Mission #39 Engagement

Para kay @Queen_tomo dahil talagang binabasa mo at ininternalize yung story XD.

@YummyKiethCat thank you sa floodvotes :)

Q1: Pano nabuhat ni Ash si Lhorraine, diba mabigat yung mga damit nila?

--kasi po yung mga tela na suot nila eh power suppresors lang at dahil wala namang powers si Ash kaya niya ito nabuhat :)

Q2: About dun sa nagshower sila, diba hindi pwede si Jana sa tubig?

-si Jana po specifically, hindi pwede sa malalamig na bagay, pwede naman siyang maligo as long as hot water (hindi kasi naispecify. sorry ^^)

Q3: Pano na nga ba yung singsing kay Wave?

-aba malay ko! Wala sakin ah! De joke, ABANGAN niyo na lang :P baka naiwala na niya yun.

------------------------
ROSE' POV

Buti na lang walang teacher for 3 hours. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapasyal dito sa garden.

Umupo ako sa favorite spot ko. Agad na nagsilapitan yung mga ibon. Nagsaboy ako ng food nila. Grabe nakakamiss din pala ang lugar na toh.

"Pasensya na hindi ko kayo nadadalaw ng madalas kain lang ng kain. Marami pa dito." I said.

Nanonood lang ako ng bigla silang magsiliparan.

"Sinong nandyan?" Kumunot ang noo ko. Tumayo ako at pinampag yung dress ko.

"S-sorry hindi ko sinasadya." Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Hunter.

"Hindi mo bagay yung name mo, naitataboy mo yung mga hayop eh." I chuckled.

"Ahm aalis na ko.." He said.

"Teka lang! Bakit aalis ka na?"

Lumingon siya sakin pero hindi niya ko matignan ng diretso, may problema ba siya? O may kasalanan ba ko? Para kasing iniiwasan niya ko.

"Samahan mo muna ako dito." I said.

"Ahm ano kasi..."

Napabuntong hininga na lang ako. "Sige na nga baka importante yang pupuntahan mo, pero next time samahan mo ko ha?" I grinned.

Tumango naman siya at naglakad na paalis.

HUNTER's POV

Ano ba naman toh?! Nakakatorpe peste. Oo na, inaamin ko naman eh, may gusto ako
kay Rose noon pa lang nerd pa siya.

Lagi kasi siyang nakangiti at hindi mahirap iapproach, ang bait pa niya sa mga hayop at halaman.

Muli akong lumingon sa pwesto niya, bumalik na yung mga ibon at pinapakain niya ulit ang mga ito.

"Sayang talaga noh?"

Kumunot ang noo ko ng makita si Kristine na nakasandal sa pader.

"Pinapanood mo ba kami? Stalker mode." Irap ko.

"Hindi naman, nacurious lang ako. Kung ganu mo ko kabilis sinunggaban noon, ganun ka naman katiklop pagdating kay Rose." She chuckled.

"Kababae mong tao ganyan lumalabas sa bibig mo." Irap ko at nilampasan na siya.

"Pustahan tayo medyo worried na ngayon si Rose." She grinned. Lumingon ako sa kanya and gave her a puzzling look.

"Feeling niya galit ka sa kanya kasi iniiwasan mo siya. Malungkot na nga siya dahil broken hearted siya tapos dadagdag ka pa." She smirked and left me dumbfounded.

Dumiretso agad ako sa vending machine.

"Aish, ano nga ba naman ang alam ko sa gusto niya?" I mumbled.

"Kahit anong ibigay mo magugustuhan niya." Napalingon ako sa nagsalita.

"Leif? Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Para kay Rose yan diba? May gusto ka sa kanya? Alam niyo ang mangyayari satin kapag pinagpatuloy niyo ni Throne ang ginagawa niyo." Kunot noong sabi nito.

Kumuha na lang ako ng juice.

"Walang nagbigay ng karapatan sa inyong saktan sila. Lalaki ako kaya ipagtatanggol ko siya in a way na hindi siya masasaktan. Hindi ako duwag na kagaya mo." I hissed.

*bogsh*

Sumubsob ako sa sahig ng bigla akong suntukin ni Leif.

"Wala kang alam kaya wag kang magsasalita. Kung gusto mo silang protektahan eh di gawin mo! Wala akong pakealam sa kanila at wala na rin akong pakealam kung ano man ang mangyari sayo!" Sigaw niya sakin. Napahawak ako sa gilid ng labi ko.

