Mission #47 All Out Battle

Etoh na!! :D
Kung may error bahala na kayo umintindi haha :P
Enjoy :)

CRIMSON's POV

"Bakit kailangang best 4 per gang ang sumali lang?" Naiinis na sabi ni Throne.

"Anong magagawa natin? Yun ang bagong rule, no one knows about this either. Hindi na kayo nasanay sa biglaang pagbabago ng rules." I said.

"But this is unfair." Nagngingitngit na sabi nito.

"Bakit ka ba sakin nagrereklamo?! Eh di duniretso ka sa management!!"

"Tama na, mag-aaway na naman kayo eh." Awat samin ni Wave.

"Tsk bwisit talaga." Throne murmured at pinagsisipa pa yung mga upuan.

"Ano bang trip nila at bakit kailangang apat lang?" Hunter asked.

"Hindi ko alam. Kakaannounce lang nila kanina." Ash said.

"Manonood na lang kami sa labas then, wala naman kaming magagawa." He sighed.

"Kamusta na pala yung ginagawa niyo ni Throne." I asked. Natigilan si Hunter at napatingin sakin.

"Mukhang nagkamali kayo ng desisyon." He smirked.

"Anong nagkamali?!" Kwinelyuhan ni Leif si Hunter.

"I told you, magpakalalake kayo kaso wala eh mga duwag." He smirked at tinampal yung kamay ni Leif at preskong lumabas na ng headquarters dito sa Underground Society.

"I don't like how he sounds." Wave hissed.

"It doesn't really matter." Patay malisyang sabi ni Ash.

"Ikaw.. ang unfair mo eh! Nakahome run ka na agad eh kami napalayas na sa first base!" Singhal ko kay Ash pero hindi niya ko pinansin.

Asar talaga siya.

"After this, babalik na naman na tayo sa dati. This time hinding-hindi ko na hahayaang may ibang lalaki pa ang lumapit sa kanya. Sisiguraduhin kong gigilitan ko sila ng leeg." Wave said habang pinupunasan ang dagger niya.

JANA's POV

Ang tagal... sobrang tagal...
Halos magteten minutes na kaming nakatayo dito ah! Tch.

"Jana! Halos 10 minutes pa lang! Ikaw talaga hindi ka makapaghintay." Irap sakin ni Kristine habang nagtatali ng buhok.

Napatingin ako kay Rose na hinahaplos yung elemental mark niya sa hita. Iyon ang magsisilbing palatandaan namin sa laban.

Mula nung pinanganak na kami may mga elemental marks na kami.

Si Rose sa hita niya.

Si Kristine sa bandang dibdib,

Si Lhorraine sa may batok at

Ako sa bandang bewang sa taas ng hips.

Kaya yung suot ko, leather suit, red and black na turtle neck na sakto lang sa baba ng breast bone, kita pusod para makita mark ko at leather pants.

Si Kristine, blue-black, kita cleavage ang peg andun yung mark niya eh at tsaka leather na shorts.

Si Lhorraine, black, white, tube top at nakataas yung buhok niya para makita yung mark niya sa likod, leather pants.

At si Rose, leather shorts para makita yung mark sa hita tsaka leather suit na turtle neck.

Nakapamewang ako dito sa taas ulit ng arena ng may marinig na kaming boses na umalingawngaw sa buong Arena.

"Everyone should remember this day, cause this is a war between the best among the rest, battle among the thoughs and fight between good and bad. This is the night that we have been waiting for, the night when the legendary warriors have come to take back their crown. Tonight, Cursed Royals will rise again and the dream of every Underground Citizen will be achieved....."

"The last man standing will not be declared the winner, instead the 1st man who can take a Cursed Royal down will win 100 million dollars."

"And when cursed royals take all of you down, Underground Society will come to an end."

Nagkatinginan kaming apat sa narinig.

"Diba mas mabuti na yun? Para hindi na sila makipaglaban, para hindi na sila masaktan." Kristine said.

