"I don't want to get separated with Lhorraine again, and who are you anyway?" Irap nito.

"Aba't!!" I tried to compose myself. "May registration form ba kayo? I wanna resign from my position, ayokong makisama sa mga taong binabalewala lang ang mga kaibigan nila." Naiinis na sabi ko.

That's it! Nakakainis sila! Tch.

"Daisy naman, you know that's not true!" Lhorraine said.

"Not true?! After akong ibully ng She Royals, the four of you came, announcing that I am part of your group. Ofcourse I was happy then. Tapos bigla-bigla na lang niyo kong iniwan sa ere, I was lost. Sa He Royals na lang ako sumasama, wala rin naman pala kayong pinagkaiba sa She Royals! Mga sarili niyo lang iniisip niyo, mga pakitang tao!" I said at magwowalk out na sana ng bigla akong higitin sa braso ni Daemon.

Ofcourse nagulat ako dun. His eyes that are gold in color ang among tignan.

"You can have your seat again, but they are not what you think they are, whatever they've shown to people are real. You don't have the right to judge them because of your own personal reasons and experience." He hissed at halos itulak ako paupo sa chair ko.

Napahawak agad ako sa chest ko. Grabe ang
lakas ng kabog.

"Oo nga naman Daisy, we had and have been always true to you." Rose said at hinawakan yung balikat ko.

I forced a smile at napatingin sa direksyon nina Crimson na pasimpleng nagthumbs up sakin.

1st mission accomplished.

Napatingin ako sa direksyon ni Daemon na mukhang bagot na bagot. He's busy looking outside the window.

Nasa pinakalikod at pinakagilid kasi siya.

"Parehas talaga kayo ng ugali, Jana." I heard Rose whispered to Jana.

"Nino?"

"Ni Daemon! Parehas ayaw pumasok ng klase. Talagang magkapatid kayo." She said.

"Magkapatid kayo?!" I exclaimed. Natigilan pa sa pagsusulat yung teacher namin sa board.

"Miss Daisy?!" Bulyaw nito sakin. Napapeace sign na lang ako at tinakip yung book sa mukha ko.

"Hahaha hindi kami magkapatid. But we treat each others as siblings. Super close kami niyan eh." Jana said. Nakahinga naman ako ng maluawag.

"Buti naman..." I sighed.

>>Lunch Break>>

Hindi ako sumasabay kina Jana maglunch. Wala hindi ko lang trip. Agad akong dumiretso sa dating tambayan.

"Anong balita?" Jheraine asked me. Habang presko siyang nakaupo sa may bench at naglalaro sa phone.

Nakadapa naman si Bea at Junea sa may damuhan at nagbabasa ng magazine. Si Jane busy sa paggigitara sa gilid.

"Ayun badtrip dahil dun sa King natin." I sighed at umupo sa tabi nito.

"Gwapo ba talaga yung Daemon?" Junea asked.

"Bakit? Interesado ka?! Wag ka na dun mayabang yun, mas malala pa dun sa apat." I said.

"Pero gwapo?" Bea grinned.

"Uhm pwede na." I said. Bigla silang tumayo at umupo sa bench at pinagitnaan ako.

"Aray! Naiipit na ko! Laki kasi ng pwet mo Bea!!" Jheraine chuckled.

"Look who's talking. Kasya kaming apat nina Jane dito kaw itong mataba." Bea and Junea laughed.

Parehas talaga ng ugali itong kambal na toh.
Yeah they're twins obvious ba? Fraternal kasi kaya hindi halata.

"Oh ano na? Gwapo? Maputi? May dimple? Ano color ng mata at buhok niya?" Pangungulit ni Junea.

"Oo na! Gwapo na! Hanggang dun lang yun!" Irap ko.

"Uuyy lakas makaforever ah?" Bea chuckled.

"Tigil-tigilan niyo nga ko!!" I snorted.

"Eh bakit nagblublush ka?" Junea grinned.

"Aigoo!! Ang kulit!!" Sabay-sabay pa kaming napatingin sa direksyon ni Jane na natigilan sa paggigitara at tumingin samin ng masama.

Kahit kailan talaga seryoso yan.

"Kayo kasi ang daldal niyo." siko ni Jheraine samin.

"Eh di sorry!" Bea pouted.

