Mission #24 HE's Feeling

AN: baka isipin niyong wrong grammar yung He's haha, collective noun po yun ha? :D. Hindi po yun his, HE's talaga yun. XD

Dedicated to floriza08 :).

CRIMSON's POV

"Galit ba sila?" Tanong ni Leif kay Wave habang nandito kami sa headquarters namin.

"Ayaw sagutin ni Kristine mga tawag at text ko eh kagabi ko pa siya kinocontact." Sabi nito at halos sirain na niya yung phone niya kakapindot.

"Ikaw Ash nakausap mo na ba si Lhorraine? May contact ka ba sa kanya?" Tanong naman ni Leif kay Ash na as usual nakahiga sa couch at nagbabasa.

"I don't care." Tipid na sagot nito. Napatss na lang kaming tatlo, tsk pati ako apektado nito. Hindi ko na nga katabi si Jana sa room tapos etoh na naman ngayon ilang araw na nila kaming iniiwasan tsk.

"Wala ka ba talagang alam sa plano nila Bea?" Tanong ko kay Leif. Napayuko ito at umiling.

"Maging ako nga rin hindi ko akalaing magagawa ni Bea yun." Malungkot na sabi nito. "Anong gagawin ko nakakapanibago si Rose." He messed his hair at umubob sa mesa.

"Hindi lang nila kayo pinapansin nagkakaganyan na kayo. Baka naman nakakalimutan niyo kung bakit natin sila nilalapitan?" Singit ni Ash.

"Hanggang ngayon yan pa rin ang rason? Hindi naman nila tayo inaano eh, after everything we've done to them hanggang ngayon wala pang nagleak, so please could you just cut it out?" Asik ni Wave at lumabas binalibag pa nito yung pinto.

"He's right Ash, itigil na natin toh." Sabi naman ni Leif at sumunod kay Wave. Napatsk na lang si Ash at kunot noong tumingin sakin.

"You're overreacting Ash, don't think that we're going against you. Ano pa bang ginawa nila sayo na ikinagagalit mo?" I said. "Come on, we better look for them. I know nag-aalala ka rin."

This is so gay. But I want Ash to realize what does he really want. He's been blinded by his role as data keeper of our group. Masyado siyang nagiging overprotective saming tatlo.

I completely understand him pero dahil dun pinipigilan na niya ang sarili niyang mapalapit sa iba, he doesn't want to trust anyone easily. Kaya nga nahihirapan sa kanya si Daisy.

Naabutan namin sina Wave at Leif na nag-uusap sa corridor. "Baka nasa Cafeteria sila. Dun na muna tayo unang maghanap." I said. Sumunod naman sila sakin and the first one we saw is Kristine, kumakain ito ng cake mag-isa.

WAVE's POV

"Panget." Tawag ko sa kanya. Natigilan naman siya sa pagkain at dahan-dahang tumingin samin.

"Stay away." Natigilan ako sa sinabi niya. She stood up at aalis na sana pero pinigilan ko siya. But then suddenly, isang malakas na sampal ang inabot ko.

Gasps filled the air. Naramdaman ko ang paghapdi ng pisngi ko. Napahawak ako dun then I saw blood.

"You did it again." I hissed. Never in my entire life I was slapped that hard. No one dared to scratch my face at nakakadalawa na siya.

"Wave, wag mo ng palakihin ang gulo." Suway sakin ni Leif habang nagkakatitigan kami ng masama ni Kristine. I immediately grabbed her at binuhat siyang parang sako sa balikat ko. Napatili ito and screamed upto the top of her lungs.

"Ibaba mo ko!!!" She squealed.

"Anong ginagawa mo Wave?!" Tanong sakin ni Crimson.

"Kayo na ang bahala sa iba, she's mine." I said at mabilis na iniwan yung tatlo. Pumunta ako sa parking lot at pinasok siya sa kotse ko.

"Waaahhhhhhhhhh!!!!! Rapist!!" She screamed. Napatakip na lang ako ng tenga.

"Wag ka ngang sumigaw!!! As if may papatol sayo! Mas masasatisfy pa ko sa pader!" I said. Bigla na lang itong umiiyak.

