Mission #29 Sapphire's Wave

For Doray_30

May Christmas Special daw po ba? Haha eto na siguro yun XD. Etoh na lang gift ko sa inyo.

Regaluhan niyo ko ng maraming votes at comments XD

KRISTINE's POV

"Ahhhhh!!!! F*ck! Ang sakit!!" I cried at halos magpaikot-ikot na ko dito sa kama sa sobrang pamimilipit ko sa sakit ng braso ko.

"Lhorraine! Do something!!" Rinig kong sigaw ni Jana kay Lhorraine. Napatingin ako sa kamay ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kama. Lumalabas ang mga kaliskis ko.

"I was trying to pero hindi ito kaya ng kapangyarihan ko." She said.

I groaned at naramdaman ang pagbukas ng mga hasang ko. "Uugghhhh!!!! Ang sakit!!!" I screamed ng maramdaman ang pagbaon ng singsing sa buto ko.

"You need to endure this Kristine! Isa lang ito sa mga pagsubok na dapat mong pagdaanan." Napatingin ako kay Yancey. Biglang dumilim ang paniningin ko. Parang fish eye na yung vision ko habang bumibigat ang paghinga ko.

"Dalhin kaya natin siya sa pool?" Suggestion ni Jana.

"Sinubukan ko na kanina pero nahiwa lang ako ng palikpik niya." Naririnig ko ang boses ni Rose pero hindi ko na sila makita dahil narrow na ang vision ko.

I groaned ng maramdaman ulit ang pagsakit ng braso ko. Napahawak ako dito at gritted my teeth.

Naramdaman ko ang unti-unting pagdrain ng energy ko. Luminaw ang paningin ko. I sweated too much, wala na rin yung hasang at mga kaliskis ko.

Muli akong napatingin sa direksyon nina Jana. Then everything went black.

WAVE's POV

It's been almost 2 weeks ng huli namin silang nakita. I lost contact with Kristine, ganun din sina Leif at Crimson.

"I'm dying to see her again." I sighed habang nasa loob kami ng headquarters.

"Lhorraine said before na temporary students lang sila, don't you think nagtransfer na sila?"

"No!!!" Halos sabay-sabay pa naming sagot nina Crimson at Leif. That's impossible! Hindi yun pwede! Hindi pa kami okay ni Kristine! No way!

"I got a message from Jana." Napatingin kami kay Throne. Nabibitter pa rin si Crimson dahil si Throne ang tinetext ni Jana at hindi siya.

"Anong sabi niya?" Tanong ni Leif.

"Kristine's in a critical condition."

Feeling ko natigil ang oras sa sa narinig ko. Para bang tumigil sa pag-ikot ng mundo. Kristine is in a critical condition? Pero parang kailan lang nung huli niya kong sinimangutan at tinarayan.

Parang kailan lang nung marinig ko siyang umiyak...

"Wave." Tapik ni Leif sa balikat ko.

"Where are they?" I asked Throne.

"Nasa mansion sila."

"W-what? Bakit hindi sa hospital?"

"I don't know. Hindi na sumagot si Jana." I immediately grabbed my jacket and keys at lumabas na ng headquarters. Kristine needs me now. I can't lose her.

"Sasama kami sayo."

Nakarating kami sa mansyon nila. Gaya ng dati walang ibang guard or maids man lang. Kumatok agad ako.

"Sandali lang." Rinig naming sigaw mula sa loob. Bumukas ang pinto at may bumungad saming magandang babaeng parang familiar. But I can't really remember kung sino siya.

"Oh napadalaw kayo?"

"Yancey sino yan?" Rinig naming tanong ni Rose mula sa loob.

"Nandito ang He Royals! Pasok kayo." Alok nito samin. Pinaupo niya kami sa couch.
"Rose dalhan mo sila ng meryenda." Utos nito.

Inabutan naman kami ni Rose ng cookies at juice.

"Nandito ba kayo para kay Kristine? May sakit kasi siya eh. Nasa kwarto niya." Sabi nito.

"C-can I see her?"

"Oo naman." She smiled. Nakahinga ako ng maluwag nang payagan niya ko. Buti na lang mabait talaga itong si Rose. "Halika sundan mo ko."

Nakarating kami sa pintong kulay blue. She opened it at pinapasok ako.
"If anything wrong happens, just press that alarm." Sabi nito sakin. Tumango naman ako and then she left.

Malawak ang kwarto niya. Tapos may mga divider pa. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Agad akong lumapit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang andami niyang sugat at halos kinakapos na siya ng hininga.

"Kristine!! Stay with me! What happened to you?"

"Oh A-Alon andito ka pala." She chuckled softly and tried to grasp air.

"Anong nangyayari sayo?" She shrugged.

"I think I'm dying." She gave a faint smile.

"No way... Marami pa tayong pag-aawayan diba? Marami pa tayong pag-uusapan hindi mo pa ko napapatawad!" I'm fighting this urge to cry, that's so gay.

Hinawakan ko yung kamay niya. It's very cold at halos hindi na gumagalaw ang daliri niya.

"Bakit ba ang pangit mo?" My voice broke. Kumunot ang noo niya.

"I've been wondering kung bakit sayo pa. Bakit sa pangit na katulad mo pa ko nagkagusto. Bakit pangit pa yung minahal ko." I buried my face on the back of her hand and cried my heart out.

Atlast I was able to confess this feeling I have been suppressing for a long time.

KRISTINE's POV

"I've been wondering kung bakit sayo pa. Bakit sa pangit na katulad mo pa ko nagkagusto. Bakit pangit pa yung minahal ko." Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya.

My heart bursted. Bumilis at lumakas ang kabog nito.

