Mission #12 Moments

"Kayo na maglinis diyan, wag kayong umasang tutulungan namin kayo." Irap ni Crimson sa mga Nerds. Ang locker room sa likod ng gymnasium ay parang dormitory ang itsura dahil may marami pang ibang sports ang may locker room sa building na toh.

"Lhorraine, samin na lang ni Jana yung mga nasa second floor kayo na ang bahala sa taas." Suggestion ni Rose, kung tutuusin, may anim na locker room per floor lang naman kaya kayang-kaya na ng mga nerds.

"Crimson, mapapagalitan tayo, baka pati yung She Royals madamay dito." Bulong ni Leif kay Crimson.

"Sa tingin mo ba marunong maglinis ang mga yan? Eh sarili nga nila hindi nila maayos eh." Bulong din ni Wave. Napatingin silang apat sa apat na nerds na naglalabas ng mga cleaning tools sa naglagyan nilang drum mula sa stock room kanina.

Parehas na mop ang nakuha ni Jana at Kristine napatingin sila sa isa't isa at nagsimula ng magespadahan. Si Lhorraine at Rose naman busy lang sa pag-aayos ng mga gagamitin. Habang ang mga He Royals ay laglag ang pangang nanonood sa dalawa na nagfefencing.

"Uyy tama na yan! Ituturo na ni Lhorraine kung anong gagawin natin." Sabi ni Rose. Agad namang naghiwalay yung dalawa at lumapit kay Lhorraine na nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Rose. Ano nga ba naman ang alam niya sa paglilinis eh isa din siyang prinsesa?

Sinabi ni Lhorraine ang name ng bawat gamit. "Hindi ko alam kung anong gamit ng mga yan eh." Nahihiyang sabi nito.

"Mga Abnormal ba kayo?!" Biglang singit ni Crimson at hinablot mula kay Jana yung isang mop. "Sasama ka sakin." Bigla niyang hinila si Jana at pinagbuhat ito ng mga gamit sa panglinis.

"P-pero hindi ko alam kung pano maglinis." sabi nito habang sumusunod kay Crimson na nakahawak lang ng isang mop. Sa paninira ng mga bagay-bagay magaling si Jana.

"Tuturuan na lang kitang maglinis." Yaya naman ni Leif kay Rose.

"Huh? Naku hindi na kaya naman namin." Nahihiyang sabi nito at inayos yung eyeglasses. Napansin ni Leif ang pamumula ng pisngi nito.

"Okay lang yun, parusa na rin namin ito sa pagjujudge sa inyo. Sorry nga pala sa ginawa ng She Royals." Napahawak pa sa batok si Leif habang nahihiyang nagsosorry sa tatlo.

"Mmm, okay lang yun." Rose smiled at him. Kumuha na rin sila ng cleaning tools at sumunod kina Jana at Crimson.

"Uyy, sasama ka sakin." Turo ni Wave kay Kristine pero umirap lang ito sa kanya.

"Si Lhorraine ang gusto kong kasama." Nakangusong sabi nito. Napatingin sa kanya si Lhorraine. Pero kalauna'y napabuntong hininga na lang sila dahil hindi talaga nila alam kung pano maglinis.

"Etoh buhatin mo lahat yan." Muntikan ng matumba si Kristine sa dami ng cleaning tools na binigay sa kanya ni Wave.

"Hindi mo ba ko tutulungan?" Tanong nito pero inirapan lang siya ni Wave. Nagdadabog na lang ito at parang bubuyog na bulung ng bulong. Sila naman ang bahala sa first three rooms sa baba.

Nagkatinginan si Lhorraine at Ash pero nag-iwas din sila ng tingin. Tahimik lang silang kumuha ng kanya-kanyang cleaning tools at dumiretso na sa locker room.

CRIMSON's POV

Ano ba kasing ginagawa ko dito? At bakit ko tinuturuan itong nerd na tong maglinis?! Kababaeng tao walang alam. Kasalanan toh ng mga SHE ROYALS eh. Hindi nila inilugar ang pagkawarfreak nila tsss.

"Hoy unahin mong tanggalin yung mga spider webs sa kisame!" Utos ko. Nakaupo lang ako dito sa labas ng locker room, ayokong madumihan, tsaka nadamay lang naman kami dito kaya magdusa sila. Kumuha siya ng walis at sinubukang abutin yung kisame. Tssss tanga as if maabot niya eh ako ngang 6 footer hindi ko maabot yan.

Nakita kong umirap siya sakin at may kinuhang hagdan sa likod ng pintuan. Umakyat siya doon at nilinis yung mga spider web.