"Sige na kwento na! Mabango ba?" Bea giggled.

"Bea!! Ang kulit!!." I hissed at kinurot siya sa pisngi.

"Aray! Nagtatanong lang naman! Bakit ka defensive! Gusto mo sayo lang siya? Wag namang ganun dapat share your blessings."

"Bea wag ng makulit! Kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Jheraine.

"Si Jheraine puro pagkain iniisip. Kaya ka tumataba eh." tawa ni Junea.

Napanguso na lang si Jheraine. "Hindi pa nga eh, sasabay na sana ako sa inyo." I grinned.

Biglang lumapit si Jane at inayos yung picnic blanket. Siya kasi ang chef saming apat.
.

.

.

.

"Aalis na ko, baka makahalata na sila. Masira pa plano natin." I said. Pagkatapos naming kumain.

"Okay, sabi mo eh. Mamaya sa bahay ah? Laro tayo ng chess." Junea said.

"Oo na. Oo na. Babye!!" I grinned.

Maybe nagtataka kayo kung bakit nakikipagkita pa rin ako sa kanila. Simple lang because sila ang mga totoo kong kaibigan.

Agad akong dumiretso sa hallway at halos tumakbo na para lang makalayo sa lugar.

"Traitor."

"Ahhh!! *boogsh* aray.. Arayy..." napahawak ako sa balakang ko dahil sobrang sakit nito. Grabe.. ang sakit...

Peste kung manggulat wagas!! Ayan nadulas tuloy ako..

"Ano bang--" Nanlaki ang mga mata ko when I saw Daemon.

Bigla siyang nagsquat sa harap ko at nilapit yung mukha niya sakin.

"I saw you there, sila yung mga nambubully kina Lhorraine, you're a traitor." He hissed.

"NO! I mean.... wala kang alam! Wag kang manghusga!!"

"Just think of this! Ano na lang ang iisipin nila Lhorraine kapag nalaman nila toh?" He grinned. "May nalalaman ka pang drama kanina ikaw naman pala ang pakitang tao."

Halos hindi na bumuka yung bibig ko sa takot. Nakakatakot kasi siyang tumingin. Kaya napapalunok na lang ako.

"S-s-sasabihin mo ba sa kanila?"

"What do you think?" He smirked.

Agad akong lumuhod sa harapan niya. "Please gagawin ko lahat wag ka lang magsumbong! Please, hindi naman ako masama eh. May dahilan ako, may dahilan kami! Please ayokong masira lahat ng mga pinaghirapan namin dahil lang dito." Umiyak na talaga ako.

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak na pala sa kamay niya kaya agad ko yung binitawan.

"Please..."

"Sige, sa isang kondisyon..."

Napalunok ako.

"Anong kondisyon??"

"You'll be my slave."

"Ha??! W-wait lang.. Ang cliché naman nito! Sa lahat ng hihingin mo slave pa?"

"Okay sasabihin ko kina..."

"Oo na! Oo na! Slave na kung slave! Tsss."

"And you will tell me everything about your plan." He added. "If I found out that you are a threat. I will kill you."

Napalunok ulit ako. Tumayo na siya at naglakad na paalis. Ako naiwang tulala at nanginginig sa takot.

LHORRAINE's POV

Napabuntong hininga na lang ako after I fixed myself. This is it, wala na kong magagawa. I have to face this.

Kabadong-kabado na ko.

"It's better of we go there you know by airplane." Jana suggested.

"Oo nga Lhorraine, Kristine can't swim dahil sa sakit niya, me and Daemon can't fly. Hindi ka naman namin pwedeng pagurin." Rose said.

"Okay then, nakapabook na kayo ng flight?" I asked.

"Kailangan pa ba yun?" Kristine asked.

"What? Ngayon na tayo aalis." I said.

"Hindi naman problema yun pwede namang sa bubong na lang tayo." Jana suggested.

"No! That's illegal. Madadamay yung airline kapag nahuli tayo." I said.

"Ang tanong! Magpapahuli ba tayo?" Kritine chuckled. Napabuntong hininga na labg ulit ako.

"I'm done preparing everything we need. Let's go?" Biglang dating ni Daemon na may dala ng mga bag.

"Sasama ka ba talaga Daemon?" Jana asked.

