Mission #36 PAIN

Para kina:
@diixiu_19
@TheMisteriousPrinces
@AnneForever05
@Jartasam30
@ikawLamang04
@little_jemini

Natouch po ako sa mga makabagbag damdamin niyong comments and votes :')..

------------
Baka po naguguluhan kayo.

BLACK DEMON GANG
Crimson- FIRE
Wave- WATER
Ash- WIND
Leif- EARTH
Hunter- LIGHT
Throne-STEEL

SHE WOLF GANG
Jheraine, Jane, Daisy, Bea, Junea.

JANA's POV

Back to feeling Reyna at feeling Hari. Dumagdag pa si Throne na kanina pa sumusulyap sakin na para bang may gustong sabihin.

I just looked at him coldly. Mga bwisit.

"Good Morning class." Biglang dating nung teacher namin. Nangalumbaba na lang ako.

"Miss Jana Ruby?" Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kamay.

"Oh there you are, can you please go to the President's office? May ipapagawa atah siya sayo." She said.

Si Yancey? Ano kayang problema?

Tumayo na ko at naglakad paalis.

*bogsh!*

"HAHAHAHAHAHHAHA." lakas ng tawanan nila mga bwisit. Tinisod lang naman ako ng magaling na reyna kaya sumubsob ako sa sahig.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Throne na inalalayan akong tumayo. Agad kong tinampal ang kamay niya at inayos ang sarili ko.

"Ms. Akashi! That's rude!!" Singhal ng teacher dito.

"But that was fun, right guys?" She chuckled.

"YEAH!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!"

"QUIET!! All of you! Bring out one whole sheet of yellow paper, we will have a quiz!!!" Rinig na rinig ang pagrereklamo ng mga students.

Imbes na si Jheraine ang sisihin nila, ako pa na walang ginagawang masama.

"Okay Throne and Jana, you can go now."

"Akala ko ba ako lang?" Tanong ko sa teacher.

"It's okay ma'am, I'll take care of her." Sabi ni Throne at hinila na ko palabas ng classroom.

*slap*

Isang malakas na sampal ang ganti ko sa kanya.

"Pinagkatiwalaan kita." I gritted my teeth. Hirap na hirap na ko. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Hinampas-hampas ko siya sa dibdib habang umiiyak ako.

"I'm sorry, I didn't know." Napatingin ako sa mukha niya.

"Anong hindi mo alam?" I sniffed at nagpunas ng mukha.

"Na pinaglalaruan lang nila kayo. Believe me, naging totoo ako sayo." Bakas na bakas ang lungkot sa boses niya.

Again my voice broke,

"Pano pa kita paniniwalaan? Ramdam ko eh, ramdam kong totoo ang pinakita't pinadama nila. Hindi ka naiiba sa kanila Throne, mapagpanggap ka rin." I sobbed.

Ayoko na hindi na ko magpapaloko.

"Pwede ba, mas madali saking tinatrash talk mo rin ako, na binabato ng kung anu-ano, nilalait. Mas okay pa sakin yun eh. Wag ganito Throne, masakit na eh, sobra na. Wasak na wasak na ko." I cried. Nagsimula na kong maglakad habang humahagulgol sa hallway.

Mabagal ang paglalakad ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

I felt something warm wrapped around me from my back.

"I'm sorry, pero hindi ako nagpapanggap Jana, I'm always true to you, simula pa lang ng unang makausap kita." I burst out crying nung humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

----------

"Pinatawag kita kasi alam kong hindi ka makakatagal dun." Yancey said.

"Eh anong gusto mong gawin ko?"

"Wala, gumala, maglakad-lakad.." Sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro nga kailangan kong magrelax.

Lumabas na ko. Agad akong sinalubong ni Throne na ang lapad ng ngiti sakin.

"Lunch break na, kain na tayo. Tinext ko na sina Kristine na hintayin tayo sa cafeteria."

