Mission #11 Cursed Book
"A-aray!" Sigaw ni Jana after siyang batuhin ng itlog ni Jane habang naglalakad sila sa hallway. Tinignan siya ng masama ni Jana pero nagsmirk lang ito.
"Wala kaming pakealam kahit ipangalandakan niyo sa mundo na mga gangsters kami, in fact mas okay pa nga yun eh, mas sisikat pa kami." Sabi Jheraine habang hawak-hawak yung basket na maraming lamang fresh eggs,
"P-pero Jheraine, kasasabi lang nina Crimson na magdahan-dahan tayo sa mga kilos natin dahil baka mapahamak sila." Awat naman sa kanila ni Bea. Kumunot ang noo ni Jheraine at hinawi ang kamay ni Bea sa braso nito.
"Ano ba Bea? Manahimik ka na nga lang!" Irap nito kay Bea. Napakagat na lang ng kuko si Bea at patagong dinial yung number ni Leif.
"Subukan niyo lang ikalat lahat ng mga toh, lalo na ikaw." Duro nito kay Lhorraine. "Makakaranas kayo ng bangis ng mga gangsters." Irap nito.
Susugod na sana si Kristine pero nahawakan siya sa braso ni Rose. Napairap na lamang ito at tumalikod.
"Ano? Minamaliit na nila tayo, papatulan ko na talaga yan." Inis na sabi ni Kristine habang cinocompose ang sarili. Napatingin siya kay Jana na nagpupunas ng sarili.
"Wala naman kaming ginagawang masama sa inyo!" Sigaw ni Rose. Maging siya'y sobrang naapektuhan na sa mga mangyayari, naiinis na rin siya kasi gusto lang naman nila ng simple't tahimik na buhay hanggat naririto sila sa mundo ng mga tao.
"Anong wala? You made hanap-hanap ng infos about us. You think you can make gamit those para iblackmail kami? You really don't know kung sino kinakalaban niyo." Napalunok si Rose sa biglaang paglapit at pagduro-duro sa kanya ni Daisy. She's towering her dahil sa taas ng takong nito.
Pero kung wala lang sanang heels ang mga SHE Royals siguradong lubog sila sa apat.
"Fair lang tayo, ang mga He Royals, naghahanap din sila ng mga infos about us. Kaya naghanap din ako ng infos about sa kanila. Hindi ko na kasalanan na sa sobrang talino ko pati mga s*x scandals niyo may copy ako." Cold na sabi ni Lhorraine.
Nanlaki ang mga mata ng SHE ROYALS sa narinig.
"A-anong sinasabi mo? Virgin pa kaya ako." Bea pouted.
"Ang alam ko lang naman sayo eh, may tinatago kang 10 scrap book na puro pictures ni Leif Allen ang laman." Lhorraine smirked. Namula ng husto ang mukha ni Bea sa narinig.
"Ikaw" turo niya kay Jheraine, "kailangan mo pa talagang makipags*x sa producer ng isang magazine para lang maifeature ka sa sikat na magazine na yun." Isang malakas na sampal ang inabot ni Lhorraine. Nanggagalaiti sa sobrang galit si Jheraine at sobrang namumula na rin ang mga mata nito.
"Wag na wag mo kong kakalabanin!" Sigaw nito at sinabunutan si Lhorraine. Agad na umawat si Rose at Bea pero mas lalo pang nagkagulo ng makipagsabunutan na rin sina Jana at Kristine kay Jane at Daisy.
Nagbatuhan na rin sila ng itlog, pero si Ruby niluto yung mga itlog para mas masakit ang tama nito sa apat.
Marami ng umaawat sa kanila, marami na ring kumukuha ng litrato. Pero dehado ang mga Royals dahil mas malakas ang mga Demon Princesses.
"TAMA NA!!" sigaw ni Rose at halos tumilapon ang mga Royals sa lakas ng paghawi nito sa kanila. Puro kalmot lang naman ang inabot ng mga prinsesa pero ang mga Royals, nagkapasa na silang apat. Halos hindi sila makabangon sa sakit ng katawan.