"Tssss." Ang sakit peste.

"Leif..."

Natigilan kaming dalawa ni Leif sa biglaang pagdating ni Rose.

"Hunter... A-ayos ka lang?" Rose asked at hinawakan yung mukha ko. Agad akong naalerto kaya napatayo ako agad.

"Masakit ba? Gamutin na natin?" Nag-aalalang tanong niya. Hinawakan niya ulit yung mukha ko. Ang lambot ng kamay niya tsaka ang bango.

"No, ayos lang ako." I smiled.

"Leif... hindi ko alam kung anong ginawa ko sayong masama, pero sana tama na. Nananahimik na kami. Sabi mo nga wala ka ng pakealam diba? Kaya pwede ba hayaan mo na kami ni Hunter, kung may mangyari mang masama, proprotektahan naman namin ang isa't isa eh." Rinig na rinig ko ang lungkot sa boses ni Rose.

I held her hand and slightly squeeze it. Tumingin siya sakin and slightly smiled.

"Me? Hahaha are you kidding me? I don't f*cking care about any of you, sina Hunter ang inaalala ko! Wag ka ngang assuming! Kinakausap ko pa siya kaya pwede ba umalis ka dito." Leif said insensitively.

G*go pala toh eh!! Susugurin ko na sana siya ng pigilan ako ni Rose.

Binitawan ni Rose ang kamay ko at humakbang palapit kay Leif sabay suntok dito.

Kitang-kita ko ang lakas ng impact ng suntok niya dahil lumagapak pa si Leif sa sahig.

Leif groaned in pain.

"Next time piliin mo ang ginagago mo." Nanlaki ang mga mata ko when I saw Rose na dinaan lang kami with dead look. As in wala ng emosyon ang mga mata nito.

I heard Leif cursed. Dumugo na ang ilong nito habang pinipilit tumayo.

"Yan kasi g*go ka." I smirked at iniwan na siya sa gitna ng hallway.

LHORRAINE's POV

Uwian na at nagsama-sama ulit kaming dumiretso sa gate para hintayin ang MGA sundo namin.

"Yeah see you tomorrow." Kristine grinned at nagwave na dun sa isang boyfriend niya dito sa school, bale 7 silang boyfriend niya dito.

I can't imagine how she handles them.

"Call me." Sabi pa nung guy.

"Ang daya bakit ang hilig mo sa gwapo." Rose pouted.

"At kailan ka pa nagkainterest sa mga lalaki aber?" Kristine laughed.

"Uyy nagkakacrush din ako." Tawa ni Rose.

"Ay oo nga pala, may laban ako ngayon." We heard Jana said.

"Laban saan?"--Kristine.

"Nagregister ako sa isang Street Racing event ngayon, actually, susunduin nila ako ngayon eh." She said as she glance on her wrist watch.

"Ako nga rin antagal ng sundo ko." Kristine sighed.

"Ikaw Lhorraine may sundo ka?" Rose asked.

"May dadaluhan kaming formal party ni Yancey." I said. Nagkatinginan naman yung tatlo.

Dapat talaga pupunta kami kaso may kanya-kanya silang lakad.

"Eh pano ako?! Sinong kasama kong maggrogrocery! Naman eh." pagdadabog ni Rose. Lumalabas na naman atah ang pagiging childish niya.

"Humila ka na lang diyan willing naman sila eh." Napatingin kami sa tinuturo ni Kristine yung mga fans ni Rose.

"Hi, sinong--"

"Kyaahhhh!!! Ako Rose! Ako Rose, we own a Supermarket kaya libre na lahat sayo!!"

"No Rose ako na lang! I can give you the whole grocery store if you want."

At kung anong-ano pa. Sakit sa ulo, napangiwi na lang si Rose at pilit na ngumiti sa kanila.

"Ang dadaya niyo." Irap ni Rose samin.

"HUNTER!!!!" Biglang tawag ni Kristine kay Hunter. Agad na yumakap si Kristine sa braso nito.

Akala ko ba hiwalay na sila??

"Tsss tanggalin mo nga yang kamay mo, kairita ka." He scoffed.

"Etoh naman!! Hmpt wag na nga lang, hahanap na lang ako ng pwedeng sumama kay Rose sa Mall." Kristine grinned.

Kumunot ang noo ni Hunter at napatingin kay Rose.