Napatingin ako sa may di kalayuan si Leif na busy din sa paglilinis. Kahit kailan talaga masyado siyang gentleman. Nakarinig ako ng malakas na kalabog. Pagkatingin ko sa loob nasa sahig na si Nerd at nabagsakan ng hagdan sa paa.

"H-hoy! Ayos ka lang?" I asked after kong tumakbo papunta sa kanya.

"A-aray." She squealed. Napangiwi siya ng buhatin ko siya at ipaupo sa upuan. Tinaas ko konti yung palda niya. Tsss hindi ako manyakis titignan ko lang kung nasugatan siya.

Namumula yung part na nabagsakan at napapangiwi siya kapag hinahawakan ko yun.

"Masakit?" I asked.

"Eh kung ihampas ko kaya sayo yung hagdan?" Pambabara nito sakin.

"Tss ikaw na nga tinutulungan kaw pa galit?!"

"Eh bakit kasi sobrang gentleman mo?! Buti pa si Leif--" hindi ko na siya pinatapos at sinuntok yung locker sa tabi namin. Nayupi yung pintuan nito. Nanlaki ang mga mata niya at napalunok.

"Ang ayoko sa lahat, yung kinokompara ako sa mga kaibigan ko." I hissed. Nag-iwas siya ng tingin at inayos yung glasses niya.

Umupo ako sa sahig at sumandal sa locker. "Kaya mo pang maglinis?" Napatingin ako sa taas, tapos na rin naman siyang mag-alis ng spider webs. Tumingin siya sakin at tumango.

"Dun na muna ako sa bintana habang masakit pa." She said at paika-ikang kumuha ng panlinis ng windows. Nagspray-spray lang siya at pinunasan ito. Napabuntong hininga na lang ako at sinimulan ng linisin yung mga lockers.

Pagsasabihan ko mamaya yung mga gumagamit dito. Swerte nila dahil ako ang naglinis ng locker room nila. Dapat nilang ituring yun na karangalan.

ROSE EMERALD's POV

"Ayan tapos na tayo dito sa unang room." Nakangiting sabi sakin ni Leif. Sa mga Royals sa kanila lang ni Bea ako hindi takot at magaan ang loob ko sa kanila. Hindi kasi sila gaya nung anim na laging nananakit at nagsasalita ng masasakit.

"Gusto mong magmeryenda? Bilhan na rin natin yung iba." He said.

"Mmm sige, sigurado akong gutom na yung mga yun lalo na si Jana." I laughed.

Ngumiti lang siya sakin at lumabas na kami, siya na ang nagpaalam sa mga Royals na aalis muna kami.

"So, magkwento ka naman about sa mga kapatid mo. We really find it weird na quadruplets kayo tapos walang magkamukha at magkakaiba kayo ng ugali." He said. Inayos ko yung eyeglasses ko.

"Si Lhorraine, siya ang panganay, matalino siya at seryoso. Obviously lagi siyang nagbabasa ng libro, sabi nga nila ang mga kambal naiintindihan ang iniisip ng bawat isa, pero kami hindi rin namin mabasa si Lhorraine."

"Si Jana ang bunso, siya ang pinakahot headed at warfreak saming tatlo, pasaway yun." I laughed.

"Tapos si Kristine, second youngest, sensitive yun at iyakin pero gaya ni Jana, warfreak din yun kaya sa mga banggasn namin ng mga She Royals, silang dalawa lagi ni Jana ang humaharap sa kanila." Medyo bitter na sabi ko. Ayoko talaga ng away, sa Underworld lang ako pwedeng makipag-away, sa underworld ko lang pwedeng ilabas ang galit ko.

"Parang ganun lang din saming He Royals." He laughed. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

Ang gwapo talaga ni Prince Leif!

Bagay talaga niyang magmodel!

Kyaahhh ang hot niya!

Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang mga papuri nila kay Leif. Agad akong nanliit sa sarili ko. Hindi ako dapat tumatabi sa isang katulad niya. Dito sa mundo nila sila yung tinitingala. Dito sa mundo nila kami yung minamaliit.

"Rose? Is there something wrong?" Napatingin ako kay Leif sa pagtawag niya sakin. Ilang hakbang na rin ang layo niya sakin.

"No, I was just wondering if this is normal for you." I said. Kumunot ang noo niya at lumapit sakin.

"Yung mga sinasabi nila? I always get hit on." Nakangiting sabi niya.

"Ayos lang ba na kasama mo ko? Hindi ka ba nahihiya? You see mataas ang posisyon mo dito, ako--" I froze when he suddenly held my hand.