"Kami ang huwag na huwag niyong kakalabanin dahil hindi lang pangalan niyo ang sisirain namin pati mukha niyo dudurugin namin!" Sigaw sa kanila ni Jana habang nag-aayos ng buhok.
Dumating ang mga He Royals at agad na tinulungan ang apat na Royals. Huli na sila at ang naabutan lang nila ay ang mga nakatayong Nerds na maayos ang suot at buhok, ngunit may itlog sa katawan at ang mga Royals na namimilipit sa sakit at halos nakahiga na sa sahig.
Kung titignan mo, parang sinaktan ng mga Nerds ang mga Royals na walang kalaban-laban dahil hindi sila ganyang masasaktan dahil mga gangsters sila, malalakas sila. Depende na lang kung hindi sila lumaban, talagang ganyan kagrabe ang matatamo nila.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Crimson Vince kay Jheraine nagpupunas ng bibig na dumugo na.
"Sila! Kinausap lang namin sila ng maayos kasi ayaw naming ikalat nila yung mga nakuha ni Lhorraine about us. Pero sinaktan nila kami, tignan niyo pati si Bea dinamay nila." Humagulgol si Jheraine at yumakap kay Crimson.
Napatingin ang He's sa apat na nerd na hindi makapaniwala sa sinabi ni Jheraine. Alam nila kung anong totoo, at alam ng mga nakakita kung ano talaga ang totoo.
"Totoo ba yung sinabi niya?" Bakas na bakas ang galit sa boses ni Crimson. Nakatingin siya kay Jana na dumudugo na ang pisngi at nakatingin ng masama sa kanilang dalawa.
Napaiwas ng tingin si Rose sa mapanghusgang mga tingin ni Leif Allen.
Nakatingin lang si Lhorraine kay Ashton Ryusei na abala sa paglilinis ng sugat ni Daisy.
Umirap naman si Kristine sa nanlilisik na mga mata ni Wave Daniel habang inaalalayan nitong tumayo si Jane.
"Hindi." Matigas na sabi ni Jana.
"So, sinasabi mong sinungaling kami?!" Umiyak ulit si Jheraine at bumaling kay Crimson. "Sakin ka maniwala Crimson! Kahit tanungin mo yang mga students na yan! Kahit sino sa kanila ang tanungin mo!" Desperadang sabi nito.
Napaatras naman yung mga estudyanteng tinignan ni Crimson, halos magtulakan na sila kung sino man dapat ang magsalita.
"Ah ang totoo po niyan--" napalunok ang isang student ng makita niyang nakatingin sa kanya ng masama sina Jheraine. "Yung mga nerds po talaga ang may kasalanan! Lahat po ng sinabi ni Queen Jheraine eh totoo." Napatakbo paalis lahat ng mga estudyante after ng kasinungalingang sinabi ng isa sa kanila.
Ngayon lahat na ng Royals, nakatingin ng masama sa kanila maliban kay Bea na ngayo'y wala ng malay.
Jana bit her lower lip. Alam na niyang mangyayari ito. Sino ba naman ang kakampi sa kanilang apat? Dito sa intitusyong ito, sila ang pinakamababang uri. Kaya impossibleng may maniwala sa sinasabi nila.
"Ano ba talaga ang gusto niyo samin? Hawak niyo na nga kami sa leeg eh!" Lumapit si Crimson at hinila sa collar si Jana. Agad naman siyang hinawakan ni Rose. Galit na galit na siya. Mabangis kung magalit si Rose, hindi siya anghel kaya hindi sa lahat ng oras eh mabait siya.
"Gusto namin ng simpleng buhay." Sabi ni Jana. Patulak naman siyang binitawan ni Crimson buti na lang nasalo siya ni Kristine bago pa ito bumagsak sa sahig.
Isang nakakapangilabot na titig ang natanggap nilang apat mula sa Royals bago sila iwan ng mga ito sa hallway. Napabuntong hininga na lang si Lhorraine.
"Pero sila ang ang nagsimula ng lahat ng gulong ito." Halos maiyak na si Kristine sa mga nangyayari kaya agad na lumapit si Rose at niyakap siya.
