Mission #17 Cease Fire
KRISTINE's POV
"Tama ba yung ginawa nating pag-aalter ng mga memories nila?" Tanong ko kay Lhorraine habang binubuklat niya ng pabalik balik ang bawat pahina ng cursed book.
"Hindi makakaya ng utak nila ang mga nakita't narinig nila." Sabi nito. "Halos maghysterical na nga sila nung makita nila ang katawan ni Jana na naliligo sa sarili nitong dugo."
Napabuntong hininga na lang ako. You read it right. Yancey was forced to punish her and we understand that. Ngayon, si Yancey na naman ang problema namin dahil ayaw na nitong lumabas sa kwarto niya.
"Namimiss ko na si Jana, kayo ba?" Tanong ni Rose habang nangalumbaba sa harap ng mesa.
"Kapag pala wala si Jana ang tahimik ng bahay, walang maingay at walang napapagalitan." I tried to laugh pero pumiyok lang ako hanggang sa mapaiyak na lang.
"Tara na malelate na tayo sa school. Tsaka wag niyo na munang pag-usapan si Jana. Just please. Move on." Sabi samin ni Lhorraine at kinuha na yung bag niya.
Nagkatinginan na lang kami ni Rose at sabay na napabuntong hininga. Dumiretso ako sa kwarto ni Yancey at kumatok sa pinto niya.
"Yancey, alis na kami. Sure ka bang hindi ka papasok ngayon?" I asked. Hindi niya binuksan ang pinto niya pero hindi rin siya sumagot. Napabuntong hininga na lang ulit ako at lumabas na ng bahay diretso sa kotse.
"Anong sabi ni Yancey?" Tanong ni Rose.
"Ayaw niya talaga tayong makausap." Malungkot na sabi ko.
"Baka siguro naguiguilty siya sa ginawa niya kay Jana."
"Baka nga.." I sighed. Nakarating na kami sa campus ng tahimik. Nakakapanibago. Wala si Jana. Wala akong kaasaran, kapikunan, kaaway. Namimiss ko na siya.
Pumasok na kami sa classroom at diretso sa kanya-kanya naming seats.
"Oo nga pala nasa inyo nga pala ang priviledge na makatabi kaming Royals. Muntik ko ng makalimutan halos isang buwan din kasi kaming hindi pumasok. Nakakastress kasi ang makita kayo araw-araw."
Napatingin ako kay Jane, kasama niya si Daisy at nakahalukipkip sila sa tabi ko. At dahil wala ako sa mood ngayon hindi ko na lang sila pinansin at nangalumbaba sa mesa ko.
"So, snob na kayo ngayon?!" Medyo tumaas ang boses niya kaya napatingin samin ang iba naming classmates. "Hindi porke't kayo ang nagtututor sa He Royals eh feeling niyo mataas na kayo."
Nagulat na lang ako ng bigla niyang hablutin yung mukha ko at halos bumaon yung kuko niya sa pisngi ko. "And if I were you, lalayuan ko si Wave lalo na kung hindi mo kilala ang binabangga mo." She hissed at marahas na binitawan yung mukha ko.
Napahaplos na lang ako sa panga ko. Inirapan niya ko sabay upo sa seat niya. May upuan sa pagitan namin kung saan dun uupo si Wave. Napatingin ako sa gawi nina Lhorraine, tahimik ulit itong nagbabasa habang naiirita naman si Daisy sa tabi niya.
Si Bea at Jheraine wala pa sa mga seats nila, gaya ng He Royals.
.
.
.
WAVE DANIEL's POV
"Kailan mo ba balak ipadala sa bahay ampunan o sa dswd yang batang yan?" Tanong ko kay Crimson habang nakapiggy back ride sa kanya si Carla. Yung batang ubod ng kulit at daldal.
"Nagreport na nga ko sa police diba? Satin muna siya hangga't wala pang tumatawag para kunin siya." Sabi nito. Hindi namin toh maiwan sa bahay dahil iiyak naman. Gusto laging nakadikit kay Crimson hanggang dito sa school.
"At tsaka, nangako ako kay Jana na aalagaan ko si Carla hangga't hindi pa ito nakakabalik galing probinsiya." Dagdag pa nito.
"So, kailan pa kayo naging close?" I asked. Biglang lumapit sakin si Carla at nagpapakalong kaya inirapan ko. Ang kulit-kulit.
