Mission #51 The King
Hahaha, hindi naman po after 5 months yung UD joke lang po yun. Naguiguilty na nga ko kapag 3 days na at hindi pa ko nakakapagUD :3
This chappy is dedicated to @GFniMinHo
JANA's POV
"Call me... Daemon." He smiled. Malakas ang tilian ng mga kababaihan pero dinig na dinig ko pa rin yung kabog ng dibdib ko.
"Daemon..." I heard Rose whispered.
Nakangisi siyang naglakad papunta samin. Napatayo kaming apat maging si Kristine na may sakit.
Hinawakan ko yung mukha ni Daemon at kinurot ito.
"Aray! Aray!" He squealed.
Naiyak na ko at niyakap siya. "Buhay ka..." I sniffed. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Yeah I'm safe. Namiss kita." He whispered.
"You lied to us." I sobbed. Mas niyakap niya ko ng mahigpit, grabe namiss ko siya ng sobra..
"We have to... Alam mo kung gano kadelikado ang buhay ko." He said. He cupped my face at pinunasan ang nangigilid kong luha.
"Wag ka ng umiyak, kala ko ba di ka iyakin?" He chuckled. Napanguso na lang ako.
"Galit ako sayo." Irap ko.
"I know, kaya nga nandito na ko para makabawi sa inyo." He said. Napatingin siya kay Kristine na ngayo'y nakaubob sa desk niya at humahagulhol na.
"Uyyy... Hindi mo ba ko gustong makita?" He asked at nagsquat sa harap nito.
"Ayoko. Ayaw na kitang makita!! Umalis ka na!!" Kristine yelled at kahit hinang-hina ay pinagsusuntok niya si Daemon sa dibdib.
"I'm sorry." Daemon said and grabbed Kristine's hand. "Sorry na. Babawi ako sayo. Tutuparin ko yung pangako ko." He said.
"Ayoko! Ayoko! Ayoko na sayo!! Ayoko!!" Paulit-ulit na sabi ni Kristine na parang bata.
"Kristine...." nagsusumamong sabi ni Daemin. Bakas na bakas ang lungkot sa mga mata nito. I bit my lower lip para pigilan ang paghikbi.
"Umalis ka na..." Kristine whispered. Daemon cupped Kristine's face and kissed her deeply.
Lahat na atah dito sa loob ng classroom napasinghap sa nakita.
Ganyan talaga kapag ayaw makinig ni Kristine kay Daemon kapag nag-aaway sila. Daemon has the ability to calm someone's mind.
"Mmmm!!!!" Kristine groaned and tried to push Daemon.
Nagulat kaming tatlo sa reaction ni Kristine. Kahit sino ang halikan ni Daemon magiging kalmado at hindi magrereact wildly. Parang mahihipnotismo at madadala ka talaga.
"Tama na Daemon, hindi na siya makahinga." Pigil ni Rose dito.
Kristine was panting after the kiss. Pero bakas na bakas ang pagbabalik kulay ng balat nila.
"W-what--"
"I'll explain to you later." He winked.
"Rose!!!! Sobrang namiss kita!!" Daemon grinned and hugged Rose tight. Binuhat pa niya ito at pinaikot ikot.
Nakarinig ako ng curse kaya napatingin ako sa direksyon nina Crimson and I saw them glaring at us.
Oh em...
"Ang cute-cute mo pa rin! Kaya mahal na mahal kita eh." Daemon grinned. Natahimik ang lahat ng biglang matumba yung upuan ni Leif.
Lumapit na ko sa kanila...
"Wait lang muna okay? Ngayon lang ulit namin siya nakasama. Kaya kung pwede lang sana, hayaan niyo muna kami. Aayusin lang muna namin ito." I forced a smile.
Kahit ang totoo, ngayong nandito na si Daemon, siguradong hindi na niya hahayaan na mapalapit kami sa mga tao.
