Mission #15 Mommy

"Bakit kailangang dito sila? Mas maganda naman yung bahay nila kaysa dito?" Tanong ni Kristine kina Lhorraine.

Maging sila ay nagulat sa biglaang pagdating ng He Royals sa tapat ng mansyon nila, buti na lang mabilis yung effect ng tranformation power ni Rose.

"Hindi ko rin alam, hindi ko inaasahang dadating sila ngayon." pabulong na sagot nito.

"Asan nga pala si Jana?" Tanong naman ni Rose.

"Weekends ngayon Rose, alam mo naman kapag weekends, unlimited ang tulog nun." Sagot ni Kristine.

Magkakasunod na tumigil sa harap ng mansyon ang apat na mamahaling sports cars ng mga He Royals.

Sabay-sabay pa silang bumaba at sabay-sabay na nagtanggal ng shades.

"Napag-isipan naming dito na lang kami magpapatutor tutal dito kayo mas komportable." Sabi ni Crimson habang naglalakad sila papalapit sa tatlo.

"Pwede ba next time pakinotify us? Buti na lang malakas ang pang-amoy ni Rose." Irap ni Kristine kaya nasiko siya ni Lhorraine.

"Pano niyo nalamang dadating kami? It should be a surprise visit." Sabi ni Leif.

"Actually, naghihintay na kami ng taxi papunta sa inyo kaya andito kami sa labas. Nagkataon lang lahat." excuse ni Rose. Mukhang bumenta naman ang palusot niya dahil nagdiretso na ng pasok sa bahay nila yung Royals.

"U-uh pasok kayo?" Sarkastikong sabi ni Kristine dahil sa kawalan ng manners na pinakita ng mga HEs.

Inilibot nilang apat ang mga mata nila sa loob ng mansyon.

"Malinis." Komento ni Leif.

"Maliit." Sabi naman ni Wave.

"Masikip." Dagdag pa ni Ash.

"Luma." Gatong ni Crimson.

"So, yan ang pinunta niyo dito? Ang laitin ang bahay namin? Galing niyo ah?" Nakahalukipkip na sabi ni Kristine sa apat na patuloy lang sa pagbusisi sa bahay ng mga nerds.

"Maaliwalas naman dito sa loob." Nakangiting sabi ni Leif.

"Simple, walang bago, puro antiques, nothing's extravagant, in short boring." Dagdag pa ni Crimson.

"A-- aww!!" hindi na naituloy ni Wave ang sasabihin niya dahil inapakan ni Kristine ang paa nito.

"Isa isang komento pa at papalayasin na namin kayo." Pananakot nito.

"Okay, we didn't actually come here to play. Gaya nga ng sabi ko, kami na ang pumunta dito para magpatutor. Ayaw naming magkaroon ng utang na loob sa inyo." Cold na sabi ni Crimson.

"Actually, hindi rin kasi kami prepared, si Jana nga tulog pa eh." Nahihiyang sabi ni Rose.

"Yan bang mga colored doors ang mga kwarto niyo?" Turo ni Leif sa mga pinto sa second floor.

"Ah oo, yung sa dulo, yung pula kay Jana, kay Lhorraine yung white tapos akin yung green, and kay Kristine yung blue." Sagot naman ni Rose.

"That's weird." Komento ni Ash na ikinanuot ng noo ni Kristine.

"Sobrang weird." Dagdag na naman ni Crimson.

"Anong weird? Baka baduy." Tawa ni Wave, nakatakbo na siya papunta kay Leif bago pa maapakan ulit ng nagdadabog na si Kristine ang mga paa nito.

"Sorry if our home didn't meet your expectations." Walang emosyong sabi ni Lhorraine.

Napatss tuloy ang tatlo at halos magkakasunod na naglakad ulit at kusa ng hinanap ang study room ng mansyon ng mga nerds. Nakailang ikot na sila sa mga pasilyo at halos pabalik-balik na sila sa living room, nabuksan na rin atah nila lahat ng pintuan maliban na lang sa masters bedroom, pero wala pa rin silang nakitang study room or kahit library man lang.