"Sinong may sabing close kami? Tumutupad lang ako sa usapan dahil lalaki ako." Irap nito sakin. I burst out laughing. Lalaki daw pero hands on sa pag-aalaga ng paslit. Pssshhh.
"Carla, I bought you milk." Sabi ni Leif sabay about ng nestle milk dun sa bata. Napatingin naman ako kay Ash na busy sa paghiwa ng fruits into small bits para makain nung paslit.
"Grabe ang babakla niyo." I snorted. Napatingin ako kay Carla na nag-aalok sakin ng milk. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Milk!!" She giggled.
"Alam kong milk yan. Mukhang bang kape?"
Napanguso na lang ito at uminom ulit sa straw ng milk niya.
"Problema mo? Ang init ng dugo mo sa bata?" Kunot noong tanong sakin ni Crimson.
"Ayoko lang sa mga bata, masyado silang makulit, maingay at sakit sa ulo. At ang mabuti pa. Pumasok na tayo sa classroom dahil halos isang buwan na tayong nagcucutting."
Aminado naman kaming nagcucutting kami noon, yun na rin kasi, tinatamad kaming pumasok or iniiwasan lang namin ang mga Nerds. Pero ngayon wala na kaming masyadong rason para hindi pumasok.
"Hoy bata. Kasya ka sa bag ni Crimson? Dun ka na lang hanggang matapos klase namin." Sabi ko kay Carla. Kumunot ang noo nito at sinimangutan ako.
"Aray!" Napahawak na lang ako sa batok ko after akong batukan ni Crimson. Tsss kahit kailan talaga napakabrutal nito. Tch.
"Daddy! Mommy!!" Paulit-ulit na sabi ni Carla. Pinagtitinginan na kami ng other students. Hindi ko alam kung bumaba ba yung tingin nila samin kasi natatawa na sila. Dati kasi ang impression nila samin, laging seryoso at bihira lang ngumiti.
Pero ngayon yung leader namin nababaliw na. Nakapasok kami sa classroom. As usual tahimik sila lalo na kapag pumapasok kami. Napansin ko yung tatlong nerds na tahimik lang na nakaupo sa mga seats nila at tulala.
Siniko ko sina Ash at nginuso sina Lhorraine, napatingin naman sila sa direksyon nila.
"Sa tingin niyo anong problema ng mga yan? Nakakapanibago eh." I asked.
"Oo nga, si Lhorraine parang wala sa sariling palipat lipat lang ng pages ng libro, si Kristine hindi naglalaro sa cellphone niya, at si Rose, nakatingin lang sa kawalan." Sabi naman ni Leif. Nagkatinginan kaming apat.
"Baka kasi wala si Jana, obviously siya yung laging maingay sa grupo nila." Sabi naman ni Crimson.
"Bakit ba kasi kailangang umuwi siya sa probinsiya nila ng mag-isa? Tsaka bakit naman biglaan?"
Kahapon kasi pumunta kami sa mansyon ng mga nerds, tapos sa hapon biglaang nacancel yung tutorial namin dahil may emergency daw sa probinsya nila at kailangang umuwi ni Jana.
Well weird nga lang dahil parang may mali sa mga nangyari kahapon. Or maybe I'm just imagining things.
"Akin na muna si Carla." Sabi ni Ash. Lumipat naman sa kanya si Carla at dumiretso na ito sa gitna ni Lhorraine at Daisy.
ASH POV
"Mommy?" Tanong ni Carla kay Lhorraine pagkaupo ko pa lang sa seat ko.
"Kyaaahhh!!! How cute!!! Hi! I'm Daisy!" Singit ni Daisy. Carla just looked at her and waved her hand.
Tapos bumaling ulit siya kay Lhorraine at kinulbit ito.
"Mommy" tawag niya dito.
"Hindi lahat ng babaeng nakasalamin, Mommy mo." Cold na sabi nito kaya natigilan si Carla.
"You don't have to be rude at her." I said.
"I was just telling he truth, and I'm gonna say it on my own way." She said. Kumunot ang noo ko, I never like how can she be so rude to all people.
Bumaba si Carla sa lap ko at lumapit kay Lhorraine.
"Mommy." Sabi nito at nagpabuhat.
"Go away. You remind me of Jana." Kunot noong sabi nito.
"Carla, come here. Wag mo na siyang pansinin. She's bad." I said at kinuha palayo sa kanya si Carla. Nakita kong napatingin sakin si Lhorraine sa sulok ng mga mata niya. Tumalikod ito samin.
