Mission #14 Tutors
Dedicated to my favorite author :)
Sorry po natagalan itong UD ang hirap pa lang imeet yung 20 comments and votes. 15 na lang haha at per 1k reads ulit ako magUUD. Nawalan po kasi kami ng kuryente ng ilang araw dahil sa bagyo. Sana maenjoy niyo tong Mahabang UD ko.
----------------//////----------------//////-----------------
Halos tatlong linggo ding hindi pumasok ang mga Royals at halos tatlong linggo ding naging tahimik ang buhay ng mga nerds. Balibalita sa buong school na di umano'y nadisgrasya ang walo kaya dumagsa ang maraming fans sa hospital na pagmamay-ari nina Kimberly Jane Park.
"Kristine sino ba yang katext mo? Kanina ka pa text ng text diyan ah?" Tanong ni Jana dito habang nakaupo sila sa mga seats nila. Hinihintay na kasi nila ang susunod na teacher. Mabibilang lang sa dalawang kamay ang pumapasok since naconfine ang Royals. Hindi kasi maipagkakailang pumapasok lang ang karamihan dahil sa mga ito.
"Hmmm? Si Wave." Sabi nito at binulsa yung phone.
"Bakit mo katext yun? Parang kailan lang nung nag-away kayo ah?" Tanong ulit ni Jana.
"Eh sa nagtext eh, nanghihiram ng notes sa mga namiss nilang lessons." She said. Napatingin naman sa kanila si Lhorraine na may hawak ding cellphone, kung noon puro book ang binabasa niya, ngayon e-books na.
"Kawawa naman sila, bakit kailangan nilang ilihim sa mga tao na napaaway silang walo?" Tanong naman ni Rose.
"Diba nga hindi pwedeng mabunyag ang pagkatao nila bilang gangsters, siguro may mga bagay din silang pinoprotektahan." Sagot naman ni Kristine na inilabas ulit ang phone. Naramdaman kasi nito ang pagvibrate ng phone niya.
From: Alon
Nakauwi na kami from hospital pero under observation pa.
From: Kristine Sapphire
To: Alon
Talaga? Buti naman kung ganun. Get well soon. :)
"Ganyan na kayo kaclose? Eh bakit hindi mo siya dinalaw sa hospital?" Tanong ni Jana.
"Hmmm close lang kami sa text kasi mabait siya sa text, kabaliktaran sa personal, tsaka si Alon ang kaclose ko hindi si Wave." Irap nito.
"Huh?! Eh iisang tao lang naman sila ah?"
"Oo nga! Pero mas gusto ko ang ugali ni Alon." Kristine grinned at nagtext ulit.
Napabuntong hininga na lang si Jana, "Sasabihin ko kay Yancey na iconfiscate niya yan." Pagtataray nito.
"Papansin ka talaga eh noh? Eh di maghanap ka rin kasi ng katext mo!" Inis na singhal sa kaniya ni Kristine.
"Hindi ako papansin! At kung sayo lang naman ako magpapansin, I'd rather kill myself." Ganti naman ni Jana.
"Ayan na naman eh! Mag-aaway na naman kayo eh!" Singit ni Rose sa nagkukurutang dalawa.
"Good Morning class."
Natigil naman ang mga ito ng marinig ang boses ng teacher nila or rather yung adviser nila.
"I've got something to announce." Pasuspense na sabi nito. Nakapagtatakang nagsidagsaan ang mga dating absent na students.
"The Royals' conditions got a lot better now but unfortunately they couldn't come to school as prescribed by their personal doctors, so we had chosen few lucky individuals to be the tutors of those eight."
Sabay-sabay na napatakip ng tenga ang apat na nerds dahil sa biglaang pagtili ng mga students pati nga ibang students galing ibang section nagsitilian at nakiusyoso na rin.
"Ma'am I volunteer!" Sigaw nung isa. Tapos sunud-sunod na ang mga nagvolunteer. Halos lahat nagvolunteer na maliban sa apat.
"We appreciate your generosity but just like what I've said a while ago, we had already chosen 8 lucky individuals. We got four from this section, they will be the private tutors of the He Royals."
Nagtilian ulit ang mga students sa loob ng classroom.
"Ang ingay! Pwede bang lumabas na tayo?" Sabi ni Jana sa mga ito.
