Mission #10 Face Off

"Lagi na lang matamlay si Yancey, masakit talaga siguro sa kanya yung nangyari." Sabi ni Rose habang nakatambay sila sa garden dito sa school.

Nakahiga si Jana sa bench at kinakain yung mga petals ng rose. Si Lhorraine nakaupo sa bench at nagbabasa sa tabi ni Rose habang si Kristine nasa may fountain at binababad yung paa.

"Kung ako nga rin kapag naranasan ko yun siguradong mahihirapan din akong magmove on." Sabi naman ni Kristine habang nagwawater bending. Gumagawa siya ng iba't ibang imahe mula sa tubig sa fountain.

"Hindi mo naman mararanasan yun kasi walang papatol sayo." Singit ulit ni Jana. Napairap na lang sa kawalan si Kristine kahit ang totoo'y gustong-gusto na niyang lunurin ito.

"Lhorraine, sa tingin mo ayos lang si Jana?" Bulong ni Rose kay Lhorraine. Nasa tapat nila si Jana at busy sa pagkain habang nasa likod ng bench na inuupuan ni Lhorraine at Rose yung fountain kung asan si Kristine.

"Oo nga, after nung sunog back to normal na ulit siya. Parang walang nangyari eh, hindi tulad ng ineexpect kong magwawala siya." Sabi ni Kristine, napatango-tango naman si Rose at sabay pa silang tatlong napatingin sa gawi ni Jana.

"Hayaan niyo na lang baka may matrigger tayo. It's either nagkaamnesia siya ulit or nagpapanggap lang siya na ayos na siya." Sabi ni Lhorraine.

>>Flashback>>

Mabilis ang pagtakbo ni Rose pabalik sa mansyon. Halos walang makakita sa kanya sa tulin nito.

"Rose?!" Tawag sa kanya ni Yancey pagkauwi niya, agad niyang binaba si Jana na walang malay at nagbabaga ang ilang bahagi ng balat.

"Anong nangyari?" Tanong ng dance instructor ni Jana na isa ring Fire Demon.

"May sunog kanina malapit samin, sumugod dun si Jana. Yancey, nakita niya lahat!" Medyo tarantang sabi ni Rose, agad namang lumapit ang dance instructor nito at inalo siya. Nanginginig si Rose habang pinagmamasdan nila si Jana na nakahiga sa sahig at walang malay.

"Pano kung magwala siya? Pano kong maging demon siya ng wala sa oras? Maraming mapapahamak! Asan ang ibang mga prinsesa?" Tanong ni Yancey kay Rose.

"P-parating na sila. Inayos lang nila yung gulong pinasok Jana." Napakagat na lang si Rose na halatang kinakabahan sa mga pwedeng mangyari.

"Tatlo kayo! Hindi niyo man lang ba siya napigilan?" Umiling si Rose sa tanong ni Yancey. Napahilamos na lang ito ng mukha. Maging siya hindi niya alam kung anong gagawin.

Hindi siya maharlika gaya ng mga prinsesa, isa lang siyang kawal. Pangatlo sa mga pinakamababang uri sa Underworld.

"Wag ka ng magalit kay Rose, Yancey. Kahit naman pagsama-samahin ang kapangyarihan namin, wala talaga kaming laban kay Jana." Biglang sulpot nina Lhorraine at Kristine.

"Ano ng nangyari dun?" Tanong ni Rose sa dalawa.

"Ligtas ang mga bata at agad silang naisugod sa hospital. Gumawa lang kami ng fake na ulan kanina para mas mapadali ang pag-apula sa apoy." Sabi ni Kristine.

"Wala bang nakakita sa ginawa niyo?" Tanong ni Yancey.

"Meron, yung mga bata." Diretsong sagot ni Lhorraine. Napasinghap lahat ng nasa hall.

"Pano kung magsumbong sila?" Tanong ng isa sa mga instructors.

"Walang maniniwala. Mga bata lang yun. Kamusta na siya?" Sagot ni Lhorraine at nagsquat sa tabi ng walang malay na si Jana.

"Walang pinagbago, ganyan pa rin. Pano na lang kapag nagising siya? Siguradong magwawala siya." Kinakabahang sabi ni Rose. Napatingin sa kanya si Lhorraine at napabuntong hininga.

"Kung kailangan natin siyang patayin, gagawin natin. Hindi natin kailangan ng mga sagabal sa plano." Nanlaki ang mga mata ng lahat sa narinig mula kay Lhorraine.

