Mission #45 Reality
JANA's POV
"Nakakapanibago si Rose. Siya pa talaga late na nagising at ang mahirap pa si Lhorraine ang nagluluto! May balak ka bang patayin kami Lhorraine?" Ingos ko.
"My cooking is edible." Irap nito.
"Edible? Okay edible. Sana nagtubig na lang ako. Mas masarap pa yun."
"I'm on a diet pala so I don't need to eat." Nakangalumbabang sabi ni Kristine.
"Uyy! Nag-effort si Lhorraine gumawa ng lugaw at ano ba toh? Kailan pa naging black ang color ng hotdog at bacon?!"
"Tsss hindi yan lugaw, kanin yan. Kanin. Sige na kumain na kayo." Utos samin ni Lhorraine.
"Di porke't maitim ang budhi namin. Itim na rin ang ipapakain mo. We need justice for this."
"Nga pala Lhorraine! Nag-away ba kayo ni Rose?" Tanong bigla ni Kristine. Nailuwa ko pa yung hotdog sa sama ng lasa.
"Si Lhorraine makikipag-away? Ni pumatay atah ng inosenteng ipis hindi magawa niyan eh." I said.
"She was there when we we're talking." biglang sulpot ni Yancey.
"And you didn't tell me about it?!" Hysterical na sabi ni Lhorraine.
"She deserves to know the truth and you deserve to suffer all the consequences." sabi niya habang nagtitimpla ng kape.
Nagkatinginan kami ni Kristine.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Kristine asked.
Pero bumuntong hininga lang si Lhorraine.
"Uyy wag pa suspense! Suspension of classes lang ang gusto kung suspense." I said.
"Suspend yun, hindi suspense." Irap ni Kristine sakin.
"Bakit ba! Basta may SUSPEN parehas din yun! So ano na?! Anong nangyari?!" Tanong ko kay Lhorraine. Napatingin siya kay Yancey na nagkibit balikat lang.
"M-may..."
"May???" Excited na tanong namin ni Kristine.
Lhorraine sighed. "May nangyari samin ni Ash."
"WHAT?!" napatayo pa si Kristine sa gulat. Ako? Napako ako sa kinauupuan ko. Of all people si Lhorraine ang huling iisipin kong magkakaganito.
"How does it feel?" Muntikan na kong mahulog sa kinauupuan ko sa tanong ni Kristine.
"Sa ating apat, hindi na ko magugulat kung ikaw nauna eh. Virgin ka pa ba?" I asked Kristine.
"U-uy-uyy! Ang bastos mo! Syempre virgin pa ko! Aish... kay forever na itong virginity ko. Eh ikaw?"
"Kapag nag-init ako siguradong tostado sila." I chuckled.
"H-hindi kayo galit sakin?" Lhorraine asked.
"Galit kami. Sobrang galit na galit kami na magsusupersayan 4 na kami." I laughed.
"Hindi kami galit sayo Lhorraine, we're just quite disappointed. Pero mahal mo eh, kaya mo yun nagawa. I could have had done the same kaso wala na talaga akong nararamdamang pagmamahal from him. Pero ikaw I can see Ash has still something for you." Mahabang paliwanag ni Kristine.
"Ako? Hmmm okay lang. Basta ba't hindi ka magkababy, sa loob ba?" I asked. Bigla siyang namula at napayuko.
"Tsk tsk malaking problema yan." I said.
"Napopollute na yung mind ko. We have readers that are 12 and below. Though pang 18 na itong topic natin haha. Kaya readers.. skip this part." Nababaliw na si Kristine -.-
"Ano ng gagawin mo? Papanagutan ka ba ni Ash?" I asked.
"Wala namang baby kaya wala siyang papanugutan." Lhorraine said.
"Okay, sabi mo eh. Asan na ba si Rose?! Malelate na tayo." sabay-sabay kaming napatingin sa taas ng bumukas yung pinto sa kwarto ni Rose.
Lahat kami laglag ang panga sa nakikita. She's wearing a black off shoulder dress at black pumps.