"Oo nga! Tara na!" Sabi naman ni Kristine. Nakatakip sila ng tenga habang sumisingit sa crowd palabas ng classroom.
"Settle down guys!" Sigaw ng teacher kaya tumahimik ang lahat. Pero patuloy pa rin ang mga nerds na pagsiksik sa sarili nila makalabas lang.
"Ms. Diamond, Ms. Ruby, Ms. Sapphire and Ms. Emerald." Natigilan ang apat at sabay-sabay pang napatingin sa kanila lahat ng students. Lahat sila nakatingin ng masama sa mga ito.
"Sorry po. Pwede po bang iba na lang? Mas marami naman pong interested na iba." Sabi ni Jana.
"No, the president personally chose you." Nalaglag ang panga ng apat. Kapag si Yancey na ang nagdesisyon wala na silang pwedeng gawin o sabihin to oppose it.
"Here is the map to their house, nakatira lang naman silang apat sa iisang mansyon." Mabigat sa loob ng apat ang paglalakad papunta sa teacher nila para kunin ang mapa.
"We expect so much from you guys." She smiled bago na tuluyang idismiss ang klase. Murmurs of disappoinment filled the air hanggang sa makalabas na lahat ng tao sa classroom.
"Tell me, this is so not happening." Nanlalaki ang mga mata ni Kristine habang nakatingin sa mapa.
Napabuntong hininga naman yung tatlo. "Well, si Yancey na ang nagsabi eh." Sabi naman ni Rose.
"Ano na gagawin natin?" Tanong naman ni Jana.
"We better get going, mas maaga, mas mabilis matapos. Nagtataka ako kung bakit tayong apat ang kinuha niya where infact hindi naman nakikinig during discussions si Kristine at Jana." Sabi ni Lhorraine.
"Oo nga, there is really something fishy behind all these." Gatong ni Kristine.
"Sumangayon ka naman? Eh para na ngang sinabi ni Lhorraine na bopols tayo." Irap ni Jana.
"Lhorraine how dare you!" Singhal ni Kristine dito.
"That's not what I meant. I was just thinking, ano ang maituturo niyo sa kanila kung hindi naman kayo nakikinig right? I meant no harm." Pagtatanggol nito sa sarili.
"Wag na kayong mag-away, gawin na lang natin ang makakaya natin. Maybe, pwede namang kaming dalawa na lang ang magdiscuss ni Lhorraine, gawin nating parang group study may study room naman siguro sila." Sabi naman ni Rose at kinuha na yung mapa at inilagay sa bag nito.
"Okay tara na." Sabi ni Lhorraine sa mga ito. Lumabas na sila ng school at sumakay sa kotse nila. May photographic memory ang apat kaya hindi na nila tinignan ulit yung mapa.
Halos hindi sila nagulat sa laki at lawak ng gate ng bumati sa mga ito. Kung tutuusin mas malaki pa ng limang beses ang gate ng mga kaharian nila kaysa dito. May iniabot namang letter si Lhorraine sa guard sa harap ng gate. May pinindot lang ito at automatic ng bumukas ang gate.
3 minutes bago sila nakarating sa tapat ng mansyon mula sa gate. Masyado kasing malawak ang bakuran nila sa harap. May mga butlers na lumapit sa kanila at pinagbuksan sila ng pinto.
"Nakahanda na po ang mga senyorito sa study room." Sabi ng nakasalamin na butler.
"Dito po ang daan." May dalawang butlers na nagbukas ng main door. May apat na maid na bumati sa kanila.
"It surely brings back memories." Sabi ni Rose habang naluluhang napapatingin sa mga bumabati sa kanila.
"Nakakahome sick." Komento naman si Kristine.
Anim na pasilyo ang nadaanan nila bago sila tumigil sa tapat ng isang malaki at mabigat na pintuan. Madali lang namang naitulak yun pabukas ng butler at walang tunog na nagmula dito.
Pumasok ang apat at narinig nila ang paglock ng pinto sa likuran nila.
"Huh? Nilock ba niya?" Tanong ni Jana. Lumapit ito sa pinto at pinihit yung seraduha pero hindi ito bumukas.
"Wag mong pwersahin masisira." Babala sa kanya ni Lhorraine. Agad naman itong binitawan ni Jana at itinaas ang mga kamay na para bang sumusuko.