"Pano mo nagagawang sabihin yan Lhorraine? Kapatid natin siya?" Halos maiyak na si Rose. Kahit papaano'y malalim na ang pinagsamahan nilang tatlo. Hindi man sila tunay na magkakapatid, matigas man ang ulo ni Jana at palaaway, minahal na niya ito na parang tunay na kadugo.

"Mas mabuting maaga pa lang matapos na ang paghihirap niya. Hindi na niya kailangang harapin ang ama niya. Hindi na niya kailangang magdalawang isip sa pagpatay dito." Tumayo si Lhorraine at tumingin sa kawalan. Maski siya hindi gusto ang mga lumalabas sa bibig niya ngayon pero iyon ang katotohanan.

"Pero siya ang itinakda, wala tayong laban kay Hades!" Tuluyan ng napahagulgol si Rose Emerald, agad namang lumapit sa kanya si Yancey at pinatahan ito. Maski si Yancey ay nahihirapan na rin. Wala man lang siyang nagawa para pigilan ang pangyayaring ito.

"Enough! Alam ko lahat tayo naguguluhan at nahihirapan. Pero ang pagpatay kay Jana kapag tuluyan siyang naging Black Demon ay responsibilidad ko bilang Water Princess. At hindi ko kailan man gagawin yun. Alam kong hindi kami magkasundo sa maraming bagay pero... Para sakin kapatid ko siya at malaki ang tiwala kong itutuloy niya ang misyon niya." Pinipigilan din ni Kristine ang sariling mapaiyak kaya tumalikod na ito at lumabas ng bahay para ilabas lahat ng takot at sakit na nararamdaman niya ngayon.

"A-aww." Natihimik ang lahat sa mahinang ungol na nanggaling kay Jana. Unti-unti itong bumangon kasabay ng pagbalik sa normal ng balat nito.

"J-Jana! Ayos ka lang?!" Agad siyang dinaluhan ni Rose. Pero yung iba nag-aabangan sa pwede nitong gawin.

"Rose? O-oo, masakit lang tong ulo ko. Nakatulog ba ko during practice? Sorry di ko namalayan."

Nagtaka silang lahat sa pagiging cool lang nito na para bang walang nangyari.

"W-wala kang maalala?" Tanong sa kanya ni Rose.

"Saan? Diba nagprapractice tayo tsaka meryenda time na diba? Asan na yung pagkain?" Inalayayan siyang tumayo ni Rose at agad naghanap ng pagkain.

"Ah! Kukuha lang ako sa kusina." Sabi ng instructor nito.

"Damihan mo ha?! Gusto ko cookies!!" Jana laughed. Kumunot ang noo nina Lhorraine sa pagiging kalmado nito. Wala ba talagang naaalala si Jana??

>>end>>

"Ahay ewan! Punta na nga tayo sa cafeteria! Nagugutom na ko!" Nakangusong sabi ni Kristine.

"Jana tara na!" Tawag ni Rose kay Jana habang nag-aayos na sila ng gamit. Si Jana wala naman siyang dapat ayusin kasi wala siyang bag.

Ang laman ng bag ni Lhorraine, puro lang libro. Si Kristine, suklay at salamin, si Rose, mga gamit sa school.

"Yun! Kanina pa ko namimilit dito eh." Irap ni Jana at binato sa sahig yung isang rose na pinitas niya. Agad naman yung pinulot ni Rose at dinikit ulit sa dati nitong pwesto gamit ang powers niya.

"Mauna na kayo, CR lang ako." Excuse ni Kristine ng makarating na sila sa hallway.

"Sige, kita na lang tayo sa cafeteria." Sabi sa kanya ni Rose. Mabilis na naglakad papuntang CR si Kristine para ayusin ang sarili. Chineck muna niyang mabuti kung walang tao sa cubicle. Sinara na niya yung pinto at tinanggal yung eyglasses niya.

Inayos niya yung contact lenses niya at sinuklay ang buhok.

"So, look who's here." Agad niyang sinuot yung eyeglasses niya at napaatras sa pagsulpot ng SHE ROYALS.

"Hi!" Bati sa kanya ni Bea. Nag-iwas na lang ng tingin si Kristine at agad na iniligpit yung mga gamit.

"Don't be so friendly to her nga Bea!" Irap ni Daisy dito.

"So, mag-isa ka lang dito, are you shaking into fear?" Nakangising tanong ni Jane kay Kristine habang nakahalukipkip na lumalapit dito. Paatras lang ng paatras si Kristine hanggang sa maramdaman na niya ang wall sa likod.

