Mission #30 Double Date

Para kay @_zyrene_ at @khezlyf
Thanks for the flood votes. Love you na XD.

---------------
JANA's POV

Pumasok lang si Wave sa kwarto niya gumaling na siya??

"Look, nagpropose na siya sakin." Wave grinned at pinakita samin yung sing-sing.

The Elemental Ring.

"Asan ang critical diyan?" Tanong ni Crimson sakin with sarcasm.

Inirapan ko na lang siya at hinila yung kamay ni Wave. I tried to pull off the ring pero hindi ito matanggal.

"Aray!! Jana naman masakit!!" Sabi sakin ni Wave binawi niya yung kamay niya at marahang minasahe ito.

I glared at Kristine pero nag-iwas lang siya ng tingin. Hindi dapat mainvolve ang mga tao dito pero sa ginawa niya tiyak na manganganib ang buhay ni Wave.

"Tanggalin mo yan bago pa magdilim ang paningin ko at putulin ko yang kamay mo." I hissed. Kumunot ang noo niyang tumingin sakin.

"No way! It is the symbol of our love." Ngisi ni Wave at hinila papunta sa kanya si Kristine.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay Fine. Ginusto mo yan." I said at nagwalk out na.

"Jana." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Throne.

"Kala ko di ka darating." I said.

"Pwede ba naman yun? Ah oo nga pala I brought something, mas mabilis kang gagaling dito." May binigay na basket ng mga prutas si Throne kay Kristine.

"Thanks Throne." Kristine smiled.

Napanguso nanlang ako. "Eh yung akin?"

"Wag ka ng mainggit, kung gusto mo bilhan kita ng tig-iisang farm ng mga prutas na gusto mo." He grinned sinapak ko na sa balikat.

Yabang talaga hahaha.

"Aalis kayo?" Biglang sulpot ni Yancey. As usual nakacorporate attire na naman ito, busy siya masyado.

"Hmm? Pwede po ba?" Ngisi ni Throne dito.

"Oo naman, kung pwede lang wag mo ng iuwi yan dito." Pacool na sabi ni Yancey. Napatingin ako kay Rose na inililigpit yung pinagkainan nila.

"Kayo na lang maggrocery kung ganun? Ikaw Lhorraine may papabili ka?" Tanong ni Rose.

"Hmmm alam ko na! Hihi Lhorraine talaga mahilig sa ube ice cream." Throne grinned. Pati nga kami kailan lang namin nalamang mahilig sa ganun si Lhorraine.

Namula ang pisngi nito at nag-iwas ng tingin.

"Uhm, y-yung 1 Liter." nahihiyang sabi nito.

"Kayo may papabili kayo?" Tanong ni Throne kina Crimson.

"Tsss makauwi na nga." Irap nito at lumabas na ng mansyon. Pati sina Ash at Leif sumunod na rin.

"I'll call you." sabi pa ni Wave kay Kristine bago sumunod sa tatlo.

THRONE's POV

"Wala ba ito sa list?" Pakita ni Jana sa isang supot ng Mang Juan.

"Bakit ba puro wala sa list ang kinukuha mo?" I asked. Napanguso na lang ito at binalik yung kinuha niya.

"Eh kasi naman, magagalit na naman si Yancey kapag wala sa list ang mga binili ko."

"Sige kumuha ka na lang ng ibang basket at kunin mo lahat ng gusto mo. Basket lang ha?" Sabi ko.

"Talaga?! The best ka talaga!!" She grinned at tumakbo pabalik sa entrance para kumuha ng basket.

Natawa na lang ako. I'm still wondering kung bakit kahit gusto nung apat na yun silang apat na nerd eh nagpapakatorpe pa sila at nagkakasakitan.

Ang hilig nilang maglaro ng tagu-taguan. Taguan ng feelings kahit obvious namang may gusto na sila sa isa't isa.

Pag-ibig nga naman.

Sa tingin niyo siguro may gusto ako kay Jana pero bago pa kasi ako magkagusto sa kanya, sinabi na niya na hindi kami pwede, hindi pa ko nagkakagusto sa kanya nagfriendzone na agad.

