Mission #21 Romance

Dedicated to @Beinteotso_28, thanks for supporting your role ^^.
Ang cute ng bagong cover XD.
I'll try to update every 3-5 days para matapos ko na toh, katatapos pa lang ng introductory stage ng mga characters, dito natin simulan yung romance part.

------

JANA's POV

"Buti naman hindi malubha ang naging pinsala nila." Sabi ko kay Yancey habang nakasquat ako sa harapan nung tatlo na tulog na tulog na.

"Inuna mo pa talaga sila eh kakapisa mo lang mula sa itlog mo." Sabi nito. Napanguso na lang ako. Kanina sobrang nanghihina ako kasi kapipisa ko lang at ang una ko agad nakita eh yung Demon na naging dahilan kung bakit kailangan ko ulit magtago.

Pero siya rin ang dahilan why I am saved. Napalitan na niya yung itlog bago pa makarating dito sina Rose at yung mga scientists. Pwinersa niya yung pagpisa ko kaya masakit pa ang katawan ko.

"Umuwi na tayo ng makapagpagaling na sila." I said at pinasan si Kristine sa likod. Tatakbo kami ngayon dahil hindi pa ko makakalipad, remember bali yung pakpak ko.

Nakarating kami sa bahay ng pasado alas dose. Ipinasok na namin sila sa mga kwarto nila para makapagpahinga na sila. Pumunta na rin ako sa kwarto ko para matulog.

---

Maagang nagising ang tatlo, si Kristine, Lhorraine at Rose. Akala nila panaginip lang ang lahat kaya hanggang ngayo'y nalulungkot pa rin sila. Lihim namang napapangiti si Yancey dahil sigurado siyang masusurpresa ang mga ito kapag nakita na nila si Jana.

"Anong oras na, late na kayong nagising." Puna niya sa mga ito. Bagsak pa rin ang mga balikat nila at tahimik na umiinom ng gatas. Hindi na nga rin nila ginalaw yung sandwich na nakahain sa mesa.

"Dalian niyo, malelate na tayo." Sabi ni Lhorraine sa mga ito. Bago pa sila makalabas ng pinto nakarinig na sila ng matinis na sigaw mula sa kwarto ni Jana.

Dun na natawa si Yancey, kumunot ang noo ng mga ito. "Ano yun?" Tanong ni Kristine.

"Lagot kayo hindi niyo siya ginising." She laughed bago uminom ng kape.

"Sino?" Naguguluhan na tanong ni Rose. Napatakbo sila papuntang kwarto ni Jana ng marealize nila kung sino yung sumigaw. Pagkabukas nila ng pinto agad silang binugahan ng apoy nito.

Naiinis si Jana kasi hindi siya nagising ontime. "Late na naman tayo! Hindi niyo kasi ako ginising! Tapos ako na naman sisisihin--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla siyang sunggaban ng yakap nung tatlo.

"Argh! Ang bigat niyo!" Naiinis na sabi nito.

"Kala namin di ka na babalik." Hagulgol ni Kristine habang mahigpit ang yakap niya kay Jana.

"Pasaway ka kasi, wag mo ng uulitin yun ha?" Sabi naman ni Rose, si Lhorraine? Wala yumakap na rin ng mahigpit sa kanila.

Sa kabilang dako, masayang pinapanood ni Yancey yung apat. She can feel the love they have towards each other. Ganito talaga ang bond ng elemental four.

"Aish kailangan ko ng maligo. Malelate na tayo." Sabi ni Jana nung makawala na siya sa yakap nung apat.

"Yancey, thank you." Naiiyak na sabi ni Kristine dito.

"Tinama ko lang yung maling nagawa ko and besides you all deserve to be happy." She smiled. Lumapit naman yung tatlo at niyakap siya.

-----
JANA's POV

"As per tradition, first friday of the month September will be your Acquaintance Party, everyone is required to attend. You can wear anything you want cause it's just an informal party."

"Ano yung acquaintance party?" Tanong ko kay Crimson, wala naman akong ibang mapagtatanungan kundi si Crimson lang na katabi ko.

"Parang getting to know other students. Oo nga pala, kailan ka pa bumalik?" Tanong nito sakin. Napatingin ako kay Jherraine na nakatingin sakin ng masama.

"Ahh kahapon lang." I said. Sinabi rin sakin nina Lhorraine na inalter nila yung memories nung apat about what happened to me.