"Sa tingin mo ganun ba akong klase ng lalaki?" Nag-iwas ako ng tingin. Napatingin ako sa mga kamay namin when he suddenly intertwined our fingers.

"Bahala na silang mainggit ang mahalaga ikaw ang kasama ko ngayon. At habang nasa tabi mo ako, isipin mo, isa ka ring prinsesa." Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng pisngi ko habang nakatingin ako sa mukha niya.

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng tinatawag nilang holding hands. I could feel his warmth and it made my heart pound just as hard. I didn't know a person's touch could be so warm and comforting.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Sinara ko na lang ang tenga ko sa mga naririnig kong bulung-bulungan. Nakarating kami sa cafeteria, umorder siya ng isang box ng pizza at coke in can para saming lahat.

"Ah ako na ang magbabayad yung share namin." I said at inilabas yung wallet ko pero marahan niya lang itulak yung kamay ko.

"I don't let girls pay." He smiled. Napanguso na lang ako at binalik yung wallet ko sa bag ko. Pagbalik namin, siya na bumuhat nung mga drinks at pizza. Dun na kami sa locker room na nalinis namin kami nagmeryenda.

"Rose, injured tong si Jana." Sabi ni Crimson, napatingin kami kay Jana na nakayuko lang at busy na sa paglamon.

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" Sabi naman ni Lhorraine at pumunta sa tabi nito.

"Saan masakit?" She asked.

"Diyan sa right leg." Sabi naman ni Jana, kinuha ni Lhorraine yung paa niya at minasahe ito. "Hindi ka kakain Lhorraine akin na yung share mo?"

Natawa na lang kami ni Kristine pati si Lhorraine nakangiting napailing na rin.

"Ganyan ka ba katakaw?" Tanong ni Crimson pagkakagat ni Jana nung Pizza.

"Hwindwi akwo mwatwakwak!!"

"Tch gross!" Irap naman ni Wave. Napalunok naman si Jana bago nagsalita.

"Sorry naman, gutom lang." She grinned.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Ash kay Lhorraine. Napatingin ito sa kanya coldly. Pagdating kasi sa mga tao sobrang cold talaga ni Lhorraine.

"Wala." Tipid na sagot nito.

"Hindi talaga mahilig kumain si Lhorraine." Singit naman ni Kristine sa usapan.

"Hindi ka nakakakuha ng proper nutrition." Sabi naman sa kanya ni Ash. "Here, sayo na lang itong isa pang share ko." He said at iniabot kay Lhorraine. Hindi talaga mahilig kumain si Lhorraine dahil sa lahi nila. Dapat lagi silang light para mas maging effective yung powers nila.

Kinuha naman ni Lhorraine yung pagkain at umupo ng maayos. Nagamot na rin naman niya yung paa ni Jana.

"Etoh lagyan mo ng ketchup."

Lahat kami natahimik sa pagiging caring ni Ash kay Lhorraine. Lahat kami parang takot na magcreate ng ingay. Napapatingin kami sa isa't isa sa simpleng pag-abot ni Ash ng tissue at pag-open ng coke in can ni Lhorraine.

"Bakit kayo ganyan?" Lahat kami napatingin kay Jana na tanging naglakas ng loob magsalita. Nagkatinginan naman si Lhorraine at Ash.

"Bakit?" Tanong ni Ash dito.

"May something ba kayo?" Gatong naman ni Crimson.

"Anong something?" Inosenteng tanong ni Lhorraine.

"Hmmm. Wala dalian niyo na lang diyan ng matapos na tayo dito." Sabi naman ni Crimson at tumayo na. "Ikaw mukhang okay ka naman eh. Tara na." Hila niya kay Jana.

"Ouch ah! Ang harsh mo naman! Pwede mo namang sabihin ng maayos eh." Irap nito.

"Hindi ako nakikipag-usap ng maayos sa mga panget." Tinapakan ni Jana yung paa ni Crimson na napahophop ito sa sakit. Natawa na lang kami habang pinapanood silang naghahabulan.

"Akala ko ba injured yun?" Natatawang sabi naman ni Wave.

KRISTINE SAPPHIRE's POV

Agad kong inubos yung coke in can ko at dumiretso na ko sa pangalawang locker room na nililinis namin. Gusto ko ng matapos ito dahil hindi ko na matiis ang ugali ng Alon na toh.

"Hey panget sipag natin ah?" Inirapan ko na lang siya at tinuloy ang pagmomop sa sahig. Kanina pa ko nabwibwisit sa pambabara at panlalait niya sakin.

"09*********, nakuha ko pala number mo sa class president natin. Itetext kita ha?" He laughed. Nakakainis pati ba naman cellphone ko kailangan ko ng idispatsa para makaiwas lang sa kanya?