Baka nga ito na ang huling araw na magkakausap kami.
Agad akong tumalikod at bumalik sa upuan ko. Nakita ko na lang na si Lhorraine at Daemon na ang magkausap.
"Namiss kita." Daemon said habang hawak-hawak ang mukha ni Lhorraine at hinahaplos haplos ang pisngi nito.
Ramdam na ramdam mo talagang may pagtingin sila sa isa't isa. Kulang ng romantic sounds at christmas lights romantic na ang peg.
"Ngayong nandito na ko, tatanggapin mo pa rin ba ko? Kasi pagOO papakasalan kita agad." He said.
Natigilan kami sa sinabi ni Daemon. Napatingin ako sa direksyon ni Ash na nagwalk out na pero nagtaka ako ng sinundan siya ni Daisy.
>>AFTER SCHOOL>>
Hindi na binitawan ni Daemon ang hawak niya sa kamay ni Lhorraine.
Napagaling nga niya si Kristine dahil bigla itong lumakas.
Pero ako nangangamba pa rin ako... Pano na si Crimson, may chance kayang makausap ko pa rin siya? Lalo ngayo't bantay sarado na kami ni Daemon?
"Excuse me. Kanina ka pa hawak ng hawak sa girlfriend ko."
Natigilan kami ng biglang pumagitna si Ash kina Lhorraine at inakbayan si Lhorraine.
Naramdaman ko na lang na bumigat yung balikat ko and saw Crimson na nakaakbay din sakin.
Daisy was there at nakahawak sa braso ni Kristine.
Wave was leaning on the wall.
Habang si Leif, inilagay niya sa likod niya si Rose na parang pinoprotektahan.
"What's the meaning of this?" Daemon asked.
"Uhm wala ito Daemon---"
"Anong wala?!" Singhal sakin ni Crimson. "Halos mamatay na kami sa selos dahil sobrang dikit sa inyo ng labanos na yan! Tapos sasabihin mong wala?!"
"Anong nangyayari?" Tanong ulit ni Daemon at tumingin sa direksyon ni Lhorraine na nag-iwas ng tingin.
"S-sorry." Lhorraine sobbed.
"Lhorraine..." Hindi makapaniwalang sabi ni Daemon.
"I'll explain to you everything... I'm Lhorraine's boyfriend and soon to be husband, may nangyari na samin at pananagutan ko siya." Diretsong sabi ni Ash.
Oh no hindi niya dapat--
*slap!*
I gritted my teeth when Daemon slapped Lhorraine infront of us. Hindi pa nga nakareact si Ash sa gulat.
"Lhorraine, I trusted you! Anong ibig sabihin nito ha?! Rose!! I told you to look after them!!"
"Hindi ko naman kontrolado yung--"
"Shut up!! Isa ka pa! You swore to me!! JANA! KRISTINE!! Uuwi na tayo. This time sisiguraduhin kong hindi na kayo uulit." Daemon hissed at nauna ng naglakad.
Biglang sumikip ang dibdib ko.
Si Daemon, siya na atah ang pinakamabait sa lahat ng nakilala ko. It's just that he's still a Demon kaya nakakatakot siya paggalit.
Mabigat sa loob naming sumunod sa kanya.
"Sasama pa rin kayo sa kanya?! He hurt you!" Sabi ni Ash kay Lhorraine.
"Baka nakakalimutan mo. Ikakasal na kami. He came first before you." Malungkot na saad ni Lhorraine at kumalas sa pgkakahawak ni Ash.
"Promise me, you're gonna be okay, kung hindi... Susugod ako sa mansyon at bubugbugin siya." Crimson said.
"Wala ka na ngang laban sakin, sa kanya pa kaya?" Irap ko.
"Kahit sino, kahit ano kakayanin ko wag ka lang masaktan." He said. Napabuntong hininga na lang ako.
"We're gonna be okay. Pangako yan." I smiled. Umalis na kami and never looked back.