"Tsk okay na sana eh bakit ka pa bumalik?" I heard Crimson mumbled. Napatingin ulit ako kay Jherraine na ngayo'y nakangisi na.

"A-ano? So ayaw mo ko dito? Okay." Asik ko at tumayo.

"Miss Ruby where do you think you're going?" Tanong nung teacher.

"Uhm ano po kasi, ayoko po kasing maupo sa lugar kung saan ayaw sakin nung mga seatmates ko. I'd rather be alone." Drama ko.

"Mr. Zanders! Ms. Akashi! I've been quiet about your attitudes but don't you think you're getting overboard? Lagi na lang kayong nambully!" Singhal sa kanila ng teacher. Tinikom ko ng maigi ang bibig ko para pigilan ang pagtawa.

"But Ma'am--"

"No more buts Ms. Akashi! Okay, Ms. Ruby you can sit wherever you want." Sabi nito sakin. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong mapahiyaw sa tuwa. Umupo ako sa vacant seat sa tabi ng isang unknown student.

Ngumiti ako sa kanya and he smiled back.

"Throne..." Pagpapakilala nito sa sarili niya. Napaohh na lang ako. Magpapakilala na rin sana ako pero itinaas niya yung kamay niya para pigilan ako sa pagsasalita.

"I know you, Jana Ruby right?" Napatango na lang ako. Sikat na pala ako hindi niyo man lang sinasabi. Haaay what's the use of this get up anyway? Kung yung sole purpose nito na ilayo kami sa mga tao eh wala na?

Marami pang kababalaghan ang sinabi nung teacher about sa Acquaintance Party. Ano nga ba naman ang alam ko sa mga party? Ni hindi nga ko umaattend ng practice. Matutulog na lang ako.

Napatingin ako sa direksyon nina Crimson, as usual ang sama ng tingin sakin ng mga Feelingerong Royalties na yun, bumelat na lang ako sa kanila at sumandal sa upuan ko.

"Honestly, nakakatuwa kayo." Sabi sakin ni Throne. Napatingin ako sa kanya, he has this aura na parang ang bait-bait niya, na parang ang gaan sa pakiramdam. "Noon kasi walang umaaway sa mga Royals, lahat ng mga students hinahangaan at kinatatakutan sila."

"Hindi naman namin sila inaaway." Nakangusong sabi ko. Ngumiti siya sakin and patted my head. So, nagmukha tuloy akong aso?

"What I mean is, kayo lang ang may tapang na banggain sila kapag may mali silang ginawa."

"Alangan magpaapi na lang kami? Tsss labag yun sa human rights." Irap ko at humalukipkip. Sabagay hindi naman kami human kaya waepek din yun.

"Kaya nga nakakatuwa kayo." He grinned bago ituon ulit ang pansin sa board. Napatingin na lang ulit ako sa kanya, after few months may kumausap na rin sakin na tao maliban sa Royals.

Hmm infairness gwapo rin itong isang toh. Bakit kaya hindi siya napasama sa Royals? Mas okay pa siya kaysa kay Crimson eh, hopeless na yung isang yun, bagay sila ng feelingera niyang reyna.

"A-ahh bakit ka nakatitig?" Napakurap-kurap ako sa tanong ni Throne, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa mukha niya.

"Hmmm gwapo ka kasi." Sabi ko. Napansin ko ang panlalaki ng mga mata niya at pamumula ng pisngi niya. Ohhh marunong din pala siyang magblush. Mas mukha siyang mabait kaysa kay Leif. Mukha rin siyang matalino.

Bigla siyang tinawag nung teacher namin sa harap para sagutan yung problem sa board. Hindi pala siya mukhang matalino, matalino talaga siya.

-----

"Hmm mukhang close na kayo nung bago mong seatmate?" Tanong sakin ni Rose habang kumakan kami dito sa cafeteria. Agad ko namang nakita si Throne na kakapasok lang ng cafeteria at kumaway sakin. So I waved back.

"Pag-ibig na ba ito-- aray!!" Kristine squealed after ko siyang batukan.

"Pag-ibig?! Baka kayo ni Wave!" Irap ko.

"Putch! Sino naman ang magkakagusto sa tulad nung wala ng ginawa kundi manlait at pumatol sa babae! Feeling ko tuloy bakla yun eh." She snorted. Nagkatinginan kami ni Rose dahil nasa likod lang ni Kristine si Wave na may dala-dalang food tray.

Lahat kami napakislot ng biglang ibagsak ni Wave yung tray niya sa tabi ni Kristine.