"Wala naman talaga tayong kasalanan." Buntong hininga ni Jana. Hanggang ngayon sinusundan pa rin niya ng tingin ang mga Royals na papalayo na sa kanila.
Ganun na nga lang ba kahirap magreach out sa mga tao? Porke ba't hindi na uso ang suot mo, porke ba hindi ka kagandahan, aapihin ka na nila? Huhusgahan ka nila?
Bakit ganun ang mga tao? Bakit marami sa kanila ang tumitingin sa panlabas na anyo?
Kailan ba sila matatanggap sa mundo nila?
Napatingin si Lhorraine kay Ashton na halos nasa dulo na ng hallway. Nalulungkot siya kasi hanggang ngayon ganun pa rin ang tingin nito sa kanya. Isang malas sa buhay nila, mga sakit sa ulo, at kalaban.
"Umuwi na tayo." Sabi nito, sumunod naman ang tatlo sa kaniya.
Buti na lang nagamot na ni Lhorraine silang tatlo bago pa man dumating si Yancey. Sa kasamaang palad hindi niya magawang gamutin ang sarili niya kasi hindi pa fully unleashed ang kapangyarihan niya bilang isang demon.
Siya lang ang may gasa sa mukha at katawan.
"Dapat hindi mo na kami ginamot para pare-parehas tayong may gasa sa mukha." Sabi ni Rose habang nandito sila sa kwarto ni Lhorraine. Lahat sila nakatingin sa cursed book na nasa kama ni Lhorraine.
"Makakahalata si Yancey, malalaman niyang nakipag-away tayo." Sabi nito habang hinahaplos yung pisngi.
"Eh diba parang mas nakakapagtaka na yung pinakatahimik at pinakamahinhin samin eh may gasa sa mukha?" Tanong naman ni Jana.
"Pero ako ang pinakalampa sa ating apat, sasabihin ko na lang na nadapa ako dahil busy ako sa pagbabasa." Nagkatinginan yung tatlo at sabay-sabay na napabuntong hininga.
"Kanina pa natin yang tinitignan bakit blangko pa rin lahat ng pahina?" Takang tanong ni Kristine habang nakatingin sa cursed book. Ilang beses na nila itong tinignan pero kahit isang tuldok wala pa ring nagpapakita.
"Limitado lang ang oras natin dito sa mundo ng mga tao." Malungkot na sabi ni Rose.
"Gusto ko ng makuha ang elemental weapon na para sakin." Medyo excited namang sabi ni Jana.
"Kapag ba nakuha natin yung apat na elemental weapons, anong mangyayari satin? Sa powers natin?" Tanong ni Kristine.
"Lalakas kayo." Halos mapatalon sila sa gulat ng biglang pumasok si Yancey. "Wag kayong magreact na parang nakakita kayo ng multo, I know what the four of you did."
Nagkatinginan naman yung apat at sabay-sabay na napabuntong hininga.
"Pero sila yung--"
Hindi na natapos ni Kristine yung sasabihin niya, "I exactly know what happened. Alam na alam ko kung anong ugali ng apat na yun."
"So, hindi mo kami papagalitan?" Tanong ni Rose.
Napabuntong hininga si Yancey at umupo sa gilid ng kama ni Lhorraine, "alam kong pinagtanggol niyo lang sarili niyo. Maswerte kayo at hindi niyo masyadong napwersa yung apat. Tsaka nawarningan ko na ang mga Royals. Kailangan niyo silang harapin bukas para sa counseling."
Napanguso si Jana Ruby at humalukipkip, "Ayaw ko ng makita yung mga yun! Lalo na yung Jheraine at Crimson, mga selfish sila tsaka feeling nila napakataas nila, porke't sila na ang King and Queen."
"Jana, sundin na lang natin si Yancey, okay?" Sabi sa kanya nito. Napanguso na lang ulit siya at humiga sa kama.
"So, magkwento ka naman about dito sa cursed book, Yancey." Sabi ni Kristine at iniabot kay Yancey yung cursed book. Nakahiga lang si Jana at nagkukunwaring natutulog, habang yung tatlo, nakaindian sit sa kama.
