Mission #33 Rival
Thanks to @lycanthrope23 sa name ng girl na binigay mo :)
@goluckycharm at @karlangeloababa thanks sa votes :)
@MiszBlackSwam nainspire ako sa comment mo XD
LHORRAINE's POV
As usual maaga kaming pumasok. Pansin ko rin na maaga ang He Royals at kanya-kanya sila ng tabi samin.
Si Rose at Leif lang ang hindi. Nag-uusap naman sila pero not in a Romantic way.
Si Jana at Crimson, as usual, nag-aasaran pero minsan inaalo naman nila ang isa't isa kapag nagkakapikunan na.
Si Wave at Kristine? Asan na nga ba sila? Lumabas sila kanina.
"Good Morning class." Napaayos agad kami ng upo ng dumating na yung teacher.
"I want you to meet someone, she'll be part of this class from now on... Please come in and introduce yourself."
Napatingin kami sa babaeng pumasok, she has this brown wavy hair and chinita din siya.
"Yo! I'm Junea Lyca Lee, Bea Serine's cousin." She grinned lahat kami napatingin sa direction ni Bea who seems not bothered.
"Okay miss Lee, you can have any available seat." Sabi nung teacher.
Agad niyang nilibot ang mga mata niya sa loob ng classroom. Her gazes stopped in our direction.
Or specifically, on Ash. Bigla siyang napangiti at naglakad papunta sa direction namin at umupo sa vacant chair na pinaglagyan ni Ash ng bag niya.
"Excuse me pwede bang pakitanggal yung bag mo sa likod ko." She asked pero hindi siya pinansin ni Ash.
"Ash tanggalin mo na." Yugyog ko dito. Napabuntong hininga ito at kinuha yung bag niya.
Pero bago pa niya matanggal yung bag niya agad ng sumandal si Junea sa backrest ng seat niya.
Para na tuloy nakaakbay si Ash sa kanya. I gulped. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng ngumiti si Junea kay Ash.
"Aray!" Junea squealed ng marahas na tanggalin ni Ash yung bag sa likod ni Junea muntikan pa nga itong masubsob.
"Mr. Grey? Ms. Lee?" Tanong nung teacher, nainterupt kasi yung lesson sa pagsigaw ni Junea.
"Uhm wala po ma'am. Sumakit lang po kasi yung natwist na ankle ko." Junea said. Napatingin ako sa ankle niya, isa akong healer kaya makikita ko yung masakit na part ng isang tao.
Blue, walang kahit anong defect, she's lying.
"Sobrang sakit ba?" Tanong nung teacher. Junea bit her lower lip at tumango.
"Bakit ka pumasok if that's the case? Let me see." Lumapit sa kanya si Ma'am at hinawakan yung ankle kaya napasigaw si Junea ng malakas.
She's really good at acting.
"I just forced my self today, I don't wanna miss my first day here in Royal Academy." sabi nito.
"You're such a good student, but incases again like this, don't force yourself okay? You can just submit an excuse letter, can you still tolerate it?" Umiling si Junea na parang naiiyak na.
Tumayo si Ma'am at bumuntong hininga.
"Mr. Grey, can you please accompany her to the clinic?" Tanong ni ma'am kay Ash.
"What?! No way!"
"Ma'am it's okay, I can go there on my own." Junea struggled to get up at halos matumba, napapangiwi ito.
Parang totoo, if only I didn't see it siguro maniniwala ako.
"Mr. Grey!" Bulyaw nung teacher kay Ash. Kumunot ang noo ni Ash at tumingin sakin.
Gusto kong umiling pero baka makarinig na naman ako ng negative comments.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at sumandal sa upuan ko.
Biglang tumayo si Ash at lumapit kay Junea. I can see Junea's grin from my peripheral vision.
Nagsquat si Ash sa patalikod kay Junea at piniggy back ride ito.
"Bagay sila noh?"
"Oo nga eh, mukhang may makakamelt na ng ice cold heart ng ice prince natin."
"Hoy... baka marinig kayo ni Lhorraine."