"W-Wave!" Gulat na sabi nito.

"Bakla? Ako?" He smirked. Halah ka Kristine lagot ka. Bwahahahaha.

"Ha-ha-ha may sinabi ba ko?" Medyo awkward na sabi ni Kristine.

"Oo kaya may sinabi ka. Gusto mo irewind--" hindi ko na naituloy ng takpan ni Rose yung bibig ko.

KRISTINE's POV

Pesteng Jana!! Pahamak eh bwisit!!

"FYI lang miss feeling maganda-dahil-basag-ang-mga-salamin-sa-bahay nila, hindi rin ako magkakagusto sayo, at kahit ikaw na lang ang matirang babae, I mean nilalang sa mundo hinding-hindi kita papatulan." He smirked.

Napataas ako ng kilay. Bastos talaga itong Alon na toh eh.

"FYI lang din ha? The feeling is mutual." Irap ko.

"Good!" He grinned. Halos maduling ako ng hawakan niya yung ilong ko, then naramdaman ko na lang na malamig.

"Ice cream?! Tsss! Ang lagkit nito eh! Pano na lang kung mangati ako! Tsss baboy ka!" I snorted at kinuha yung laylayan ng palda ni Lhorraine at pinunas sa mukha.

"Nice. Nice." Tawa ni Jana.

Nagpeace sign na lang ako kay Lhorraine na umirap lang sakin.

"Kasalanan mo to eh!" I squealed at kinuha yung ice cream niya sabay dikit sa mukha niya. Then I laughed.

"Ahh ganyan pala ang gusto mo ha?" He grinned sabay kuha ng ice cream ni Leif at binuhos sa ulo ko.

"Kyaaahhhh!!! Bastos ka talagang lalaki eh!" Pagdadabog ko. Bigla itong nagtatakbo habang nagpupunas ng mukha. Alangan namang habulin ko pa yun eh naligo na ko sa ice cream.

"Tsk tsk tsk pano magwoworkout ang relationship niyo kung lagi kayong nag-aaway?" Naiiling na sabi ni Jana.

"WALA KAMING RELASYON!!" sabay pa naming sigaw ni Wave. Inirapan ko na lang siya habang pilit na kinukuha yung palda ni Lhorraine.

"Okay! I surrender!" Tawa ni Jana habang nakataas ang mga kamay niya. Tsss may araw ka rin sakin alon ka.

ROSE' POV

Talagang lively ang araw namin kapag andyan si Jana, laging inaasar si Kristine eh, minsan nga rin si Lhorraine kaya umiingay ang paligid.

Vacant namin ngayon, wala akong magawa kaya andito ako sa garden at nakikipag-usap sa mga ibon.

"Andito ka lang pala." Napatingin ako kay Leif.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala akong magawa eh, si Crimson ewan kung asan, si Wave nakikipag-asaran kay Kristine, si Ash nasa library hehe." Napakamot pa ito sa batok.

"Hmmm upo ka dito." Sabi ko and tapped the space besides me.

"T-Thanks."

"Bakit mo ko hinahanap?" I asked.

"Wala lang. Wala kasi akong makausap. Ikaw? Bakit ka mag-isa." Sumandal ako sa puno habang hinahaplos ko yung kalapating nasa lap ko at natutulog.

"May kanya-kanya kaming hilig kaya kailangan naming gawin yun minsan ng magkakahiwalay." I smiled.

"Mukhang mahilig ka sa halaman at hayop."

"Weird mang pakinggan pero naiintindihan ko sila." I laughed.

"Really?! I think that's great!" He exclaimed. Nagulat tuloy yung kalapati at lumipad paalis. "S-Sorry!"

"Okay lang yun. Oo nga pala, si Bea? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ko.

"Hmmm ewan hahaha weird man ding isipin pero kapag mag-isa ako, ikaw yung unang taong pumapasok sa isip ko."

Natigilan ako sa sinabi niya. Gusto kong ngumiti pero nahihiya ako. Hindi ko namang maiwasang bigyan ng kahulugan yung sinabi niya.

"Pareho pala tayong weird." I laughed. Ngumiti siya sakin pero hindi ko alam kung ngingitian ko rin ba siya. Nahihiya ako.

He had been so nice to me. And the mere fact na gusto ko siya, naiilang na ko. Yeah I like him, mali man toh siguro pero gusto ko siya eh.

He treats me more special than my friends, kaya hindi ko talaga maiwasang lagyan yun ng meaning.

