Mission #27 Cursed Water

KRISTINE's POV

12 am.
Ewan ko pero hindi ako makatulog. Kanina pa ko palakad-lakad at hindi ako mapakali. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Lhorraine ng mapansin kong may umiilaw.

Dahan-dahan kong pinihit yung pinto. Yung kama niya eh nasa pinakatuktok ng shelves. Nakita kong may umiilaw sa ibabaw ng mesa niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang yung cursed book ang umiilaw.

Kusang gumalaw ang mga paa ko at naglakad papunta sa libro. My hand touch it. Bigla itong lumipad at bumukas.

Umilaw ito at may pinakitang isang riddle.

"I look flat but I am deep,
Hidden realms I shelter.
Lives I take, but food I offer.
At times I am beautiful.
I can be calm, angry and turbulent.
I have no heart, but offer pleasure and death.
No man can own me, yet I
encompass what all men must have."

"It's ocean."

"Lhorraine!!" Tawag ko dito. Napatingin ako sa kanya.

"Answer it. It's ocean." She said. Naulit ang sinabi ng book. May boses na nanggagaling dito.

"Ocean." I said. Biglang napalitan ang mga nagflash na sulat sa book.

"I am seen in the water
if seen in the sky,
I am in the rainbow,
A jay's feather,
And lapis lazuli."

"Alam ko yan it's Blue." Napalitan ulit ang nakasulat sa book.

"Love and round,
I shine with pale light,
grown in the darkness.
A lady's delight."

"Pearl."

"Kristine Sapphire." Natigilan ako ng banggitin ng book ang pangalan ko. "The Water Princess, just beneath the blue hole you'll see the biggest clam you'll ever see. Inside of it is a pearl, take the pearl and break it. Inside the pearl you'll see the strongest weapon a water demon can only use. But beware of the curse."

Biglang nagsara yung book at nahulog ito sa ibabaw ng mesa. Bigla akong kinabahan sa narinig ko at nakita ko. Ako ang una, ako ang unang-unang makakakuha ng elemental weapon.

"What should I do?" Tanong ko kay Lhorraine. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha na hindi ko namalayang pumatak.

"Let's go there." She said. Nanginginig ako hanggang sa umaga na at nagising na rin sina Yancey.

"May problema ba Kristine?" Tanong sakin ni Yancey habang nagbrebreakfast kami. Napatingin ako kay Lhorraine who seems not bothered about this.

"Lumabas na ang first clue mula cursed book." Natigilan silang lahat sa sinabi ni Lhorraine.

"Y-you mean..." Napatingin silang lahat sakin. Nag-iwas ako ng tingin, sobra na ang kaba ko as in sobrang kinakabahan na ko.

"Yeah nasa Blue Hole yun, sa Red Sea I think?" Sabi ko.

"Great! Tayo na!!" Sabi ni Jana but I didn't move. Yumuko lang ako. Natatakot ako sobrang natatakot ako.

"Tinatawag din nila itong Diver's Cemetery. Marami ng sumubok na pumunta dun pero maraminh namamatay dahil sa Nitrogen Narcosis at Oxygen Toxicity kapag nakalagpas ka na ng 50 meters, it is approximately 100 meters deep."

"Ganun ba kadelikado dun?" Tanong ni Rose.

"Hindi siya delikadong lugar para satin. But no one yet reach the bottom of it so, we are not sure kung anong mga water creatures at makakalaban mo."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Lhorraine. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko atah kakayanin ito.

-----

20 minutes bago kami nakarating sa blue hole. Hindi na sumama si Yancey dahil kailangan niyang pumunta sa school.

"Ano na? Lumangoy ka na." Sabi sakin ni Jana habang lumilipad sila sa ere at buhat buhat nito si Rose.

"Kinakabahan ako." I said. Nakalusong nako sa tubig at nakausual Demon Form na ko. Naprepressure ako. Bakit kasi ako pa ang nauna?

"We're going to wait for you. Hindi ka naman namin pwedeng tulungan dahil para sayo ang trial na ito. You better come back to us alive." Sabi ni Rose. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wait for me, promise I'll be back." I forced a smile at them at sumisid na sa blue hole.

It's okay for me kasi naman hindi ko kailangan ng oxygen dito sa ilalim ng tubig. Mabilis akong nakarating sa baba kaso ang problema lang wala na kong makita.