LHORRAINE's POV
I don't wanna be rude to that kid pero as of now ayoko munang makakita ng mga bagay na makakapagpaalala samin kay Jana. We've suffered enough.
Napansin ko rin ang pagkabalisa nina Rose at Kristine. Nakakapanibago, nakakalungkot. Naramdaman kong may mga maliliit na kamay ang humawak sa lap ko. Napatingin ako kay Carla. Pilit siyang umaakyat sa lap ko para magpakandong.
Napabuntong hininga na lang ako at binuhat siya papunta sakin.
I put my arms around her tummy at niyakap siya mula sa likod. Para talaga siyang si Jana. Makulit at pasaway.
"Let me hug you for a bit." I whispered at mas hinigpitan ang pagkakayakap kay Carla. It's hard for me to admit but missing Jana is killing me, killing us.
Dumating yung teacher namin, sina Crimson na ang kumausap sa mga teachers namin about kay Carla at buti na lang pumayag ang mga ito.
"Ash, sabay tayo nina Jheraine maglunch huh? May pictorial kasi sila, kasama niya si Bea kaya hindi sila nakapasok today." Rinig kong sabi ni Daisy. Hindi ko na lang sila pinansin at tinuon ang atensyon ko kay Carla na tinitignan yung mga drawings ng history book namin.
"Okay." Natigilan ako sa sagot ni Ash. Napailing na lang ako at inayos ang pagkakaupo ni Carla sa lap ko.
"Pwede bang wag na tayong kumain?" Tanong sakin ni Kristine nung makalapit sila ni Rose sakin after class.
"Okay lang. Kaw ba Rose?" I asked.
"Yeah, hindi ako gutom." Nakayukong sagot nito.
Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba si Carla. "Sumama ka muna kina Crimson okay?" I said. Pero umiling ito at hinawakan ako sa kamay.
"Mommy. Daddy." Turo niya samin tapos sa He Royals.
Napailing ako at tinuro ang mga She Royals. "Sila muna Mommy mo."
Mabilis ang pag-iling nito at humawak ng mahigpit sa kamay ko. "Mommy!" Turo niya samin nina Rose habang nakapout. Napabuntong hininga na lang ako.
"Rose, ibigay mo siya kina Leif. Sumasakit ulo ko." I said at tumayo sabay talikod sa kanila. Napahawak pa ko sa ulo ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni Kristine sa likod ko.
"I know exactly how you feel. Okay lang yan. Magiging maayos din ang lahat." She said. Napatingin ako sa kanya tapos kay Rose na hawak-hawak ang kamay ni Carla papunta sa mga Royals. Pinapanood ko na lang sila hanggang buhatin ni Leif yung bata.
Kitang-kita namin ni Kristine kung pano umiyak si Carla ng tumalikod na si Rose at naglakad papunta samin.
"Tara na." Sabi nito sabay kuha ng bag niya. Tumango na lang kami ni Kristine at lumabas na kami ng classroom.
THIRD PERSON's POV
Takang-taka ang Mga Royals sa inaasta ngayon ng mga Nerds.
Si Rose hindi ngumingiti, si Kristine hindi naiinis, at si Lhorraine hindi nagbabasa ng libro. Kanina pa nila napapansing lutang ang mga ito at sobrang lungkot.
"Tama na Carla. What do you want?" Tanong ni Leif sa kanina pang umiiyak na si Carla.
"Mommy!" Sabi nito at tinuturo ang tatlong palabas na ng classroom.
"Andito naman kami eh, kami na lang Mommy mo." Sabi ni Bea.
"No! I don't want you!" Sigaw nito at umiyak ulit. Nagkatinginan tuloy ang mga Royals.
"Saan niyo ba kasi nakuha yang batang yan? Baka mamaya may rabies pa yan." Irap ni Jheraine.
"Tumigil ka nga Jheraine! Naririnig ka nung bata!" Saway dito ni Crimson.
"What?! Hindi porke't cute yang batang yan, safe na siya satin. Pano kung may nakakahawang sakit pala yan kaya iniwan ng Mommy niya sa mall?" Dugtong pa nito. Dahil sa inis hinablot ni Crimson ang braso nito at marahas na pinisil kaya napangiwi si Jheraine sa sakit.
Dahil narinig ni Carla ang mga pinagsasabi ni Jheraine. Natigil ito ng pag-iyak at pilit bumaba sa pagkakabuhat sa kanya ni Leif.
