MISSION #5 First Meeting 2
HAPPY 400+ reads!!!!
---------
Gaya ng dati, lahat ng taong nakakasalubong nila napapatingin sa kanila na may halong panghuhusga. Kaw ba naman makakita ng apat na weird na nerd? Birds with the same feathers, flock together ika nga nila.
Pumasok sila sa classroom nila.
Busy lang sa pagbabasa si Lhorraine. Habang si Rose naman inaawat na naman sina Kristine at Jana na nagbabangayan.
"Ganito pala itsura ng mga tao, hindi naman nalalayo satin." Sabi ni Rose, napatingin naman silang tatlo sa paligid nila. Tama nga si Rose hindi naiiba ang itsura ng mga tao sa kanila. Pero alam ng apat na sa dami ng mga tao sa paligid nila, mas dadami din ang mapang-api at mapanghusga sa kanila.
KYAAAAAHHHHH!!!!
ANG GWA-GWAPO TALAGA NG HE ROYALS!!!
BAGAY NA BAGAY SILA NG MGA SHE ROYALS!!!
Lahat ng students lumabas sa kanikanilang classrooms para makita ang pagdating ng ROYALS.
"Oh my God! Papasok sila sa classroom natin!"
"Classmates natin sila?! Kyaaahhhh!!"
Agad namang nag-ayos ang mga students sa loob ng classroom mapalalake man o babae.
"May kaguluhan atah?" Inosenteng tanong ni Kristine.
"May digmaan bang magaganap?" Takang tanong ni Jana.
"Ano yung HE and SHE ROYALS?" tanong ni Rose kay Lhorraine. Sila lang atang apat ang hindi umalis sa upuan nila para tignan yung mga paparating.
Naghalo-halo na ang iba't ibang uri ng pabango sa loob ng classroom.
"Grupo ng mga estudyanteng pinakamayayaman at pinakahinahangaan ng mga students sa Academy. Yung apat na babae kanina sa hallway sila ang SHE ROYALS." sabi ni Lhorraine.
Napatango-tango na lang si Kristine at Rose, pero si Jana parang walang pakealam at sumandal na lang sa upuan niya. Patuloy pa rin ang tilian ng mga students hanggang makapasok ang ROYALS sa loob ng classroom.
"Oh! Classmates pala natin yung mga WEIRDOS!!" sabi ni Jheraine at nagtawanan naman ang mga ibang students. Nakayakap ang mga SHE ROYALS sa mga braso ng HE ROYALS. Lahat ng mga students sa tingin ay bagay na bagay ang mga Royals sa isa't-isa.
"Let's stay away from those weirdos guys." Sabi naman ni Daisy habang nakayakap sa braso ni 2nd Prince, si ASHTON RYUSEI GREYSON, the coldhearted genius.
Agad namang hinila ni Bea si LEIF ALLEN VILLARUEL, para tabi sila ng seats, siya ang 3rd Prince, the ultimate playboy and casanova.
"Bez tabi tayo dun." Bea smiled, nagpahila na lang si Leif at natawa na lang sa kakulitan ng bestfriend.
Sa left side sa likod ang mga ROYALS at nasa right side naman ang mga DEMON PRINCESSES.
.
.
.
.
Katabi ni Jheraine si CRIMSON VINCE ZANDERS, ang King, the hot-headed guy. Siya yung tipong may isang salita at nakukuha niya lahat ng gusto niya by hook or by crook.
Aliw na aliw naman si WAVE DANIEL MONTEREAL sa apat na nerd. Talaga kasing nagsama sama sa iisang grupo. Kanina pa siya tawa ng tawa at kung anu-anong pang-iinsulto ang binabato sa apat. Buti na lang pinag-earphone ni Rose si Jana dahil kung hindi malamang kanina pa tustado si Wave. Kahit kanina pa naiinis si Kristine, nagtitimpi na rin lang siya.
Pumasok na ang teacher at nagsimula ng magklase. Tulog na naman si Jana habang nakikinig yung tatlo. Pero ang Royals patuloy lang sa paglalandian.
"Teacher! May weird pong hindi nakikinig sa inyo!" Turo ni Jane kay Jana na natutulog. Lahat naman mapalingon kay Jana na bahagyang niyugyog ni Rose para magising.
Lagot! Terror teacher pa naman yung first subject nila.
"Miss Jana Ruby! You're a transferee, right? Though kahit naman hindi ka transferee dapat alam mo ng hindi ka dapat natutulog during discussions." Taas kilay na sabi nung teacher.
Nagtawanan na naman lahat ng nasa classroom na pinangungunahan ng She Royals except kay Bea na nakikipagasaran kay Leif.
Humikab lang si Jana na mas lalong ikinainis nung teacher.
