Mission #34 Love Sick

Para kay @iKasha na isa sa mga nasa cover :))
Balak ko ulit palitan yung cover para bumagay sa teaser :P. Sorry OPs.

@samantha_plata
@ladybird143
@japarea_nerd
salamat sa votes :)

Warning: Kaechosan overload. Natawa na lang ako habang ginagawa ko toh. Dahil first day of school for 2015, regalo ko sa mga stress from school :)

LEIF's POV

"The girl named Rose, I think, we found out that her liver is physically damaged, maraming tissue ang nasira and tatlong ribs ang nabali." Sabi ng doctor habang tinitignan yung records niya.

"Then Jana, dislocated ang dalawang braso siya kaya kailangan itong maoperahan at lagyan ng bakal."

"Kristine? Her skull has a tiny crack but we have to monitor her condition to prevent internal bleeding.."

"And Lhorraine, this is our first time to see such case of poisoning, in the field of medicine kahit saang bansa mo pa siya dalhin, walang gamot dito."

"What do you mean?! Hahayaan na lang natin siyang mamatay?!" Agad naming inawat si Ash ng bigla niyang kwelyuhan yung doktor.

"Kung sino man ang gumawa ng lason, siguro may antidote siya, I'm sorry but we can't do anything about it." Malungkot na sabi ng doctor.

"Pwede na po namin silang tignan?" i asked.

"You cannot enter their room dahil inihahanda na namin sila for operation." He said at may iniabot saming papel.

"They've gone too far." Wave said at umupo sa receiving area.

"Asan sila?" Biglang dumating yung kasama nila Rose sa bahay nila. Sabi nila Guardian daw nila ito.

"Nasa ER po." I said. Mukhang hindi naman siya nag-aalala kasi cool lang itong naglalakad.

"Kunin niyo na sila bilis." Biglang may apat na lalaki na pumasok sa ER.

"W-wait! What?! Ooperahan na sila saan niyo pa sila dadalhin?" Medyo galit na tanong ni Crimson.

"Just trust me." She winked. Lumabas na yung apat na lalaki kasama sina Rose.

"Aray naman! Masakit nga eh." Jana pouted.

"Miss Jana, wag na po akong pasaway." Sabi nung kasama nitong lalaki.

"I've cracked it back, see? Naigagalaw ko na. No need to worry about me... Oh! Andito pa kayo? Bakit hindi pa kayo umuuwi?" Tanong samin ni Jana sumunod na ring lumabas sina Kristine at Rose.

"Sabi ng doctor ooperahan pa kayo." Crimson said.

"Tch, pineperahan lang kayo nun." Rose chuckled at napangiwi ng mapahawak ito sa tiyan niya.

"Nadamage ang liver mo kaya please magpaopera ka na para hindi lumala yan." I said. Nagsmile lang siya at nag-OK sign. Binuhat na siya nung lalaking kasama niya.

"Hindi niyo kami dapat dinala dito, kina Jane itong hospital diba? Pwede nila kaming patayin at sabihin sa inyong hindi successful ang operation."

Napatingin kami kay Lhorraine na namumutla pa dahil sa lason. Pero diba dapat paralyzed na siya.

"This is the best hospital in the country, gusto labg naming ibigay sa inyo ang the best." Sagot ni Ash dito.

"You didn't give us the best, this is the worst." Lhorraine hissed.

"Oops tama na, LQ agad? Uwi na tayo." Sabat ni Kristine.

"Pano kung magkainternal bleeding ka? Jeez!! Will you stop taking everything lightly?! Malala ang condition niyo at kailangan kayong operahan!" Hysterical na sabi ni Wave.

"Lahat ng sinabi ng doctor at lahat ng lumabas sa test ay fake. Itong apat na ito ang personal doctors nila, they've been awarded hundred of times dahil sa galing nila sa field of medicine. I know Mr. Grey, you are familiar to the four of them." Ms. Yancey said.

