Mission #26 Royal War
Dedicated to silenttype16 and saruyuri :)
-----
ASHTON's POV
Just what did I do?! Napasabunot ako sa buhok ko.
I didn't know!! Tsss. Napatingin ako sa book na nasa couch. Yan ang pinag-ugatan ng lahat. I grabbed it at lumabas ng headquarters. Dumiretso ako sa library to look for her.
Hinanap ko kung saan siya nakaupo kanina. Pero wala na siya dun, wala siya sa buong library.
Tsss just where is she?!
I walked and walked and walked and walked halos malibot ko na ang buong campus just to look for her. Pero wala, ni anino niya wala.
"Ash." I froze when I heard her voice. Napalingon ako then I saw her, walking towards me.
"Tungkol nga pala sa pinag-usapan natin kanina--"
"I'm sorry." Natigilan siya sa sinabi ko.
"For what I did when I was sick and for thinking that you were a thief. I'm sorry." I said.
"Naaalala mo na?"
"N-no. But I saw the video that Wave took."
"Ah, okay lang yun. About--"
"I will, I will help you. In one condition."
"Anong condition?" Kunot noong tanong niya.
"Let me make it up to you. For everything I did. Let me fix everything."
She fixed her glasses at naglakad papunta sakin. Bigla niyang kinapa yung noo ko.
"Wala ka namang lagnat. But you, saying all of these is really hard to believe. Hindi ko alam kung pano mababago ang reality kung asan tayo, but I'm looking forward to it." She said at dinaanan na lang niya ko.
LHORRAINE's POV
He's totally different. Hindi ko maiwasang isipin he's scheming new plans para saktan kami. Ayokong sumugal lalo na kung masasaktan din ang mga kaibigan ko.
Pumasok na ko sa classroom namin. Naabutan ko sina Jana at Throne na nagtatawanan. Si Jana, she's happy with Throne. She's safe with him but not with Crimson.
"Mukhang malalim ang iniisip mo?" Tanong sakin ni Rose. We decided na kami na lang ulit tatlo ang magkakatabi after what happened sa acquaintance party, sinangayunan naman yun ng mga teachers.
"Nothing important." I said.
"Hindi pwedeng ako lang ang wala dito baka pagtsismisan niyo pa ko." Umupo si Jana sa tabi ko. Habang nasa tabi naman ni Rose si Kristine na natutulog at nakasandal sa balikat ni Rose.
"Hmmm payakap Lhorraine." Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jana.
"W-what are you doing?" I asked her. Bigla siyang tumayo at naglakad papuntang likod.
"Sabi ng boyfriend mo ihug daw kita." Sabi niya mula sa likod. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Ash na kakaupo lang sa seat niya.
"Talaga? Bakit may contact ka sa kanya?" Napatingin ako kay Kristine na gising na gising at nakisakay sa trip ni Jana.
"Syempre ah. Ako pa? Sunduin ka daw niya mamaya Lhorraine." She grinned.
"Jana!" Singhal ko bago siya nagtatakbo palabas ng classroom. I glared at Kristine pinagekis niya ang mga braso niya sa tapat ng mukha niya.
"Shield!"
"Hahaha pinagtritripan ka naman." Tawa ni Rose, napatingin ulit ako sa direksyon nina Ash. Kunot noong nakatingin ito sakin. Ewan ko ba pero parang gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman totoo yun.
But anyway, sino nga ba siya? Sino nga ba ko? Tsss.
Dumating yung adviser namin, nakabalik na rin si Jana kung saan man siya galing.
"Mainit pa rin yung issue about the Acquaintance Party and until now wala pa rin kaming natatanggap na reklamo mula sa mga parents niyo." Sabi nito samin.
Tumayo na ko para sumagot sa mga katanungan ng teacher namin.
"Hindi naman po kami nagrereklamo about what happened. They said it was part of every Acquaintance Party, tsaka wala lang naman po samin yun." I said.
"Okay lang po samin yun, no hard feelings." Sabi din ni Rose.
"Yeah." Sabay pangsabi nina Jana at Kristine.
"B-but that was too much! Ang buong student body ay dapat parusahan. Nakakahiya silang lahat, galing pa naman sila sa mga mayayamang pamilya pero para namang nabubulok na mga basura ang ugali." She breathed. Natahimik at napayuko ang mga students na para bang naiiyak na.
"Gaya nga po ng sabi niyo. School should take actions about this. Hindi niyo na po dapat tinatanong samin kung anong gagawin niyo." I said.
"Well then. We'll think of something." She said bago nagmartsa palabas ng classroom. Napabuntong hininga na lang ako.
