38th MCS

Nagulat ako sa sinabi ni Dex. Paanong hindi kami mag pinsan? That's ridiculous.

"Kung may alam ka din tungkol sa nangyari kay mommy... siguro nagkakamali ka lang. Dahil anak pa din ako ni daddy. Anak pa din ako ng kapatid ng mommy mo." Tinalikuran ko siya. Tama na yung umasa ako na may possibility na hindi kami magpinsan.

Nahawakan ako ni Dex sa braso. Pero hindi na siya nag abalang iharap ako sa kanya. "Hindi ko alam kung ano yung sinasabi mo tungkol kay Tita Ar. Pero maniwala ka sakin, Lyra. Hindi tayo magpinsan. Hindi kita pins--"

"Rio!!" Napalingon ako kay Ryan. Agad kong tinanggal ang kamay ni Dex na nakahawak sa braso ko. "Rio... hindi pa sa ngayon di ba?"

"Kailan pa?? Pag kinakamuhian na ko ni Lyra?"

 

"Malapit na, Rio. Dapat hinihintay mo na lang."

 

"Malapit na din akong sumabog. Pinilit kong makibagay, Ryan. Alam mo yan!" Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy nila Dex at Ryan. Anong pinag uusapan nila?

"Pero ano ba naman yung hintayin mo yung birthday ni daddy. Bago ka gumawa ng aksyon... hindi ngayon!

 

"That's bullsh*t. Ang tagal kong naghintay. Hindi ko na maitatago yun ngayon. Kung hindi mo rerespetuhin ang desisyon ko, wag ka na lang mangialam."

 

"Ang usapan... walang ibang makakaalam."

"Hindi na iba si Lyra sakin, pinsan mo siya!"

 

"Bahala ka, Rio... bahala ka." Tumalikod si Ryan at iniwan kami ni Dex.

"H-hindi ko maintindihan, Dex. Ipaliwanag mo sakin."

Hindi ako pinansin ni Dexim, hinila niya ko palabas ng bahay. Nadaanan pa namin sila Cassie at Jasmint na nagsu-swimming. Kinuha ni Dex yung robe ko na nakasampay lang sa mag upuan. Kinuha din niya yung susi ng kotse ata. Dumiretso kami sa kotse niya

"Suotin mo to." Iniabot niya sakin yung robe na kinuha niya. Sa taranta ko isinuot ko yun. Pinagbuksan din niya ko ng kotse at pumasok ako. Pinagmasdan ko lang siyang umikot papuntang kabilang side. Kakaiba talaga yung aura niya.

Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta, kung saan niya ko dadalhin. Ang alam ko lang, hindi ko na alam tong way na dinadaanan namin. Mga 45 minutes din siyang nag drive, at huminto sa isang condo building.

Binuksan niya ang pinto ko, lumabas ako dahil nakakatakot yung aura niya. Iniabot niya sa valet yung susi.

Naunang pumasok si Dex sa building, nagtitinginan yung ibang lalaki sakin. May kaiklian kasi yung robe ko, four inches above the knee. May narinig pa kong sumipol. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nawalan ng confidence sa sarili. Kaya nakayuko lang ako. Napahinto ako sa pag lalakad ng may naramdaman akong kamay na nakaakbay sakin.

"D-dex."

 

"Naiinis ako dahil pinagnanasahan ka ng ibang lalaki. Nagsisisi din ako na yan lang ang pinasuot ko sa'yo. Dapat ako lang." Literal na namula ako sa sinabi sakin ni Dex.

Nakarating kami sa pad niya ng hindi ako nagsasalita. "Nagugutom ka ba? Teka... ipagluluto kita."

 

"Dex wag na..."

"Iiinit ko na lang yung niluto ko kanina."

"You don't have too." Tinignan ko siya sa mga mata niya. "Gusto kong malaman yung pinag uusapan niyo kanina ni Ryan."

"Magpahinga na muna tayo."

 

"Kung dinala mo ko dito para pagpahingahin ako... ibalik mo na lang ako kila Cassie. Dun ako magpapahinga." Tinalikuran ko siya at humakbang ako papunta sa pinto. Nang malapit na ko, bigla siyang humarang sa may pintuan.

"Sasabihin ko na. Just please... don't leave me." Marahan akong tumango at naupo sa isang sofa sa right side ko. Sumunod din naman siya sakin.

"What now?" Hindi kasi siya nagsalita ng naupo siya.

"Hindi tayo magpinsan..."

 

"Prove it..."