"Wala ba kayong stud room or kahit library man lang?" Tanong ni Crimson sa mga nerds.

"Wala." Sabay-sabay pa nilang sagot. Nanlaki ang mga mata ng He Royals sa sagot ng mga ito.

"Eh bakit hindi niyo man lang sinabi agad?" Naiinis na sabi nito at binagsak ang sarili sa pink na couch.

"Hindi naman kasi kayo nagtanong, nagdirediretso na lang kayo." Sagot naman ni Kristine. Ginulo-gulo ni Crimson ang buhok niya sa inis.

"Tsss. Obvious naman sigurong dun kami pupunta kasi nga magpapatutor kami diba?! Akala ko ba ang mga nerds matatalino? Bakit kayo? Hindi niyo ginagamit ang utak niyo?" Naiinis na sabi nito. Biglang uminit ang ulo ni Kristine sa narinig. Ayaw na ayaw nitong sinasabihan siya ng walang utak.

Alam naman ng mga Royals that Crimson already crossed the line pero pinabayaan na lang nila ito dahil nasanay na rin sila.

"Yung study room kasi nasa loob ng kwarto ni Lhorraine. Kung gusto niyo dun na lang tayo?" Tanong ni Rose.

Agad na nagkatinginan ang mga Royals. Marami tuloy silang naiimagine na itsura ng kwarto ni Lhorraine. Iniisip nila kung maraming libro ba sa loob, maraming gadgets, kung malinis ba o magulo.

"I think we don't have any other choice." Sagot naman ni Ash. Nagsitanguan ang Royals na para bang ibig nilang sabihin na dun na lang sila sa kwarto ni Lhorraine.

"Sige, sundan niyo na lang ako." Sabi ni Lhorraine at nagsimula ng umakyat ng hagdan papuntang kwarto nito.

"Rose, gisingin mo na si Jana. Kami na ni Kristine bahala dito." Utos ni Lhorraine kay Rose. Tumango naman ito at dumiretso sa kwarto ni Jana na tulog na tulog.

Binuksan ni Lhorraine ang pintuan ng kwarto niya. Agad namang pumasok ang mga He Royals at agad na namangha dahil pagpasom pa lang nila, isang malaking library na ang bumungad sa kanila. As in malawak yung library, naglalakihan ang mga shelves na punong-puno ng mga libro.

"Kung mapapansin niyo, iisa lang ang table dito, ako lang kasi ang gumagamit." Sabi naman ni Lhorraine.

"Uhh kukuha na lang ako ng mga desk sa office." Suggestion ni Kristine.

"Tulungan na kita." Suggestion ni Leif. Napangiti tuloy si Kristine sa kabaitan ni Leif na agad namang ikinanuot ng noo ni Wave. Agad nitong hinila palabas ng room si Kristine.

"Dalian niyo nga ang bagal-bagal niyo eh." Medyo galit na sabi nito. Napanguso na lang si Kristine habang tinatanggal ang pagkakawak ni Wave sa kamay niya.

"Kahit kailan ka talaga! Napakabipolar mo!" Irap nito at inunahan si Wave sa pagbaba ng hagdan habang natatawang nakasunod lang sa kanila si Leif.

-----

"Sa labas lang muna ako, tawagin niyo na lang ako kapag ready na kayo." Sabi ni Crimson bago siya lumabas ng kwarto ni Lhorraine. Tumango naman si Ash sa kanya.

Napabuntong hininga na lang si Lhorraine habang inaayos yung mga nasa ibabaw ng mesa niya. Nagtataka na nga rin siya kung bakit lagi na lang sila ni Ash ang magkasama.

"Where's the white board?" Pambasag ni Ash sa katahimikan.

"Push mo lang yung white na shelf tapos iikot na yan. White board yung likod niyan." Turo nito sa natatanging white shelf sa loob ng library.

"So, you own this? How much did you invest for this?" Tanong ni Ash habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng library.