"Oh andito na pala kayo." Napatingin silang apat kay Leif na kasalukuyang kumakin ng chichirya. Lumapit ito sa apat. Nakapambahay lang ito. Simpleng shorts at simpleng tshirt, nakafliptops nga lang din ito.
"Pinadala kami ng school." Sabi ni Lhorraine.
"Oo tumawag nga sila kanina." Nakangiting sagot ni Leif.
"Dun na tayo, andun na sina Crimson." Sabi ni Leif at tinuro ang isa pang door sa loob ng room. Sumunod naman sa kaniya yung apat at si Leif pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa mga ito.
Kumunot ang noo ng apat ng maabutang naglalaro ng video games sina Crimson at Wave habang si Ashton ay nasa sulok at may katawag sa phone.
"Guys andito na mg tutors natin!" Announce ni Leif. Natigilan naman yung tatlo at napatingin sa apat. Si Ashton agad na nagbabye sa katawag at binulsa yung phone. Si Wave at Crimson naman agad na pinatay yung nilalaro nila.
"Mukhang okay na naman kayo? Bakit hindi na lang kayo pumasok sa school?" Tanong ni Jana.
"Mmm kasi yun ang sabi ng doctor namin?" Natatawang sabi ni Leif. "Sige na, behave naman kami eh. Ayun yung white board kung gusto niyong gamitin." Lahat na sila umupo sa U-shape table tapos sa gitna nakalagay yung white board. Si Kristine at Jana naman umupo lang sa couch sa gilid.
Si Rose umupo sa tabi ni Leif at si Lhorraine naman pumwesto na sa harap ng white board.
"Let's start with calculus." Sabi ni Lhorraine.
During discussions hindi na nakinig si Crimson at Wave busy ang mga ito sa pagtetext. Si Ashton nakasalpak lang ang earphones sa tenga at si Leif lang ang nakikinig. Si Kristine, nakaupo sa gilid ng bintana at pinapanood ang pag-agos ng patak ng ulan dito.
Si Jana naman tulog na sa couch.
"Break muna!" Sigaw ni Crimson. Saglit namang natigilan si Lhorraine. Kalauna'y inilagay na niya ang takip ng marker at binalik ito sa pinagkunan niya.
"Luhh Crimson uso magexcuse!" Saway sa kanya ni Leif. Napairap na lang ito at sumandal sa swivel chair niya. Kahit nga sa mga teachers hindi ito nakikinig kay Lhorraine pa kaya? Sa no. 1 na kaaway nila?
"Umuulan." Lahat sila napatingin kay Jana na kagigising lang at naglalakad papuntang bintana.
"Titila din yan mamaya." Sabi ni Lhorraine. Lumapit silang dalawa dito at hinila palayo sa bintana.
"Anong problema sa ulan?" Tanong ni Crimson sa mga ito.
"Madaling magkasakit si Jana, kaya iniiwasan naming mabasa siya ng matagal. Lalo na kung malamig ang tubig." Palusot ni Rose. Ang totoo'y kahinaan ng mga Fire Demons ang tubig, maari nila itong ikamatay.
"Tsss weak." Irap sa kanya ni Crimson, pero nagulat na lang ito ng ginantihan siya ni Jana ng weak smile. Nag-iwas na lamang ito ng tingin at umupo sa gilid.
"Sa tingin mo Lhorraine, mas mabuti kayang tig-iisa na lang tayo ng tututor'n? Mas makikinig sila." Sabi ni Rose.
"Yeah I guess you're right. Isipin na lang natin mamaya kung sino ang tuturuan natin."
May tatlong maid ang pumasok sa study room ang bawat isa dito ay may bitbit na tray. Yung isa, 2 pitchel na may juice. Tapos yung kasunod niya may dalang cookies, tapos yung huli may dalang mga baso at table napkins.
Umupo na sila sa mga couch, yung isang pitchel para sa royals, yung isa naman para sa mga nerds.
"Pagpasensyahan niyo na yung meryenda." Sabi ni Leif sa mga ito.
"Okay lang, hindi naman kami ganun kagutom." Sagot naman ni Rose.
"Hanggang anong oras kayo dito?" Iritableng tanong ni Crimson habang nakatingin siya kay Jana na maganang kumakain at halos hindina ngumunguya. Napapangiwi na lamang siya.
"I think hanggang matapos lahat ng dapat naming idiscuss. Babalik pa kami sa mga susunod na araw. Be thankful, we are doing this out of pity." Cold na sabi ni Lhorraine na mas lalong nakapagpainit ng ulo ni Crimson.
