Mission #37 Royal Sisters
Para kina:
@SHINAGEL
@ExoticMe_Luhan
@_pink24
AN: Sinadya ko talagang bitinin yung last chapter XD. Nagkamali pala ako sa plot, susubukan ko na lang gawan ng twist para maayos hehe.
Dahil MAHAL ko kayo kaya UD na :D.
-----------------
THIRD PERSON's POV
Inilabas nila lahat ng mga nasa kahon. Lahat iyon ay weights na 50 tons.
Nagtataka ang lahat sa ginagawa ng apat na nerds. They removed their eyeglasses dahil basag na rin ito. Sunod yung mga waterproof na fake eyebrows at freckles sa mukha nila. Sinunod nila yung contact lenses at braces nila.
Lahat ng mga tao sa loob nanlaki ang mga mata sa ginawa ng apat lalo na ng naghubad ang mga ito.
Nakasuot na lang sila ng sweat shirts, sport shorts at rubber shoes. Tinanggal rin nila yung weights nila at pinalitan ng bago.
"W-wow." Laglag ang panga ng lahat sa nakikita nila na para bang ang mga ugly ducklings just turned into lovely swans.
Lahat ng mga mata ay nasa kanila at hindi makapaniwala sa nakikita.
"Ang gaganda nila."
"Ang hot pala ni Jana."
"Tignan mo! Ang cool ni Lhorraine!"
"Ang sexy ni Kristine."
"Rose is really beautiful."
Napuno ng bulung-bulungan ang buong gymnasium tungkol sa paghanga nila sa mga dating nerds. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sa utak ng mga He Royals ang nakikita nila.
Bumalik sa court yung apat ganun din ang mga hindi makapaniwalang kalaban nila.
Pero ang mas kinaiinis ng mga She Royals ay ang pagsusuot ng mga Nerds ng mga weights na para bang nagpipigil sila.
Setter: Kristine
Spiker: Rose, Jana
Libero: Lhorraine
Napangisi si Yancey habang pinapanood ang mga alaga niya.
"They really went out of their shells." She mumbled to herself.
Pumito ang referee. Si Lhorraine ang unang nagserve. It was just a normal serve enough para hindi mabigla ang mga kalaban nila.
The other side tried to spike pero napipigilan ito nung apat lalo na ni Lhorraine dahil kahit saang corner iyon dahil nahahabol pa rin niya yung bola.
Kristine set the ball, the way Jane did and Jana spiked it to Jherraine's face like what she did. The only difference now is, hindi nacontrol ni Jana yung power niya kaya nagpagulong-gulong si Jherraine sa lakas ng impact nito.
"Jana!" Saway ni Kristine dito.
"Sorry hindi ko nacontrol." Jana grinned.
"Ugghhh!! Kay Rose ko na lang ibibigay yung bola." Pagdadabog ni Kristine.
"Huh?! No!!" At nagsimula na namang mag-away yung dalawa kaya nacall'n sila ng atensyon.
First warning from the referee.
Tahimik ang buong gymnasiun habang nanonood sila ng laban, no one dared to talk at halos hindi na sila makahinga sa sobrang intense ng laban.
Nagpapasapasahan lang ang dalawang grupo, ang Royal spikes ay hindi na tumatalab at laging natatapos ang volley sa spikes nina Jana at Rose. This time ang mga She Royals na ang sugatan.
Natapos ang 2nd set na puro puntos lang ng mga Nerds. Nag-apiran pa ang apat pagkatapos ng laban. Bumalik sila sa bench nila kung saan naghihintay si Yancey sabay abot ng inumin sa kanila.
"Wala na talaga kayong balak pagbigyan yung apat?" She asked. Napatingin naman ang mga nerds sa She Royals na ginagamot ng mga medics at nakatingin sa kanila ng masama.
"Just by their looks, hindi na dapat sila pinagbibigyan. Matagal na kaming nagpipigil, ngayon na lang kami makakaganti." Asik ni Jana.
"Okay, okay. Kayo ang bahala. But I'm sure mas malaking kahihiyan kapag nalaman nila kung sino talaga kayo." Sabi nito.