Pulang-pulang lipstick at makapal na itim na eyeliner.
Ayan na naman siya sa pagrerebelde niya. Siya pa naman ang pinakamahirap aluhin samin.
"Tara na." Mataray na sabi nito.
"Kumain ka muna Rose." Alok ni Lhorraine.
"Pagkain ba yan?" She raised her brows. Pati nga kami naoffend sa inasal niya. Pero ganyan talaga yan eh pag may sumpong wag lang gagalitin dahil namimisikal.
Nag-ayos na rin kami at dumiretso sa kotse. Kami na ni Rose dito sa likod tapos sa harap si Kristine at Lhorraine.
Walang imikan.
"Jana, nagdala ka ba ng cigarette?" Nagulat ako sa tanong ni Rose.
"Hindi ako nagdadala, may stock ako sa club room."
"Ahh sige tatambay ako dun mamaya." Nakakapanindig balahibo ang pagiging cold ni Rose.
Nakarating na kami sa school, lahat kami piangtitinginan ng mga tao. Kaming tatlo magkakatabing naglalakad habang nasa harap namin si Rose.
"You. Open the door for me." Biglang utos ni Rose sa isang estudyante. Nagulat pa nga ito.
"Rose may kamay ka naman---" singit ni Lhorraine
"I don't want to hold things na nahawakan mo na, baka mahawaan pa ko ng Kalandian Virus mo." Irap nito and honestly pati ako nabastos sa sinabi ni Rose.
"You're going too far Rose. Ayusin mo yang ugali mo baka hindi kita matantsa." I said.
"So, kinampihan niyo pa talaga yang malanding yan?" Taas kilay na sabi nito. Kristine slapped her kaya gumanti ng sampal
si Rose. Sa lakas nito bumalibag sa pader si Kristine.
"F*ck! How dare you?!" Kristine squealed. Naestatwa na nga kami ni Lhorraine sa gulat at pinanood na lang si Rose na pumasok ng classroom.
Agad naman naming tinulungan si Kristine.
Pagdating talaga kay Daemon, wala ng sinasanto yung babaeng yun.
"Ang sakit peste..." Kristine hissed. "Sumusobra na talaga yung babaeng yun." Inis na sabi nito at susugod na sana ng pigilan siya ni Lhorraine.
"Ako ang may kasalanan kaya hindi dapat kayo nasasaktan." She sighed. Nagkatinginan na lang kami ni Kristine.
We walked inside the room. Ramdam ang tension na namumuo sa paligid pati ang He at She's Scratch ay mukhang nagtataka sa inaasal ni Rose.
Napatingin pa lahat ng pumasok kami. Dumiretso si Lhorraine sa harap ni Rose. Agad silang nagtagisan ng titig.
"Anong klaseng away ang gusto mo?"
Natigilan kami sa biglaang hamon ni Lhorraine. Anong laban niya kapag nagkapisikalan sila?! Tumayo si Rose para pantayan ng tingin si Lhorraine.
*slap!*
Napasinghap ang lahat sa ginawang pagsampal ni Rose kay Lhorraine, I think prepared si Lhorraine dahil natabingi lang ang ulo niya kahit umalingawngaw na ang tunog nito sa loob ng room.
"Enough!" I hissed at pumagitna na. "Peste papatulan na talaga kita." I hissed at nakipagtitigan ng masama kay Rose. Rose clenched her jaw.
"Sige. Kampihan niyo siya pero hindi yun mababago ang desisyon kong patayin yung bata, kaya ipagdasal mong walang mabubuo diyan." Rose almost whisphered to us.
Agad na kumunot ang noo ko, both Lhorraine and Kristine were shocked of what they heard.
"Subukan mo at magkakamatayan tayo." Naiiyak na sabi ni Lhorraine and walked out.
ROSE' POV
I immediately rolled my eyes. Magiging salot yung magiging anak niya at mawawalan na siya ng karapatang maging reyna if she continued it.