"Anong tipo mo sa isang lalaki Rose?" I bit my lower lip.

"Uhm ano..."

"Okay, ako muna." He grinned. "Gusto ko yung simple, mabait, maalaga, caring, sweet, tahimik, in short gusto ko yung mga katulad mo Rose."

Biglang nagfog yung salamin ko. Ganun daw kapag uminit yung mukha mo, manlalabo yung glasses mo.

Feeling ko ang pula-pula ko na. How can he like me kung hindi naman ako kagandahan? Humans love material things. Iilan lang sa kanila ang nakakakita ng tunay na kagandahan.

"H-Hindi magandang biro yan." I tried to laugh habang pinupunasan yung glasses ko.

"Hindi ako nagbibiro Rose, gusto kita." Seryosong sabi niya. Napalunok tuloy ako. What am I gonna do?

LHORRAINE's POV

Napabuntong hininga na lang ako, wala na kong mahanap na other novels na konektado sa underworld dito sa library, nabasa ko na lahat. Nabili ko na rin yung iba sa Bookstore.

Pansin ko lang dito sa library, pakonti ng pakonti ang mga pumapasok dito. Gaya ngayon ako lang atah ang nandito.

Ipinatong ko yung pisngi ko sa table habang nakatingin ako sa labas.

Naramdaman kong may upo sa tapat ko kaya ibinaling ko yung ulo ko sa kabilang direksyon. Nanlaki ang mga mata ko ng nakapatong din yung pisngi niya sa table at nakatingin sakin. Halos magkalapit na yung mga mukha namin.

Agad akong napabangon.

"Nagulat ba kita?" He asked.

"H-Hindi naman." I fixed my glasses. May nakita akong book sa tabi niya at hindi ko pa yun nababasa tingin ko related yun sa underworld pero hindi pa yun na ipupublish eh. Pano siya nakakuha ng copy.

Napakislot ako ng bigla niyang hawakan yung book.

"Gusto mong basahin?" He asked. Napatango ako.

"Umupo ka dito." Turo niya sa tabi niya. Agad akong tumayo at umupo sa tabi niya. Binigay naman niya sakin yung libro.

"Mahilig ka sa mga Demons?"

"Oo, sa mga related sa Underworld--" natigilan ako ng bigla siyang sumandal sakin.

"Nanghihina ako." He said. Napatingin ako sa kanya, nakapikit lang siya.

Hahawakan ko sana yung noo niya pero natigilan ako, baka magalit siya.

"Pwedeng matulog muna ako?" He said in a hoarse voice. Hindi ko an napigilang kapain yung noo niya.

"You're hot!"

"Tsss I know."

"Nakuha mo ba yung sinabi ko? Nilalagnat ka." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at iniharap sakin. Mapupungay at mapupula yung mga mata niya.

Gagamutin ko na sana siya ng--

"Don't! Don't use your special power to heal me. I nead to be treated in a normal way." He said. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin. Ang init niya. He knew? He knew that I have healing powers?

Agad kong tinawagan yung apat at tinanong kung kasama nila yung mga He Royals, buti na lang kasama ni Rose si Leif.

Agad naman silang pumunta dito.

"Ganyan talaga siya kapag nilalagnat nagiging weird." Sabi ni Leif. He tried to get Ash from me pero mas hinihigpitan nito ang yakap niya sakin.

"Ash, I can't breath." I said. Mukhang natauhan naman siya at binaba yung mga kamay niya pero nakapatong pa rin yung ulo niya sa balikat ko.

"Hatid ka na namin sa bahay Ash." Sabi ni Leif. Tinulungan ko naman siya sa pag-alalay sa kanya hanggang makarating kami sa kotse nila.

"Magpagaling ka." I said before I closed the door pero nahila niya yung kamay ko.

"Stay with me." Nakapikit na sabi nito.

Napatingin ako kay Leif. "Can you? Makulit talaga yan kapag may sakit, pwede bang alagaan mo na muna siya?"

Napatingin ako kay Rose. "Kami ng bahala sa excuse mo, pupuntahan ka na lang namin pagtapos na yung classes."
.

.

.

.

Hindi ko alam kung tulog siya or what pero minsan kasi nagsasalita siya. Mabait siya at clingy kapag may sakit. Sana lagi na lang siyang may sakit para lagi siyang mabait.

I sighed. Kung anu-ano iniisip ko.

Napatingin ako sa kamay namin. Ayaw niya yung bitawan.

-------------------------------------------

Okay! Cut!! XD.
Next time ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top