JANA's POV
Oo nga naman, sino nga ba namang nagreklamo? -.-
Ayos lang naman saming mabato kami ng kamatis. Saya kaya ng feeling. -.-
Actually, konti na lang talaga papasabugin ko na talaga sana yung stage noon. Konting-konti na lang talaga buti na lang ginamit nila Kristine yung powers nila to cool me down.
Natapos ang klase namin. As usual boring, buti na lang nagkaroon kami ng special treatment after nung acquaintance kaya nakakatulog na ko, dahilan nalang naming natrauma kami sa nangyari.
"Mauna na ko, may importante pa kasi akong pupuntahan." Tapik sakin ni Throne.
"Okay, ingat ka." I said. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa pisngi. I froze, akala ko may ibubulong lang siya. I didn't expect him to do that.
"Ingat ka rin." He said at ginulo yung buhok ko. Napanguso na lang ako habang naglalakad na siya paalis.
"Kayo na ba ni Throne?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Jheraine.
"Pake mo ba?" Taas kilay na sagot ko.
"Tsss, hindi mo ba napapansin, he can't still get over from me. Mahal pa rin ako ni Thone kaya pinagtyatyagaan ka niya para pagselosin ako." She smirked.
Napangisi rin ako at hinarap silang apat, "Hindi mo ba napapansin na nakamove on na siya? Ni hindi ka na nga niya matignan kasi nagsisisi siyang naging kayo, para sa kanya ang relasyon niyo noon never existed. It's just like a nightmare that needs to be forgotten."
"Bawiin mo yung sinabi mo!" She gritted her teeth.
"Andyan na nga si Crimson eh, ano pa bang problema mo kay Throne? O baka naman ikaw ang hindi pa nakakamove on." I smirked.
Naramdaman ko na lang ang paghapdi ng pisngi ko and the next thing I knew, sinasabunutan na ko ng She Royals habang minumura nila ako.
"Enough!!!" Sa isang tulak lang mula kay Rose napaupo na ang She Royals.
"Remember this, once na may saktan pa kayo samin. Sisiguraduhin kong mukha niyo na ang unang tatama sa sahig." Rose hissed. Sa mga sitwasyong ganito talaga ako naaamaze kay Rose. Once na nagsimula na yang mamisikal, expected ng magiging brutal yan. Wala yan sa itsura pero nature na niya yun.
"Fix yourself." Sabi ni Lhorraine habang sinusuklay gamit ang daliri niya yung buhok ko.
"Y-you actually think na matatakot kami sa inyo?!" Singhal ni Bea kay Rose. Tsss such a disappointment.
"Nasubukan niyo na bang pumatay?" Tanong ni Kristine sa mga ito. Agad silang napatingin sa paligid. Walang tao, ang mga He Royals, ewan kung asan wala akong pake.
"Ofcourse alam niyo kung ano kami." Daisy said.
"Alam niyo ba kung ano kami?" Kristine smirked. "Kung magpapadamihan tayo ng pinatay, sigurado akong wala kayong laban kay Rose. Hindi man halata sa itsura niya pero tinatanggalan niya ng lamang loob ang mga napatay niya gamit ang mga kamay niya."
"Do you actually think na maniniwala kami sayo?" Sarcastic na tawa ni Jane. "Wag nga kayong magmagaling, itsura niyo pa lang baka pati ipis hindi pa kayo nakapapatay." Tawa ni Jane.
"What's going on here?" Napalingon ako kina Crimson sa biglaang pagdating nila.
"Sinugod nila kami." Kristine said at tinuro ang mga She Royals.
"W-what?! Maganda ang approach ko sa inyo kanina! Kayo itong--" hysterical na sabi ni Jheraine but Kristine cut her off.
"Then why did you slap Jana? At bakit mo tinulak pabalibag sa pader si Lhorraine? Why did you pull Rose' hair and higit sa lahat bakit mo binuhusan ng tubig ang bag ko?" Isa-isang turo ni Kristine sa mga She Royals.
Napangisi tuloy ako while those bitches have widened their eyes in disbelief. Magaling talaga sa ganyan si Kristine, turning around the situation and over detailing it.
"Jheraine!! Ano ba talagang problema niyo?!" Singhal sa kanila ni Wave. Agad na kaming hinila ni Rose palabas habang nag-aaway ang mga Royals sa loob.
"Ganda ng idea mo Kristine." I said at nakipag-apir sa kanya.
"Ako pa?" She grinned.
"Kayo talaga! Mahilig ka talagang magsinungaling Kristine." Sabi ni Rose dito.
"Effective nga eh. Hayaan mo silang mag-away-away. Nakakabwisit na rin kasi yang mga plastic na yan tsaka lang bumabait kapag andyan ang He Royals."
"Oh baka naman nabibitter ka kasi nalaman mong girlfriend ni Wave si Jane?" Tukso ko dito.