Parehas lang silang mahihirapan nung bata. Hindi naman kami pinagbabawalang magmahal ng tao. Basta ba't alam namin yung limitasyon at alam namin PANSAMANTALA lang ang lahat.
Lunch break. Hindi na bumalik si Lhorraine, there's also a chair between me and Jana na katabi si Kristine.
"Tara na Kristine grabe nagugutom na ko." Nag-inat-inat na naman si Jana, sign na kagigising lang niya.
"Kasama mo ba si Throne today? Mag lakad kasi ako eh, you know hectic ang sched ko sa lunch." Kristine said.
"Ganun ba? Sige hanapin ko lang mamaya yun. Lagi silang hindi pumapasok ni Hunter eh." Jana said.
Hunter? Napatingin ako sa sarili ko. Anong magiging reaction niya pagnakita niya kong ganito?
Aish nakakainis. Baka maturnoff yun. I immediately grab my purse at lumabas na ng classroom.
"Tsk tsk tsk, malala nga." napalingon ako only to see Hunter na nakasandal sa wall like he's really expecting me.
"H-hinihintay mo ba ko?"
He nodded.
"Ayaw mo ba ng itsura ko?"
He nodded.
"H-hindi ba bagay sakin?"
He nodded.
"Ang sama mo." I pouted. Naglakad siya papunta sakin at kinurot ang pisngi ko.
"Nagmumukha kang kontrabida, isa ka sa mga bida ng story na toh kaya dapat magpakabait ka."
"Mabait naman ako." nakangusong sabi ko.
"Etoh punasan mo." Abot niya ng panyo sakin.
"Alin?"
"Yang laway mo, tumutulo eh---aww!" Hinampas ko na. Seryoso ako eh! "Yang lipstick mo ang pangit eh." Irap niya.
"Tch pasalamat ka malakas ka sakin." I said at pinunasan yung lipstick ko. Ayoko naman talagang magsuot ng ganito, naiinis lang talaga ako.
Lumapit sakin si Hunter and held the back of my head. He pulled me and rested my head on his chest.
Ang bango niya grabe...
"Umiyak ka lang. Alam ko nasasaktan ka lang. Iiyak mo lang yan and turn back to normal. Ilang oras pa lang kitang nakikitang ganyan namimiss ko na yung palangiting Rose." Then suddenly tears began streaming down my cheeks.
Iniyakap ko yung mga braso ko sa bewang ni Hunter at umiyak na lang ng umiyak. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga students sa hallway.
----------------------
"Sige tawa pa!" Bato ko sa kanya ng tissue na pinampunas ko.
"Hahahahahahahaha"
"Nakakainis, kanina ka pa tawa ng tawa! Ikaw nagpaiyak sakin ha?!"
Kanina pa niya pinagtatawanan ang itsura ko, dahil nagkalat na sa mukha ko yung eyeliner ang hirap pa namang tanggalin.
"Akin na nga!! Higa ka dito." He patted his lap. I grinned at humiga sa lap niya.
"Tingin sa taas!" He commanded.
"Nakatingin ako sayo! Hindi ba yun ang taas?"
"Tsss dun-dun!" Bumangon pa ko para tignan yung tinuturo niya.
"Pano ako titingin--"
"Wag pasaway gawin mo na lang." He said a nilagay yung palad niya sa noo ko para ibalik ako sa paghiga.
May parang oil siyang nilagay sa panyo niya at pinunas sa mukha ko. Andito kami sa garden ngayon.
Tumitig ako sa mukha ni Hunter.
"B-ba-bakit?" He stummered. Bumangon ako at inilapit ang mukha ko sa kanya.
"Feeling ko gusto na kita." I said. Nanlaki ang mga maya niya sa sinabi ko.
"Bakit di ba pwede? May magagalit? Parang gusto lang naman eh." I pouted at humiga ulit sa lap niya.
HUNTER's POV
I silently smiled habang pinagmamasdan ko yung mukha niya, mas bagay niya talagang maging simple.
Nagulat ako sa sinabi niya kanina.