"Wait, bakit? Saan ka pupunta?" Tanong ni Leif habang nagpupumiglas yung bata.
"Hayaan mo na lang yan Leif, kung ayaw niya satin eh di wag. Nagpapansin lang yan." Gatong pa ni Jane.
"Jane! Ano ba naman kayo?!" Naiiritang sabi ni Leif. Tuluyan ng nakababa si Carla at nagtatakbo palabas upang habulin ang mga Nerds. Agad naman siyang sinundan ng mga He Royals.
"Ano pang ginagawa niyo? Sundan na natin sila." Sabi ni Bea sa tatlong She Royals na preskong nakaupo lang sa mga seats.
"What for? Napakadramatic ng mga eksena nila. Nakakasuka." Sabi ni Jheraine sabay flip ng buhok nito.
"Maybe you're not noticing it but their spending more of their time with those nerds than us!!" Pagdadabog ni Bea.
"Bea you're just being paranoid, bakit naman nila tayo ipagpapalit to them? They're so pangit kaya, it will be a big kawalan to them kapag pinagpalit nila tayo. Look, we're perfect, more than perfect." Sabi naman ni Daisy habang nakatingin siya sa maliit na salamin niya.
"Yeah. Daisy's right, Bea. Pinaglalaruan lang yun ng mga He Royals. You know how much they hate them, gumaganti lang sila. And if I were you, you better watch carefully and see how lovely those freakin' nerds will fall." Sabi naman ni Jane.
"But if anything goes wrong. Will end up everything with our own bloody way. Like what we always do." Jheraine grinned. Napatingin si Bea sa kanilang tatlo.
"I think you're right." Sabi nito. They all have dirty little secrets. A bloody dirty liitle secrets.
-------
"Mommy!!" Napalingon ang mga nerds ng may isang maliit na boses ang umalingawngaw sa buong hallway.
"Carla." Tawag dito ni Kristine. Agad na tumakbo yung bata at yumakap sa kanila.
The three of them squatted para atleast makapantay nila yung bata.
"What are you doing here?" Tanong ni Kristine habang pinupunasan ang basang mukha nung bata.
"They're bad." Sabi nito. Nagkatinginan yung tatlo. Binuhat ni Kristine yung bata.
"Nagugutom ka na? Gusto mong kumain?" Tanong ni Kristine dito. Tumango yung bata at yumakap sa leeg niya. "Dumaan muna tayo sa cafeteria, dun na lang tayo sa garden kumain."
Pagkalabas ng classroom ng He Royals hindi na nila naabutan yung tatlo, wala na rin si Carla.
"Maghiwahiwalay muna tayo. Tumawag na lang kayo kung makita niyo sila." Sabi Crimson sa mga ito.
"Kailangan ba talaga--" hindi na natapos ni Wave ang sasabihin niya ng tignan siya ng masama nung tatlo. Napataas na lang ito ng mga kamay. "Okay! Okay! Tutulong na." Sabi nito.
Naghiwahiwalay na sila para hanapin yung tatlo at si Carla.
---
"Kumuha ka ng isang meal yung maraming gulay, tsaka fruits, tapos water and milk na rin." Sabi ni Rose kay Kristine dahil siya na ngayon ang may buhat kay Carla.
"Andami naman nito? Mauubos ba niya?" Tanong ni Kristine kay Rose.
"Oo malakas kumain ang mga bata tsaka mabilis lang silang magutom." Sabi ni Rose.
Ng makaorder na sila, si Lhorraine na ang nagbayad. Dumiretso na rin sila sa gArden kung saan naglatag sila ng blanket sa gitna ng mga bushes of roses.
"Kain ka muna mamaya na tayo maglalaro." Sabi ni Lhorraine dun sa bata. Si Kristine na ang nagsubo sa kanya ng pagkain habang hinihiwa naman ni Lhorraine yung mga prutas gamit ang hangin.
Wala naman kaso kung makita yun ni Carla dahil bata pa naman ito. Maganang kumain si Carla at naubos pa niya yung isang meal, mga prutas at yung milk niya.
"Busog?" Tanong ni Lhorraine sabay punas sa gilid ng bibig nung bata.
Nakangiting tumango naman ito at pumapalakpalakpak pa. Kinuha ni Rose yung bata at inilagay sa lap niya. "So, ano nang gusto mong gawin?" Tanong niya dito.