Lagi ko naman silang napapansin, actually kapansin-pansin kasi sila dahil iba ang ayos nila, kami ni Light o mas kilala sa pangalang Hunter.

Pero sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa kanila kapag nakilala mo sila ng lubos lalo na si Jana na kahit magaling siyang mambara, alam mong nag-aalala pa rin siya sayo.

Flashback

"Throne, feeling ko tuloy iniisip nilang may relasyon tayo." Sabi sakin ni Jana nasamid pa nga ko dahil umiinom kami ng coke at nakatambay dito sa may park.

"Hayaan mo silang mag-isip ng kung anu-ano." I said habang nagpupunas ng bibig.

"Pero hindi pwede eh. Hindi pwedeng magkarelasyon tayo. Hindi natin pwedeng magustuhan ang isa't-isa.

My forehead creased.

"Bakit naman?" I asked.

"Kasi may iba na tayong mahal. Wag mong ideny sakin dahil alam kong mahal mo pa rin si Jheraine."

I just chuckled. "There's no way in hell I still love a heartless woman like her." Uminom ulit ako at napatingin kay Jana na nakatingin lang sakin ng diretso.

"Mahirap bang magpanggap na hindi mo na siya mahal?" She asked.

I'm defeated. Basang-basa niya ko. I sighed at humiga sa may damuhan.

"Oo naman. Mahirap magpanggap na wala ka ng pakealam. Mahirap magpanggap na hindi ka naiinis. Pero kaibigan ko si Crimson, ayokong masira kami."

Napatingin ako kay Jana ng mapansin hindi siya sumagot. Bumangon ako and looked at her. Sobrang kunot ng noo nitong nakatingin sa iisang direksyon.

Kumunot ang noo ko ng makita kung saan siya nakatingin.

It's Jheraine and Crimson.

"Nagseselos ka ba?" I asked. She looked at me, her eyes become watery.

"Bakit kaya kung sino pa yung taong gusto mo, yun pa ang may ayaw sayo." She hugged her knees.

"May gusto ka kay Crimson?" Nanlalaki ang mga mata ko.

"Obvious ba?! Nakakainis ka nga eh! Ang manhid niya g*go siya!!" She sniffed at hinila yung mga grasses.

I burst out laughing.

"Anong nakakatawa?!"

"Hahahaha sorry, lagi kasi kayong nag-aasaran. Hindi ko naman alam na nadedevelop na kayo sa isa't isa." I grinned.

"May topak na nga tah ako eh, bat ba kasi ako nagkagusto sa isang kumag na kagaya niya." She pouted.

"Mahal mo naman." I grinned.

"Mahal ba ko?" Natawa na lang ulit ako sa sinabi niya. Ang weird lang eh, talo na naman ako dahil si Crimson na naman but I still find it amusing.

"Anong nagustuhan mo kay Crimson?" I asked.

"Ikaw anong nagustuhan mo kay Jheraine?"

"Ano ba naman yan? Ako unang nagtanong, ikaw unang sumagot."

Napanguso na lang ito. Napatingin ulit kami sa direksyon nina Crimson na mukhang ngayon lang kami napansin.

"Hindi ko alam, pero natutuwa ako kapag nakakausap at nakikita ko siya." Dahan-dahan niyang nilagay ang ulo niya sa balikat ko.

I can see Crimson's reaction from here. Kung nakamamatay man ang tingin niya ngayon siguradong sa punerarya na ko diretso.

"Kaso ngayon, nanghihina na ko sa lungkot. Gusto ko siyang makaasaran ulit. Ayoko ng makita sila ni Jheraine na magkasama."

Inakbayan ko si Jana and I saw how Jheraine reacted to it. Pero ayoko ng bigyan ng malisya yun.

"I feel you. But ofcourse, I can do nothing about it. Kung saan man siya masaya hahayaan ko na lang siya kahit masakit."

End

"Uuuyyyy!!!" I blinked when Jana snapped her fingers on my face. "Abot mo na ang dulo ng universe sa layo ng narating ng imagination mo ah?"

I smiled at her. Prinoprotektahan namin ang isa't isa kasi we're moving on.

