Mission #22 Acquaintance Party
Dedicated to @badgirlonyou
.
.
>>Nerds' Mansion>>
"Wow ha! Party pero ganito parin ang suot natin? Hustisya please!" Irap ni Kristine habang nakahalukipkip na nakasandal sa pader.
"Casual lang naman kasi Kristine tsaka hindi pa natin pwedeng ilantad yung totoong itsura natin." Sabi naman ni Rose.
"At bakit naman kailangan kong sumama?" Naiiritang tanong ni Jana habang nakaupo siya sa couch.
"May na foresee akong mangyayari satin sa party." Sabi ni Lhorraine, sabay pang napatingin sa kanya yung tatlo.
"Is it good? I guess it's bad." Sabi ni Kristine.
"I heard, ang Royals ang nagvolunteer sa pagorganize ng party, they have huge grudges on us, hindi tayo mawawalan ng special part sa party." Sabi ni Lhorraine at inayos ang glasses nito.
"Eh alam mo naman palang may mangyayaring masama, bakit pa tayo pupunta?" Asik ni Jana at humiga ulit sa couch.
"Required nga lahat na pumunta Jana." Sabi naman ni Rose.
"We have to let them succeed with their plan, just trust me." Sabi nito at lumabas na ng mansyon.
"Alam niyo ang weird talaga niyang Misis ni Mr. Wikipedia eh." Tukoy ni Jana kay Lhorraine.
"Hindi na ko magtataka kung Encyclopedia ang magiging pangalan ng anak nila." Gatong pa ni Kristine at nakipagfist bump kay Jana. Napailing na lang si Rose, kahit kailan talaga basta't kalokohan magkasundo itong dalawa.
"Uyy Rose wala ka man lan bang entry?" Tanong ni Jana.
"Wag niyo kong idamay diyan." Tawa nito at hinila na yung dalawa palabas ng mansyon at papasok sa kotse.
"Lhorraine, may LBM ako!!" Napahawak si Jana sa tiyan niya at namilipit sa sakit. Napatingin naman sa kanya si Lhorraine sa front mirror habang nagmamaneho ito.
"Eeewwww!!!! Kadiri! Sipain kita palabas eh!!" Nandidiring sabi ni Kristine at lumayo konti kay Jana.
"You're terrible at lying Jana." Sabi ni Lhorraine.
Tumigil naman sa pag-arte si Jana at umirap sa kawalan. "Yeah right. Ibaba mo na lang kasi ako! Ayoko sa mga party'ng ganyan!" Pagdadabog nito.
"Jana, wag ng pasaway please? Required nga eh as in KA-I-LA-NGAN!" Sabi ni Rose dito.
"Maraming food dun." Bulong ni Kristine dito.
"Totoo?"
"Oo! And I heard puro meat!" Gatong pa nito.
"Lhorraine wala na bang mas ibibilis ito?! Malelate na tayo eh!!" Asik ni Jana. Nagkatinginan na lang si Lhorraine at Rose at sabay na napabuntong hininga.
"Grabe tagal ha?" She mumbled.
Pagkarating nila sa venue agad na bumaba si Jana at naghanap ng table.
"Pigilan niyo yan please nakakahiya." Bulong ni Kristine kina Lhorraine habang pinapanood nila si Jana na kumukuha na ng pagkain sa catering.
"Ikaw, nagencourage diyan kaw pumigil." Sagot ni Rose dito. Napanguso na lang si Kristine. Dumiretso sila sa table na nireserve ni Jana while watching her pigging out.
"Hi! We're glad you actually made it!" Napatingin silang apat kay Bea na bumati sa kanila. Bigla tuloy nakaramdam ng inggit si Kristine dahil sa ganda ng suot nito. Nakamini tube dress kasi ito at pumps.
"You see kami ang emcee mamaya. Sana maenjoy niyo itong party." Masayang sabi nito sa apat. "Sige alis na ko kailangan pa naming magprepare sa backstage." Sabi nito.