"AAAHHHHHH!!!!!!" I screamed. Ang sakit!! Ang sakit ng puso ko!! Para itong dinudurog. Naramdaman ko ulit ang singsing na gumagalaw sa loob ko. Napabangon ako sa sakit.

I don't want Wave to see me in my Demon Form. Ayoko!! Ayoko!! I endured the pain. Sobrang sakit na sumusuka na ko ng dugo.

"Oh Jeez!!" Wave tried to press the emergency button pero agad ko siyang hinila.

"Wag mong pipindutin yan. Kumuha ka na lang ng tubig." Sabi ko. Agad naman siyang pumunta sa fridge dito sa kwarto ko. Napahiga ako sa kama after kong uminom, I felt his fingers intertwined with mine.

I smiled silently. Nakaramdam ako ng konting comfort. Pero yung sakit andun pa rin.

Hours passed. He kept on wiping my sweat. Pinupunusan niya ko. Inalagaan niya ko. I can still remember what the ring said to me.

"Give me to someone who is important to you. You should share a bond that no one can ruin. Or else I will ruin your body."

Important to me? Napatingin ako kay Wave. Binabantayan niya ko. Is he the one? Ibibigay ko ba sa kanya? Nararapat ba siya?

I think it's worth the try. Bumangon ako and held Wave's face. Nagulat siya sa ginawa ko. I closed my eyes and kissed him.

Naramdaman kong biglang lumakas ang hangin. Para akong lumulutang. Unti-unting nawala yung sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko ang pagsara ng mga sugat ko.

Lumubas yung ring mula sa bibig ko at pumasok iyon sa kanya. I broke the kiss. Nanlalaki ang mga nitong nakatingin sakin.

Ano kayang mararamdaman niya ngayong nasa loob na ng katawan niya yung singsing.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang siyang mawalan ng malay. Nagfloat ang katawan niya at umiilaw ito.

"T-teka lang anong nangyayari sa kanya." I held his hand and tried to grab him pero may malakas na hangin ang tumutulak sakin.

"Wave!!" Tawag ko dito. Mas lalong lumiwanag. S-sasabog ba siya?? Hindi pwede! Naglakad ako papunta sa kanya. Pinilit ko. Kahit kamay niya lang ang mahawakan ko please.

Iniabot ko yung kamay ko trying to hold his hand. I felt his finger. Mas lumakas yung hangin kaya tumilapon ako at bumalibag sa pader.

"A-aww." I squealed. Tinaas ko ang ulo ko only to see that my room is as clean as before. Agad akong tumakbo sa kama ko. I saw Wave sleeping on the floor. Nakahinga ako ng maluwag and hugged him.

"Kala ko mawawala ka na." I sobbed.

"Saan naman ako pupunta?" Agad ko siyang binitawan kaya tumama yung ulo niya sa sahig. "Aray naman! Ang sadista mo rin eh noh?" He said habang nakahawak sa ulo niya.

Bumangon siya at nagIndian sit sa harap ko. Pinagmasdan ko lang siya para malaman kong may kakaibang nangyari sa kanya.

"Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin." He grinned.

"H-huh?! Ulol! Nag-aalala lang ako dahil bigla kang nawalan ng malay kanina malay ko ba kung--" natigilan ako ng bigla niya kong yakapin.

"Thank God, you're okay. Akala ko mawawala ka na sakin. Hindi mo sinabi kiss lang pala ang kailangan mo." Agad ko siyang tinulak.

"Erase! Erase! Erase!!" Hysterical na sabi ko. Tawa lang siya ng tawa. Habang ako pulang-pula na sa asar.

"Isa pa nga..." Nguso niya sakin.

"Etoh gusto mo?!" Irap ko sa kanya sabay pakita ng kamao ko.

"Etoh naman, sadista ka talaga eh noh?" He laughed at hinawakan yung kamao ko. Bigla siyang natigilan at napatingin sa mga daliri niya.

"Ano toh?" He asked. Nanlaki ang mga mata ko at agad kinuha yung kamay niya. Nasa ring finger na niya yung ring.

"W-wala ka namang nararamdamang kakaiba? May masakit ba sayo?" I asked. Umling naman siya.

"Hindi mo sinabi may balak ka palang magpropose sakin, ginawa mo talaga ito nung wala akong malay?" He grinned. Sinapak ko na.

"Ewan ko sayo!!" I scoffed at nagwalkout na.

"Saan ka pupunta?" Natatawang sabi nito. "So kailan kasal natin?" He laughed.

"Aarrrghhhh!!! Shatap!!!" I groaned pero tumawa ulit ito.

Lumabas na ko ng kwarto at nakita ko naman si Rose sa baba kausap yung mga He Royals. Sina Jana at Lhorraine andun din.

Humawak ako sa railings para namang ang seryoso ng usapan--

Biglang may yumakap sakin mula sa likod. "Yo! Okay na siya!" Announce bigla ni Wave. Napatingin sila lahat sa direksyon namin. Pumula agad ang mukha ko. Nakita nila kami sa ganitong posisyon.

Nag-init ang ulo ko at sinapak na si Wave.

"Nakakaasar ka!!" I snorted at tumakbo na palayo sa kanya.

"Bakit ganyan ka sakin?" He pouted.

"Bwisit ka kasi sa buhay ko."

"After that ki--" para na kong si flash na mabilis tumakbo at tinakpan yung bibig niya.

"What do you want?!" I hissed.

"Be my girlfriend, for real..."

-----------------
Dapat ako na lang hahaha. Anyways, guys sino mas bet niyo si Throne or si Crimson? Why? Bakit? :)

Malapit na ang pagbabagong anyo ng mga nerds XD Abangan niyo ha? :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top