We belong to the same club. Club ng mga broken hearted. Next time gagawa na ko ng group sa FB at kami ni Jana ang Admins.

"Nakuha mo ba lahat ng gusto mo?" I asked.

"Oo pero promise mo hindi mo sasabihin kina Yancey ha?"

"Hmm pag-iisipan-- aww!!" Agad akong napamasahe sa braso ko. Ang lakas kasi niyang sumuntok. Feeling ko mababalian ako ng buto sa kanya eh.

When I am with Jana ramdam ko ang pagiging possesive niya, nadisdistract siya kapag may napapansin siyang nanlalait sa kanya o nakatitig sakin.

Pati nga cashier pinagdidiskitahan niya.

"San na tayo?" She asked after naming magbayad.

"Ikaw? Saan mo gustong pumunta?"

"Hmmm lunch tayo. Gutom na ko eh." tawa nito.

JANA's POV

Grabe ang galante talaga ni Throne. Ganito pala kapag may kaibigan kang mayamang laging libre ang pagkain.

"Aray!/Sorry!" Nataranta ako ng may mabangga ko dahil sa paghila ko kay Throne.

"Jana!/Crimson?!" Sabay naming sabi.

"Tsss look at what you've done to my shirt!" Singhal nito sakin.

"Sino ba kasing may sabing paharang-harang ka sa daan?! Laki mo ring kalat eh!" Irap ko.

"Halika na nga Throne, bumabaho na dito eh." Natigilan ako ng bigla niyang hinalihin yung braso ko. Enough para mabitawan ko si Throne.

And again, just what like he's doing to me, my pulse started to race. Hindi ko sinabi sa inyo noon cause I'm not yet sure about it.

"Bayaran mo itong shirt ko." He hissed. Kumunot ang noo ko. Hindi ako nagdala ng pera. Inabunuhan pa nga ni Throne yung pinaggrocery namin.

"Magkano ba yan Crimson?" I heard Throne said.

"Hindi kita kinakausap Throne." Kahit kailan talaga bastos itong lalaking ito eh. "So ano? Aasa ka na lang kay Throne? Kasalan mo ito tapos siya ang magbabayad? Anong klase kang kaibigan?"

Bigla akong nainis sa tono ng boses niya.

"Crimson let her go, may date kami and you don't have the right to ruin it." Crimson was looking at me directly to my eyes while clenching his jaw.

"Continue this some other time--"

"Crimson?" Natigilan kaming tatlo ng marinig namin ang boses ng pinakakinaiinisan kong babae sa mundo.

"Jheraine." Mahinang bulong ni Throne na ako lang atah ang nakarinig.

"May problema ba dito?" She asked pero kay Crimson lang naman siya nakatingin.

Tapon ko toh sa nonbiodegradable na basurahan eh, nag-uumapaw sa kaplastikan.

"She ruined my shirt." sabi ni Crimson pero sakin siya nakatingin.

I tried to pull my arm pero ayaw niya kong bitawan baka mapwersa ko pa siya at tumilapon siya sa universe.

"Tsss hayaan mo na lang sila Crimson, let's buy you another shirt." Hinawakan ni Jheraine sa braso si Crimson pero tinampal niya ito kaya napangiwi si Jheraine.

Take that bitch.

"It's out of your f*cking business Jheraine so stay out of this!"

"Crimson! Ano ba?! Tama na yan pwede?!" Singhal ni Throne sa kanya at inakay si Jheraine palayo dito. Piniksi ko na rin yung braso ko at lumapit kay Throne.

"Uhm ano... uhm saan kayo pupunta?" Tanong ni Jheraine. Tumaas ang kilay ko. Pakealam ba ng palakang ito?

"Mag-lulunch kami, gusto mong sumama?" Muntikan ko ng bugbugin si Throne sa sinabi niya. I glared at him pero pinat lang niya yung head ko.

Ano ako aso?

Hindi ko na alam kung bakit at kung panong magkakasama kaming apat na maglunch.

Walang nagsasalita. Ang awkward.

"Yung dati pa rin ba sayo?" Throne asked. Napatango na lang ako.