"Hindi ba sila galit sayo?" I asked.

"Hindi ko alam, hindi kasi siya nagreply." He said. Andito na naman ako eh. Gustong maniwala kaso natatakot.

"Tara na."

Umakbay siya sakin.

Dati ang close-close namin pero ngayon. Nakakailang na. Parang nakakatakot ng magsalita.

Nakarating kami sa cafeteria.

"Yo!" Bati ni Throne kina Kristine na hindi man lang siya pinansin. Napatingin ako kay Rose na parang nagtatanong kung bakit ko kasama si Throne.

"Hindi ko alam na ganun ang balak nila. Mga kaibigan ko sila pero hindi ako katulad nila, akala ko totoo ang mga pinapakita nila. Gusto ko si Jana, pero nung nalaman kong mutual ang feelings nila ni Crimson sa isa't isa nagparaya ako, na sana hindi ko na lang ginawa para di siya nasaktan ng ganito."

Napatingin ako kay Throne. Ganun din sina Kristine sa kanya.

"Nagsasabi ako ng totoo. I just don't know how should I prove it." Sincere na sabi nito. Nagkatinginan kaming apat.

"Basta ba't ipapangako mong proprotektahan mo si Jana." I heard Rose said.

Dahil nakaakbay sakin si Throne, hinila niya ko palapit sa mukha niya.

"Kailan pa ba kita hindi prinotektahan." He said habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Parang may kung anong bagay na kumurot sa puso ko lalo na ng halikan niya ko sa noo.

"Throne!!" natigilan kaming lahat ng biglang pumasok ang Royals.

"Tama na ang laro Throne... Iwan mo na yan." Crimson said.

Hinila ako ni Throne papunta sa likod niya.

"I won't, binitawan mo siya Crimson at ako ang sumalo sa kanya kaya sakin na siya." Throne hissed.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga binasura ng iba." Cold na sabi ni Crimson.

Again I felt the pang of pain in me.

"Tanga ka na Crimson, you threw away the most precious girl I know. Gaya nga ng sabi mo, binasura mo na siya. So, dapat wag ka kayong mangealam." Throne said at hinila na ko paupo sa silya.

Napatingin ako sa Royals na ang sama ng tingin samin.

"Come on..." natigilan kami ng biglang sabay na nagsalita si Throne at Hunter na bigla na lang sumulpot out of nowhere.

Hinila ni Hunter si Kristine, tapos si Throne naman sakin.

"Tama na ang panggagaya mo Throne." Hunter said.

"Ikaw ang copy cat sating dalawa." Ganti ni Throne.

"Baka nakakalimutan mo mas matanda ako sayo ng 3 minutes." Hunter said.

"Oh eh di magpabigay ka KUYA."

"KUYA?!" halos sabay naming bulalas ni Kristine.

"Ah hindi niyo nga pala alam, kambal kami, fraternal." Throne grinned at inakbayan si Hunter.

"Tsss bitaw na nga, halika na. Umorder na tayo." Hila ni Hunter kay Kristine.

"Order na rin tayo, anong gusto niyo?" Tanong ni Throne kina Lhorraine.

"Juice lang sakin." --Lhorraine.

"Sandwich na lang."--Rose smiled.

"Yun lang talaga? Pansin ko sayo Lhorraine hindi ka masyadong kumakain." Throne said.

"Ahh. Oo." Bored na sagot nito at nagbasa na lang ulit.

KRISTINE's POV

"Feeling close ka alam mo ba yun? Magnanakaw ka pa." Irap ko kay Hunter. Gentleman naman siya dahil siya na ang nagbayad at nagbuhat ng tray.

"Gawain toh ng boyfriend."

"Hindi kita boyfriend, pano ko naging boyfriend yung lalaking bigla na lang susulpot at hahalikan ako ng walang pasabi?"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Kapag sinabi kong girlfriend kita, GIRLFRIEND na kita, wala ka ng choice kundi gawin lahat ng gusto ko." He hissed.