Napatingin kami kay Ash. Kunot noo itong nakatingin sa direksyon nila Lhorraine.

"Yeah, totoo ang sinabi niya, they are the world's best doctors."

"See? Nothing to worry about. Umuwi na kayo at magpahinga, bisitahin niyo na lang sila bukas." Umalis na sila at wala man lang kaming nagawa.

But I know, we are all feeling the same right now.

We're afraid of what's going to happen next.

YANCEY's POV

"Yancey, bakit ka nagsinungaling na fake yung results?" Rose asked. Totoo lahat ng sinabi ng doctor nina Jane. Lhorraine saw it, too.

"Hindi nila kayo titigilan. Ang mabuti pa umuwi na tayo ng maoperahan na kayo." I said. Hindi na mabuti ito. Nagsisimula na ang mga Royals.

Natatakot ako baka masaktan lang sila sa na bandang huli.

Jana kept her temper, nabago ang ugali niya since dumating kami dito. We just need to avoid anything that would trigger back her attitude.

Kristine's getting more close to others, dati hindi siya nakikipagkaibigan sa iba. But now, she's learning to trust others. Ang problema lang, buo ang tiwala niya.

Lhorraine gaining back her old self, nagiging open na siya at ngumingiti na.

Rose as usual, she's keeping every pain she has in her, she's still the same. Hindi siya open sa ibang tao kaya nga akala ng lahat wala na siyang problema, tingin ng iba optimistic siya. But I think not.

And it's all thanks to He Royals, hindi ako nagkamaling papasukin sila sa school.

"Yancey... Yancey..." Napakurap-kurap ako ng may yumugyog sa balikat ko. Si Rose lang pala.

"Kanina ka pa namin tinatawag, andito na tayo." She said.

"Ah oo." Agad kong kinuha yung bag ko. Nagkanya-kanya na sila ng pasok sa mga kwarto nila.

...At nagsimula na ang operation.

JANA's POV

"Isa! Tanggalin mo toh sabi eh!!" Angal ko sa doctor ko, lagyan ba naman ng armsling yung isa kong kamay eh fully healed na nga.

"May mga bisita kayo mamaya, mas mabuting lagyan natin ng ganyan para hindi sila magduda." Sagot nito.

"Eh pano ako makakakain ng maayos?!" Singhal ko ulit. Grabe na hahighblood ako!!

"Mas maganda yan, para mas kaawaan nila kayo." Binuhat ko yung upuan gamit ang isa kong kamay at muntikan ng ihampas sa kanya buti napigilan ako ni Rose.

"Bwisit ka! Sinong may sabing gusto kong kaawaan?!" tumawa na lang ito. Tsss bwisit walang kwentang doktor.

Tapos na rin ang operasyon namin. Siguro, 4-5 hours din yun lalo na kay Rose at nakapagpahinga na kami ng maayos.

Si Lhorraine, binendahan na yung kamay at may gasa sa mukha.

Si Kristine may gasa sa ulo, ganun din si Rose.

"Andito na mga bisita niyo." Announce ni Yancey, agad kaming tumayo at sinalubong sila na exage kung makapagdala ng pagkain at flowers.

Pagkain!!

Hindi pala ako makakain ng maayos. -.-

"Kamusta ka na?" Crimson asked at kinapa ang noo ko. Seriously? Nilagnat ba ko ng hindi ko alam?!

"Ayos naman, hindi lang ako makakain ng maayos." I said.

"Ganun ba? Buti na lang nagdala ako ng fruits, makabubuti daw toh para mas madali kang gumaling, nagdala rin ako ng gatas para sa bones." He said at isa-isang nilabas yung mga binili niya.

Napanguso na lang ako. Isang kiss lang okay na ko! LOLS landi ko. *o*

"Hindi kana sana nag-abala pa, hindi ko rin naman makakain yan." I said.

