8th MCS

"Ang tagal nyo naman." kakasakay ko lang sa mercedes ni Cassie.

"Eto kasing si Jasmint, nakipag harutan pa dun sa isang varsity player ng football team. Kaya na delay."

"Eh ang hot eh, feeling ko nga mas mata-tan ung skin ko pag sa ilalim nya ko nahiga. Hihi." Humagikgik pa ang loka. Si Jasmint kasi ang pinaka malapit sa boys. Siya daw kasi si 'Maja' short for Maja-rot.

Pag sinabi naming beach, isa lang naman ang pinupuntahan namin, Batangas, may isang resort kasi dun na parang medyo private ang dating. Usually kasi, nag a-accomodate lang sila ng 100 guests, and may age limit. 18-28. Bagets na bagets lang di ba? Sabi kasi ng nag ma-manage, bachelor daw yung may ari ng resort, at sa halos limang beses naming pabalik pabalik dun, hindi pa namin nami-meet yun.

Dahil nasa SLEX na kami, binaba na ni Cassie yung top ng MB at nag play ng music, wild songs to be exact.

This is what İ like most during roadtrip. Party party sa car.

Nung nasa tollgate na kami, may kasabay kami sa kabilang toll, medyo mahaba pa kaso ang pila. Dahil magaganda naman kami, hindi nila kami mare-resist. Gaya ng car ni Cassie, top down din yung kanila. Wag nyo ng itanong ang brand ng car, baka maglaway kayo. Lima sila dun, apat na lalaki at isang girl, sa tingin ko, free yung tatlong boys, kasi naman yung isa kalandian yung girl. PDA eewww.

"Hey ladies." Sabi nung nag da-drive na naka blue shirt na v-neck na sakin nakatingin at kumindat pa ha!. Hmm. Gwapo. Yummy. Macho. Yummy. Mayaman. Yummy. Not bad.

"Hi boys!" Si Jasmint talaga. Basta lalaking gwapo. Ang bilis. Tapus kinindatan nya yung lalaki na naka white sa tabi ng lalaking may kalandian.

"Saan kayo?" Sabi nung nasa passenger's seat na naka dark gray shirt. Hmm, i smell something... exciting!

"BJ." Sigaw ni Cassie, kaya napatingin samin yung sakay sa ibang sasakyan na nakababa yung bintana, dahil nag babayad na siya ng toll fee kay naisigaw nya. At nung nag go na. Sumigaw yung isa sa kanila.

"Oh yeah! See you there ladies."

Nag taas na lang ng braso si Cassie at nag thumbs up.

Teka, yung BJ pala, name ng resort. BEACH OF JON.

"Grabe, ang gwapo nung naka white. Shit!"

"Akala ko ba may kalandian kang football player kanina?"

"Wala naman siya, and fling lang yun, madami pang iba dyan, gaya na lang nun. Aba, wala pa tayo sa beach eh makaka-bingwit na agad ako ng isda. Ang sarap mamapak. Hoy Cassie, medyo bagalan mo nga yung pag da-drive mo para maabutan tayo." loka talaga tong si Jasmint. Tsk, di na nagbago.

"Yaan mo sila, kung gusto nila, habulin nila tayo. Hindi yung tayo ang maghihintay at mag kakandarapa sa kanila."

"Double meaning. Para kanino ba yan? Kay papa Ryan?"

"Shut up Mentos." hayssss, eto nanaman ang aso at pusa.

"Hey, that's too much!"

"Enough girls. Cassie, anu bang nangyari sa inyo ni Ryan?" kaya siguro ako kinukulit ng bruho, text ng text.

"Alam mo naman na mahal ko yung mokong mong pinsan. He said, he felt the same way too. We started dating, hanging out and--"

"Making out." walang kaabog abog na sabi ni Jasmint

"Jasmint!" sita ko sa kanya, aba, baka mag away nanaman sila ni Cassie.

"She's right, Cali. Hindi nya ko niligawan. Then, İ saw him with other girl, which is Jannie." Cheerleader huh? "Sabi nya, nilalandi daw siya nung imfucktang yun. Tapus nung inaway ko na siya, dahil syempre nasaktan ako kasi nga mahal ko, ayun sabi niya sakin wala naman daw kaming relasyon. Bakit ko daw siya inaaway, hanggat may time daw siya sakin, ako pa din. And i wanna cut he's fucking bird."

"Woah! Easy Cassie. Wag mo kaming idamay sa pag su-suicide mo. Wala kaming kinalaman dun." Bumilis kasi yung takbo ng MB, kaya yung ibang car na nao-overtake-an nya eh panay ang busina.

"İ'll talk to him, Cassie." ayaw ko naman pumanig kay Cassie hanggat di ko naririnig ang side ni Ryan. Ayaw ko din maging bias sa pinsan ko dahil bestfriend ko Cassie.

Speaking of pinsan, may nag text. Guess who?

My COUSİN Dex, at ang sabi.

'Let's talk.'

Talk? anung pag uusapan namin?

PURELY BUSİNESS? Hmp! di ko na lang ni-reply-an, ayokong masira ang vacation namin.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: