MISSION #4 The First Meeting

"Jana wakey wakey na." Yugyog ni Rose kay Jana na tulog pa rin. 7 am na at 7:30 magsisimula ang klase nila.

Papasok sila sa Grade 12 dahil 17 years old na sila sa school na pinamumunuan ng isang Royal Knight na si Yancey, siya ang tumatayong guardian ng apat sa Human World.

Pabalik-balik si Yancey dito sa Human World dahil sa isang personal na dahilan.

"Rose! Matagal pa ba yan?! Malelate na tayo!" Sigaw ni Kristine mula sa baba.

Wala ng choice si Rose kundi ang buhatin si Jana at ibalibag sa sahig.

"Ouch!" Jana squealed habang hinihimas yung likod. "Rose naman eh! Pwede mo naman akong gisingin ng maayos!" Pagdadabog ni Jana habang tumatayo.

"Kanina pa kaya kita ginigising. Next time kasi wag mo ng hintayin na kung ano pa ang wasakin ko bago ka magising ng tuluyan." Natatawang sabi Rose pero inirapan lang siya ni Jana at pumasok na sa CR para maligo.

"Oh asan na yun?" Tanong ni Kristine habang pababa siya ng hagdan.

"Naliligo na." Rose smiled at dumiretso na sila sa hapag kung saan kasalukuyang nagbabasa si Lhorraine habang umiinom ng coffee at si Yancey habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ano? May lumabas na bang mga nakprint diyan sa libro?" Tukoy ni Kristine sa cursed book na hawak-hawak ni Lhorraine.

Napabuntunghininga na lang si Lhorraine at umiling. Nakasaad sa cursed book ang lokasyon at kung paano makukuha ang mga elemental weapons.

Ngunit hanggang ngayon, blangko pa rin ang lahat ng pahina ng libro.

"Dalian mo Jana, malelate na tayo." Sabi ni Yancey habang nagpupunas ng bibig.

"tssss. Sandwich na naman?" Irap ni Jana at umupo na sa tabi ni Lhorraine.

Maganang kumain yung tatlo habang si Lhorraine at Yancey ay nag-uusap tungkol sa mission nila.

"Tara na. Dun na lang kayo sa isang kotse, Lhorraine kaw na magmaneho dun." Sabi ni Yancey at pinatunog yung alarm ng kotse niya.

Hindi sila pwedeng magsasabay sa pagpasok dahil hindi pwedeng malaman ng mga students na ang apat na mysterious nerds ang totoong may-ari ng school nila.

"Oh and one more thing. No powers and No hurting anyone, lalo kana Jana." Turo ni Yancey kay Jana na agad namang ikinanuot ng noo nito.

"Ilang ulit mo ng sinabi yan sakin. Nakakasawa ng pakinggan." Irap nito.

"Kapag may narinig akong may ginawa kayong kalokohan, malilintikan kayo sakin." Pagbabanta pa nito.

"We can control and supress our powers Yancey. You have nothing to worry about. I'll take responsibility if anything wrong happens." Sagot naman ni Lhorraine.

"No one will take responsibility, cause no one will break the rule. Right Jana?" Sabi ulit ni Yancey, napairap na lang si Jana.

"I really hate that old lady." Inis na sabi ni Jana nung makapasok na sila ng kotse. Nasa likod sina Rose at Kristine habang nasa driver's seat si Lhorraine.

"She's not that old, i think she's in her mid twenties." Sabi naman ni Rose.

"Tssss." Irap ni Jana at sumandal sa headrest ng upuan niya.

"She's cool." Dagdag pa ni Kristine na mas lalong ikinainit ng ulo ni Jana.

"Gusto mo ba ulit ng away Kristine?" Banta ni Jana na tumingin pa sa likod.

"Game ako diyan!!"

"Enough!! Kasasabi lang ni Yancey na don't use your powers diba?!" Awat naman ni Rose. Nag-irapan na lang silang dalawa at nagcross arms.

"Kailan ba nagkasundo ang Fire and Water, Rose?" Tanong ni Lhorraine habang nagdadrive. Napabuntong hininga na lang si Rose.

.

.

.

.

.

.

.

.

>>>SA ROYAL ACADEMY>>>

"Kayong dalawa, diyan lang kayo sa likod namin ni Lhorraine, wag kayong mag-away." Sabi ni Rose kay Jana at Kristine habang naglalakad sila sa hallway at busy naman sa pagbabasa si Lhorraine.

"Stop treating us like kids Rose, alam naming mas bata kami pero, hello? Minutes lang ang difference natin." Kristine rolled her eyes at nagcross arms.

Iisang araw lang silang ipinanganak pero iba-iba sila ng kahariang pinagmulan.

"Wow! Hahaha I'm seeing something awful!" Napatigil sa paglalakad yung apat ng may humarang sa kanilang apat na babae.

"Something awful? Kami ba?" Tanong ni Rose sa pinakaleader ng mga babae.

Bigla silang tumawa ng maarte na ikinainis ni Jana at Kristine. Habang si Lhorraine tumingin lang sa kanila saglit tapos bumalik ulit sa pagbabasa.

"Sino pa ba?! Group of geeks/nerds/dork/pathetic losers." Tawa sila ng tawa. Pilit namang pinipigilan ni Rose yung dalawa.

"Tara na, malelate na tayo." Cold na sabi ni Lhorraine at nagsimula ng maglakad. Hinila na rin ni Rose yung dalawa.

