3rd MCS
Dahil nga may sari sarili kaming wheels. Dun na lang kami mag kikita sa mall. Gustooo ko yon.. At dahil hindi naman traffic, nakarating din agad kami. Saktong may vacant na tatlo sa carpark. At ang ganda lang tignan, kasi fuchsia na Bugatti ung sakin, applegreen Lamborghini ung kay Jasmint, at Pagani Zonda na blue ung kay Cassie, sabay sabay pa kami lumabas. Puro sports car ung dala namin no? Well, minsan lang kami gumamit nito. Kasi mas trip namin ung mga BMW, Mercedes, Chevy lang talaga ung ginagamit namin madalas. Tuwing may mga ganitong program lang sa school namin ginagamit ung sports car. Di ba ang taray lang. Kaya ung mga lalakig nag tatrabaho sa grocery dito sa mall, nag kabangga bangga ung mga pushcarts nila. Natawa na lang kaming tatlo habang papasok sa loob ng mall.
Nandito kami ngayon sa may isang couture shop. Tumitingin din sila Jas and Cas. Ang cute lang. May nakaagaw ng attention ko, kaya naman nilapitan ko agad ung dress na naka hanger. Paghawak ko....
Napataas ang kilay ko.
"Will you please remove your hands off me?" sabi ko sa girl na mukhang kokak.
"Nauna ako sayo miss."
"Really..." mas tumaas ung kilay ko, hanggang rooftop nitong mall. Lol. "...sa pag kakaalam ko, kamay mo ang nakapatong sa kamay ko."
"Mas nauna kami ng mga friends ko na mag punta sa shop na to. Kakadating nyo lang diba?"
"Hindi naman batayan un eh at ikaw na rin nagsabi, mas nauna pa kayo samin, bakit di mo pa kinuha?"
"Actually, kanina ko pa sya nakita, ngayon ko lang nilapitan para bilhin."
"Bad for you. Now, remove your filthy.hands.off.me" impaktang palakekok to. Napansin ko na lumapit na ung mga staffs ng shop. Pero wala naman silang sinasabi. Nakikiramdam lang.
"Fine. Nakakahiya naman kay Ms. Arianne ROMUALDEZ na mag suot ako ng mga ganitong klaseng damit. Sya kasi ung designer ko. Pupunta na lang ako mamaya sa kanya. Hmmm, pero nonsense na sinasabi ko sayo to. Hindi mo naman sya kilala. Right? İt's so expensive kasi na mag pagawa sa kanya, sa shop nila." bruhita talaga to. Di ba sya nahihiya sa mga nakakarinig sa kanya? Gosh, stupid girl. Binitiwan ko na din ung dress at mas hinarap sya.
"Really?..." medyo pina excite ko pa ung boses ko. Tignan lang natin. "...please tell MOM that i'll come home late. Ok?" tapus tinalikuran ko na sya. Pero may nakalimutan pa kong sabihin, kaya humarap ulit ako
"By the way, i'm Calimia Lyra ROMUALDEZ. İt's not nice to meet you, voluble bitch." at lumabas na ko ng shop, kala nya ha.
Yes, Arianne Romualdez is my mom. Dating model, pero ngayon may sarili na syang company, ang Mamamia Couture İnc. 15 yrs na sa field ng fashion. Pinangalan nya sakin, kaya nga MamaMİA. Sya ung tinutukoy ni Cassie na Tita Ar. Pinipilit nya nga ko mag model, pero hindi talaga ko para dun.
Naramdaman ko na lang sila Cas and Jas sa tabi ko.
"My gaddd sissy, kung nakita mo ung mukha ni Jayzel nung tinalikuran mo sya. Matatawa ka." sabi ni Cassie
"You know her?" napatingin pa ko sa kanya.
"Yeah, new biatch model ni Tita Ar. Nakasabay ko sya sa elevator before. Ang arteee. Pero subukan nya kong palagan. Haha, nung nakita nga ako nun nanahimik. Na starstruck ata."
"So Jayzel pala ang name nya. Wag nya kong babanggain. Baka tumalsik sya."
"Naku, for sure, kung hindi un anak ng friend ni Tita Ar, hindi naman un kukuning model." kaya pala. May backer.
"Well, enough for her dreams, pag kinalaban nya pa ko ulit."
Hindi na namin ini-stress pa ang sarili namin. Kaya naman nag shopping kami ng sangkatutak.Mga 9 na nung nakauwi kami. Nakakapagod. Pero nakaka-enjoy din. Nakakamiss ung bonding namin.
Siguro minsan naiiisip ko na pagod na ko na maging mayaman, pero minsan, ini-enjoy ko na lang. Naiiisip ko kasi, ang swerte swerte ko. Yung iba nga nangangarap na mapunta sa sitwasyon ko, tapus ako, nangangarap na mapunta sa sitwasyon nila. Mahirap din naman ang maging mahirap.
Tao lang naman ako, may mga gusto at may mga ayaw. Babae lang din naman ako, pabago bago ang takbo ng utak.
Feeling ko kasi minsan, ang unfair nila sakin. Yung gusto ko, ayaw nila. Yung ayaw ko, gusto nila.
Ayokong dumating ung panahon na mag susuot ako ng business attire at mangangarag sa paggawa ng mga presentations. Minsan lang ako nag pupunta sa company namin, dahil pa yun kay, haaay! Enough na.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top