"You still are planning to reveal that, don't you?" Tanong ni Lhorraine kay Yancey. Sumandal si Yancey sa backrest ng bench then crossed her legs.
"They need to pay respect to those who are higher than them." Sabi naman ni Yancey. Nagkatinginan yung apat at nagkibit balikat na lang.
The last set started. Walang nagpapatalo sa magkabilang panig. Malakas ang spike ni Jherraine at Bea pero walang-wala pa rin ito sa reflexes ni Lhorraine.
Halos duguan na ang mga She Royals, bumaliktad na ang laban, ang mga Demon Princesses na ngayon ang nagmumukhang villains.
Obviously, natalo ang mga She Royals. The usual program kung saan natatapos ang bawat challenge sa campus ay naganap.
"... And now, let's hear a message from the President and the owner of the school." Sabi ng announcer. Napasinghap ang mga audience dahil for the first time makikita na nila yung president ng school.
"Good afternoon everyone, I would like to correct what the announcer has said, I am not the owner of the school actually. But as the president of this institution, you may be wondering why I approved such childish fight between these groups of young girls. I appoved this fight because I know, these four girls, whom you were calling The Nerds, won't lose. It would be a big shame if the owners of this school will be forcely expelled."
Napasinghap ang lahat ng mga estudyante, laglag ang panga nilang napatingin sa apat na nerds na napabuntong hininga na lang.
"It is my honor and privilege to present to you the owners of Royal Academy, Jana Ruby Royal, Lhorraine Diamond Royal, Kristine Sapphire Royal and Rose Emerald Royal. They are the Royal Sisters."
Napangiwi na lang sina Jana habang nakikinig sa napakakorning introduction ni Yancey.
"Kailan ba yan titigil? Ang corny niya." Naiinis na irap ni Jana.
"Nakakahiya." Gatong pa ni Kristine. Napabuntong hininga na lang si Lhorraine at Rose.
"That would be all, thank you for listening and have a good day." Yancey ended up her speech at lumapit sa mga Princess.
"That was embarrassing." Irap ni Jana dito.
"I think that was cool." Nakangising sagot naman ni Yancey. "Right Kristine?" She asked at umakbay kay Kristine.
"I invoke my right to remain silent." Kristine said. Napanguso na lang si Yancey, bago sila umalis hinarap muna nila yung mga She Royals.
"I remember your deal, I'm taking back your crowns." Sabi ni Yancey sa mga ito. "From now on, the four of you will no longer have the right to be part of Campus Royalties. You'll just be plain and normal students." She smirked.
Parang gumuho ang mundo ng mga She Royals sa narinig.
"You can't do this to us." Naiiyak na sambit ni Jane.
"Uh-uh, I already did honey." Tinalikuran na nila ang mga She Royals na hanggang ngayo'y hindi pa rin nakakarecover sa shock sa mga pangyayari.
Napatingin silang apat sa bleachers kung saan nakaupo ang He Royals na gulat na gulat sa nangyari.
ROSE' POV
Kinuha ko na yung face towel ko sa bench at uminom ng tubig. Grabe ganun lang pala kadali itong larong toh.
Hindi man lang ako nachallenge.
Pinusod ko yung buhok ko, sobrang init grabe. Nakarinig ako ng hiyawan. Paglingon ko andami ng nagkikislapan.
"Hi Rose! Ngumiti ka naman dito."
"Rose dito!! Mukha kang manika!!"
"Ang ganda-ganda mo pala Rose."
Ngumiti na lang ako sa kanila.
"Tara na nga.." Biglang hila sakin ni Lhorraine.
"Kyaahhh Lhorraine, natotomboy ako sayo!!"
"Lhorraine, gawin mo na kong alipin mo!!"
"Kyaaahhh Lhorraine!! Punish me please!!"
Napangiwi si Lhorraine sa mga narinig. Natawa na lang ako. Ganito pala magreact ang mga tao kapag may nakitang magaganda.
Napangiti ako ng makitang nakikipag-usap si Jana kay Throne, habang si Kristine nakikipag-asaran kay Hunter.