"Aba't! Hoy! Hindi kita kilala, hindi kita gusto at lalong--" Natigilan ako ng bigla niya kong halikan ulit.

NANDITO KAMI SA CAFETERIA FOR PETE's SAKE!!!!!!

CAPS LOCK PARA INTENSE!!

"Ang daldal mo." Irap niya at dumiretso na sa seats namin.

*glass shattered*

Napatingin ako dun sa nagcreate ng ingay.

"Uuwi na lang ako, nakakasuka ang view dito." Wave said coldly at tumayo na. Parang may kung anong sumaksak sa dibdib ko ng makitang yumakap sa braso niya si Jane at sabay pa silang lumabas.

"Wag ka ng tumunganga diyan. Kumain ka na." Biglang hila sakin ni Hunter at pinaupo ako sa tabi niya.

Bigla tuloy akong nawalan ng ganang kumain.

----------------------
>>FRIDAY VOLLEYBALL GAME>>

Nakangisi ang apat na She Royals habang nasa court sila at nagsstretching kasama nila yung dalawang varsity player ng volleyball team habang sa kabilang side ay ang apat na nerds na bagot lang na nakatayo at nagdridribble ng bola.

"Let me just remind you of the rules." Sabi ni Jherraine habang nakapamewang itong nakaharap sa may net.

Nakasuot sila ng maikling shorts na pangvolleyball talaga at plain pink shirt.

Habang ang mga nerds yung usual get up lang nila.

"It will be best of three, which means you have to have 2 wins to win this game. At wag niyong kakalimutan yung deal natin, aalis kayong apat dito sa Royal Academy kapag natalo kayo." She smirked.

"Yeah right." Bagot namang sabi ni Jana na nakapagpawala ng ngisi nito.

Bumalik si Jherraine sa mga kasamahan niya. "You need not to hold back, kung maari throw more spikes to their faces." Asik nito while clenching her jaw.

Tahimik lang na nanonood ang mga He Royals. They know advantage ng mga She Royals ito dahil mukhang hindi naman nag-eexercise yung apat na nerds.

--

"Hahayaan ba natin silang tamaan tayo sa mukha?" Tanong ni Rose ng magform silang apat ng circle.

"Wala tayong alam sa larong toh, hindi naman natin pwedeng gamitin ang mga powers natin. We need to act." Sabi ni Lhorraine dito.

"Okay. We just need to do our part." Sabi naman ni Kristine.

"Okay! Fighting!" Ngisi ni Jana.

Nagkatinginan naman silang apat at natawa na lang. Pumwesto na sila sa mga pwesto nila, dahil apat lang sila, sa likod si Rose at Lhorraine at sa harap naman si Kristine at Jana.

Pumito na yung referee, start na ng laban. Nanalo ang mga Royals sa flip coin and they chose service.

Bea will be the first one to serve at isang spike serve ang ginamit niya. The ball went to the middle of Lhorraine at Rose, at dahil hindi nila alam ang gagawin sabay nilang hinabol ang bola at nagkauntogan.

Napangiwi na lang sina Jana and Kristine habang ang napuno naman ng tawanan ang buong gymnasium.

"Kawawang Lhorraine, I'm sure masakit yun." Jana laughed at nakipagfist bump kay Kristine.

"Sorry okay ka lang?" Rose asked at tinulungang tumayo si Lhorraine.

"I'm fine." She said.

Muling nagserve si Bea and this time, Rose was able to return it. Napunta ito sa part ni Junea, she returned it papunta kay Kristine.

Naibalik naman ito ni Kristine but unfortunately napunta ito kay Bea who volleyed the ball, Jane set it to Jherraine who spiked the ball.

Tumama yung bola sa mukha ni Jana na natumba pa sa sahig sa lakas ng impact.