"First day of school Ms. Jana!! You better leave this room!!" Nagngingitngit sa galit yung teacher. Kanina pa palihim na sinisiko ni Rose si Jana para umayos pero umiirap lang ito.
"Excuse me Miss." Tumayo si Lhorraine at hinarap yung teacher. "Pardon the misbehaviour of my sister, she's really stubborn. If anything like this happen again, I'm willing to take responsibility as the eldest." Cold na sabi ni Lhorraine at umupo na. Napatsss na lang ulit si Jana.
Bale sa records nila as humans, they are quadruplets at ulila na.
Tinuloy na nila ang klase nila. Badtrip pa rin si Jana dahil siya na lang lagi napapagalitan. Hindi na rin maiwasan ni Kristine ang hindi mainis sa pang-aasar ni Wave at Jane.
Bakit daw ba ang papangit nila? Bakit daw ba weird silang manamit? Saang planeta daw ba sila galing? Etc.
.
,
.
Buti na lang bago pa magalit ng tuluyan si Kristine, nagring na yung bell.
"Aww!!" Rose softly squealed after siyang patidin ni Daisy.
"Oh my! Sarreh! You're pakalat-kalat kasi sa dadaanan namin." Daisy grinned, agad namang lumapit si Leif at Bea kay Rose at tinulungan itong tumayo.
"Are you okay?" Tanong ni Leif habang inaalalayang tumayo si Rose.
"Daisy that's rude!!" Baling ni Bea kay Daisy na nakangising nagkibit balikat na lang habang nagpipigil ng tawa.
"Okay lang ako." Rose smiled. Inayos niya yung glasses niya at pinampag yung palda.
"Thanks for helping her. Come on we have to go." Matabang na sabi ni Kristine at hinila si Rose paalis. Sumunod naman sina Jana at Lhorraine.
"Sa lahat ng mga nerds, sila lang ang may attitude. Feeling high and mighty?" Wave smirked.
"Siyempre Wave, yun na lang meron sila eh." Jane laughed.
Hindi na lang pinansin ni Crimson yung sinabi nila, wala din naman siyang pakealam gaya ni Ash. Pero si Leif parang may weird na naramdaman nung mahawakan yung kamay ni Rose.
"Here Alcohol, kanina ka pa nakatingin sa kamay mo." Bea smiled habang nilalagyan ng alcohol yung kamay ni Leif. Leif just forced a smile.
.
.
.
.
.
"Dapat talaga nilagutan mo na ng hininga yun eh." Sabi ni Kristine kay Lhorraine habang naglalakad sila papuntang cafeteria.
"Kristine, hindi lang napigilan ni Lhorraine yung emosyon niya" sabi ni Rose.
"Atleast learn to control them, diba?" Ngisi ni Jana.
"Ssshhhh! Jana!" Saway ni Rose kay Jana pero tumawa lang ito.
Inayos ni Lhorraine ang eyeglasses niya.
I shouldn't have done that. Naiiling na bulong nito sa sarili.
Dumiretso sila sa cafeteria at nagkanya-kanyang order.
"Uhmm 3 meal kahit ano." Order ni Jana.
"Ako? Uhm isang chicken sandwich." --Kristine.
"Isang vegetable salad lang sakin miss." Ngiting sabi ni Rose.
"Juice lang sakin. Here's our card." Pinakita ni Lhorraine ang golden card na hawak niya. Card ng mga major stockholders ng school. Kaya agad na binigay sa kanila yung mga order nila.
Pinagtitinginan sila ng mga tao at palihim na pinagtatawanan. May lahing hayop ang apat kaya rinig na rinig nila ang mga bulung-bulungan.
"Jana kumain ka na lang." Tawag ni Rose kay Jana para pigilan ang pagsindi ng apoy sa daliri niya. Napabuntong hininga na lang ito.
"Oh my God!!"
Rinig nilang sigaw ng limang babae ngunit galing sa magkakabilang table. Natapon kasi sa kanila yung mga juice nila ng sabay-sabay.
"Kristine!" Mahinang suway ni Rose kay Kristine na nakangisi.
"Oh bakit? Wala akong kasalanan dun. Clumsy lang sila." She chuckled at lihim na nakipag-apir kay Jana. Sa mga ganitong bagay lang naman kasi sila magkasundo-- sa mga kalokohan.
"Lhorraine, tulungan mo naman ako." Rose pouted.
Napabuntong hininga na lang si Lhorraine at binaba yung librong binabasa. "I can't, you know ako ang naunang lumabag."
"Hihihi." Kristine giggled habang pinapanood nyung mga maarteng naghyhysterical na dito sa cafeteria.
"Eeewww!! It's so kadiri!"
"Oh my gosh! My gucci!!"
"Oh noes!! My Iphonessssss!!"
"Uggghhh!!! It stinks!!"
"I need to call my butler!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top