"Ofcourse! Hindi ko hahayaang manganib ang buhay ni Lhorraine."

"Pero hindi mo siya pwedeng tulungan."

"Why not?" Kunot noong tanong nito.

I held his hand. "It's a test for me, kung hindi ko ito malalagpasan, hinding-hindi ako magiging karapat-dapat na mapabilang sa elemental four. I won't be able to protect you."

"I will be the one to protect you." Daemon said and cupped my face.

"Hindi Daemon, you're the next king of the Underworld, you have to live and be safe always. Ayoko ng mawala ka sakin ulit." I said.

Napabuntong hininga siya at niyakap ako. "Okay then, atleast let me go with you." He insisted.

"Tsss oo na, oo na, kayo na may forever. Ako na tong single." Dabog ni Jana at nauna ng lumabas. Natawa na lang kami.

>>Royal Airline>>

"Uyy satin pala ito?" Kristine said.

"Hindi na natin kailangang sumakay sa bubong." Rose said.

"Huh?? Pero bakit??" Angal ni Jana. Hindi na namin siya sinagot dahil may mga lumapit na samin at kinuha ang mga gamit namin.

Hinatid na rin nila kami sa loob ng isang Private Plane, First class pods ofcourse ang itsura niya good for 5 pairs.

"Wow naman, satin ito?" Kristine exclaimed.

"Yes madams and sir, Ms. Yancey told us that you will be arriving so we prepared the best airplane for you." Sabi nung flight attendant.

"Eh yun naman pala eh. Eh di maupo na." irap nito. Nagtaka na lang kami bakit ba ganun ang asal niya. Badtrip atah.

Tumabi sakin si Daemon kahit marami pang vacant chairs. Napangiti na lang ako at sumandal sa kanya.

I missed him so much. Gusto kong sulitin lahat ng oras na kasama ko siya, at bumawi sa mga oras na hindi kami magkasama.

I love him.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Papunta kaming Florida at gabi na pala. Tumingin ako sa bintana.

Madilim lahat. Dahil na rin siguro nasa dagat na kami.

"Excuse madam, we've been looking for Ms. Jana, she's nowhere to be found. We just to check on her?" Rinig kong nung flight attendant kay Rose.

"Ah she's okay po, don't worry about her." Rose smiled.

Umalis naman agad yung attendant.

"Nasa bubong yun for sure." Rose said.

"Dali punta rin tayo doon." excited na sabi ni Kristine kaya hinila ko na.

"Hindi pwede, papasukin niyo na si Jana."

"Ayoko nga." Belat nito at nagtatakbo na palayo.

"Tulog na yung iba, nakaauto pilot na ron tayo, kaya halika na." Yaya ni Rose sakin. Napabuntong hininga na lang ako at sumama sa kanila. Syempre ginising ko na si Daemon.

Mabilis kaming nakaakyat sa bubong. Naabutan namin si Jana na nakahiga at nakatingin sa langit.

"Jana malamig dito." Daemon said at binigyan ng makapal na comforter si Jana.

"Mas enjoy dito." Jana grinned. I immediately created a vaccuum cube na pumalibot samin para di kami tangayin ng hangin at para mainitan si Jana.

"Nagpuslit ako ng makakain." Kristine said at nilapag yung mga kinuha niyang pagkain.

"Ilang araw na lang, ikaw na susunod Lhorraine." Pagoopen up ni Jana sa topic.

"I know, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin dun."

"Ayos lang yan, I will always be here no matter what." Daemon said at niyakap ako mula sa likod.

"Daemon can have the elemental weapon, atleast sigurado tayong hindi niya ibabalik diba?" Kristine said.

Nagkatinginan kami ni Daemon. He smiled at me at hinalikan ako sa noo.

"Oo naman, ako lang pwedeng promotekta sayo." He said. Napangiti na lang ako at niyakap yung mga braso niyang nakayap sakin.

"Basta alam ko lang na kumpleto kayo pagbalik ko, mapapanatag na ko." I smiled.

"Papatayin kami ni Daemon if we'll leave you." Rose said and we all laughed.

Ilang araw na lang... Ano kayang sumpa ang maipapatong sakin?

Kung ano man yun, sana hindi na madamay si Ash.

------
Tbc...
Daemon or Ash for Lhorraine??
Daemon and Daisy sa multimedia :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top