Lumapit na rin ang ibang She Royals at pinalibutan siya sa sulok. Napakislot si Kristine ng singhot songhotin siya ni Jane. Inirapan lang siya ni Jheraine at inayos ang sarili sa harap ng salamin.

"Eewww you stink!" Natatawang sabi ni Jane at tinakpan pa ang ilong. "Daisy! Water please!" Agad namang inabot ni Daisy yung bottled water mula sa bag niya.

"What are you going to do?" Kunot noong tanong sa kanya ni Bea. Nagsmirk lang si Jane at binuksan yung bottled water.

Napalunok tuloy si Kristine, napanood na niya to sa TV eh. Babasahin ng mga kontrabida yung bida sa loob ng CR. Paano nga ba siya makakaalis?

Pinikit na lang niya yung mga mata niya at hinintay ang pagbuhos sa kanya ng tubig ni Jane.

"Hahahahaha!!!" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na tawa mula kay Daisy at Jane.

"Nakunan mo ba yun ng picture? Hahaha that was really disgusting!" Tawa ni Jane.

"Just finish it already Jane, I'm hungry." Nakatingin lang si Jheraine sa salamin habang nag-aaply ng pulang lipstick. Wala namang magawa si Bea kaya nagdabog na lang ito palabas.

"A-aalis na ko." Aalis na sana si Kristine ng higitin siya sa braso ni Jane at binalibag sa pader. Kristine squealed at napaupoito sa sahig sa lakas ng impact. Naramdaman n lang niyang maraming tubig ang tumapon sa kanya.

Binitawan ni Jane ang timbang hawak habang tawa ng tawa. Tinaasan na lang nila ng kilay si kristine na naiiyak na. Bumaling sila sa salamin at patay malisyang nagretouch.

Tuluyan ng napahagulgol si Kristine habang tawa pa rin ng tawa sina Daisy at Jane na paalis ng CR.

.

.

.

.

"Saan ka ba galing at--" hindi na naituloy ni Jana ang sasabihin ng makitang mapupula ang mga mata't ilong ni Kristine na umupo sa table nila. Agad itong umubob sa mesa at umiyak.

"Anong nangyari Kristine at bakit basa ka?" Tanong ni Rose sa kanya habang inaali ito.

"Napagdiskitahan ako ng mga SHE ROYALS sa CR. Wala naman akong ginawang masama eh! Dahil ba sa pangit ang itsura ko aapihin na nila ako ng ganun?"

Napailing-iling naman si Lhorraine, buti na lang nakapagpigil si Kristine ng powers pero yung emosyon niya talaga ang hindi niya macontrol. Masyado talaga itong sensitive at iyakin.

Napatingin ang lahat sa entrance ng cafeteria kung saan kapapasok lang ng ng mga ROYALS. Nakajersey jacket ang mga HE at sa likod naman nila ay ang apat na SHE. Walang tigil ang hiyawan ng mga estudyante hanggang sa makaupo sa ROYAL TABLE ang walo.

"Freakin assh*les." Jana mumbled. Naiinis siya dahil umiiyak ngayon si Kristine dahil sa mga Royals na yan. Naiinis siya dahil nagagawa pa nilang ngumiti at magkaplastic after ng pambubully nila kay Kristine. Naiinis siya dahil hinahanggan pa sila ng lahat kahit ang sasama ng ugali nila.

"Baka marinig ka Jana, away na naman yan." Siko sa kanya ni Rose. Kumunot ang noo ni Jana at humalukipkip na lang. Napatingin siya kay Kristine na ngayo'y nagpupunas na ng luha.

"Order na tayo Jana." Tawag sa kanya ni Lhorraine. Naiwan sina Rose at Kristine sa mesa nila para magbantay ng gamit. Alam naman nilang dalawa kung anong gusto ng nila eh.

Sa kamalas-malasan kailangan pa nilang dumaan sa harap ng mga Royals para lang umorder. Masyado kasing nagkakagulo ang mga students. Kumunot ang noo niya ng mansin ang panghehead to foot sa kanila ng mga SHE ROYALS.

"Jana Ruby, hold your temper." Bulong sa kanya ni Lhorraine. She bit her lower lip atdumiretso na sa counter. Babalik na sana sila ng mapatingin sila sa dadaanan dapat nila. Napabuntong hininga na lang si Jana at naglakad.

Dahil mabilis ang reflexes niya, naapakan niya ang paa ni Jheraine na titisod sana sa kanya.