"Regalo nila sakin yan, alam kasi nilang ayoko ng kwartong walang library." She said at tinulungan na si Ash sa paghila ng white board. Hindi tuloy niya mapigilang matawa ng makita yung drawing sa board.

"You can actually laugh huh?" Pansin ni Ash, natigil tuloy sa pagtawa si Lhorraine at tumikhim.

"That's Jana's drawing, pinapahulaan kasi niya samin kung anong dinodrawing niya. She really sucks at it." She said. Napatingin naman si Ash sa mga drawing sa white board.

May nakaadrawing na stickman at may hawak itong magic wand na may star sa dulo. Tapos may parang jar sa tabi nito at sa baba may nakasulat na 'Harry Potter'.

JANA's POV

Presko akong nakaupo sa harap ng TV. Nahiga ako sa sofa at nakapatong naman yung paa ko sa backrest nito habang kumakain ako ng Mang Juan. Hindi na ko pumasok sa study room dahil nakapagsimula na sila ng gisingin ako ni Rose. Kaya etoh kami, si Rose naghahanda ng meryenda, ako naman nanonood ng TV.

"Jana pwede ba kitang mautusan?" Tanong ni Rose sakin. Napabangon tuloy ako at agad na nilunok yung sinubo ko.

"Saan? Bakit?" Tanong ko.

"Nakalimutan kasing maggrocery ni Yancey bago umalis, wala ng laman yung fridge, busy naman sa pagtututor sina Kristine at Lhorraine." Sabi nito.

"Hindi ko alam maggrocery. Alam mo namang lagi lang ako sa junk foods." I said at ngumuya ulit ng Mang Juan.

"No choice, walang ibang pwedeng gumawa eh. Nakaprepare na ko ng list. Kaw na bahalang bumili. Gamitin mo na lang credit card mo." Nakangiting sabi sakin ni Rose at iniabot sakin yung listahan.

"Grabe andami naman nito! Di bale kukuha ako ng maraming chichirya." I mumbled at nilagay sa bulsa ko yung listahan.

Inubos ko muna yung Mang Juan ko at pinunas yung kamay ko sa palda ko. Lalabas na sana ako ng tawagin ulit ako ni Rose.

"Ahm Jana.. Taxi ka na lang huh? Well, kung ayaw mo kaw na kumuha kay Lhorraine nung susi." Sabi nito.

"Hindi na lilipad na lang ako." I grinned pero ngumuso lang ito. Natawa na lang ako at lumabas na. Hussle lang naman kapag ganitong oras eh traffic. Mas mabuting lumipad na lang ako.

"Saan ka pupunta?"

"Ay tipaklong!" Agad akong napahawak sa chest ko sa sobrang gulat. Pagkalabas ko pa lang kasi ng pinto may nagsalita na agad sa gilid ko.

"Anong tipaklong?" Kunot noong tanong niya sakin.

"Wala! Anong ginagawa mo dito? Kanina pa nagsimula sina Lhorraine ah?" Tanong ko sa kanya pero nanatili lang siyang nakasandal sa pader at nakapamulsa.

"Boring sa loob, nagpapahangin lang. Ikaw? Kagigising mo lang?" Tanong nito.

Napakamot tuloy ako sa ulo ko. "Ah oo eh, actually inutusan ako ni Rose na maggrocery." I said sabay pakita sa kanya ng listahan. Tumingin siya sakin tapos sa kawalan ulit.

Para namang ang lalim ng iniisip niya.

"Oh sige alis na ko." I said at pumunta sa gate para buksan ito.

"Wait sasama ako." He said. Napalingon ako sa kanya. Mabilis siyang naglakad papunta sakin at tinulak yung gate sabay hila sakin palabas. Napatingin ako sa kotse niya, parehas nito yung nasira namin noon, noong may sunog?

"Hindi automatic na bubukas yung pinto kapag tititigan mo lang." He said. Napanguso na lang ako at muntikan ng mapatili ng tumaas yung pinto pagkaopen ko nito.