Biglang kumunot ang noo ko.

"Andito tayo para gantihan sila." I hissed.

"But Yancey knows what we really want, at yun ay ang protektahan sila." She said.

Natigilan ako sa sinabi ni Kristine. Nag-iwas na lang ako ng tingin at napatingin sa arena kung saan isa-isa ng tinawag ang mga gangs.

Tinawag na ang She Wolf (She Royals) wala na si Daisy dahil tumiwalag na siya, si Junea na ang pumalit sa pwesto niya.

And then sina Crimson, kahit nakamaskara sila makikilala mo pa rin sila, kabisado ko na atah ang postura nila, kilos at ayos.

"...and last but not the least.... The Cursed Royals."

Umalulong na si Rose at sinuot na rin namin ang mga maskara namin. Unti-unting naging kulay dugo ang buwan.

Sabay-sabay kaming tumalon at sabay na sabay na nagland on our feet.

"Lahat sila babae?!" Rinig kong sabi nung isa.

"Magiging madali toh." Someone clenched his fist.

"Ready.... FIGHT!!!"

Halos lahat sila sabay-sabay na sumugod. Nakita kung ganu kabilis na tumalon si Lhorraine para umiwas.

Kitang-kita ko ang ngiti ni Rose at kung ganu niya kabilis na hinahawi yung sumusugod sa kanya.

*bang!*

Agad akong nagbend para iwasan yung bala at nagtumbling-tumbling para iwasan ang mga sumunod na putok.

May dagger na papunta sakin pero nasalo ko ito gamit ang dalawang daliri ko. Niyupi ko yung dagger at binato yun sa kung kanino man yun galing.

Parang kanyon ang effect nito dahil tumilapon yung natamaan pabalibag sa pader.

Sinipa ko sa tiyan yung babaeng sumugod sakin. So far wala pang nakakahawak sakin.

Sinuntok ko sa panga yung sumunod pa, yung isa naman binagyan ko ng backflip kick.
Yung isa uppercut, job, hook, elbow, knee...

Bigla akong naglaway when I smell something good. Yung pagnanasa ko sa dugo bigla ulit nabuhay at pati ang mga buto ko hinahanap na ang lasa nito.

A virgin's blood.

The most addictive blood. Ang pinakapinagbabawal na dugo sa Underworld, kumbaga dito sa Pilipinas, ito ang marijuana namin.

Agad kong hinanap yung amoy at hinawi yung mga sagabal sa dadaanan ko, I don't care what happens to them, I just need the blood right now. I need to quench this thirst..

I immediately grabbed her and I'm surprise to see who she is...

"Let me go!" She tried to pull her arm and tried to punch and kick me pero nasasangga ko.

"Virgin ka pa pala?" I smirked.

"Anong connect nun ha?! Jana?!" Nagulat ako dahil nakilala niya ko.

"How did--"

"Rose killed my men, mercilessly, hindi kayo mga tao, at kung ano man ang gagawin mo sakin gawin mo na!! Pagod na kong matrauma sa takot!!" She cried.

Agad kong hinila si Bea sa isang elevated na lugar. Pinaharap ko siya sa crowd, I saw how Jheraine struggled to run towards us ganun din si Jane at Junea.

"Did you tell them?" I asked.

"As if maniniwala, they'll just think I'm crazy."

I smirked at inamoy yung batok niya. Her blood is fresh... Tinabingi ko yung ulo niya.

Kristine was able to push them back.

"Just do it..." Bea cried.

"It will hurt, but it will give you the best pleasure." I whispered. Napatingin ako sa baba kung saan natigil ang labanan dahil nasa harap ko na sina Lhorraine para pigilan ang sinumang aabala sa pag-inom ko.

"DO IT---AAAAHHHHH!!!!" She screamed after I took a bite and sipped her blood.

"BEA!! Stop it!! Anong ginagawa mo!!!" I heard Junea's voice. Nanlaki ang mga mata ko, this is the best blood I've tasted so far!!!