"Well, thank you." Ngiting sagot ni Leif. Pero hindi siya ginantihan ng ngiti ni Lhorraine. Sa apat na nerds, si Lhorraine ang kayang magbasa ng mga tao. She cannot read minds but she can conclude base on actions and expressions.
At ang proper description na bumabagay kay Leif ay ang term na, 'PLASTIC'.
Sa mga He Royals, si Leif ang pinakamadaling basahin, sunod si Wave tapos si Crimson. Pero hanggang ngayon hindi pa niya nababasa ang mga kinikilos ni Ashton.
Uminom ng juice si Ashton habang nakatingin siya kay Lhorraine, forte ng mga gangsters ang basahin ang mga kalaban nila. Pero kahit sino man sa mga Royals hindi kayang basahin kung ano ang iniisip ng apat na nerds.
Halos dalawang buwan ng na ka'y Lhorraine ang mga informations about them. Pero hanggang ngayon wala pang naglileak. Wala silang ginagawang masama against them. They were all acting like they know something big about them pero parang wala lang sa kanila ito.
Parang hindi sila natatakot and they are all just acting normal. Para silang malaking puzzle na dapat isolve pero maraming nawawalang pieces.
"Okay, back to work na tayo!" Masiglang sabi ni Leif. Agad namang pumasok yung mga maids at niligpit yung mga pinagkainan nila.
"Ah napag-usapan na namin kaninang tig-iisa na kami ng tuturuan sa inyo." Sabi ni Rose.
"Sure kayo? Eh anong alam ng dalawang yun?" Turo ni Crimson kay Jana at Kristine na kasalukuyang nag-aagawan sa couch.
"Wag mo silang maliitin Crimson, hindi mo lang alam pero mas matalino pa sila kaysa kay Ash." Lhorraine smirked na mas lalong nagpakunot ng noo ni Ashton. He doesn't like her sound. She's belittling him.
"Jana! Kristine!" Tawag ni Rose sa mga ito. Agad naman silang lumapit.
"Magtuturo din kayo--"
"Huh?! Anong alam ko diyan?!" Hysterical na tanong ni Kristine.
"Here's the book. Aralin niyo." Binigyan sila ni Lhorraine ng tig-iisang book. Agad namang iniscan yun nina Jana at Kristine.
"Okay, memorize ko na." -sabi ni Jana.
"Yeah, madali lang naman pala." Sagot naman ni Kristine at sabay pa nilang sinara yung libro.
"Impossible! How could you memorize the book just my scanning it?" Natatawang tanong ni Wave sa mga ito.
"Why don't you try us?" Panghahamon ni Kristine at binato sa kanya yung libro.
Kumunot ang noo ni Wave at inopen yung libro. "Tsss whatever! Pwede bang magstart na tayo ng matapos na. Kaw magtuturo sakin panget." Irap nito kay Kristine.
"W-what?! Did you hear what he said? Tinawag niya kung pangit!" Pagsusumbong nito kina Rose.
"Sa current na itsura natin Kristine, yun talaga ang no. 1 definition natin." Sagot naman ni Rose.
Nagdadabog na lang itong sumunod kay Wave na dumiretso sa isang table na napapalibutan ng book shelves para talagang may privacy sila.
"Lhorraine--"
"Si Rose ang magtuturo sayo." Singit ni Lhorraine sa sasabihin sana ni Leif. Napanguso na lang ito at hinila si Rose sa pwesto nito.
"Jana kay Crimson ka, alam kong marami pa kaming dapat pag-usapan ni Ash." Bulong ni Lhorraine kay Jana. Napatango naman ito at lumapit kay Crimson.
"Akala mo ginusto ko toh? Napalitan lang ako noh!" Pagtataray nito kay Crimson.
"Bakit akala mo rin ba natutuwa akong ikaw ang tutor ko? Mas gugustuhin ko pang pwersahin ang sarili kong pumasok!" Sumbat ni Crimson.
"Aba't--"
"Oh ano sasagot ka pa?!"
"Grrr! Whatever! Papahirapan talaga kita hanggang mamatay ka bwisit ka!" Irap ni Jana at nagmartsa na sa isang bakanteng study table.
.
.
.
.