"Alam mo bipolar ka din noh? Kanina agree ka sa plano ko, pero ngayon binabara mo na ko? Baliw ka rin eh." Irap nito sakin. Napatingin ako kay Lhorraine at Rose na sabay na napabuntong hininga.
THIRD PERSON's POV
"Just seriously, ano ba talagang gusto niyo?" Cold na tanong ni Leif sa mga ito.
"Gusto lang naman naming bumalik tayo sa dati, nung wala pa yung mga freaks na yun." Naiiyak na sabi ni Bea.
"Akala ko iba ka sa kanila Bea, pero ikaw pala ang pinakamalala, ikaw pala ang may pinakamasamang ugali. You really disappointed me." Nanlumo si Bea sa narinig niya mula kay Leif.
Ganun na lang ba yun? We have been together for more than 10years. But beacuse of those freaks, lahat ng mga pinagdadaanan namin mapupunta na lang sa wala? I wouldn't allow it.
-------
"Seriously Crimson ng dahil lang sa apat na yun masisira ang Royals?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jheraine.
"Hindi sila ang sumira sa grupo natin... Kayo."
"A-anong kami? Sila kaya! Kung hindi sila umeksena hindi sana tayo magkakaganito."
"Just what do you think are we? Just what do you think Royals is?"
Natigilan si Jheraine sa tanong ni Crimson. She gritted her teeth at namumuo na ang mga luha nito.
"Sa tingin mo couples tayo? Sa ating walo, sina Wave at Jane lang ang may relasyon. Tapos kayong tatlo mga assuming na lang, mga umaasa sa wala at nagiilusyon ng imposible."
"P-pero yun ang alam ng lahat diba?"
"Yun ang alam ng karamihan pati na rin si Throne. Nasira ang pagkakaibigan namin dahil sayo. You just left him at dumikit sa kin. Ano ka linta? Na kapag busog na sa dugo bibitaw na at hahanap ng iba?"
"Don't do this to me Crimson." She cried.
"I'm not doing anything Jheraine, you're doing these to yourself." Irap ito and left her dumbfounded.
-----------
"Should I say sorry?" Tanong ni Jane kay Wave habang nasa loob sila ng kotse nito.
"Should you?"
"You know I have the right to do that. I have the right to get mad at her."
"You can slap me now if you want."
"You know I can't, you're the last person I will hurt." Napabuntong hininga si Wave at napahigpit ang kapit nito sa manibela.
"You can't really love me back, can you?" Tanong ni Jane sa kanya. Hindi alam ni Wave ang isasagot niya. Hindi man siguro halata but he believed Jane is the sweetest girl he ever met. She's willing to give everything to the man she truly loves.
"You know how important you are to me." Sagot ni Wave dito.
"And you know kung gano ako nasasaktan sa sitwasyon natin. You never looked at me the way you look at her. Wala siguro ako sa position para sabihin ito but I think, we should break up Wave." She said at lumabas na ng kotse ni Wave.
Napasuntok sa manibela si Wave. He never wanted to let go of Jane, but he can't really love her back. He knows he had been selfish about them before and maybe it's really time to let her go. Wag din lang sana siyang gaguhin ng susunod sa kanya.
-------
"Ash wait!" Hingal na hingal si Daisy kakahabol kay Ash.
"You're annoying." Singhal nito.
"Bakit ka ba kasi nagagalit?"
"Bakit naman ako magagalit?"
"K-kasi inaapi namin yung mga Nerds?" Takang tanong ni Daisy dito.
"Ah yun ba? Tuloy niyo lang. Handa ko namang protektahan si Lhorraine." Natigilan si Daisy sa sinabi bi Ash.
"W-what do you mean. P-pati rin ba ikaw?"
"Ironic isn't it? But I'm starting to like her."
"Y-you like her? P-pero ilang taon na tayong magkasama Ash pero ni minsan ba hindi mo ko nagustuhan?"
"No."
Gumuho ang mundo ni Daisy sa diretsang sagot ni Ash dito. Sa kanilang apat matagal na niyang alam na wala siyang pag-asa sa partner niya. Pero bata pa lang sila may gusto na talaga siya kay Ash hindi lang talaga siya nito pinapansin.
"Grabe nakakapagod din pala."
Kanina pa nagtataka si Ash kung bakit hindi atah konyo si Daisy ngayon.
"Nakakapagod din pa lang magpapansin sayo. Halos mabaluktot na yung dila ko para mapansin mo lang." Napabuga na lang ito ng hangin at tinalikuran ito.
"I never asked you to do that."
Natigilan sa paglalakad si Daisy at humarap kay Ash.
"ASH-hole!! Bwisit!!" She snorted bago nagtatakbo paalis. Nanlaki ang mga mata ni Ash sa narinig first time niya lang mamurahan ng isang babae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top