Biglang umingay ang buong paligid, naglalakihang speakers ang pumalibot sa venue. Habang naghihintay ng other students nagpatugtog muna sila ng mga modern musics.
"Ambait talaga ni Bea noh?" Sabi ni Rose sa mga kasama niya.
"I'm still wondering kung bakit siya napasama sa tatlong yun eh ang sasama ng ugali nila." Dagdag naman ni Kristine. Nagkatinginan si Lhorraine at Jana habang kagat-kagat ni Jana yung isang barbecue.
"Ganito pala ang pinagkaiba ng Ball sa Party." Paglalayo ni Jana sa topic.
"Mmm pansin mo rin? Puro Ball lang kasi ang nangyayari sa palasyo ano kayang ginagawa nila sa mga party?" Takang tanong ni Rose. Napatingin naman silang tatlo kay Lhorraine.
She sighed, kahit kailan talaga basta't may hindi sila naiintindihan kay Lhorraine sila umaasa ng explanation. "Sumasayaw din sila, nakikipagkwentuhan pero hindi pormal yun bang wala silang iniisip na pride or reputation, sa isang party you can bring out your true self."
Napatango-tango naman yung tatlo.
"The best ka talaga Misis Wikipedia." Ngisi ni Jana at tinapik-tapik sa balikat si Lhorraine. Tinignan naman siya ng masama ni Lhorraine pero tumawa na lang ito.
Biglang dumilim ang paligid. Nagkaroon ng spotlight sa gitna ng stage kung saan nakatayo ang She Royals at halos pareparehas sila ng suot. Patay sindi ang mga ilaw na gumagalaw, umiikot at paiba-iba ng kulay.
NP: Fire
Naghihiyawan ang bawat sa students habang sumasayaw at kumakanta ang She Royals.
Magaling silang sumayaw at kumanta. Sexy at hot silang tignan sa ibabaw ng stage kaya sobrang ingay ng paligid.
Natapos ang tugtog pero hindi pa natatapos ang papuri ng mga audience.
"Mukhang masaya yun! Ganun din tayo!" Masayang sabi ni Jana habang hinihila yung kamay ni Lhorraine.
"Gusto mo ba talagang mapahiya tayo?" Sabi ni Kristine.
"Bakit naman tayo mapapahiya?"
"Magaling sila kasi nagprapractice sila, ikaw? Kailan ka huling nagpractice? Baka nga mas malambot pa yung kawayan kaysa sayo." Irap ni Kristine.
Napanguso na lang si Jana at tinuloy ang paglamon.
"Good Evening, everyone." Natigilan ang lahat at napatingin sa stage kung saan nakatayo si Leif at Bea bilang Emcees.
"Bagay talaga sila." Rose mumbled pero hindi ito narinig ng mga kasama niya.
Marami silang binanggit para sa start ng program.
"Let's have first, the dance for all." Biglang napalitan ng mellow music ang tugtog. Maraming students ang pumunta sa gitna para magsayaw.
"Tara sayaw tayo!" Yaya ni Jana sa mga kasama niya.
Napailing na lang si Kristine at Rose.
"Wala ka talagang kaalam-alam sa mga ganito. Dapat may lumapit sayong lalaki at yayain kang magsayaw--- aww!!"
KRISTINE's POV
I squealed ng bigla akong hilahin ng impaktitong palakang ito. Kinakausap ko pa kasi si Jana.
"Bastos ka talaga eh noh?!" Irap ko sa kanya. Inilagay niya yung dalawang kamay ko sa balikat niya at hinapit niya ko sa bewang.
"Pasalamat ka na lang sinayaw kita." Irap nito sakin.
"Mas gugustuhin ko pang sumakit yung pwet ko kakaupo."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko. Hanggang sa magkadikit na yung katawan namin. He rest his chin on my shoulder.
"Alam mo bang favorite song ko toh?" He said. "Dahil favorite song ko toh, special yung babaeng isasayaw ko." He whispered. Natigilan ako sa sinabi niya.
"Awww!" I squealed ng bigla niyang pitikin yung noo ko.