"Eh bakit ba, hindi naman kasi sila bagay, pusta ko napilitan lang si Ice prince."
Napatingin ako kay Rose ng bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Wag mo na lang sila pansinin okay? Inggit lang sila." She smiled. Tumango na lang ako at nagfocus sa discussion.
ASH' POV
Pagkalayo namin sa classroom agad ko na siyang binagsak sa hallway.
"Aray naman!" She squealed.
"If you can fool the teacher, well ibahin mo ko." I hissed. She glared at me bago tumayo at pampagin yung palda niya.
"Hindi ka pa nagsosorry ah?! Pati yung ginawa mo sakin last week!!"
"Last week?! I don't know you miss, and I don't have time for your childish acts." Irap ko at tumalikod na para iwan siya sa hallway.
"Aahhh!!! Aray! Aray! Yung paa ko ang sakeeetttt!!!" She screamed. Lahat ng mga students na dumadaan napapatingin samin.
Pati nga mga teachers. tssss.
"Mr. Grey, you should bring her to the clinic, kawawa naman yung girlfriend mo.."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng isang teacher. Girlfriend?! Kilabutan nga sila sa sinasabi nila.
"Ahhh!!! Bwisit ka Ash! Pagkatapos mong kunin ang virg--" agad akong pumunta sa kanya para takpan ang bibig niya at binuhat na siya.
"You shut up or else ihuhulog na kita mula sa rooftop!!" I hissed. She grinned at me.
Tsss bwisit.. masisira ang diskarte ko kay Lhorraine nito. Pagkarating namin sa clinic binagsak ko na ulit siya sa bed.
"H-hoy! Saan ka pupunta?!"
"It's out of your f*cking business bitch. Don't come near me again or else I'll wring your neck." I hissed and shut the door close. I sprint back to the classroom, the first period just ended.
But I could no longer find Lhorraine.
"Si Lhorraine?" I asked Rose pero nagkibit balikat lang siya. Kumunot ang noo ko.
Lumapit ako kina Kristine to ask pero gaya ni Rose hindi nila ako pinansin. Pati sina Wave tikom ang bibig.
Tssss this is so frustrating!!!
LHORRAINE's POV
"Ang obvious naman eh! Nagiinarte lang yung Junea na yun! Alam mo magpinsan talaga sila ni Bea, parehas silang magaling umarte." Kristine snorted. Nandito kami sa rooftop at kumakain sa mga bento namin.
Since naging close kami sa He Royals mas naging masama na ang trato samin ng mga students. So, we end up hiding.
"What's with my cousin?" Nasamid pa si Kristine sa biglaang pagsulpot ng She Royals.
"If you think we already gave up on them, then think again, pinagbibigyan lang namin kayo sa pag-iilusyon niyo." Pagtataray ni Jane samin.
"Ooopps pader." Jana waved her hand like creating wall between us.
"Wag kang magyabang porke't kinakaawaan ka nina Throne at Crimson!!" Singhal naman ni Jheraine kay Jana.
Hindi siya pinansin ni Jana dahil busy ito sa pagkain. Kumain na rin kami at hindi pinansin ang pag-aalburuto nung apat kahit medyo tahimik na si Daisy.
"Wag niyo silang pwepwersahin." I whispered ng maramdaman ang paglalakad ng She Royals palapit sakin.
"Sasaktan nila tayo..." bulong ni Kristine.
"Gagamutin ko kayo. Don't--""
"Anong pinagbubulong-bulungan niyo diyan?!" Biglang tinulak ni Jane si Kristine kaya muntikan na tong masubsob buti na lang nakaindian sit kami.
"Wow naman bento." Jheraine grinned at sinipa yung bento ni Jana papunta sa mukha niya.
JANA's POV
BWISIT!
Kung hindi lang sana kami binalaan ni Lhorraine kanina siguro sinusugod na namin si Bea na kinakaladkad sa buhok si Rose.
"T-tama na." I heard Kristine cried. Jane grabbed her face.