"Hala! Nasira ko!" I squealed. At dahan-dahang pinipihit yung door sa paside na pagbukas nito.

"What do you think you're doing?! Ganyan talaga ang pagbukas niyan!" He yelled. Agad kong binitawan yung door ng sasakyan niya at agad na sumakay. Siya na rin ang nagsara nito. "Tsss ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong sports car? Sobrang nakakapagtaka talaga kung bakit kayo nakapasok sa Royal Academy."

"Anong ibig mong sabihin?" I asked. Inistart na niya yung engine at nagdrive habang nagmamaneho may kinuha siyang maliit na book sa compartment niya at binato sa lap ko.

Isa yung student manual. Pero ang title ay, "How to Become a Royal Academist."

Binuklat ko yung libro at binasa.

"Yung mga requirements nasa page 34-46." Sabi niya kaya agad akong pumunta sa page 34.

"Requirement #1: Family's annual income should not be less than P1 000 000. #2 must know how to play any musical instruments, #3 must have beauty, good posture, and knows how to dress properly, #4 a member of any sports team in the campus, #5 must be atleast 5'3 in height, #6 no underweight and overweight, #7 students must have unlimited credit cards, passport, visa, driver's license, #8 each student must have a personal doctor, personal dentist and other medical professionals, #9 Student's family must have properties outside the country, #10 Each students must know how to speak atleast 3 foreign languages."

Wala naman kaso sakin yung mga requirements dahil pasado kaming apat. Pero ang masasabi ko lang, masyado itong OA/Discriminating!

"See? Bagsak kayo sa requirement #3, ewan ko lang sa iba, but I doubt kung pasado rin kayo sa monetary requirements." Dirediretsong sabi nito. Napabuga na lang tuloy ako ng hangin.

"Tsss. Kung makapanglait ka wagas, eh sa pinayagan kami eh anong magagawa namin? Tsaka pwede ba? Tama na yang mga insecurities niyo, bakit ba kasi hindi niyo matanggap na nakapasok kami sa Royal Academy?" I asked. Napansin ko ang pagkunot ng noo nito.

"Maraming taong gustong makapasok sa Royal Academy, marami silang ginapang, inayos, ginastos para lang makapasa doon tapos kayong apat na hindi namin alam kung saan nagmula bigla na lang papasok sa eksena. What do you think others would think?" He said. Magsasalita na sana ako but I chose to shut my mouth. Wala akong mahanap na tamang salita.

Tahimik na lang kami hanggang makarating kami sa grocery store. "Alam mo bang maggrocery?" He asked. Umiling ako.

Napatss na lang ito at hiningi sakin yung listahan. Binigay ko sa kanya yung list at siya na ang humila ng cart. Sinundan ko na lang siya. Siya na nagturo ng mga magrogrocery tapos ako ang tagakuha.

Ilang beses ko ng sinubukang kumuha ng junk foods pero binabalik lang niya. Wala daw kasi yun sa listahan, grabe kabanas.

"Kumpleto na yan diba? Hindi naman siguro kawalan yung tatlong supot ng junk foods." I pouted. Naningkit ang mga mata nito at inirapan ako.

"Minsan kung ano lang ang hiningi yun lang ang ibibigay. Masama ang sobra." Sabi nito sabay tulak ng cart.

"Para sakin naman kasi yung sobra tsaka magbabayad naman ako eh!" Pagdadabog ko pero hindi niya ko pinansin. Dumiretso na lang siya sa counter at pumila.

"Hoy bantayan mo toh, titingin lang ako ng bibilhin ko." He said. Napabuga na lang ulit ako ng hangin, nakakainis! Yung grupo nila siguro, grupo ng mga bipolars! At ayun iniwan na ko! Nakakaasar.

Kulang na lang talaga sumingit ako sa pila, ang tagal naman kasi nung sa counter. And sa wakas ako na susunod. Agad kong nilagay yung mga pinamili ko sa counter. Nagulat na lang ako ng may kamay na tumulong sakin sa pagdiskarga ng mga pinamili ko.