"Wag kang mangarap okay? This time napilitan lang akong isayaw ka kasi naaawa ako sayo." He scoffed. Feeling ko namumula na ko sa inis!!
Sinapak ko na sa balikat kaya napabitaw siya sa bewang ko at napamasahe sa balikat niya.
"Yabang mo talaga!" I snorted.
"Ang sakit nun! Amazonang panget ka talaga!"
"Atleast hindi ako mukhang baklang palaka." I scoffed.
"Bakla?! Ako? Baka gusto mong patunayan ko sayo ngayon mismo na hindi ako bakla." He grinned. Agad akong napayakap sa katawan ko.
"G*go! Maniac!!" I squealed. Bigla siyang tumawa at hinila ako. Back to position na ulit kami.
"Kung ikaw lang naman ang mamanyakin ko, di bale ng mabaog." He whispered.
Nakakaasar!!! Nakakainis!!! TT.TT
Hindi na ko sumagot talo na naman ako eh lagi naman akong talo. Pero humanda ka Wave kapag ako bumalik sa dati kong itsura, who you ka sakin.
"Pero seryoso? Bakit ang pangit mo?" Tanong nito habang nagsasayaw kami. Ang seryoso niya noh? Sarap bigwasan.
"Bakit napakabig deal sayo ng pagiging pangit ko?" I asked.
"Sobra na kasi, maawa ka naman sa sarili mo." I heard him chuckle. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Pwede ba kong magtanong?"
"Nagtatanong ka na engot."
"Tsk seryoso kasi!!"
"Oo na. Ano bang tanong mo?!" Siya pa may ganang mainis. Bwisit talaga.
"Anong meron kayo ni Jane?" I asked. Napatingin kasi ako kanina sa stage at nandun si Jane nakatingin ng masama sakin. Siya pa naman ang mahilig mamisikal sa kanilang apat. Katakot eh.
"Girlfriend ko siya." Diretsahang sabi nito. Natigilan ako sa sinabi niya.
"E-eh bakit ka nandito at sinasayaw ako? Bakit hindi mo siya puntahan?"
"Kasi sa kama lang siya may silbi." Hindi ko alam pero biglang dumapo yung kamay ko sa pisngi niya. Buti na lang wala masyadong nakapansin samin.
"You're the worst." Sabi ko and left him dumbfounded kasabay ng pagtatapis ng kanta.
ROSE' POV
Ano nga ba namang aasahan ko? Siyempre si Bea ang una niyang isasayaw. Para bang may mga dagger na bumabaon sa puso ko habang pinapanood silang nagkukulitan.
"Mabuti pa si Jana, inaya na ni Throne magsayaw." Sabi ko kay Lhorraine na tahimik lang na nagbabasa ulit ng libro.
"Rose, anong gagawin mo kapag pinagtaksilan ka ng taong pinagkatiwalaan mo?" Out of nowhere na tanong ni Lhorraine. Kumunot ang noo ko.
"Hindi ko alam, pero isa lang naman ang sigurado ko eh. Masasaktan ako at mahihirapan akong patawarin siya." Then she sighed. Weird din talaga minsan itong si Lhorraine, punong-puno siya ng sikreto.
"He said he likes you, didn't he?" Natigilan ako sa tanong ni Lhorraine habang nakatingin siya sa direksyon nila Leif. "He said it, yet he's into someone else."
"H-hindi naman siguro ganun, siguro gusto niya ko pero mahal niya si Bea."
"Hindi na dapat niya sinabing gusto ka niya kung may mahal na siya Rose, kahit hindi mo sabihin sakin, alam kong may parte sayong umaasa."
"A-ano ba kasi itong pinag-uusapan natin?" I laughed.
"Rose, hindi lahat pwede mong pagkatiwalaan." She said bago ulit bumalik sa pagbabasa.
Umalis muna ako sa table namin para kumuha ng maiinom. Biglang nanuyo yung lalamunan ko sa usapan namin ni Lhorraine.
"Bakit mag-isa ka?" Muntikan ko ng maibuga yung iniinom ko. Agad naman siyang nag-abot ng panyo.