"Ang tagal kong hinintay na sabihin mo sakin yun." I murmured at sumandal sa puno.
"Kasi hinihintay kitang umamin." Agad akong napatingin kay Rose. Nagtutulog-tulugan lang pala siya.
"Kala ko tuluyan na kong makakatulog kakahintay sa reaction mo." She said at dahan-dahang bumangon. "Kaso gaya ni Leif, hindi tayo pwede." She said with half smile.
Biglang naglagasan ang mga maliit na flowers mula sa puno. Endless love lang ang peg.
Umusod papunta sa tabi ko si Rose, she rested her head on my shoulder.
"Kasi hanggang ngayon si Leif pa rin?" I asked.
"It was too late before I realized that, at siguro sa araw na malaman kong mahal na rin kita, siguro huli na ang lahat."
"Why don't you use me to get over him?" I suggested.
"Hindi ka bagay na ginagamit lang Hunter. Gusto ko kusa na lang itong mawawala and by that time sana andito ka pa rin sa tabi ko."
I kissed the top of her head and whispered, "Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo, kahit pumunta ka pa sa banyo..." I said kaya ayun nahampas na naman ako. -,-
LHORRAINE's POV
Nakatingin ako sa reflection ko dito sa CR. I should talk to Ash about us. About sa nangyari between us.
I sighed at unti-unting hinimas yung puson ko.
Lumabas na ko ng CR at naglakad-lakad sa hallway habang iniisip kung anong sasabihin ko sa kanya.
Agad na namula ang pisngi ko when I remembered what happened yesterday. I unconciously bit my lower lip.
Natigilan ako sa paglalakad. My eyes widen at parang tumigil ang oras sa paligid ko.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Ash and Junea is almost making out sa may hagdan papuntang rooftop. I felt my heart broken again into pieces.
"W-wait wag dito." Junea said while panting and immediately fixed her blouse. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ko.
Ash saw me, too pero parang wala lang sa kanya.
Now, para ng dinudurog ng pinong-pino ang puso ko.
"A-Ash.." I almost whispered as tears started to stream down my cheeks.
"What?" He asked coldly and brushed his fingers through his hair.
"Gusto ko lang sanang kausapin ka about what happened between us." I said napatingin ako kay Junea na nag-iwas lang ng tingin.
"Ah yesterday? Just forget about that it's not a big deal... Come on, let's continue this somewhere else. Dun sa walang istorbo." he said at inakbayan pa si Junea palayo sakin.
Napaupo ako sa may hagdan dahil biglang nanghina ang tuhod ko. Napaiyak na lang ako ng sobra, ang sakit-sakit.
I gave him everything yet it's still not enough. Umiyak na lang ako ng umiyak...
"Congratz, walang mabubuong baby." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Rose. Agad akong nagpunas ng luha.
She's right, hindi kasi uso saming mga Demon ang ovulation/fertile days dahil wala kaming monthly period.
Conception+Love=Baby.
Ganyan lang ang formula samin. Kapag may nangyari sa inyo ng taong mahal mo at pinandigan ka niya at inalagaan, there's a 99% chance na mabubuntis yung babae.
She'll feel secured thus making her body prepared for pregnancy.
Hindi uso samin ang single parents, o naano lang especially teenage pregnancies.
Every babies were made of pure love.
"Nagpakatanga na naman ako." I sniffed.
"Lahat naman tayo nagpapakatanga sa pag-ibig, nasobrahan mo lang." She chuckled. Lumapit ako sa kanya and hugged her.
"Sorry." I said.
"Ayos lang yan. Sorry din dahil nasobrahan ko. Pero sana itatak mo na diyan sa puso't isip mo na hindi tayo magtatagal sa mundong ito, it will be hard to leave someone behind, lalo kung hawak-hawak na niya ang puso mo."
"Mmmm drama mo." I chuckled.
-----------------
100 votes
100 comments
Mag-UUD ako agad. Ora mismo :P
In short, impossible XD.
Tbc :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top