It took me about 5 minutes or so bago ako pigilan nina Rose.

"Tama na Jana, let her live!! Wala na siyang malay!! Mauubusan na siya ng dugo." Rose said.

Agad kong pinaliit ang mga pangil ko and let Bea's body fall on the ground. I licked the side of my lips at pinunasan ito.

"Bea!!!" Junea screamed at nagsimula na ulit silang sumugod.

KRISTINE's POV

Agad kong sinipa sa mukha si Jane ng bigla silang sumugod. Ang tibay din naman ng babaeng ito dahil napaatras lang siya.

"Who are you?" She asked.

"Mamatay ka muna bago mo malaman." I smirked.

"You bitch!!!" Sumugod siya ulit pero nasangga ko yun. Epal pa yung mga sumusugod na iba.

Bigla akong sinipa ni Jane pero nahuli ko yung paa niya. Pinaikot-ikot ko siya at pinatatama yung ulo't katawan niya sa mga ibang sumusugod bago ko siya ibalibag ng tuluyan sa pader.

"Serves you right bitch." I smirked.

Marami ulit ang sumugod pero ni isa talaga sa kanila wala pang nakakalapit. Kanya-kanyang bato ng daggers at putok ng baril pero nasasalo at naiiwasan ko naman.

I was able to take them all down.
I cracked my bones at nagstretch-stretch.

"Kinukulang na atah ako sa exercise." then I felt something on my back.

"Oh bakit?" Tanong ko sa tatlo. Magkakatalikod na kasi kami.

"Ayan oh, hindi na sila sumusugod, takot na atah." Rose said.

"Eh ang brutal niyo naman kasi ni Jana panong hindi sila matatakot?" I laughed.

"Kung ayaw nilang sumugod, tayo ang susugod." Jana said at mabilis na tumakbo para sumugod sa mga nalalabing kalaban.

Ganun na rin ang ginawa namin. Napatingin ako sa direction ni Lhorraine, who's doing the dance of death.

Tumatalon-talon siya ng mataas at bumubulusok pababa.

Tumagal ng halos dalawang oras yung laban at sa wakas ubos na sila at ang natitira na lamang sa Arena ay kaming apat, ang He Royals at ang tatlong Shes.

"Nanonood lang sila kanina pa." Rose whispered. Parang may kung anong bagay na sumaksak sa puso ko when I saw Jane hold Wave's hand.

Biglang pumatak ang mga luha ko.

"It's ironic, kahit ganito ang nakikita ko, kahit nasasaktan na ko, gusto ko pa rin siyang protektahan." I heard Jana said.

Napatingin ako sa kanya, there's sadness in her red eyes. Parang itong apoy na unti-unting namamatay.

I was taken aback ng maramdamang humapdi ang pisngi ko. Napahawak ako dun and saw blood.

Saan galing ito--

Agad akong nasangga ang malakas na suntok na galing kay Wave. Napaatras pa ko.

Bakit? Bakit hindi ko naiiwasan ang mga galaw niya? He's fast! Superfast!!

Buti na lang nasasangga ko ang bawat suntok at sipa niya at nagagantihan siya ng suntok. Umeepal pa itong si Jane kaya sinisipa ko na rin.

Inuna ko munang patulugin si Jane bago kay Wave. Mas malakas pa rin ako sa kanya dahil tumitilapon siya sa bawat sipa at suntok na natatanggap niya mula sakin.

"....and this will be the last punch, punong-puno na ito ng galit at hinanakit sayo. Ewan ko kung mabuhay ka pa." I hissed.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at sinikmuraan siya, umangat pa siya sa ere sa lakas ng impact bago tuluyang tumilapon at bumalibag sa pader.

Naglakad ako papunta sa kanya and squatted besides him.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang singsing ko na hanggang ngayon suot-suot pa rin niya.

"This ring doesn't suit you, kaya akin na." I hissed and grabbed his hand para tanggalin yung singsing.