LEIF's POV
"Ganun ba talaga si Lhorraine? Lagi na lang siyang nakakatakot." I pouted habang nakatingin ako kay Rose na ngingiti-ngiti lang habang nagsusulat.
"Hindi ka na nasanay dun. Kailan ba naman yun ngumiti?"
"Diba ngumingiti naman siya sa inyo?" I asked.
"Oo, pero paminsan-minsan lang. Tsaka mabait naman siya pagnakilala niyo siya ng mabuti."
Si Rose yung tipong mabilis makagaanan ng loob. Everytime kasi na nagsasalita o ngumingiti siya laging kumiskislap yung mga mata niya. Taliwas sa sinasabi nina Wave, hindi ko ginagamit si Rose para sa problema namin.
Si Rose kasi yung tipong dahil sa sobrang bait niya, madali lang siyang maabuso at magamit. My intention to her is pure. Hindi ko siya gagamitin. Gustong-gusto ko talaga siya bilang kaibigan. I like talking to her, seeing her smiles.
I love how she cares on her sisters and to others. That's how tough she is, others first before herself.
"Uyy Leif, hindi ka naman nakikinig eh." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Sumandal siya sa chair at humalukipkip habang nakanguso.
"Hahaha sorry, asan na nga ulit tayo?" Napakamot ako sa ulo ko. Masyado na atang napalayo ang iniisip ko.
"Hmpt, etoh na nga...."
Pinagmasdan ko na lang siya habang nagsasalita. Kapag titigan mo talaga siya, hindi mo masasabing pangit siya. She has long thick eyelashes, big round eyes, pointy nose, rosy cheeks and reddish lips.
Kumunot ang noo ko, bakit nga ba ngayon ko lang ito napansin? They are not as ugly as what we think of them! May itinatago sila, and they did great of that. Naitago nila ang totoo nilang itsura using those disguise.
And now, they are more intruiging than before. Just who are they?
WHO ARE THESE MYSTERIOUS NERDS?
.
.
.
.
.
WAVE's POV
"Aminin mo! Hindi ikaw yung katext ko diba?" She asked for the nth time. Nakakairita nakakainis. Ang tinis pa naman ng boses niya.
"I told you for the nth time na ako nga yun." Irap ko at tinuloy ang pagsagot sa ginawa niyang questionnaires.
"Eh bakit ang sama pa rin ng ugali mo sa personal? Okay ka naman sa text ah?" She pouted. Napabuga na lang ako ng hangin at napairap sa kawalan.
"Can't you just be thankful na mabait ako sayo kahit sa text lang?" Irap ko at tinuloy ko ulit ang pagsusulat.
Naramdaman ko na lang na may kung anong malambot na bagay ang dumapo sa braso ko. Lumingon ako sa kanya and saw her na nakaubob sa desk at humihikbi.
Nanlaki ang mga mata ko.
"H-hoy ayos ka lang? May masakit ba sayo? Ano? Uyy. Ano bang problema?" Sunud-sunod na tanong ko not minding those papers and books na nahulog sa sahig.
Patuloy lang ito sa paghikbi hanggang sa umiyak na talaga ito ng medyo malakas. Buti na lang hindi pa kami nakakaagaw ng atensyon.
"Sshhh! Kristine! Ano bang nangyayari sayo? Will you stop?" Yugyog ko sa kanya pero patuloy lang ito sa pag-iyak. Napasabunot na lang ako sa buhok ko in frustration.
"Okay! Gagawin ko lahat ng gusto mo just stop crying!" Bigla siyang bumangon at tumingin sa direksyon ko. Her hair was swamped on her face.
"Pffft you look like a mess!" I laughed. Bigla siyang nagpout na para bang maiiyak ulit.
"Sshhh! Tumigil ka na nga! What is it you want?" I asked. Agad niyang inayos ang sarili niya at inilahad yung kamay niya na parang may hinihingi.
Kumunot ang noo ko.
"Panyo mo, engot." She sniffed. Napairap na lang ako sa kawalan at dinukot yung panyo sa bulsa ko.
"Mahal yan palitan mo." I said. Umirap ito at humarap sa ibang direksyon to fix herself. Pinulot ko yung mga nahulog sa sahig at inayos yun sa mesa.
"Gagawin mo lahat ng gusto ko diba?" She asked. Napatingin ako sa kanya. She's fixing her eyeglasses and her hair na tumakip sa mukha niya.