Even if it means leaving everything behind and forgetting them.
CRIMSON's POV
It has been 3 f*cking WEEKS!!
Oo! Weeks!! Peste! Hindi na nila kami pinansin at kinausap mula noon. It's just like bigla na lang nastop lahat at wala na kaming alam sa kung ano na naman ang nangyayari.
Nakatingin lang ako kay Jana na masayang nakikipagkwentuhan kina Kristine.
Kristine is still ganun pa rin, minsan inaatake ng sakit pero kadalasan nakikita namin sila ni Daemon na naghahalikan.
Si Lhorraine, mukhang masayang nakasandal kay Daemon. Lagi na nga rin itong nakangiti.
Si Rose gaya pa rin ng dati walang pinagbago. Si Daisy lagi ng sumasama samin dahil naaout of place na siya.
>>Lunch Break>>
Nagpasya kaming kausapin sila. Every lunch break kasi umaalis si Daemon at pumupunta sa President's Office.
Agad kaming lumapit sa table nila. Natigilan pa nga sila sa pagkwekwentuhan.
"Pwede ba namin kayong makausap?" I asked. Nagkatinginan silang apat.
"Oo naman, ano yun?" Sagot ni Rose.
Hinampas ko na yung mesa gamit ang dalawang kamay ko.
"It has been 3 f*cking weeks!! Nung una nakikiramdam lang kami, hinahayaan kayo dahil alam naming may dahilan kung bakit niyo toh ginagawa! Pero sumusobra na eh, parang wala lang lahat ngga pinagdaanan natin!!" Singhal ko.
They just looked at us for about 5 seconds before Jana and Kristine burst out laughing.
"Uyy ang sama niyo." saway sa kanila ni Lhorraine. Natigilan pa ko, how could they laugh at us, just like that.
"Uhm ano kasi Crimson, sorry ha? Pero we just realized na wala na talaga kasi kaming feelings para sa inyo." Lhorraine apologized.
Napaatras pa ko sa narinig. She must be kidding me.
"Siguro, akala namin meron pa, kaso wala na talaga eh. Alangan ipagpilitan pa namin yun? Let's just move on okay?" Rose added.
"Hahaha yeah, we we're so stupid kasi late na naming narealize, but atleast we're all okay with that right?" Jana grinned.
"Okay? Sa tingin niyo tong nararamdaman namin para sa inyo eh joke lang?" Leif hissed.
"Alam mo Leif, nung una pa lang pinagpipilitan mo na yang sarili mo kay Rose eh wala ka namang napapala, pwede ba lumugar ka na?" Kristine said sarcastically.
Leif clenched his fist. Pinigilan na siya ni Ash bago pa siya may magawang masama.
"Nasabi na natin ang gusto nating sabihin, and they've also said their parts. Kung panggulo lang tayp sa buhay nila, let's face it. Maybe we're meant for those who are better." Cold na sabi ni Ash.
Hindi na sila sumagot. Tumalikod na lang kami at lumabas ng cafeteria.
"This is frustrating!! Kasalanan ito ng Daemon na yun." Leif hissed.
"So, lahat pala ng ginawa natin para sa kanila wala ring kwenta." Wave hissed.
"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" I groaned at pinagsisipa yung couch. Nakakainis!
Kahit konting pag-aalinlangan wala sa kanila. Talagang wala na silang nararamdaman para samin!
Tch! Peste!
"Paano ba kasi naging King agad yang Daon na yan?! Did he undergo on some kind of screening? Dapat malaman din natin kung saan siya galing." Ash suggested.
Dumiretso agad kami sa President's Office para magreklamo.
"If you have any problem about Daemon, better get out. He's the King and it's final." She said without even glancing at us.
"How can he be the King?! Ano bang meron siya na wala kami?! We don't even know where he came from!" Singhal ko.
Pinaikot niya yung swivel chair niya paharap samin.