"Alam niyo bang kayo ang ikatlong elemental four?" Nanlaki ang mga mata ng apat sa narinig.
"Ibig sabihin, hindi lang minsan ito nangyari sa underworld?" Tanong ni Kristine.
"Minsan sa loob ng isang libong taon, ipinapanganak ang elemental four. Galing sila sa apat na kaharian ng underworld, at sa unang pagkakataon, apat na prinsesa ang napili, dati mga knights, o mga prinsipe ang napipili."
Nagkatinginan ang apat sa sinabi ni Yancey, ngayon kinakabahan na sila sa mga pwedeng mangyari. Dati mga lalaki ang elemental four at dalawang beses na silang nagtagumpay. Sila kaya? Magtatagumpay din kaya sila?
"Ang cursed book ay magliliwanag sa oras ng isang matinding sakuna, hindi niyo ito mapaghahandaan dahil walang nakakaalam kung kailan dadarating ang matinding unos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Walang nakakaalam kung anong itsura ng mga Elemental weapons dahil pabago-bago ito ng anyo kada isang libong taon."
"Mahirap ba ang mga pagsubok na kakaharapin namin?" Kinakabahang tanong ni Rose.
"Kayo ang pinakabatang elemental four at hindi pa fully unleashed ang mga kapangyarihan niyo, magiging mahirap ang bawat laban niyo dahil hindi kayo pwedeng magtulungan, pwede niyong ikamatay ang mga pagsubok na pwede ring ikabagsak ng Underworld sa mga kamay ng mga Black Demons."
Napasinghap si Kristine at Rose sa narinig. Pumikit na lang ulit si Jana at napatingin naman si Lhorraine sa kanya.
Nagtataka si Lhorraine kung may naalala na ba si Jana. Kung alam na ba nito na kakalabanin nila ang Tatay niya. Pero base sa pambabalewala nito sa mga narinig, parang wala siyang naalala, at kahit sino man ang makalaban nila ay wala lang sa kanya.
"Bakit nga pala tinawag na cursed book yan?" Takang tanong ni Lhorraine.
"Cursed book ang tawag dito dahil dito nakasulat at sinumpang mission. Ang pagiging elemental four ay hindi isang karangalan, isa itong sumpa."
Biglang kinilabutan ang apat sa narinig. Halos maiyak sina Kristine at Rose sa narinig. Buong buhay nila inisip nilang isang privilege ang pagkakapili nila bilang mga elemental four.
"Pano mo nasabing isa iyong sumpa?" Tanong ni Ruby na bumangon na at nag-indian sit na rin sa tabi ni Lhorraine.
"Hindi ko alam, kayo lang ang makakaalam nun, hanggat hindi niyo nakukuha ang apat na elemental weapon, you'll never know what the curse is."
.
.
.
.
.
>>Kinabukasan>>
>>Guidance Office>>
"So, sinong gustong magkwento kung anong nangyari?" Tanong ng guidance counselor sa loob ng guidance office. Ang mga Royals at Nerds ay nasa loob at excuse sa lahat ng klase nila dahil suspended sila sa araw na ito at kailangan nilang maglinis sa buong campus.
Kahit walang ginawang masama ang mga He Royals kahapon, sumama na rin sila kasi gusto nilang marinig ang totoo.
"Me po!" Nagraised ng kamay si Daisy. Tumango naman sa kanya yung counselor. She cleared her throat bago nagsalita.
"Yesterday po kasi, we were walking sa hallway, then the four of them make bangga the four of us. Then, even though we're like quite offended. We're deadma of them, cause we didn't want gulo. We even made usap to them nicely to ask a favor. Then they just make sabunot the four of us! We haven't heal ourselves pa nga eh." Daisy pouted. Napahawak naman sa sentido ang guidance counselor dahil wala siyang naintindihan sa sinabi ni Daisy dahil sobrang arte nitong magsalita.