"Tsss okay, ano bang gusto mo?"
"Maging mabait ka sakin." Diretsong sagot nito.
"Maging mabait sayo?! Are you out of your mind?! Pano ako magiging mabait sayo eh may atraso kayo samin?" I asked. Kumunot ang noo niya.
"FYI lang ha?! Wala kaming atraso sa inyo! At kung magbibilangan tayo ng atraso, aba't nakakalamang atah kayo." Irap nito.
"What?! Malaking atraso na yung nalaman ni Lhorraine ang mga lihim namin." I said.
"Tanga ka ba? So, kasalanan na ngayon ni Lhorraine na matalino siya?! Magiging atraso lang yun kung ipagkakalat niya yun. Pero hindi nga diba?! Kaya wala pa kaming atraso sa inyo! Tsss utak naman."
"Aba't kanina ka pa ha? Gusto mo ba kong maging mabait o hindi?" Pamblablackmail ko. Sa itsura nito mukhang hindi siya sana'y na may kaaway siya. Madali lang kasi siyang napapaiyak siguro lagi siyang napapamper.
"Siyempre gusto. So peace na tayo? Friends?" Naglahad siya ng kamay. Napatingin ako dun tapos sa mukha niya. She's grinning showing those full sets of braces. Nakakasuka.
"Unfortunately, friends." I shook her hand pero agad ko ring binitawan yun. Mag-aalcohol ako dapat mamaya. Napatingin ako sa kanya. She's grinning from ear to ear habang nakatingin sakin.
It's creepy you know? Kinuha ko na lang yung mga papel na sinasagutan ko at hindi ko na ulit siya pinansin.
.
.
.
.
CRIMSON's POV
"You are here to tutor me and not to sleep." I mumbled habang nakatingin ako sa tulog na tulog na si Jana. Nakaubob siya sa desk at nakaharap sa direksyon ko. Kulang na lang talaga saksakin ko siya ng ballpen sa leeg para magising na siya.
Tapos ko na rin yung mga pinapasagutan niya and infairness madali ko lang nagets yung mga tinuturo niya sakin. Para bang memorize ko na rin yung buong book.
Tapos ko na nga ring drawing'n yung mukha niya sa sobrang bored ko.
"Mmm. Tapos mo na? Patingin?" Agad akong nagtakip ng bibig to restrain myself from laughing. Iniabot ko sa kanya yung papel. She rubbed her eyes then fixed her glasses.
"Pffft... Ehem.." I cleared my throat. Delikado na baka makahalata siya. She looks like a mouse now. I drew whiskers on her cheeks then a black spot on her nose.
I always clear my throat as I chuckle. "Grabe ang kati ng lalamunan ko." I excused.
"Kanina pa ko nakakahalata sayo ah? Pinagtatawanan mo ko eh." Natawa na talaga ako ng tumingin siya sakin. I even drew a big black circle on her eyes pala.
"What's so funny?" Kunot noong tanong niya.
"W-wala, I just remembered something." I chuckled.
"You're lying. You're laughing at my face!" Singhal niya sakin. She crumpled the papers I gave her at binato sakin saka siya nagmartsa papuntang salamin at humugot ng tissue sa tissue box sa table sa ibaba ng mirror.
Tawa lang ako ng tawa habang nakatingin ako sa reflection niya. Nanlaki ang mga mata niya when she saw what I did. She rubbed the tissue paper on her face but unfortunately I used a permanent marker.
"Just accept that piece of art on your face, hindi na mabubura yan, I used a permanent marker." I grinned. She bit her lower lip at napahawak ng mahigpit sa tissue box. I saw kung pano pumula ang mga mata niya while trying to take off what I drew.
Nanlaki ang mga mata ko habang patuloy lang siya sa pagkuskos sa mukha niya hanggang sa magsugat na ito.
Agad akong lumapit sa kanya and grabbed her hand. Tinapon ko na yung tissue sa waste bin sa tabi ng desk.
"Balak mo bang sirain yang mukha mo?!" I snorted.
"Sa tingin mo after ng ginawa mo hindi pa ba sira tong mukha ko?!" Napaatras ako ng biglang tumulo ang mga luha niya. I let go of her arm. Napaupo siya sa seat niya at tinakpan ang mukha niya habang umiiyak.