"Ikaw Jheraine anong gusto mo?" Tanong ni Throne.

"U-uhm yung dati rin." Nahihiyang sabi nito.

"Uyy ikaw? Kakain ka?" Tanong ko kay Crimson.

"Sasama ba ko dito kung hindi ako kakain? Utak naman minsan." Irap nito. Muntikan ko ng kunin yung tinidor at itusok sa mga mata niya.

Bwisit.

Si Throne na ang nag-order. Pumipilantik ang kilay ko ng makitang mas inaasikaso niya si Jheraine. Wala eh inggit ako.

"Wag ng magtampo. Tikman mo toh." Napatingin ako sa tinidor na inilapit niya sa bibig ko. I fixed my glasses at sinubo yun.

"Ano toh? Sarap ha?" I said habang ngumunguya. Halos hindi na kumakain si Throne kakasubo sakin.

"Excuse me, CR lang." excuse ni Jheraine at umalis na.

Eh kung iwan kaya namin siya dito para siya na magbayad??

Napatingin kami kay Crimson ng bigla na lang siyang tumayo at sinundan si Jheraine.

"T-t-tignan mo!" Sumbong ko kay Throne.

"Tssss ewan ko sa kanila. Hindi ko alam kung nagseselos ba sila satin or may LQ lang sila." Sabi ni Throne.

Binunton ko na lang ang inis ko sa pagkain hanggang maubos ko yun bago bumalik sina Crimson at Jheraine...

...Na magkaholding hands.

Parang paulit-ulit na may tumarak sa puso ko.

"Is everything okay?" Tanong ni Throne sa mga ito.

"Ah yeah." Sabi ni Jheraine. Nakakapanibago talaga siya.

"Sige, uhm ubusin niyo na yan para makauwi na tayo." I saw Throne forced a smile. Nahihirapan kasi siyang itago ang nararamdaman niya.

Ako? Humanda sila sakin mamaya.

Magkahawak kamay pa rin sila hanggang lumabas kami ng resto. Nagkatinginan kami ni Throne at sabay na kumunot ang noo namin sa inis.

Sabay pa kaming napa--"F*ck this life."

"Sige mauna na kami." Natigilan pa yung dalawa at sabay na napalingon samin.

"Yeah ingat na lang." Bitter na sabi ko.

"W-wait what? Aalis na kayo?" Epal ni Jheraine.

"Yeah? Bakit may angal ka?" Naramdaman ko ang paghawak ni Throne sa kamay ko. Pinipigilan na naman niya kong makipag-away.

Parang naiiyak na si Jheraine sa inis.

Biglang nagring yung phone ko at tumalikod sa kanila para sagutin yung tawag.

"Hello?"

"Jana, yung groceries tsaka ube ice cream ni Lhorraine. Nagdadabog na yun." I heard Rose chuckled.

Oo nga pala. Napatingin ako sa kanilang tatlo mukhang inaabangan nila yung ginagawa ko.

"Oo pauwi na kami." I said bago ko ibaba yung tawag. Nataranta ako ng biglang nagring yung cellphone ko.

Lhorraine calling...

Agad kong hinila si Throne dahil kanina ko pa nirereject yung tawag ni Lhorraine.

Nakarating kami ng parking lot ng tumigil na ito sa kakatawag.

"Sorry. Si Lhorraine kasi--- waaaaahhhhhh!!! Anong ginagawa mo dito?!" Duro ko kay Crimson.

"Hinila mo ko dito." Inis na sagot niya.

"Hindi! Si Throne ang hinila ko!"

"He's with Jheraine." Natigilan ako sa sinabi niya. Napakislot ako ng biglang nagring yung phone ko.

"Hello? Sorry asan ka?"

"Okay lang. Pasimple ang moves eh." He chuckled kaya napanguso ako. "Anyway kami na ni Jheraine magdadala ng groceries enjoy your day." I can imagine him grinning now.

Ibubulsa ko na sana yung phone ko ng bigla yung hablutin ni Crimson.

"Palit tayo."

"No!"