"Kumuha lang ako ng maiinom." I said habang nagpupunas ng bibig.
"Ang tagal naman matapos nitong first music. Sa susunod na kanta pwede ba kitang isayaw?" Tanong niya.
"B-bakit?"
"Itong first song, kay Wave ito kaya isasayaw niya yung gusto niyang babae sa first song." Natigilan ako sa sinabi niya. Si Kristine ang kasayaw ni Wave diba?
"Sakin naman yung second song kaya gusto kitang isayaw mamaya." He said.
Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Gusto kong matuwa pero hindi ko magawa.
"Bakit hindi si Bea ang isayaw mo?" I asked. Bigla siyang tumawa.
"Hindi ko naman gusto si Bea eh, mahal ko siya pero bilang kaibigan at nakababatang kapatid lang. Hanggang dun lang kami."
Bigla akong nakaramdam ng pagkahabag para kay Bea, obvious naman kasing gusto niya si Leif.
"Don't tell me may nagyaya na sayo?" Biglang lumungkot ang itsura niya.
"Hmmm? W-wala pa."
"Great! Isasayaw kita hanggang mapudpod yang sapatos mo." He grinned at iniwan na ko.
Napangiti na lang ako at bumalik sa table namin.
CRIMSON's POV
"Magsayaw na kasi tayo Crimson!" Yaya sakin ni Jheraine, kanina pa ko naririndi sa babaeng toh eh.
"Pwede ba magsayaw ka na lang mag-isa mo?!" I snorted.
"Don't tell me pinagseselosan mo si Throne?" She smirked. Throne is Jheraine's ex boyfriend. Naiinis ako kasi ginagamit niya si Jana para inisin ako, para makaganti sakin.
"Bakit ko naman siya pagseselosan?"
"K-kasi niyaya niya kong sumayaw kanina?" Pasweet na sabi nito at hinawakan ako sa braso.
"Will you stop dreaming? Nagmumukha kang desperada." I breathed. Napalagok na lang ako ng wine habang nakikitang nagsasayaw sina Throne at Jana.
Tsss bakit nga ba ko affected?! Pucha naman oh! Naglakad na lang ako papunta sa table namin kung saan nandun na si Wave at Ash.
"Ash! Sinong isasayaw mo sa song mo?" Tanong ko.
"Hindi ako sasayaw." Tipid na sagot ko. Tsss kailangan nga ba nagsayaw yan.
Napatingin ako kay Wave na minamasahe yung pisngi niya. Nagsimula na ang second song.
"Anong nangyari sayo?" I asked.
"Tsss wala!" Singhal nito at umalis na ng table. Baliw.
"Pangalawang song na toh ah?! Bakit hindi pa sila naghihiwalay?! Hindi pa ba sila pagod?!" Umaabuso na rin yang Throne na yan. Tsss.
"You're jealous."
Tinignan ko ng masama si Ash. Pssshh as if tatablan yan ng glare.
"Shut up!"
"But you're jealous."
"I said shut up!!" I snorted. Kulit din ng isang to eh.
Tumayo siya at pumunta sa food section.
"You're just jealous." He grinned at mabilis na naglakad paalis bago ko pa siya mabato. Lakas ding mang-asar ng isang yun eh.
"Hoy! Sayaw tayo." Kulbit sakin ni Bea.
"Isa ka pa eh. Inayawan ko na nga si Jheraine." Irap ko.
"Sige na please?? Gusto ko lang lumapit kay Leif, kasayaw niya kasi si Rose."
"Bakit ka ba nangengealam? Eh si Rose nga ang gusto niyang isayaw eh, sinayaw ka na niya kanina, can you please stop being selfish?"
Natigilan siya sa sinabi ko at nangilid ang mga luha niya. Now, I'm the bad guy. Nagbigay lang naman ako ng pieces of advice.
"You don't have to be that rude!!" She sniffed and walked out. Mga babae nga naman. Napakacomplicated.
---------------
Next time ulit ^^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top