"Makakain mo yan, susubuan naman kita." He grinned. Shet kinilig naman ako dun...

"Halika ka na, kumain ka na ba?" Ngumuso ulit ako at umiling.

"Dun tayo sa garden para makalanghap ka ng sariwang hangin." Hinawakan niya ko sa isang kamay at hinila papuntang garden.

"Wait for me here, kukuha lang ako ng plato at knife." He said at hinalikan ako sa noo. Ay sayang dapat sa lips. -3-

Halos mapatalon ako at tumili sa kilig, ganito pala ang feeling na may nag-aalaga sayong gwapo at mahal mo.

Agad akong nag-ayos bago siya bumalik. Inamoy ko pa talaga yung hininga ko para safe.

"Ilang araw ba daw bago tanggalin yang cast mo?" He asked.

"Ewan ko dun sa pesteng doktor na yun! Ok naman na ko eh. Pinapahirapan lang ako nun." I pouted.

"Hmmm sana nga forever ka ng may cast para hindi ka na nakakasuntok ng malakas." Tawa nito.

"Ang sama mo!" Napapout na lang ako at inirapan siya.

"Etoh naman, joke lang.. Sana forever ka ng may cast para, forever din kitang aalagaan."

Napangiti na lang ako ng wala sa oras. Peste naman eeeeehhhhh!!!!

KRISTINE's POV

"Hindi ba masakit ang ulo mo? Nagpareseta ako sa family doctor namin ng mga painkillers, vitamins, lahat-lahat na para gumaling ka agad, sobra akong nag-alala." He said at bigla akong niyakap.

Napangiti na lang ako. "Ang swerte ko naman ang gwapo na nga boyfriend ko tapos maalaga pa." I grinned.

"Dapat lang na magpasalamat ka noh! Itong gwapong toh mahal ang pangit na tulad mo, one of a kind lang ako kaya sulitin mo na at wag mo nang pakawalan."

Natawa na lang ako at niyakap siya ng mahigpit. "Okay sir! Sabi mo eh."

"Oo nga pala, pano kapag naginternal bleeding?" He asked.

"Hindi na daw, nilagyan na nila ng bubble gum--awww!!" Napangiwi na lang ako ng bigla niyang kurutin ang pisngi ko.

"Masyado na nga akong nag-aalala nagagawa mo pang magjoke!"

"Etoh naman. Wala ngang crack diba? Kaya safe na ako sa internal bleeding. Pahug na lang ulit." I chuckled.

"Alam ko na kung pano ka gagaling ng mabilis." He said. He cupped my face.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong halikan sa lips ng matagal.

"Oh ayan okay ka na? Hindi pa? Sige isa pa!" He grinned at pinaghahalikan na ko sa mukha.

"Stop! Stop na! Hahaha." I chuckled at hinawakan din yung mukha niya. "Uyy nakakarami ka na ha!" I laughed.

"Gusto mong bawiin?" He asked at ngumuso sakin. Napangiti na lang ako at tinitigan siya sa mga mata.

"W-wait... Ayaw mo ba? Sorry na wag ka ng umiyak. Napakaiyakin talaga nito."

"Masaya lang ako kasi kasama kita." I sniffed. He smiled at me and lowered his face.

Napapikit na lang ako until I felt his lips on mine. He pulled me closer as I started to answer his kisses back.

ROSE' POV

"Masakit pa rin ba? I'm really sorry about what happened. Hindi man lang kita naprotektahan." He said.

Yumakap ako sa braso ni Leif at sumandal sa balikat niya.

"Okay lang, hindi mabuting lagi na lang kaming umaasa sa inyo, dapat siguro matuto na kami ng self defense." I chuckled.

"Di mo na kailangan yun, andito naman ako eh. Ipagtatanggol kita kahit anong mangyari."

I smiled silently. Napatingin ako kay Leif ng bigla niyang guluhin ang buhok niya.