"Okay ka lang?" Agad na tanong ni Kristine dito. Agad namang bumangon si Jana, she wiped her nose dahil dumugo ito. She glared at Jherraine na nakapamewang na nakatingin sa kanya habang nakangisi.

"One down." She smirked at bumalik sa pwesto niya.

Kahit nagagawang ibalik ng mga nerds ang bawat tira ng mga Royals kapag nahahawakan ni Jane yung bola ieexpect mo na lang na may magsspike sa mga ito diretso sa mga mukha nila.

"I could no longer watch this." Hunter said while clenching his fist. Kanina pa tinatamaan sa mukha yung apat and hindi na iyon kaaya-ayang tignan.

"Why don't they just stop? Kung gusto man nilang umalis bakit hindi na lang sila magdrop? Bakit kailangan pa nilang masaktan?" Malungkot na saad ni Throne.

Ang mga He Royals ay tahimik lang na nanonood.

Natapos ang isang set buti na lang hindi masyadong nasugat ang mukha nung apat dahil minsan nasasangga nila ito. Bumalik sila sa bench para magpahinga.

"Naaral niyo na?" Tanong ni Lhorraine.

"Yeah madali lang naman pala." Jana said. Hinayaan nilang matamaan sila ng bola para lang maaral nila kung pano gumalaw yung mga kalaban nila. They intend to copy their techniques.

"Hey." Napatingin ang apat na nerds ng lumapit sa kanila yung apat na Royals. "Do anything you could just to return the ball and score, nagmumukha kaming kontrabida dito." Irap ni Jherraine.

"Oh sure!" Nakangising sambit ni Jana at dahil sa inis ni Jherraine nasampal niya ito.

Napasinghap ang crowd sa ginawa ni Jherraine. Agad pang napatakbo sina Throne at Hunter papunta sa kanila.

Mabilis namang bumalik yung She Royals sa bench nila.

"Now, we really look like the villains in this story. You don't have to slap her in public!" Asik ni Jane kay Jherraine.

"I-I just couldn't control myself! She provoked me!"

"Tama na yan. Look." Turo ni Junea sa kabilang bench kung saan lumapit si Throne at Hunter sa mga nerd.

"I'll crush them to death." Bea hissed at kinuha yung energy drink niya para uminom.

"Could you please stop this?" Pagpupulit ni Hunter kay Kristine.

"Hindi pwede! Pagod na pagod na rin kaming maapi." Kristine clenched her jaw. Kinuha ni Hunter yung face towel at dahan-dahang dinampi sa mukha ni Kristine.

"Masakit ba?" He asked. Tumango ng konti si Kristine.

"Kahit anong mangyari andito lang ako girlfriend." Hunter smiled. Parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ni Kristine.

Napangiti na lang siya tuloy.

"Gamutin kaya muna natin ang sugat mo?" Throne said habang inaabutan ng energy drink si Jana.

"Wala akong sugat, nagnose bleed lang ako." Jana said.

"Tsss. Bakit kasi hindi na lang kayo magdrop?"

"Wala ka bang tiwala samin? Mananalo kami Throne at pagkatapos nito, magbabago na lahat tiwala lang." Jana smirked.

Kumunot ang noo ni Throne.

"Andyan na si Yancey." Sabi ni Kristine. Agad namang tumayo yung mga Nerds para salubungin ang mga ito. May dala-dala itong karton at inilagay sa bench.

"Now, boys, bawal kayo dito madidisqualify itong apat. Kayo pa ang maging dahilan ng pagkaexpel nila." Sabi ni Yancey.

She knows na iilang students lang ang nakakaalam kung sino siya dito sa school and wala na siyang pakealam dun.

"Ready na kayo?" Tanong ni Yancey sa mga ito nagkatinginan naman yung apat at sabay na tumango.

"Yeah. It's payback time."

----------
To be continued.

AN :P
Next year na susunod na UD lols.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top