Bigla akong may naramdamang kung ano sa likod ko. Then the next thing I knew may kung ano ng pumulupot sa katawan ko at hindi na ko makagalaw.

May pumulupot din sa leeg ko. It's choking me!! I struggled a lot just to remove it pero malakas ito.

I summoned my 2nd form. The Electric Eel. Nagliwanag ang lahat at nakita kong isang higanteng octupos ang nakapulupot sakin. Kinuryente ko ito kaya agad naman itong bumitaw.

Nakahinga ako ng maluwag. Malawak dito sa ilalim kahit may ilaw na ko. May part pa ring madilim. Lumangoy ulit ako and at hinanap yung kabibe.

"Aray!" I squealed. Nanlaki ang mga mata ko ng may mga malalaking piranha ang humahabol sakin. I tried to swim fast pero sa dami nila napapalibutan na ko. I fired balls of electrifying water.

Marami akong natamaan pero marami ring nakakatakas at nakakakagat sakin. I can see my blood being mixed with the sea water. Humahapdi na ang mga sugat ko.

Just how many more?

Lumangoy ako ulit. May nakita akong cave. Pumasok ako doon. Hindi mo talaga makikita what's ahead dahil zero visibility na talaga dito sa ilalim.

Natigilan ako sa paglangoy ng may humila sa paa ko. I screamed ng kaladkarin ako nito papasok pa sa cave. Tumama ako sa sahig, sa mga stalagmites at stalactites, nakita ko kung pano mapunit ang damit ko and how things became so blur.

Hindi ako makapalag sa bilis ng mga pangyayari. Tumigil ito ng makalabas kami ng cave para lang pala itong tunnel. The next thing I knew, hinihila na ko nito sa mas malalim pang lugar.

I tried to hit it with my electricity pero nakakaiwas ito. Naramdaman ko na lang na may dilaw na kuryente na gumagapang pataas.

Hindi sakin toh! Blue ang kulay ng electricity ko!!

"Ahhhhhh!!!!" I screamed ng makuryente ako. Sobrang sakit, nararamdaman ko ang pagsabog ng balat ko sa lakas ng boltahe nito.

Para itong ahas na pumulupot sa katawan ko hanggang hindi na ko makagalaw. I'm

"Let me go!" I hissed. Lumapit ito sakin at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang itsura nito.

Electric Eel.

"You're challenge starts here." Sabi nito sakin.

"A-nong ibig mong sabihin hindi pa ba yun nagsimula kanina pa?"

"Hindi ngayon pa lang." It said at tuluyan ng kumalas sakin. Naramdaman ko na lang ang lakas ng current dito sa ilalim para bang may water sprout na nabubuo dito sa ilalim ng tubig.

Nakatayo ako sa seabed pero naaarado na yung paa ko. Naramdaman ko ang pagtaas ko sa lupa and the next thing I knew, nasa loob na ko ng isang kweba and I'm off the water.

"Where am I?" I asked myself in wandering voice. Tumayo ako at naglakad-lakad. May nakita akong ilaw kaya agad akong tumakbo hanggang sa makalabas ako.

Nakakasilaw.

Iniharang ko yung braso ko sa mga mata ko hanggang unti-unti itong naging malinaw ang lahat.

"Water Kingdom." What's happening? Bakit nandito ako sa water kingdom?

"Prinsesa Sapphire!!" Tawag ng isang mermaid sakin. Kilala ko siya, siya yung parang personal maid ko.

"Agua." Hindi ako makapaniwala. Is this a dream? Hinawakan ko yung pisngi niya at kinurot.

"Aray!! Ang sakit nun ha?! Ang sama mo talaga sakin!!" She pouted. Nanubig ang mga mata ko at agad ko siyang niyakap.

"Miss na miss na miss ko na kayo!!" I cried. Hinawakan niya ng mukha ko at pinunasan ang pisngi ko. Her smile is still there very genuine and warm.

"Matagal na naming hinintay ang pagbabalik mo." Sabi nito sakin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"I'm home."

-------------------//

A/N: Sobrang nahirapan po ako dito sa chapter na toh. TT.TT, sana maenjoy niyo :)

Blue Hole sa Red Sea sa multimedia. :)

Sorry kung natagalan baka mas matagalan pa yung susunod may problema kasi sa net.. sorry readers TT.TT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top