"Ano ba?! Wag ka ngang umiyak!" I said and covered her mouth. Pero wala eh malakas at matinis talaga ang boses niya.

"Shut it or I'll kiss you!" I shouted.

"Sabi ko nga titigil na." Parang wala lang na sabi nito habang nagpupunas ng luha. Tsk nakakaasar talaga siya! Halos mabaliw na ko dito dahil hindi niya ko pinapansin tapos ganito?

"Pwede mag-usap tayo ng matino." I said at hinawakan siya balikat para iharap sakin.

"Matino akong kausap, ikaw lang ang baliw satin." She said.

"Seryoso ako! Ano ba?!" Napakislot ito sa pagsigaw ko. Eh sa nakakaasar talaga siya eh! Hindi naman ako magkakaganito kung hindi siya importante sakin!

Wait. Did I just say she's important to me? Eerr that's gross.

"Anong binubulong-bulong mo diyan? Tch baliw." Irap nito. I gritted my teeth. Bakit ba kasi hindi ito natatakot sakin?!

"Okay! Labag man ito sa kalooban ko pero I just wanted to apologize about what happened sa Acquaintance Party. We really didn't have any idea about it." I said. She has this look on her face like she's mocking me at naaasar ako dun.

"You're a perfect liar Wave, the best ka." She said with mockery. Nanlaki ang mga mata ko.

"I really don't have any idea about it! Even the slightest!" I swear wala akong alam.

"You are the leader of the organizing group Wave, how come you didn't know anything about it?" Taas kilay na tanong niya, she then brought out an envelope at inilahad sakin.

"Lahat ng mga parts ng program dumadaan sa inyong apat, and you signed it. It's entitled, Ugliest Creatures." Napansin ko ang pangingilid ng luha niya, I immediately read the paper. Nanlaki ang mga mata ko, I really signed it. Mahirap iforged ang perma naming apat.

But I can't remember kung kailan ko ito pinermahan at kung bakit.

"Kala ko nagbago ka na, kala ko mabait ka na, kala ko okay na tayo eh. Yun pala umasa ako sa wala, paasa ka Wave. You disappointed me."

She said and left me dumbfounded.

LEIF's POV

"Asan ka na ba?" Nababaliw na ko, kinakausap ko na yung hangin. Halos libutin ko na ang buong campus kakahanap kay Rose. Saan na ba kasi siya nagpunta??

Kanina pa ko nagtatanong sa mga nakakasalubong ko pero hindi pa daw nila ito nakikita. Umuwi na kaya siya? Kung bakit kasi wala akong number niya.

Pumasok ako sa garden at umupo sa mga benches malapit sa fountain. Dito namin nakita sina Rose noon na kasama si Carla.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood yung isang figure na kinakantahan yung mga bushes of roses. Kumunot ang noo ko, kakaiba yung boses niya para bang tumatagos sa puso.

I suddenly have this urge to see who's that girl singing and to my surprise, si Rose yun. Hindi ko lang maintindihan yung kinakanta niya dahil ibang language.

"Rose." Tawag ko dito. Natigilan siya sa pagkanta at paghaplos sa mga Roses. "Wait!" Pigil ko sa kanya nung magbalak siyang umalis.

"Rose, kausapin mo naman ako. Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ko kinakausap." Tinignan niya ko with blank expression. Natigilan ako, nanlumo ako. Siya ang huling taong iisipin kong maging cold sakin and I'm not liking this.

"Rose..." I almost pleaded. Desperado na kung desperado.

Naglakad siya palapit sakin at umupo sa tabi ng mga bushes. Umupo ako sa tabi niya pero hindi naman siya umangal.

"Sorry sa nangyari--"

"Wala yun."

"Pero--"

"Mapapatawad lang kita kapag napatawad na ng mga kapatid ko ang mga kaibigan mo." She said. Natigilan ako sa sinabi, she didn't even bother to look at me.

Kumuha siya ng isang tangkay ng white rose at hinawakan ang bulaklak nito. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang natuyo ang mga petals nito at nangitim.

"Malalaman mo na lang kapag napatawad kita, kapag naging pula na ang kulay ng rosas na yan." She said and left me. It's just like telling me na impossible nang mapatawad niya ko.