Humagikgik yung bata. "Stories!!" Sabi nito sabay turo sa bag ni Lhorraine kung saan may nakita siyang mga nakalabas na libro.
Tumayo naman si Kristine at naghanap ng kahit anong libro sabay bigay kay Rose. Tumabi naman si Lhorraine at Kristine kay Rose.
"Dahil Math book toh itratransform ko muna siya sa isang bed time story book ha?" Tanong nito kay Carla na tumango-tango naman. "Anong favorite mong story?"
"Hmmm? Beast! Beauty!" Sabi nito. Natawa na lang yung tatlo. Hinaplos ni Rose yung book at nagtransform naman ito sa isang story book.
----
Hingal na hingal si Leif ng makarating siya sa garden at makita ang mga Nerds kasama si Carla na tulog na tulog na.
He immediately dialed all of their numbers, "I found them, dito sa may garden." Sabi ni Leif bago ibaba yung phone niya, after few minutes dumating na rin yung ibang He Royals.
Agad silang pumunta sa pwesto ng mga nerds. Si Lhorraine nakasandal sa balikat ni Rose na nakasandal sa puno, ganun din si Kristine habang si Carla natutulog sa lap ni Rose.
"Gigisingin ba natin sila?" Tanong ni Wave.
"Ssshhh wag na muna, hayaan na muna natin sila." Sagot naman ni Crimson.
Dahil malakas ang pakiramdam ni Lhorraine, kahit tulog siya agad niyang naramdmaan ang presensya ng mga He Royals kaya agad itong nagising.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa mga ito.
"S-sorry, hinahanap kasi naman si Carla." Sagot ni Leif. Napatingin naman si Lhorraine kay Carla na natutulog sa lap ni Rose. Napayakap siya sa tuhod niya at pinagmasdan ito.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Crimson. Napatingin sa kanya si Lhorraine at nag-ayos ng eyeglasses. "Don't worry kumain na siya." Sabi nito.
"Eh kayo?" Singit naman ni Ash.
"Hindi na kailangan." Sabi ni Lhorraine at tumayo na. Sunod namang nagising si Kristine ng maramdaman ang pagtayo ni Lhorraine.
"Saan ka pupunta?" tanong nito. Tsaka pa niya napansin na nandun na pala ang He Royals at nakatayo sa harapan nila.
"Andito pala kayo." She said at agad nag-iwas ng tingin.
Tumayo na rin ito at naglakad papunta sa sapatos niya. "Saglit na lang magigising na rin yang dalawa. Pwede niyo na ring kunin si Carla after that." Cold na sabi nito.
Sobrang naninibago si Wave kay Kristine. Hindi na kasi ito pikunin at iyakin, hindi na rin ito nagtetext at sumasagot sa mga tawag niya.
Sunod na ring nagising si Rose, ganun din si Carla. Napakusot-kuaot ang bata sa mga mata nito, agad namang kinuha ni Rose yung tubig at pinainom siya.
"Dun ka na kina Daddy mo." Sabi dito ni Rose. Napatingin naman si Carla sa mga He Royals. Tapos umiling.
"They're with those monsters." Nakapout na sabi nito.
"Wala na sila. Tsaka hindi ka na nila gagalawin. Kapag sinaktan ka nila ulit, sumbong mo lang samin okay?" She smiled and patted Carla's head. Napangiti naman yung bata at agad tumakbo papunta kina Crimson.
"Saan na kayo pupunta?" Tanong ni Leif sa mga ito.
"Sa lugar kung saan hinding-hindi na namin kayo makikita."
Nagulat si Leif sa pagkacold ni Rose. Never pang naging ganun si Rose sa kanya.. Sa kanila.
Naguguilty tuloy sila kahit hindi nila alam kung bakit ganun ang pakikitungo sa kanila ng mga nerds. Pinanood na lang ng apat ang mga nerds na mag-ayos ng gamit hanggang tuluyan ng umalis ang mga ito.
"Ano ba kasing problema nila?" Tanong ni Crimson.
"Nakakapanibago." Sabi ni Wave.
"Sobrang nakakapanibago." Gatong pa ni Leif.
Napatingin yung tatlo kay Ash at naghihintay ng idudugtong nito.
"It doesn't really matter." Cold na sabi nito habang nakatingin kay Lhorraine na naglalakad palayo.
-------------------------------------------------
Until here ulit!!
Ang may pinakamagandang comment sa kanya ko idededicate yung next chapter entitled "The Return"
Vote and comment na :D.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top