I've seen many girls cry because of me but I never felt guilty about it, not until now. I've suddenly had this urge to hug her pero pinipigilan ko ang sarili ko. Parang ngayon ko lang inamin sa sarili ko na what I did was wrong and I've gone too far.
"Tama na wag ka ng umiyak, may cream ako sa kwarto to remove that, ipapakuha ko na lang." I said with the mildest voice I could. My hands were trembling as I push the intercom button. Agad kong pinakuha yung cream at wala pang 1 minute may maid ng dumating at inabot sakin iyon na nakatray pa.
Kukunin na sana ni Jana yung cream pero iniharang ko na yung kamay ko. "Let me." I said.
"Hindi, wag na. Ayokong makita mo ang mukha ko kapag tinanggal ko tong eyeglasses ko." She said with sadness on her eyes. Napabuntong hininga na lang ako. Tinuro ko sa kanya yung washroom dito sa loob ng study room.
Mabigat ang pakiramdam ko habang hinihintay ko siyang matapos. Ginulo-gulo ko na nga yung buhok ko at umubob sa mesa in frustration. Mas masahol pa toh kaysa sa feeling na magpaiyak ng bata.
"Thank you." Napatingin ako sa kanya habang inaabot niya yung cream. Kinuha ko yun at nilapag sa desk. Hindi ko na ulit nagawang lumingon sa kanya. Nakatingin lang ako sa cream at pinapaikot-ikot yun sa desk.
"Ah s-sorry nga pala." I said. I almost curse myself for stuttering.
Kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumawa, "okay lang yun ano ka ba. Sana'y na ko sa ganyan. Lagi kaming nag-aasaran ni Kristine eh, pero hindi ko pa natry ang permanent pen. You really gave me a bright idea." She grinned.
"So, Bad Influnce pala ako?" I chuckled.
"Yeah, irarason ko na lang na ikaw nagturo nun." Then we laughed.
.
.
.
.
.
.
ASHTON's POV
I really hate how she looks at people. She possesses those cold-looking eyes that can freeze your very soul. Parang wala sa vocabulary niya ang word na intimidation.
Kahit sino manliliit sa mga tingin niya, para bang sinasabi ng bawat tingin niya na, Better watch your moves, I know everything about you.
Her arrogance always pisses me off.
"About the informations I got." Pagsisimula niya. Inilapag niya yung bag niya sa desk at dalawang susi. "I've got here all my flashdrives, my laptop, my phone, all my gadgets." Kumunot ang noo ko.
"Why are you giving me all these?"
"You can put some tracking device or whatever you call it, para mamonitor niyo lahat ng transactions ko electronically. Ito lang naman ang ang kailangan niyo diba? Ang closure na hindi kakalat ang mga nalaman namin?"
Inilabas ko yung laptop ko at ikonokek sa laptop niya. Kaya kong iretrieve lahat ng mga deleted files ng kahit ano bang gadgets without even using the internet. Kumunot ang noo ko ng makitang ang first and last usage ng laptop niya any yung araw na nakuha niya yung infos about us. She didn't save the file or any copy of it. I tried her phone, all her gadgets pero ni isa sa mga ito eh walang connected sa laptop niya.
And one puzzling thing about this is, her laptop does not have bluetooth or any network connecting applications, wala ring internet itong laptop niya, like it's only intended for encoding purposes and saving data.
"If you're not satisfied of what I've shown you. Here's the key to our house and to our rooms. Identical lahat ng susi ng rooms namin, you are free to search anytime." Dahan-dahan niyang tinulak papalapit sakin yung mga susi.
"No, I've seen enough. And I trust your words. But still we need to be secured." Iniabot ko sa kanya yung folder kung saan nakalagay yung mga ginawa kong kontrata noon pa. Nakasaad dun na I'll sue her even though she's still a minor if those informations leak in her purpose.
Kinuha niya yun at saglit na binasa and she didn't even think twice before she signed it.
"So we have a deal Mr. Greyson. Pero lugi naman atah kami niyan. Anong mapapala namin sa pananahimik namin?" She raised the folder.
"You'll get the normal life you've been asking for." Paninigurado ko sa kaniya. She fixed her glasses at iniabot sakin yung folder.
"Then we have a deal, Mr. Greyson." Nilahad niya yung kamay niya. Napatingin ako dun then held it.
"It's a deal, Lhorraine. It's a deal."
----------------
Sa wakas natapos rin yung UD. XD
Comments and Votes please :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top