"I can't still believe this." Nanlalaki ang mga mata ni Throne at isa-isa kaming pinagmasdan.
"Parang kasalanan pa naming maganda kami." I chuckled.
"No! It's not that." Nahihiyang sabi ni Throne at napahawak pa sa braso niya.
Napatingin ako kay Hunter, nagulat ako ng makitang nakatingin pala siya sakin. I smiled at him pero nag-iwas lang siya ng tingin.
"Magshoshower lang kami." Jana said to Throne.
"S-sige hintayin na lang namin kayo dito." Sagot ni Throne. Dumiretso na kami sa shower room.
"Hahahaha!" Kristine laughed wickedly. "Just seriously?! Nakita niyo ba yung reaction ng Royals kanina?! Priceless! Dapat navideohan ko yun eh."
"Inapi nila tayo dahil pangit tayo noon, but now, I think aapihin nila tayo because they think we're still weak." Lhorraine said.
"Anong plano? Magpapanggap pa rin ba tayong weak?" Tanong ko kay Lhorraine.
"No, lalaban na tayo. Pero still kailangan nating kontrolin ang powers natin."
YANCEY's POV
"Well, well, well, the UNCROWNED QUEENS AND KINGS are comforting each other. What a scene." I grinned.
Kunot noong napatingin silang walo sakin.
Pansin ko hindi na sumasama si Daisy sa kanila, si Junea na ang pumalit sa pwesto nito.
"Ikaw pala ang president ng school." Ash said.
"It's a surprise that, you don't know that thing, Mr. Genius."
"Are you going to kick as out?" Jane asked.
"Tsk, no. Ofcourse, it's for them to decide." Irap ko, pati ako naiinis sa mga batang ito.
Napatingin ako sa mga He Royals. Nag-iwas sila ng tingin na parang naguiguilty.
"I want to talk to He Royals, pwede bang lumayas na kayo dito?" Tanong ko sa mga SHEs.
"You don't have to be that rude to us." Junea snorted.
"Well, wala ka ng pakealam dun, ALIS NA!!" sigaw ko sa mga ito. They even managed to roll their eyes before leaving.
"So, ano ng gagawin niyo ngayong UNCROWNED na kayo?"
"Bakit kami nadamay diyan?" Inis na sabi ni Crimson.
"Kasama kayo nung nagdeal ang dalawang grupo, you didn't do anything about it and until now, galit pa rin ako sa ginawa niyo." I hissed.
"It's not as if we like that game to happen." Leif said.
"Bakit niyo sila sinaktan?"
"Wala na PO kayong pakealam dun." Wave said. Nainis ako sa sagot niya na medyo sarcastic.
"Well, whatever your reason for doing that, isa lang naman ang masasabi ko. WALANG KWENTA, and I hate the four of you for bringing out the worst in them." I hissed.
"The worst in them? Maganda pala sila anong worst dun?" Crimson asked.
"It triggered something in them. Something na hindi niyo aakalain. Beware, dahil wala silang patawad." Inirapan ko na sila at umalis na.
LHORRAINE's POV
After naming magshower, nagbihis na lang kami ng bagong shirts at shorts.
"Tara na." Rose said.
"Sige wait lang." Nag-ayos muna si Kristine, the thing she always does, and she'll always be doing now na ganito na ang itsura namin.
Lumabas na kami and unfortunately ang una pa naming nakita ay ang He Royals na tapos ng kausapin ni Yancey.
Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko ng hindi man lang nila kami nilapitan at umalis na lang basta-basta.
Dumiretso sila sa pwesto ng She Royals sa bleachers at inasikaso ang mga ito, chineck yung mga sugat, pinunasan ang mga pawis at binigyan ng maiinom.
"Uugghhh." I heard Jana mumbled. Napatingin ako sa kanya. Naiiyak pala siya ganun din si Kristine.
"Inom muna kayo." inabutan kami ng water nina Throne at Hunter. Habang tumatagal napapansin ko ang pagkakahawig nila.
"I heard, Uncrowned na ang He at She, anong gagawin niyo ngayon?" He asked.