"K-kung gusto mo sasamahan kita." Nahihiyang sabi nito.

"Talaga?! Sige sure! Sure!!" Rose grinned at lumapit na kay Hunter.

"Una na kami!!" Paalam ni Rose samin at sumakay na sa kotse ni Hunter.

"Oh! Andyan na pala eh!" Jana said. Napatingin kami sa lalaking nakahelmet at nakasakay sa itim na ducatti.

"Halika na. Baka malate pa tayo." Tinanggal nito ang helmet niya. Si Throne lang pala. Bumaba ito ng motor at lumapit sakin.

"Ube Ice cream." He grinned. Lihim na lang akong napangiti at kinuha yung ice cream mula sa kanya.

"Sige alis na kami. Ingat kayo ha?" Sabi niya samin ni Kristine.

"Okay! Wag magpapaumaga ha?" Kristine chuckled.

"Sa ating apat ikaw ang madalas na inuumaga." Tawa naman ni Jana. Sumakay na ito sa likod ng motor ni Throne at yumakap sa bewang niya.

"Why so tagal?" Irap ni Kristine sa kawalan habang nakatingin sa wrist watch niya. Napakaimpatient talaga nito.

Biglang may pumaradang pulang Mustang sa harap namin.

May lalaking bumaba sa sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko when I realized kung sino ang bumaba mula dito, he took off his sunglasses and walk towards us.

Sh*t! James Reid!!!

"Bakit ang tagal mo?" Iritang tanong ni Kristine.

S-so... SILA NA?!

Medyo crush ko siya eh. Kasi... basta medyo lang...

"Sorry, may taping kasi kami. Let's go?" He asked Kristine.

"Mmm, by the way, this is Lhorraine, sister ko." Pakilala sakin ni Kristine.

"Hi, I'm James." He grinned at naglahad ng kamay sakin. Agad ko yung tinanggap as he slightly shake it.

"Lhorraine.."

"You're also beautiful." He said. Feeling ko namula ako sa sinabi niya kaya agad akong bumitaw sa kamay niya.

"Sige mauna na kami." Kristine winked at me. Nagwave pa sakin si James.

Oh gosh..

Inayos ko yung sarili ko to gain back my composure.

"So asan yung sundo mo?" Napalingon ako only to see He Royals na mukhang kanina pa nanonood.

I just looked at them coldly. Tumabi sakin si Wave. Sa tabi niya si Crimson, Ash at Leif.

"Ang galing wala man lang 3 month rule." Leif smirked.

"Pano magkakaroon eh wala namang nabuong relationship." Irap ko.

"Dahil diyan sa ugali mo kaya walang nagkakagusto sayo." Crimson said.

I smirked, "Excuse me but, I'm a one man woman. I'm not like those three that could easily fall for anyone else."

"So, haven't still gotten over me?" Ash smirked.

Natawa na lang ako, "Wag ka ngang assuming, besides I'm getting married. Oras na para tigilan ko ang paglalaro." I showed them my engagement ring. Dati-rati sinuot ko lang ito sa kwintas ko dahil wala na si Daemon.

"Y-you're what?! Parang last week lang--"

"Naging tayo, habang engage ako sa iba, at habang pinaglalaruan niyo kami. Sounds fair right? Pareho tayong naglokohan."

Saktong pagdating ng kotse ni Yancey. Hindi ko na muli binalingan ng tingin ang He Royals.

Bumibigat lang ang nararamdaman ko.

Dumiretso kami sa bahay para mag-ayos. Formal party nga diba??

We're both wearing a knee length tube dress. Pinusod niya ang buhok niya habang nakababa naman sakin.

She's wearing a black silk dress habang peach cotton sakin.

It took us 3-4 hours preparing. Saktong 9 pm yung arrival ng mga bisita. The ambiance of the Place were so romantic na parang galaxy ang theme.

Pagpasok namin, eyes were on us. Hindi naman maiiwasan dahil iba ang kulay ng mga mata namin at maganda ang kutis namin.

Biglang nagdim ang lights at isang natatanging spot light at nakafocus sa podium.

May isang matandang lalaki ang umakyat and tested the microphone.

"Good Evening ladies and gentlemen, thank for celebrating with us the union of Grey and Lee family. Welcome to GREY & LEE engagement party..."

G-Grey and Lee?!
---------------------

-------

To be continued :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top