Napatingin ako sa tumulong sakin, he smiled at me. Pero di ko alam kung anong irerespond ko. Maghehello ba ko? Magthethank you? Ewan ko eh.

Napatingin ako sa babaeng nasa counter na namumula ang pisngi habang nakatingin sa olalaking tumulong sakin. "Miss, matagal pa ba?" I asked. Napakurap kurap ito at inirapan ako. Nagulat na lang ako ng mabilis niyang natapos yung akin.

Nanlaki ang mga mata nito ng iaabot ko sa kanya yung credit card ko. Tumikhim muna ito bago swinipe yung card. Kumunot ang noo ko ng halos ibato niya sakin yung resibo at card ko. Tsss. Bastos.

Napatingin ulit ako sa loob ng grocery store pagkalabas ko. "Asan na ba kasi si Crimson?" I mumbled. Nakahanap naman ako ng bench at dun ko nilapag yung karton na naglagyan nila ng mga pinamili namin.

"Hi." Napatingin ako dun sa nagsalita. Yung lalaking tumulong sakin kanina.

"Hello." I said.

"Pwedeng umupo?" He asked. Napatingin naman ako sa tabi ko. Nandun kasi yung karton. Hinawakan ko yung karton para sana ibaba pero naunahan na niya ko.

"I'm Steve by the way, and you?"

"Jana."

"Hmmm Jana, may hinihintay ka?"

"Ah oo eh, nasa loob pa kasi siya." I said at napatingin ulit ako sa grocery store. Pero hindi ko pa rin makita si Crimson. "Ikaw?"

"Me? Wala naman." He grinned.

"Bak-- aray!!" I squealed ng maramdamang may humigit sakin sa braso. Napatayo tuloy ako at bumangga sa isang matigas na bagay.

"Dude, may problema ba?" Rinig kong tanong ni Steve. Napatingin ako sa humila sakin. Agad ko siyang tinulak at napalakas atah yun dahil napaupo siya sa sahig. Napalunok na lang ako when he glared at me. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili niya.

"Ano na namang plano mo Steve?" Tanong ni Crimson. Napalingon ako kay Steve. Kunot noo itong nakatingin samin habang nakapamulsa.

"Yung ate ko andun sa bahay nagpapagaling, ni hindi mo man lang siya nagawang bisitahin, tapos ito, nakikipagdate ka sa isang... Sa isang.. Tss. Anong klaseng fiancé ka?" He snorted.

Nakatingin lang ako kay Steve habang sinasabi niya yun. So, kaya lang pala niya ko nilapitan kasi kasama ko si Crimson. Akala ko mabait siya, manggagamit rin pala.

"Alam kong ayos lang sina Jheraine, and siya?" Turo ni Crimson sakin. "Isa lang siya sa mga tutors namin. So don't get the wrong the idea."

Napatingin sakin si Steve. "Sorry." He said. Hindi na ko sumagot. Kinuha ko na lang yung karton kanina at iniwan na silang dalawa sa loob. Narinig ko ang pagtawag nila pero hindi na ko lumingon.

Mabilis akong nakapunta sa sasakyan ni Crimson, I opened the door. Pero as usual nakalock. I pointed my nail dun sa lock at pinahaba yun. Narinig ko ang pagunlock ng pinto, kaya binuksan ko na yun at pinasok yung karton sa likod.

"How did you open it?" Tanong ni Crimson pagkalabas ko ng sasakyan. Napatingin ako sa likod niya, nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko nakita si Steve.

"Si Lhorraine nga nabuksan niya yung security lock ng headquarters niyo, tapos simpleng sasakyan lang sa tingin mo hindi ko mabubuksan?" I asked sarcastically.

"May pagkaclepto ba kayo?" Tanong nito. Napabuga na lang ako ng hangin. Inakusahan pa kaming magnanakaw ng walang hiya.

Umirap na lang ako at papasok na sana ng sasakyan ng maramdaman kong may humila sa saya ko.

"Mommy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top