"Ayaw niyong maging Campus Royalties?" Rose asked. Nagkatinginan yung kambal at sabay na umiling.
"Hindi pwede, ayaw namin." sagot ng mga ito. Sabagay, mahirap magpakatotoo kapag Campus Royalty ka.
You must have to live according to what they want you to be.
KRISTINE's POV
Ano nga ba naman ang pakealam
ko kung sweet siya kay Jane?!
Hindi ako affected!! Tsss kainis.
Napatingin ako kay Hunter.
...FLASHBACK...
(Yesterday, after lunch break.)
"Saan ba tayo pupunta Hunter? May klase pa tayo." I said habang hila-hila niya ko. Feeling close talaga kainis.
"Hindi mo rin namang gugustohing makita sina Wave at Jane na naglalandian."
"A-ano?! P-pakealam ko ba sa kanila." I said. Naiiyak na naman ako kainis.
"See? Naiiyak ka na naman Miss Iyakin. Buti pa si Rose laging nakangiti." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Panong napasok sa usapan natin si Rose?"
"H-huh? May sinabi ba ko? Tsss halika na nga." Nakarating kami sa garden. Kung saan laging nakatambay si Rose. Umupo kami sa ilalim ng shady tree at sumandal dun.
"Lagi ako dito, hindi lang talaga ako pumapasok sa mga classes." Sabi niya.
"Lagi ka dito? So, lagi kayong nagkikita ni Rose?" I asked.
"I bet ngayon lang niya ko nakita pero lagi ko siyang nakikita." He said.
"May gusto ka ba kay Rose? Stalker mode ka eh." Tukso ko dito.
"Ikaw ang hinalikan ko at girlfriend ko tapos ganyan iniisip mo? Utak naman minsan." Irap nito sakin.
"Oh eh bakit mo ko hinalikan? At bakit gusto mo kong maging girlfriend, may gusto ka sakin noh?" I grinned at binangga-bangga siya sa balikat.
"Tsss lumayo ka nga tsaka hindi lahat ng ginegirlfriend ay nagustuhan, minsan pinipili ka nila para paglaruan." Sabi nito. Kaya binatukan ko na.
"So, pinagtritripan mo lang ako?!" Singhal ko dito at hinampas-hampas siya.
"Wag ka nga!! Tsss tinutulungan lang kita!" He hissed. Tumigil ako sa paghampas sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Peste ang sakit..." he hissed. "Sa inyong apat ikaw itong pinakasensitive. Humingi ng tulong sakin si Throne para turuan ng leksyon ang He Royals. Minsan kasi hindi nila napapansin sumusobra na sila."
"S-so, you're here as what??"
"Boyfriend nga!! Saan mo ba tinatago utak mo?!" Irap nito.
"G*go! Ganyan ba ang boyfriend?! I bet hindi ka pa nagkakagirlfriend." I smirked.
"Mas mabuti na yun, kaysa naman nagkagirlfriend nga tapos niloko lang pala." Irap nito.
Napanguso na lang ako. Grabe ang bully niya. Naiiyak na naman ako tuloy. *sniff*
"Wag ka ngang umiyak. No doubt iniwan ka ni Wave."
"Ang sama mo! Bwisit ka!!" I covered my face. Naiyak na lang talaga ako. Ang sama niya.
"Okay, okay. Andito kami ni Throne para pagselosin yung apat. Para ipamukha sa kanila na ang mga babae, maganda man o hindi, hindi dapat sinasaktan."
Napatingin ako kay Hunter habang nagpupunas ako ng luha.
"Ang drama mo." I laughed.
"Tssss."
...END...
"Uyy!" Tawag ko kay Hunter pero hindi naman siya namansin. Tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.
....Kay ROSE.
I silently smiled. Sabi ko na nga ba may gusto kay Rose toh eh...
--------------------------
AN: Pinagbigyan ko na kayo ha? Kahit medyo nakakabadtrip yung ibang comments. Hindi ko naman po kayo pinilit na basahin ito kaya kung ayaw niyo eh di wag niyo na lang basahin. TT.TT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top