"Bakit naiinggit ka rin ha?" Bulyaw nito at sinampal si Kristine. Naikuyom ko na lang yung kamao ko habang pinapanood kong pagsasampalin ni Jane si Kristine.
Habang si Bea pinagmumura na lang at tinatadyakan si Rose.
"Tama na.. Baka mahuli pa tayo nina Ash." Sabi ni Daisy.
"Come on Daisy, iparamdam mo tin kay Lhorraine kung gano kasakit ang naramdaman mo ng ipagpalit ka ni Ash sa pangit na ito." Dinuro ni Jane si Lhorraine at tinulak-tulak ang ulo nito gamit ang hintuturo niya.
Naramdaman ko na lang na may kung anong malamig na bagay na bumuhos sakin.
Tubig...
"T-tama na..." I heard Rose said. Kahit nanghihina na siya at halos sumuka na ng dugo dahil kanina pa siya sinisipa sa sikmura ni Bea.
"Hey are you all having fun?" Piglang sulpot ni Junea. Sabi na nga ba umaarte lang siya.
"Yeah! Tamang-tama ang dating mo couz, walang partner yang isang yan. She's Ash girlfriend." Bea smirked.
Kumunot ang noo ni Junea at lumapit kay Lhorraine.
"Sumuko na si Daisy, hindi na mahirap idispatsa ang tulad mo." Cold na sabi nito at naglabas ng dagger.
"H-hoy! Anong gagawin mo kay Lhorraine?!" Napangiwi ako ng biglang hatakin ni Jheraine ang mga braso ko at pilipitin ito papunta sa likod ko.
"Papangitin pa natin yang mukha mo." Junea chuckled wickedly at hiniwa yung mukha ni Lhorraine.
"Lhorraine! Aahh!!" Kristine screamed aftet siyang sampalin ulit ni Jane.
"Sumusobra na kayo!!" I hissed pero biglang inapakan ni Jheraine yung likod ko and I screamed in pain. I heard my bones cracked.
"I'm done." Bea said habang pinupunasan ang dugo sa damit niya. Hindi ko na napigilang mapaluha ng makita ang sitwasyon ni Rose.
Wala na itong malay at duguan na yung damit niya at umaagos na yung dugo sa ulo niya.
"Bored na rin ako dito." Jheraine said at tinulak na ko pasubsob sa sahig. I can no longer feel my arms.
"Wait lang..." Tinaas ni Junea yung kamay ni Lhorraine. Nanlaki ang mga mata ko ng itarak niya yung dagger sa palad nito at bumaon sa semento.
Agad akong kinilabutan ng marinig kong napasigaw sa sakit si Lhorraine as blood started to stream down her arm.
"Okay ito na lang." Biglang sinipa ni Jane sa mukha si Kristine kaya nauntog ito sa pader.
"That's our definition of bullying." Bea grinned bago sila bumaba at narinig pa namin ang paglock ng pinto.
"Ang sakit nun." Kristine said habang nakahawak sa ulo niyang duguan na.
"Lakas nila huh?" I heard Rose chuckled as she struggled to get up, pinunasan nito ang dumudugong labi.
"Gagamutin ko na kayo." Lhorraine said at tinanggal yung dagger sa kamay niya.
I cracked my bones back to normal.
"Hindi mo na nga magagamot yang sarili mo, manggagamot ka pa ng iba." I said. I cracked my neck at huminga ng malalim.
"Gano katagal bago gumaling ito? Ang sakit eh." Ngiwi ni Rose at sumandal sa pader.
"Kung normal na tao, siguro 3-4 weeks, pero satin siguro 2-3 days." Lhorraine said.
Pinunit ko yung laylayan ng palda ko para ibenda sa kamay ni Lhorraine, ganun din ang ginawa nina Kristine at Rose sa mga ulo nila.
"Hanggang kailan tayo magtitiis?" Kristine asked.
"Hangga't nandito tayo sa Human World." Sagot ulit ni Lhorraine.
Napansin ko ang pangingitim ng mga braso ko, kaw ba naman mabalian? Naiigagalaw ko pa naman pero hindi ko pwedeng pwersahin.