"Wait!! Isn't it rude to turn your backs to the Queen and princesses of this Academy?" Taas kilay na tanong ni Queenie Jheraine Akashi. Siya ang leader ng SHE ROYALS, na kinabibilangan nina:

Kimberly Jane Park- 1st Princess

Daisy Grace Anderson- 2nd Princess

Bea Serine Lee-3rd Princess

Pero hindi sila pinansin nina Lhorraine at dumiretso lang sila ng lakad. Jheraine clenched her jaw. Naiinis siya sa pambabalewala sa kanya nung apat na nerd. No one dared to do that to her. Kinatatakutan siya ng lahat.

"Rose, bakit mo ba kami pinipigilan?" Angal ni Jana nung tinanggal na ni Rose yung pagkakahawak sa kanila.

"May promise tayo kay Yancey." Sagot ni Rose. Napairap na lang sa kawalan yung dalawa.

"We can control and supress our powers but not our emotions." Kunot noong sumbat ni Jana.

"Oo nga naman! Hahayaan na lang ba nating bastosin tayo ng mga tao? Mas mababa ang uri nila kaysa satin." Gatong naman ni Kristine.

"We cannot supress our emotions but atleast learn to control them. If you don't want to be treated like a kid then stop acting like one." Walang emosyong sabi ni Lhorraine na ikinagulat nung tatlo.

Napatsss na lang si Jana. Kapag ang panganay nagsalita, sumunod ka na lang.

"Hoy!" Napatigil ulit sa paglalakad yung apat ng harangan sila ni Jane. Sumunod naman yung ibang She Royals sa kanya.

"Kimberly Jane, ano na naman ba toh? Hayaan na lang natin sila." Bulong ni Bea kay Jane.

"Alam mo Bea, princesses tayo tapos binastos pa nila si Queen. Hindi atah ako makakapayag na makakaalis na lang sila ng basta-basta." Pagpaparinig ni Jane sa apat.

"Yeah! They were so like making us pahiya kanina, and it's so g-r-r-r!!" Inis na sabi ni Daisy.

Tahimik lang si Jheraine na nakacross arms sa harap ng Nerds. Napataas ng kilay si Kristine at napatsss naman si Jana.

"Pwede ba dadaan kami kaya tumabi na kayo kung ayaw niyong makipaglips to lips sa semento." Inis na irap ni Kristine.

"Yuck! Lips to lips to the semento? You are so kadiri!!" Sabi ni Daisy.

"Yuck! Eck eck! Ang arte mo!" Singhal naman ni Jana.

"Jana! Kristine! Stop it! They are not worth our time!" Sabi ni Rose.

"Not worth your time?! Huh?! Are you mocking us?!" Biglang lumapit si Jane kay Rose pero siyempre hindi nagpatinag si Rose at nakipaglabanan pa ng titigan.

Nagsimula ng makiusyoso ang ibang students at nagbubulung-bulungan.

"Hindi na sila nahiya. Ang papangit na nga nila."

"Hindi na sila natakot sa She Royals, kebago-bago pa lang eh."

"Nakakahiya sila, dapat paalisin na lang sila sa school, hindi nila alam gumalang sa mas nakatataas sa kanila."

Napasmirk si Jheraine at Jane sa mga naririnig. Sa kanila kampi ang student body.

"Narinig niyo yun? Matuto daw kayong gumalang sa mga MAS nakatataas sa inyo." Jane grinned sabay tulak sa balikat ni Rose.

"Oh well, welcome to the Royal Academy! I hope we can get along well." Plastic na sabi ni Jheraine at talagang pinarinig pa sa lahat.

"Ambait bait talaga ni Queen!"

"Oo nga eh, kahit inaaway na sila nung mga pangit nagiging humble pa rin siya."

"Ang ganda-ganda niya talaga."

Jheraine softly chuckled sa nakikitang inis na expressions ng nerds pero natigilan siya nung makita si Lhorraine na parang walang pakealam at nagbabasa.

Ano bang problema nito? Nakakainis na.

Naramdaman ni Daisy ang pagkainis ni Jheraine kaya siya na ang lumapit kay Lhorraine at hinablot ang book na hawak nito.

"Hala lagot!" Pabulong na sabi ni Rose. Kapag kasi nagbabasa si Lhorraine, it's better that you leave her alone or else.....

Nag-ayos ng eyeglasses si Lhorraine at napatingin kay Daisy na nakangisi.

"Hihiramin ko lang ha?" She grinned.

Pero tinititigan lang siya ni Lhorraine. Hindi alam ni Daisy pero nagsisimula na siyang kabahan at parang sumisikip na ang dibdib niya.

"I can't breath." Sabi ni Daisy at napahawak sa braso ni Bea.

"Huh? Bakit? Wala ka namang hika."

"I- I can't b-breath." Ulit nito habang nakahawak sa chest. Kinuha na ni Jana yung libro na hawak ni Daisy at binalik kay Lhorraine.

"Kala ko ba hindi tayo gagamit ng powers? Ikaw naunang lumabag Lhorraine." Jana whispered. Napaayos ng glasses si Lhorraine kasabay ng pag-ayos ng paghinga ni Daisy.

"Uyy dalhin na natin si Daisy sa infirmary baka kung ano pa mangyari dito." Tawag ni Bea sa dalawa.

Napatsss na lang ang mga ito at dinaluhan si Bea.

Lumapit ulit si Jane kay Kristine, "hindi pa tayo tapos." Sabi niya sabay tingin sa mga nerds. She rolled her eyes at sumunod kina Bea.

----------------------------------------

Gume! Gume!! (-/\-) maiksi masyado hahaha. Hahabaan ko next time XD.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top