40th MCS
"Tito, alam na po ni Lyra ang lahat." Magalang na sagot ni Dex
"Di ba napag usapan na natin to, Rio?" Tanong ni mommy.
"Yes, Tita. I'm sorry."
"Calimia, pumasok ka muna sa kwarto mo."
"B-but dad--"
"No buts..."
"Sundin mo na ang daddy mo." Tumingin ako kay Dex. Seryoso ba siya? Hindi ko siya iiwan dito. Kung siya nasa tabi ko lang, dapat nasa tabi lang din niya ko.
Nagulat ako ng binitawan ni Dex ang kamay ko. "Sige na, Lyra." Kahit labag sa loob ko, lumabas ako sa library. Pero hindi ako pumasok sa kwarto. Nakatayo lang ako sa labas ng library. Hindi naman nila ko makikita kasi nakasarado. Gusto ko pa rin marinig ang lahat. Kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pinto at nag awang ng konti. Sound proof ang library, kaya kahit anong dikit ng tenga ang gagawin ko. Hindi ko maririnig.
"Akala ko, Rio, okay na sa'yo yung ganong set up."
"Hindi ko na po kayang pigilan yung nararamdaman ko, Tita."
"Konting panahon na lang--"
"Dalawang taon? I'm so sorry, I thought I can still wait on her, but seeing her looking at me with disgust written all over her face, I don't think I can still manage that..." Gusto kong yakapin si Dex sa mga sinasabi niya.
"Papipiliin kita, Rio... ikaw ang aalis o si Cali. Ang gusto ko lang makatapos ng pag aaral ang anak namin. After that... pwede niyo ng gawin ang mga gusto niyo." Sabi ni daddy.
"Makakatapos naman po si Lyra kahit na nagmamahalan kami."
"We know that... tama na yung nahahati ang atensyon niya sa pagkanta at pag aaral." Sabi ni daddy.
"Who told you na kasama ang pagkanta dun?" Pasinghal na sabi ni mommy.
"But Tito, don't you think it's unfair?"
"Call it unfair, Rio."
"Paano po pag sinabi ko na buntis si Lyra?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dex. WTH? Bakit niya sinabi yun? Nababaliw ba siya?
"RIO!!! Anong sinasabi mong buntis ang anak namin?"
"May nangyari na samin ni Lyra. Hindi ako sigurado kong buntis siya. Pero papanagutan ko yun." Gusto kong pumasok sa loob. Mas lalo niyang pinapagulo ang lahat. Crap!!
"Mamili ka, lalayuan mo si Cali ngayon para magustuhan ka namin para sa kanya, o ilalayo namin siya sa'yo at hindi mo na siya malalapitan kahit kailan?" Dahil sa sinabi ni daddy, napasugod ako sa loob ng library.
"Daddy no!! Wag... please! Ayokong ilayo niyo ako kay Dex. No! Please." Niyakap ko si daddy. Ayoko na ulit na magkahiwalay kami ni Dex. Tama na yung naging aloof ako sa kanya ng ilang taon.
"Mamili ka Cali, si Dex o ang pagkanta?" Napatingin ako kay mommy, bakit kailangan pang mamili? Tumingin ako kay Dex na nag hihintay ng sagot.
"W-why do I have to choose? Kaya ko naman pagsabayin ang pag aaral at ang pagkanta. Iba si Dex, mommy. Wag mo siyang isama dun."
"Alam mo nanaman ang dahilan kung bakit ayaw ko, Cali diba?"
"Ako naman yung intindihan mo mommy. Hindi mangyayari sakin yung nangyari sa inyo. Magkaiba tayo ng sitwa--" Tumulo ang mga luha ko ng narandaman ko ang palad ni mommy sa pisngi ko. Napatitig lang ako sa kanya.
"Arianne!!" Sigaw ni daddy.
"Akala ko ba Rio tutulungan mo ako na talikuran ni Cali ang pagkanta? Anong silbi ng mga ginagawa nating to kung hindi niya kakalimutan ang pagkanta?" Napatingin ako kay Dex.
"A-anong tutulong ka para makalimutan ko ang pagkanta? Kaya ba tinatanong mo ako kagabi tungkol sa pagkanta ko? Akala ko ba naiintindihan mo ko? Akala ko ba kasama kita? Bakit pinagtutulungan niyo ko ni mommy? Kaya ba gusto mong sa studies at sa'yo lang ako mag fo-focus? Dahil ba dun??"
"C-cali, listen... ginagawa ko yung para sa'yo. Alam ko naman na malayo ang mararating mo sa pagkanta... p-pero sandaling kasikatan lang yun."
"Pareho pareho lang kayo. Tandaan niyo tong mga ginagawa niyong pagmamaliit sakin. Lalo ka na Dex, akala ko susuportahan mo ako. Pero hindi, nagkamali lang ako sa'yo." Itinulak ko si Dex palayo. Lumabas ako sa library at tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Ni lock ko yun dahil naramdaman ko na sumunod si Dex. Umiyak ako ng umiyak. Isinalampak ko ang katawan ko sa kama.
Hindi ko alam kung gaano na ba ko katagal na umiiyak. Walang akong pakialam kahit sirain nila ang pinto. Ilang beses silang kumatok, nabuksan nila ang doorknob, pero naka double lock yun. Kaya walang sense kahit matanggal nila ang pagkakalock ng doorknob.
Bakit ganon sila? Maraming iba na ginagawang puhunan ang pagkanta para kumita. Pero bakit ako? Bakit hindi ako pwede? Naiintindihan ko naman si mommy, pero hindi niya naman ako kailangang idamay dun. Napaka unfair nila!! Gusto ko lang naman tupadin ang mga pangarap ko.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top