"Kaya niyo bang tumayo at maglakad? Pumunta na tayo kay Yancey para makauwi na tayo." I said.
"Yeah kaya pa." They said. Naglakad na kami pababa, kailangan lang naman naming tanggalin yung doorknob sa pinto at ang wind blades ni Lhorraine na ang gumawa nun.
THIRD PERSON's POV
Patapos na ang lunch break pero hindi pa nakikita ng He Royals kahit anino man lang ng mga Nerds.
"Cannot be reach eh. Kanina ko pa nga rin sila hinahanap." Wave said at halos madurog na ang phone nito kakapindot.
"Si Jana din..."
"Pati rin si Lhorraine."
"Let's just go look for them, I have a bad feeling about this." Sabi ni Leif.
Maghihiwa-hiwalay na sana sila ng may marinig silang hagikgikan. Nagtago sila sa likod ng pader.
"Nakita niyo yung itsura nila kanina? Grabe those were priceless, ipost kaya natin sa website ng school?" Jheraine chuckled.
Kumunot ang noo ng He Royals sa narinig.
"Hindi ba't parang nasobrahan--" hindi na naituloy ni Daisy ang sinabi niya dahil sinampal na siya ni Bea.
"Wag ka ng magsalita kung wala rin namang kwenta, they should know by now na dapat na nilang layuan ang He Royals." Bea smirked.
"Oo nga pala, yung dagger na pinansaksak ko kay Lhorraine, may lason pala yun." And they laughed loud and wickedly.
Hindi na napigilan ng He Royals ang sarili't hinarap ang mga She Royals na gulat na gulat sa pagsulpot nila.
"What did you do?!" Ash hissed. Napaatras si Junea dahil parang papatay na ng tao si Ash. Agad siyang napakapit kay Bea.
"A-aww my ankle.." Arte ulit nito.
"Asan sila?" Tanong ni Leif kay Bea, hindi nagpatinag si Bea at nakipagtagisan ng titig kay Leif.
"If anything bad happens to them, siguraduhin niyong nakahukay na kayo ng sarili niyong libingan." Crimson hissed.
Agad na tumakbo ang He Royals para hanapin yung mga nerd.
"Look!" Turo ni Wave sa mga patak ng dugong nakita niya. Sinundan niya ang mga patak nito.
May diretso sa hallway at may pataas sa rooftop. Agad silang umakyat sa rooftop.
Nakita nila ang mga bag ng mga nerds, mga bento at mga bakas ng dugo sa pader at sahig.
Napatakip na lang ng bibig si Wave sa galit. Si Crimson napasabunot sa buhok, habang si Ash natulala sa nakita.
"Sundan natin sa hallway..." Leif said. Halos mahulog na sila sa pagmamadali nilang bumaba ng hagdan.
Sinundan nila ang patak ng dugo at nakita nila sa dulo ng hallway ang mga hinahanap nila.
Si Jana nakahawak sa braso niya, si Kristine na may benda sa ulo, si Lhorraine na wala ng malay at buhat-buhat ni Rose.
Nataranta sila ng biglang matumba si Rose dahil hindi na nito kinaya ang mga pinsalang natamo.
"Oh jeez! Are you okay?!" Alalang tanong ni Leif kay Rose.
Agad na binuhat ni Ash si Lhorraine na nag-iiba na ang kulay ng balat dahil sa
lason.
"Ayos ka lang--"
"Aray." Jana squealed ng biglang hawakan ni Crimson ang mga braso niya. "Okay lang ako."
"Okay?! Okay ba yan? Halos mangitim na yang kamay mo tapos okay ka lang?" Sarkastikong singhal nito. Napabuntong hininga na lang si Jana.
"Dalhin na namin kayo sa hospital." Wave insisted habang inaalalayan si Kristine.
She Royals will definitely pay for this..
------to be continued.
A/N: Say NO to Bullying!!
Please have time to read my new story.
http://www.wattpad.com/66026652-zeus-bachelor%27s-game-bachelor%27s-game
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top