"Wait Rose, ang mga bagay na namatay na ay hindi na ulit mabubuhay like this." Pakita ko sa kanya ng itim na Rose.

"It's not yet dead, sabihin na nating nasa bingit pa lang yan ng kamtayan. It's upto you to take good care of it para makasurvive ito or give it a mercy death." She said at tuluyan ng umalis.

Napatingin ako sa Rosas. The freshness and stiffness of the flower is still there. Yung kulay lang talaga ang naiiba.

ASHTON's POV

Bakit ko ba siya hahanapin? Wala naman akong pakealam sa kanya? Tsss. I guess I just have to do this para matigil na sa kakaarte sina Leif.

Napadpad ako sa library. Dun lang naman ang alam kong pupuntahan niya. Wala siya sa mga tables siguro nasa mga shelves siya. Nag-ikot-ikot lang ako saglit at naghanap, then I saw her nakaupo sa gilid at nagbabasa.

I sat beside her.

"About sa Acquaintance Party?" She asked.

"It's not as if I felt sorry about it or what." I said. Napatingin siya sakin and frowned.

"Kasalanan mo kung bakit nangyari yun, you're the one who approved it, dahil malaki ang tiwala nila sayo kaya pumirma na rin sila, not even bothering to read it." She scoffed.

"You're blabbering too much." I hissed.

Natigilan siya sa sinabi ko at napayuko na lang. "I know, I don't have the right to ask, but... can I ask you a favor?" I looked at her pero nakayuko lang siya.

"What is it?"

She leaned her head on the wall and sighed. "You see, ang mga kapatid ko at mga friends mo are somewhat getting closer to one another, so please if you have grudge on me, pwede bang ako na lang ang saktan mo and just leave them be?" She said and looked at me.

For the first time, I saw emotion in her eyes but unfortunately it's sadness.

"Please Ash, we don't have much time left." Kumunot ang noo ko.

"What are you talking about?"

"We're just temporary students. Dadarating din ang araw na aalis kami, so until that day can you promise me not to hurt my sisters?"

I felt uneasy about what she said. I don't want to answer her cause... I don't know.

"Please, I'll do anything you want me to do. Just help me protect them." Her eyes became watery then I felt a sudden pang of guilt.

"I don't need you to do anything for me. Mas gugustuhin ko pang mawala kayo." I said. Napabuntong hininga ito at iniuntog ang ulo niya sa pader.

"It's useless then, I forgot you don't have a heart." She said at tumayo na. I grabbed her kaya napaupo siya sa lap ko. I didn't know why did I do that. Pati rin siya nagulat sa ginawa ko.

Hinawakan ko yung glasses niya.

"N-no!" She said at mabilis na tumayo.

"It's not as if your Cyclops para itago yang mga mata mo." I said. Matagal na kong curious kung anong magiging itsura nila kapag wala yung glasses.

"Hindi ako maganda." She gritted her teeth at nagmartsa na paalis. As if I am thinking about that. Nung una pa lang alam kong hindi na siya maganda.

CRIMSON's POV

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Jana sa may vending machine. Lalapit na sana ako ng makita ko si Throne na may iniabot sa kanya.

"Jana can we talk?" I asked pagkalapit ko sa kanila.

"Ano pa bang pag-uusapan niyo Crimson?" Singhal sakin ni Throne.

"Kailan pa naging Jana ang pangalan mo Throne?" I hissed.

"Ano ba dapat ang pag-uusapan natin Crimson? Pwede ba layuan mo na lang ako." Cold na sabi ni Jana sakin.

"Wala talaga akong alam na may ganung activity."

"But what did you do while they were throwing tomatoes to them?" Tanong sakin ni Throne. Natigilan ako. I know wala akong nagawa, pero sobrang pinagsisisihan ko na yun.

"See? Wala kang ginawa. Ibig sabihin you also liked it." I clenched my fist at tinignan ng masama si Throne. Oo siya na ang knight in shining armor sa aming dalawa bwisit.

"Crimson. Just leave us alone." Para bang nawalan ako ng lakas sa sinabi ni Jana.

"I-I can't."

"Trust me, para sa ikabubuti ng lahat. Please hayaan niyo na lang kami. Magkalimutan na tayo."

....it shattered me.

--------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top