"May problema ba?" I asked.

"I'm frustrated, wala akong nagawa nung sinasaktan nila kayo. I'm so useless." Natigilan ako when his voice broke. I cupped his face at iniharap sakin.

"Just having you here beside me is more than enough to ease every pain I'm feeling right now."

Napatitig siya sa mga mata ko at ngumiti. Bigla niya kong hinila at niyakap ng mahigpit.

"Promise di na mauulit, kung pwede ka lang itali sakin para di kana mawala sa paningin ko gagawin ko." He chuckled.

Yumakap ulit ako sa braso niya at sumandal doon. Parehong-pareho sila ni Daemon. Hindi ko pwedeng magustuhan si Leif dahil nakikita ko sa kanya si Daemon, magiging unfair yun sa kanya.

"Si Bea, ang bait-bait niya noon, pero bakit siya nagbago?" I asked. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Kasi dahil sakin, lumaki kaming magkasama, inisip ko nga rin noon na soulmates kami kaso hanggang tinging kapatid lang talaga ang kaya kong ibigay." Bakas na bakas ang lungkot sa boses niya.

"What if katulad pala ako ni Bea na nasa loob ang kulo? Na masama rin pala ako at nagpapanggap na mabait, kamumuhian mo rin ba ko?" I asked.

"Ano bang klaseng tanong yan? Kahit ano ka pa tanggap kita. Lahat tayo may rason kung bakit tayo nagbabago." Hinawakan niya yung kamay ko na nakayakap sa braso niya.

"Eh pano kong isa pala akong hayop na nagpapanggap bilang tao?" Then he laughed.

"Ibang usapan na yan, ang galing mong magjoke." He chuckled at kinurot ako sa pisngi.

I grinned at him para itago na nasaktan ako sa sagot niya.

Kung alam mo lang sanang seryoso ako sa sinabi ko.

LHORRAINE's POV

"Galit ka ba? Bakit ba di ka namamansin?" I asked. Magkatabi nga kami pero kanina pa siya walang imik, kinakabahan na tuloy ako.

"Ash naman eh, kausapin mo naman ako, kung may nagawa man akong mali, sorry na."

"Kumain ka na lang ng lumakas ka." He said at binato sakin yung apple buti na lang mabilis ang reflexes ko at nasalo yun.

Malungkot kong tinignan yung apple at kinagat. Hindi man lang niya ko pinaghiwa.

Naubos ko na yung apple pero hindi pa rin niya ko pinapansin. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" He asked in a dangerous tone, napalunok tuloy ako.

"Magpapaturok ng gamot kay France." Pagdadahilan ko, oras na rin kasi para sa another antidote.

"So, first name basis? Ganun na kayo kaclose?" He asked coldly.

"Oo, kasi doctor ko siya? Mula ng maging doctor siya, siya na laging gumagamot sakin." I said.

"Oh, antagal niyo na palang close eh. Siguro may feelings ka na rin para sa kanya." He said. Kumunot na ang noo ko, hindi ko na magets yung mga tanong niya at kung saan papunta ang topic namin.

"Ano bang problema Ash?"

"Wala." Tipid na sagot nito. Napairap na lang ako sa kawalan. He's weird.

"Sigurado ka? Wala talagang problema?"

Hindi siya sumagot. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ready for another shot?" Napangiti ako ng biglang dumating si France at bitbit nito yung bag niya.

"Oo, ito na ang last diba?"

"Yes, basta ba't kakain ka ng maayos at iinumin ang mga vitamins mo." He smiled. Napatingin ako sa direksyon ni Ash, nanlaki ang mga mata ko ng makitang ang dilim dilim na ng aura niya at parang papatay na ng tao.

Naramdaman kong nilislis ni France yung sleeve ko at tinurok na yung injection.

"Ayan, good girl." Natawa na lang ako. Hanggang ngayon binebaby pa rin niya ko. Inayos na niya yung gamit niya.