"Actually, ganito po ang nangyari, may hiningi lang po kaming favor sa kanilang apat kasi po blinablackmail po nila kami, ayaw po naming masira ang image namin kaya kinausap namin sila ng maayos pero kami pa ang sinaktan nila." Mataray na sabi ni Jheraine habang nakatingin sa apat. Nag-iwas ng tingin yung mga nerds at napayuko na lang.
"Kayo, He Royals?"
"Wala po kami during the fight, ang naabutan lang namin, halos hindi makatayo ang SHE ROYALS sa mga pasang natamo nila." Sabi ni Wave Daniel haabng nakatingin sila ng masama sa mga nerds.
Nagkatinginan sina Bea at Leif, alam nilang dalawa kung anong totoo, dahil kwinento ito ni Bea kay Leif. Kaso wala silang lakas ng loob na kontrahin ang mga kaibigan nila. Dahil sa bandang huli, sila pa rin ang magkakampi, ayaw lang nila ng away.
"Miss Lhorraine Diamond, bilang panganay sa magkakapatid, pwede mo bang ikwento kung anong nangyari?"
"We prefer to stay quiet on this issue, Miss Counselor. Kahit anong parusa tatanggapin namin because we act rude within the school premises. We are a disgrace for being so immature. We're sorry." Sabay sabay silang yumuko at humingi ng tawad sa guidance counselor.
Humarap sila sa Royals at yumuko din sa harap nila. Ikinagulat ito ng husto ng mga Royals. Halos hindi pa nga sila makatingin sa kanila ng diretso.
"We're sorry."
"S-see? Inamin na po nila yung kasalanan nila, pwede niyo na po bang ilift ang suspension niyo samin?" Sabi naman ni Jane.
Kumunot ang noo ng guidance counselor.
"I guess the four of them aren't sorry cause they brought fight, nagsosorry sila kasi pinatulan nila kayo at nasaktan nila kayo." Matigas na sabi ng counselor at plinay yung kuha ng CCTV camera sa flat screen TV sa harap nila.
Nanlaki ang mata ng mga Royals sa nakita. Pero ang apat na nerd ay walang kaemo-emosyong nakatingin lang sa Screen ng TV. Kahit hindi sila magsalita alam nilang lalabas din ang katotohanan.
"Now, She Royals, kindly explain bakit ibang-iba yung nakunan ng CCTV sa sinabi niyo?" Ngumiti ng sarcastic yung guidance counselor. Kinilabutan ang Royals dahil ang guidance counselor na toh ang parang Prosecutor ng Detention Office.
"P-pero--"
"No more buts SHE ROYALS! You'll be going to clean all the CRs of every building here in the Campus! At kapag may nalaman kaming pinagawa niyo iyun sa iba dadagdagan ko ng isang araw bawat isang taong tutulong sa inyo."
"But that's too much!!" Hysterical na sabi ni Jane. Iisipin lang niyang hahawak siya ng mop nandidiri na siya.
"Dapat inisip niyo muna yan bago kayo nakipag-away. You should make up for your actions." Halos magdadabog na ang She Royals sa inis. "We need to be fair to all, hindi porke't Royals kayo eh gagawin niyo na lahat ng gusto niyo."
"At kayong apat." Tukoy nito sa mga nerds. "Linisin niyo yung stockroom sa sa likod ng gymnasium, gagamitin yun ng mga player ng soccer team soon. He Royals, sasamahan niyos sila."
"WHAT?!" Halos sabay sabay na sigaw nung walo.
"Now, that's unfair! Ang liit-liit ng stockroom tapos walo silang maglilinis? Eh kami ilang comfort rooms ang nandito sa Campus?" Angal ni Jane at hinampas pa yung kamay sa table ng counselor.
"That's for making a fuss, for starting a fight, and for lying about what happened. Hindi pa ba sapat na dahilan yun para ipalinis ko sa inyo lahat ng CRs? Okay start your work na!" Sabi ng counselor at lumabas na.
Bagsak ang balikat ng mga Royals sa narinig. Nagkatinginan naman ang mga Nerds at sabay-sabay na napabuntong hininga.
--------------
Until here na naman XD
Just wanna ask guys, so far sino ang mga gusto niyong couples/characters?
Comment and vote please :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top