"Okay, let's start from th every beginning."
They were just 2 years old when Daemon at Rose met. May mga usap-usapan na noon na silang dalawa ang dapat magkatuluyan.
Pero siyempre inisip din nila ang kagustuhan ng mga bata paglaki ng mga ito. They were 5, when they both met Lhorraine.
Lhorraine who is very shy and very sweet. Daemon fell inlove with her at first glance dahil na rin sa soft at bright na aura ni Lhorraine that time.
Laginitong nakangiti at sobrang bait nito. Rose who was his bestfriend was happy for them ofcourse kahit ang totoo'y nasasaktan na siya.
She was boyish and playful, sa lahat bg adventurous na bagay si Rose lagi ang kasama niya, an laging nakakaunawa sa kanya.
Kahit nga suntukan nilalaro nila.
Kaso si Rose hanggang friendzone lang.
May isang party noon, they met Kristine na ayaw na ayaw makihalubilo sa iba. Kumbaga ayaw niya sa crowd dahil natatakot siyang masaktan.
But Daemon, make her feel welcome and warm with a kiss. Bata pa lang sila noon pero may first kiss na sila.
Kaya magaan ang loob ni Kristine kay Daemon dahil si Daemon lang ang nakakapagpakalma sa kanya.
They met Jana also during that party dahil mag-isa noon ito at nasa bubong lang. Jana is the kind of girl na ayaw na ayaw ang formal gatherings.
Sa mga dancing lessons at music lessons lagi siyang tumatakas, pero never kapag si Daemon ang nagtuturo sa kanya.
Kung Tigre si Jana, si Daemon lang ang nakakapagpaamo sa kanya.
For almost all of their lives magkakasama yang lima, hanggang dumating yung oras na kailangan ng mamili ni Daemon kung sino ang papakasalan niya.
Jana was not qualified dahil ayaw niya sa mga etiquettes. Hindi rin sumali si Rose dahil alam niya kung ano siya sa buhay ni Daemon.
Daemon was torn between Kristine and Lhorraine. Kahit alam na atah ng lahat na may relasyon si Lhorraine at Daemon.
Pero dahil sutil din si Kristine, nilabanan niya si Lhorraine para itest kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para kay Daemon.
Fortunately, Lhorraine won and she's now bound to marry Daemon.
Then one day, nanganib ang buhay nilang lahat.
Almost all of their families were killed. Pero hindi pwedeng iwan ni Daemon ang ibang kamag-anak nila.
Kailangan kong ilayo yung apat pero hindi sila sasama kung hindi kasama si Daemon, so we created a story and make them believe that Daemon is already dead para iligtas silang apat.
"Daemon is really the owner of this school and dahil ikakasal na sila ni Lhorraine, magiging pag-aari na rin ito nung apat. He's the ONLY suitable KING for this Academy."
Wala na kaming nasabi pa at lumabas na lang kami. Mas mayaman pala yang Daemon na yan kahit pagsamasamahin pa namin ang buong kayamanan naming apat.
"This is frustrating!!" I messed my hair pagkalabas namin ng office.
"Mas mayaman lang siya, so what? Mas gwapo naman tayo." Wave said.
"Ewan ko na! Ang gulo!" Leif said.
"Isa lang naman ang solusyon diyan eh!" Napalingon kami ng marinig namin si Daisy.
"Anong ibig mong sabihin?" Ash asked.
"Kailangan lang nating tanggalin ang tinik sa lalamunan niyo." Daisy smirked.
"Hindi naman ako kumain ng isda." Wave said at napahawak sa leeg niya. Binatukan ko na.
"Pano?" I asked.
"Ibalato niyo na sakin yang Daemon na yan. Ako na bahala." Daisy grinned.
Nagkatinginan kaming apat.
"Game..."
-----
Pic ni Daemon sa gilid, sa taas pagphone/ipad/tablet. :3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top