"Kung ayaw mong tumulong pwede bang lumayas ka na lang?" Irap ko.

"Ayoko nga! Mapagalitan pa ko noh." Sabi nito at umupo sa stool dito sa loob ng locker room. Nanlaki ang mga mata ko ng gawin niyang doormat yung mop na pinanlilinis ko.

"Aarrggghhh! Napakagrrr mo!!" Singhal ko at hinampas ko siya at binato ng rug.

"Oh eh galit ka na niyan?" He laughed habang pinapampag ang sarili niya. Binato ko pa siya ng isa pang rug at naglakad na papuntang door. Kung ayaw niyang umalis, ako ang aalis bwisit siya.

Napabitaw agad ako sa door knob ng hawakan niya yun at isara yung pinto. Agad akong lumayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" I asked.

"Sinong may sabing pwede kang umalis?" Napalunok ako ng makita ang galit na mga mata niya.

"Alangan namang tanggapin ko na lang lahat ng mga pang-iinsulto mo! Akala mo ba natutuwa ako sayo?! Sa lahat ng pwede kong makasama ikaw pa?! Ikaw na atah ang pinakamasamang taong nakilala ko! You're the worst!" Singhal ko at tinulak siya sa balikat. Agad naman niyang nabitawan yung doorknob kaya tumakbo na ko papunta kina Rose.

Naabutan ko silang papunta na sa 3rd locker room na lilinisan nila.

"Rose!" Tawag ko. Lumingon naman silang dalawa ni Leif sakin.

"Oh! Ang bilis niyo namang natapos ni Wave." Sabi ni Leif. Umiling ako.

"Mas mabilis sana kung tinutulungan niya ko pero hindi eh, iniinsulto niya ko, pinipintasan, tinatawanan lang niya ko. Akala niya kung sino siyang perpekto, hindi ba niya alam na nakakasakit na siya ng iba?" Napatakip ako ng mukha ko when my voice broke. Lumapit sakin si Rose at niyakap ako.

"Wave, ano na naman ba toh?" I froze ng marinig ang boses ni Leif. Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa likod ko. Ibig sabihin nasa likod ko si Wave? tsss. Kill me now!

"Kristine, okay lang bang si Leif na lang tulungan mong maglinis? Okay lang ba yun, Leif?" Tanong samin ni Rose.

"Huh? Oh sure. Dito ka na lang Kristine." He smiled at hinawakan ako sa braso. Hindi ko naiwasang mapatingin sa gawi ni Wave na nakasandal lang sa pader at nakayuko habang nakapamulsa. Hindi ko makita yung mukha niya dahil natatakpan ng buhok niya.

"Okay lang naman siguro yun Wave? Kung ayaw mong maglinis ako na lang bahala." Rinig kong sabi ni Rose kay Wave.

"Hindi." Natigilan kami ng biglang magsalita si Wave. Kinilabutan ako sa coldness ng tingin niya sakin.

Napaatras ako ng naglakad siya papunta samin, hinigit niya ko sa braso kaya nabitawan ako ni Leif.

"Wave--"

"Hindi ka makakawala sakin." Hinila niya ulit ako pabalik. Halos magpumiglas ako sa pagkakahawak niya pero hindi ko naman siyang pwedeng pwersahin dahil mababalian siya ng buto.

Akmang tutulong na sana sina Rose pero umiling ako. Pumasok kami sa locker room at nilock niya yun. Napahawak na lang ako sa braso ko.

"They always prefer Leif over me, pati rin ba ikaw ganun?" He asked habang nakaharap sa pinto.

"Huh?--"

Natigilan ako ng bigla niyang suntukin yung pintuan.

"Damn it! Just answer me!"

"Ano ba kasing sinasabi mo?! At bakit mo ko tinatanong ng ganyan?! Oo! hindi ako kagandahan, ano nga ba naman ang karapatan naming lumapit sa inyo? Pero ito lang talaga ang meron kami, etoh na lang ang meron kami bakit kailangan mo pang pagtawanan?" Again my voice broke.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nanliit sa sarili ko ng sobra. Kung noon, kahit sino'y naaakit sa ganda ko, ngayon iniiwasan na ko dahil sa ayos ko. Great! Isn't it?

"Kung ang tanong mo'y bakit si Leif ang pinipili nila kaysa sayo? Alam na alam mo na ang sagot diyan, ang tingin mo kasi sa sarili mo perpekto. Hindi mo na napapansin na yang pagiging mayabang mo, kinakain na yang pagiging perpekto mo."

--------------------

Comments and Votes :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top