"B-bakit ayaw matanggal." I said at pinipilit tanggalin yung singsing. Nakita kong umilaw yung singsing.

Napatingin ako kay Wave na mukhang wala ng malay...

"K-Kristine..."

Did he recognize me???

"Kristine.. mag-iingat ka..." he murmured..

"M-mahal na mahal kita..." he said bago siya tuluyang mawalan ng malay. His forehead rested on my shoulder dun na ko naiyak and hugged him tight.

"G*go... sinungaling ka." I cried.

ROSE' POV

"Malakas ka." I said to him. I shook my hand na tinamaan ng sipa niya masakit kasi yun.

"Kung normal kang tao dapat, bali na yang mga buto mo sa kamay." He said.

"Unfortunately, hindi ako normal." I hissed.

"I know, at hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa niyo kay Bea." He hissed. Biglang kumirot yung puso ko. Nabuhay ulit yung galit at inis ko.

"Bea.. Bea.. Bea.. Lagi ka na lang Bea!! Puro ka na lang Bea!!" Sigaw ko dito.

"Ano naman sayo? Kilala ba kita?" He asked.

"Hindi... at hinding-hindi mo na ko makikilala pa." I said at binigyan siya ng malakas na sipa sa sikmura.

Napaatras lang siya. Matibay talaga siya. Hindi siya normal na tao. Nahagilap ng tingin ko si Kristine kung saan nakaupo na siya sa gilid at nakaunan sa lap niya si Wave.

"What is she doing?" I murmured. Nagulat ako ng biglang sumugod si Leif pero naiwasan ko. Pumagilid ako at tinuhod siya sa sikmura.

Sumubsob siya sa lupa at napaubo-ubo.

"You won't stand against me. Hindi naman patay si Bea, kumuha lang kami ng dugo niya." I said.

"You bitch!!" Nagulat ako sa sinabi niya kasabay ng isang malakas na sampal.

He called me Bitch.

Napako ako sa kinatatayuan ko at napahawak na lang sa pisngi ko.

"Pasensya ka na dahil nandito tayo sa Arena at pumapatol talaga ako sa babae." He hissed.

He's so mad right now. Lahat ng suntok at sipa niya tinanggap ko na lang. Manhid na atah ako at wala ng maramdaman.

Napaubo ako at naramdaman ang paglabas ng dugo sa bibig ko.

"Sabagay tama ka naman bitch talaga ako, babaeng aso, babaeng lobo." I murmured.

"Naalog na ba yang ulo mo at bulong ka na lang ng bulong na parang baliw?" He said. Napatingin ako sa kanya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"I've had enough. Sobra na toh. Suko na ko sayo." I said.

"W-what? You're accepting defeat??"

"Oo talong talo na ko sayo." I said at lumapit sa kanya sabay hablot ng dagger niya at binigay sa kanya.

"Itarak mo na and win the prize." I said at itinapat yung dagger na hawak niya sa chest ko.

"I won't be happy winning like this." He said.

"Ganun ba? Pero hindi na kita kayang labanan." I said.

"Lalabanan mo ko at ipaghihiganti ko si Bea."

"Tama na!!! Stop saying her name!!" I shouted.

"Sino ka ba talaga?!"

Dun na ko naiyak. I've been holding this for so long.

"Wala, hindi mo na kailangang malaman." I said and turned my back on him...

LHORRAINE's POV

It's hard for me to fight him back kaya etoh ako iniinda ang lason ng mga dagger na tumama sakin.

Taob na rin ni Junea.

"Why aren't you fighting back?!" Sigaw nito sakin.

"I just can't..."

"Fight me like how you fought with them." He said.

"Ayoko hindi ko kaya." I said.

"You're insulting me."

"I'm not..." mahinang sabi ko at napasuka ng dugo.

Napaluhod ako sa lupa at sumuka ng sumuka ng dugo. Masyadong malakas yung lason.

"Kahit balyena, isang hiwa lang niyan, mapaparalisado na at mamamatay. Hindi ka normal." He said. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong sipain ng malakas sa sikmura kaya napagulong-gulong ako sa lupa.