"Oh my gosh I'm sorry!" Fake na singhap ni Jana. Nanggagalaiti na si Jheraine sa galit at napatayo.

Napasinghap si Jana ng matapos sa kanya yung laman ng lahat ng tray niya.

"You don't mess up with my girl!" Duro sa kanya Crimson Vince. Binitawan ni Jana yung tray niya at marahas na pinunasan yung sarili. Agad na binaba sa malapit na table ni Lhorraine yung hawak niya napatakbo na rin sa pwesto nila sina Rose.

Habang ang ibang kasapi ng Royals ay hindi man lang umawat kahit pinagbubulong-bulungan na sila ng mga students.

"You call yourself ROYALS? Diba dapat kayo ang nagseset ng good examples sa lahat? Eh mas masahol pa kayo sa mga BABOY eh! You're all just a group of young PATHETIC DUMB ASSES!!" Napasinghap ang lahat sa narinig lalo na ng makatanggap ng sampal si Jana mula kay Jheraine.

"Hey!" Sigaw ni Lhorraine kay Jheraine at tinulak ito. Dahil sa inis napalakas ang tulak niya laya natumba ang SHE ROYALS. Agad naman silang tinulungan nina Wave Daniel.

Nagkagulo na ang lahat. Agad na kwinelyuhan ni Crimson Vince si Jana at akmang susuntukin ng awatin siya nina Leif Allen.

"Crimson, babae pa rin yan." Awat sa kanya ni Leif.

"Alam niyo bang pumapatol kami sa mga babae lalo na sa mga pangit na katulad niyo!" Duro ni Crimson sa apat. Piniksi niya yung braso niya mula sa pagkakahawak nina Ash.

"Baka nakakalimutan mo kung ano ang hawak ko at hawak namin. You better check your attitudes, mas mataas kami sa inyo." Natigilan ang He Royals sa sinabi ni Lhorraine.

"You said hindi mo yun ipagkakalat." Kunot noong sabi ni Ash kay Lhorraine.

"Hindi ko yun ipagkakalat basta't wag niyo kaming papakealaman. Lalo na kayo dahil alam namin kung ano ang mga tinatago niyong sikreto." Banta ni Lhorraine sa mga She Royals. Napairap na lang ang mga SHE ROYALS at humalukipkip.

"Tch. Brat." Jana smirk at inayos ang suot. Nagtagisan pa sila ng titigan ni Crimson bago siya hilahin ni Rose palayo.

.

.

.

.

.

"What?! How did she know? I mean those are highly confidential!" Naghyhysterical na tanong Jheraine kina Crimson. Nasa loob sila ng headquarters ng Black Demon. Iba lang kasi ang Gang ng mga She Royals dahil hindi pwedeng magsama ang mga babae at lalaki sa iisang Gang tsaka magkaiba sila ng division.

Ang BLACK DEMON ang nangunguna sa Men's Division

At top 1 naman sa Women's Division ang SHE WOLF.

"Yun nga rin ang pinagtataka namin eh! So, listen! The four of you!" Turo ni Crimson sa She Royals. "Ayusin niyo yang attitude niyo, kung hindi malilintikan tayo."

Kumunot ang noo ni Jane sa narinig, "Why? Eh ano naman ngayon kung malaman ng lahat, it's not as if we can't defnd ourselves." Sarcastic na sagot nito.

"We can't let those info leak hanggat hindi pa nagpapakita ang mga Cursed Royals." Singit naman ni Ashton Ryusei.

"Cursed Royals? The legendary warriors?" Tanong ni Bea.

"They're just LEGENDS! Ayaw niyo yun? More fame kapag nalaman nilang we're part of the Royal Underground Society, hindi naman tayo masasamang tao!" Napailing-ilang na lang ang He's sa mga sinabi ng She Royals.

Okay lang kahit malaman ng lahat kung sino sila kasi mabebenefitan sila kapag nagkataon. Masyado silang Fame Whore. Hindi naman kasi kasalanan ng gang kung may makakilala sa kanila. Kasalanan yun ng society dahil hindi nila na seal ng mabuti ang mga informations.

"Can you just do your part please? Nakasalalay ang pangalan ng mga gang natin dito." Sagot naman ni Wave.

"Whoah! Chilax! Okay. We're going to act cool." Irap ni Jane sa mga ito.

"We'll handle them first hanggang makuha namin lahat ng infos na hawak nila. And then, you can do everything you want to them." Sabi naman ni Leif. Napatango-tango naman ang SHE ROYALS.

"Okay deal, make those Geeks know their level." Jheraine smirked.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top