Bigla niyang binulsa yun. Napatingin ako sa cellphone niyang bulok. Tapon ko toh sa universe eh.

"Baka may tumawag!!"

"Ako na sasagot para hindi ka mapagod." I gritted my teeth. Nakakainis na at the same time nakakakilig.

Nababaliw na ko. -.-

"Sa wakas na solo din kita." He sighed at sumandal sa kotse niya.

"Okay lang ba sayong magkasama sina Jheraine at Throne?"

"The hell I care, sana nga magkabalikan na sila para sakin ka na."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan yung sinabi niya pero hindi ko na lang pinansin.

I fixed my glasses at sumandal din sa kotse niya.

Silence...

Halos kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

"Jana...."

Muntikan na kong mapatili sa biglaang pagbasag niya sa katahimikan. Naglakad siya paharap sakin.

"A-ano?" Napalunok ako ng bigla niyang ilagay ang dalawang kamay niya sa gilid ng mukha ko.

Dahan-dahan siyang lumapit. I felt his head on my shoulder.

"I think I'm dying."

Tumigil ang oras sa narinig ko. Biglang sumikip ang dibdib ko.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" I bit my lower lip. Naiiyak na ko. I felt his hands move at my back.

Niyakap niya ko.

"Another day that I would see you with Throne again, I swear ikakamatay ko na."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. I felt his hands carresing my hair. He's gently sniffing me.

Habang ako parang timang na nanlalaki ang mata at laglag ang panga sa naririnig.

"Buti pa si Wave, sila na ni Kristine, pwede bang tayo na rin?"

Agad ko siyang tinulak sa sinabi niya.

"So, nakikiuso ka?" Kunot noong sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansing may pumatak na luha mula sa mata niya.

Lumapit ako sa kanya pero nagshrug lang siya at pinunasan ang luha niya.

Parang kinurot ang puso ko.

"I know I'm now too late. Ngayon lang ako umamin kahit alam kong may Throne ka na." He breathed.

"Ang sakit mo palang mahalin." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He walked towards his car at binuksan ang door sa driver's side.

Sinipa ko na yung gulong niya bago pa niya mabuksan yung pinto.

"Nag-uusap pa tayo kaya wag mo kong tatalikuran!!" I hissed.

Kumunot ang noo niya. Nasa driver's side siya tapos ako nasa other side.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?! Obvious namang wala na kong pag-asa sayo. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal."

"T*ng*na ang dali mo namang sumuko." My voice broke. "Antagal kong hinintay na sabihin mo yan, antagal naming kayong pinagselos ni Throne tapos etoh lang pala ang mapapala ko? Walang kwenta." Marahas kong pinunasan ang mga luha ko bago ako naglakad palabas ng parking lot.

"W-wait Jana!!" He called pero hindi ko na siya pinansin. I was busy wiping my tears dahil ayaw nilang tumigil.

Agad akong pumara ng taxi.

"Jana!!"

"Stay away from me g*go ka! Kung masakit para sayo ang mahalin ako, hindi mo alam pero mas masakit kang mahalin."

Natigilan siya sa kinatatayuan niya kaya sumakay na ko sa taxi.

Naiyak na lang ulit ako at inabutan naman ako ng tissue box nung driver.

"Thanks po." I smiled.

"Ija ang pag-ibig parang kutsilyo, kapag hindi mo nahawakang mabuti, masusugatan ka, masasaktan. Pero kapag nahanap mo na yung taong kasama mong hahawak ng mabuti sa kutsilyo, gamitin niyo yun pansaksak sa mga taong pilit kayong pinaghihiwalay. Dahil once na hindi naging mahigpit ang kapit niyo sa kutsilyo, it's either may masaktan sa inyo o parehas kayong masasaktan."

Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi ng driver. Marami pa siyang ibang sinabi tungkol sa love.

Nakinig na lang ako.

Gusto ko ring magmahal....Kahit pansamantala lang...

Napabuntong hininga na lang ako and then I realized....

Wala nga pala akong pamasahe.

----------------

A/N: Errr haha. Para akong timang na kinilig dito.

Nagustuhan niyo ba? :)) Ashraine na susunod stay tuned XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top