Pinagtatadyakan niya ko.

"I don't have time to play with a brat like you, you call yourselves legendary warriors pero wala naman kayong laban samin. How pathetic." He hissed.

Sinangga ko yung paa niya at dahan-dahang bumangon.

"Ayaw kitang patulan dahil alam kong wala kang laban sakin." I said and pushed him back.

I turned around and kicked him. Naarado siya papuntang fence at bumalibag doon.

I walked towards him...

"That mark." He said. Kumunot ang noo ko at napahawak sa batok ko. Nagulat na lang ako ng bigla niya kung hilahin at yakapin mula sa likod.

"This mark, this smell.. kabisadong-kabisado ko ang bawat marka sa katawan mo... Lhorraine."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"I'm not Lhorraine..." I said. Nanginig ang buong sistema ko ng bigla niyang halikan ang marka ko sa batok.

"Alam kong may kiliti ka dito, you always moan whenever I kiss you here. Kabisado ko ang weak spots mo Lhorraine.." He said and hugged me tighter.

"L-let me go!!" I struggled.

"Stop struggling, malakas ang lason sa katawan mo, kailangan kitang gamutin, I have the antidote." He said.

"I don't need you, I have my personal doctor." I hissed.

"Kung kailangan kong pag-aaralan ang bawat field ng medicine gagawin ko, wag ka lang pagpapahawak ulit dun sa pinsan mo, ako lang dapat ang nakakahawak at nakakakita sa katawan mo." He whispered.

Nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi niya.

"A-Ash, let me go..."

"No, hinding-hindi na kita papakawalan, subukan mong kumawala sakin, bubuntisin kita dito mismo!"

"Ash! Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Mahal kita..."

Daig ko pa ang paralisado sa sinabi niya. Biglang nanghina ang buong katawan ko.

"Ash... ang galing mong magsinungaling..." I said.

JANA's POV

Bakit ba hindi mamatay-matay itong babaeng ito?! Sobrang lakas na nga ni Crimson dadagdag pa si Jheraine.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko, nakahappily ever after na yung dalawa habang kami ni Rose patuloy sa paglaban.

TSss...

Sinipa ko na sa mukha si Jheraine, ayaw tumigil eh.

"Aahhh!!" I screamed ng biglang pilipitin ni Crimson yung braso ko papuntang likod ko at sakalin ako gamit ang braso niya.

I struggled pero sobrang higpit niya. Kapag pwinersa ko siya siguradong magkakalasog-lasog ang katawan niya.

"This is your end cursed royals." He smirked.

"Anong---akkk!!" Nanlaki ang mga mata ko ng maramdamang may kung anong bagay ang bumaon sa katawan ko.

I slowly looked down and saw Jheraine holding a knife na nakatarak sakto sa mark ko.

She smirked at me bago siya bumagsak at mawalan ng malay. Naramdaman ko ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko.

Dahan-dahang kinalas ni Crimson ang pagkakahawak niya sakin.

"JANA!!!"

I heard Rose' voice. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa lupa. Naramdaman ko ang mga kamay ni Rose na bumangon sakin.

She tooked off her mask at ganun din sakin.

"W-wait lang! Lhorraine!!" Rose screamed.

"H-hindi ko pa kaya, nalason din ako." nanghihinang sabi ni Lhorraine.

"W-what's the meaning of this? K-kayo ang Cursed Royals?" Naaninag ko ang mukha ni Crimson.

"Wait lang Jana wag kang pipikit!! Jana labanan mo yung lason!!" I heard Kristine's voice pero wala na kong makita...

"Where's the antidote?! Ash the antidote!!!"

"It was Jheraine's dagger, wala sakin yung antidote." I heard them.

"Iuwi niyo na ko." I said.

"Tawagan niyo sina Paris!!" I heard Rose said.

I slowly closed my eyes, then darkness and silence embraced me..

-------------------
Tbc...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top