"Kapag may naramdaman kang kakaiba, call me." He said at hinaplos ang buhok ko.

"Tsss back off.." Natigilan ako ng biglang tampalin ni Ash yung kamay ni France.

"Ash!" Saway ko dito. Bigla niya kong hinila papunta sa likod niya.

"May problema ba?" Tanong ni France kay Ash.

"I know you well Dr. France, alam ko ang reputasyon mo bilang manwhore. Kaya wag mong hahawakan si Lhorraine ever again." Ash hissed.

Biglang tumawa si France. Napikon atah si Ash at akmang susuntukin na si France pero agad akong pumagitna.

"Ash! He saved my life!"

"We've been together almost all of her life Mr. Grey, I've seen every bit of her." pang-aasar pa ni France.

"G*go ka ah!!" niyakap ko na si Ash bago pa niya masuntok si France.

"France, ano ba?! Hindi ka na nakakatuwa!!" Sermon ko dito. Bigla siyang tumawa ulit.

"Sobra kasing magselos itong boyfriend mo Rain, hindi ko lang napigilan." He chuckled.

Nagpumilit kumalas si Ash pero dahil mas malakas ako napipigilan ko siya.

"Tama na Ash! Please!"

"Eh bastos itong lalaki--"

"Pinsan ko siya Ash! First degree!!" Natigilan si Ash sa sinabi ko at tumingin sakin. Si France humagalpak ulit ng tawa.

"Umalis ka na nga! Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako!" I snorted. He raised his both hands at natatawang umalis.

"Bye lovebirds." Tawa nito bago pa tuluyang nakaalis. I sighed at tinignan si Ash.

"C-cousin mo siya?"

Tumango ako. I heard him cursed at nagdadabog na umupo sa couch. Hindi
ko na napigilang ngumiti.

"Totoo bang nagseselos ka?" I grinned. Nag-iwas siya ng tingin pero halata ang pamumula ng pisngi niya.

"Wag ka ngang ngumiti!" Naiiritang sabi nito. Mas nilawakan ko pa yung ngiti ko.

"Nagseselos ka lang eh.." panunukso ko. Pero nagtsss lang siya.

"Uyy si Ash nagseselos." Pang-aasar ko pa.

"Nagseselo--"

"Oo na! Sino ba naman kasi may sabing pwede kang ngumiti sa ibang lalaki?! Dapat sakin lang! Kapag nakita pa kitang ngumiti sa iba, papatayin ko na sila." He hissed.

"Grabe ka naman! Parang ngiti lang eh." I pouted.

"At yan! Aish! Bawal kang magpacute sa iba, sakin lang, okay? Akin lang lahat ng yan!"

"Ang possessive namang manliligaw nito." I mumbled.

"Bakit may balak ka?"

"Wala po boss. Loyal toh." I grinned. Napansin kong nagpipigil siya ng ngiti.

"Omo! Ngingiti na yan.." kiniliti ko siya pero pinipigilan niya yung kamay ko.

"Wag ka nga! Aish ang kulet.."

"So nakukulitan ka na sakin?" Pagtataray ko. "hmpt makaalis na nga." Tumayo na ko pero bigla niya kong hinila at niyakap mula sa likod, he rested his chin on my shoulder.

"Etoh naman parang nagpapalambing lang eh. Pakiss nga." Bigla niya kong hinalikan sa pisngi which made my world froze.

Seriously? What is this guy doing to me?

---------------------

A/N: Mag-ingay yung mga hindi pa nadededicate'n para hindi nauulit-ulit XD

LAB U UL. :D

Etoh na ang mga characters!!
Janson- Bae Suzy and ???
kriswave- IU and ???
ashraine- Jiyeon and Myungsoo
RoseLeif- Yoona and ???

Any comment and suggestions? Actors dapat ha? Gagawan ko kasi ng teaser :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top