"Pinsan ko si Nath..." Napatingin ako sa kanya ng mabanggit niya si Sir Nath. Ibig sabihin pinsan ko din yun?

"Does it mean that he's my cous--"

"No. Lyra hindi mo ba napapansin na magkaiba kami ni Ryan ng middle name? Hindi ka ba aware na hindi ko dinadala ang apelyido ni Mommy nung dalaga pa siya?" Napailing ako sa sinasabi niya. Dahil hindi ko naman nakikita ang mga I.ds niya. "Anak ako ni daddy sa una niyang asawa. My mom died when she gave birth to me. Hindi kita kamag anak, Lyra. Hindi ko mommy ang tita mo. Hindi tayo magkadugo..."

"Kung totoo man yang sinasabi mo... b-bakit niyo itinago?" Tumayo si Dex at tumabi siya sakin.

"Dahil yun ang gusto ni mommy, ng tita mo. Gusto niya na siya ang ituring kong totoong ina. Nalaman ko yun nung araw ng graduation mo. Yun ang totoong dahilan kung bakit hindi ako naka-attend. Kung may gusto ka pang malaman... itanong mo na."

 

"Alam ba to nila mommy at daddy?"

"Yes..."

Nag iwas ako ng tingin... kasi gusto kong maiyak. Nakakatawa naman... "Alam ba nilang m-mahal mo ako?"

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala yun sa labi niya. "Oo, Lyra. Lagi kitang pinagtatanggol, kaya nahalata nila yun. Pinagbigyan nila ko, pero sa isang kundisyon... ikaw ang mamamahala ng lahat ng business nila. Pero hindi ako pumayag, Calimia."

"Why??"

 

"Kasi hindi yun ang gusto mo... hindi yun ang pangarap mo."

 

"Anong alam mo sa gusto ko??"

"Alam ko lahat... kahit hindi mo sabihin sakin. Alam ko."

 

"Kung hindi ka pumayag... ano pang silbi ng napag kasunduan niyo nila mommy? Wala ng saysay yun, dahil unang una hindi mo naman matutupad sa kanila na ako ang mag ha-handle ng mga business namin."

"Dahil pumayag sila sa deal ko."

"Ano namang klaseng deal yun?"

Nakangisi siyang tumingin sakin. "Magpapakasal ka sakin."

"WHAT? Sa tingin mo papayag ako?"

"Oo naman." Confident niyang sagot.

"Hah! Ang kapal ah!" Napakagat ako ng labi ng maalala ko na hindi naman pala talaga kami mag pinsan. Parang feeling ko imagination lang ang lahat. Feeling ko isang napaka laking joke lang to. Parang kahapon lang, nadurog lahat ng pag asa ko na pwede kami ni Dex. Dahil totoong anak ako ni mommy at daddy.

Pero ngayon... nabuhayan ako. Dahil nalaman ko mismo kay Dex na hindi kami mag pinsan. Akala ko nasusunog na yung kaluluwa ko sa impyerno kasi incest. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko, mixed emotions.

"Lyra... bakit ka umiiyak?" Napansin ko na hawak hawak na ni Dex ang kamay ko at pinupunasan ang mga luha ko.

"Huh?" Tinalikuran ko siya at nilayuan. Kulang pa din... kahit gustong gusto kong maniwala dahil mahal na mahal ko talaga siya. Pero paano ako makakasiguro na nag sasabi nga siya ng totoo?

"19 years akong naniwala na mag pinsan tayo, Dex. For seven years... nangarap ako na sana... hindi talaga tayo magpinsan. At ngayon, sa isang iglap... malalaman ko sa'yo na hindi tayo magpinsan? What do you want me to expect or react?"

"Kaya nga ang sakin, mahal kita at gusto kong magpakasal na tayo as soon as possible."

"Are you insane? Tignan mo nga ang mukha ni Ryan kanina. Ayaw niya ngang ipaaalam mo sakin na hindi naman pala kita pinsan."

"Kasi ang sabi ni daddy, sa birthday niya daw ipapaalam sa lahat na anak niya ko sa una niyang asawa, sa tunay kong ina."

"Ewan ko... ang bilis ng mga pangyayari Dex. Bigyan mo ko ng oras para ma absorb lahat lahat."

"Okay... i'm giving you one hour."

"Dex??!! Hindi lang isang oras ang kailangan ko."

"Eh ano?"

"Maraming ora--"

"Marami na kong nasayang na oras, Lyra. Sa tingin ko, hindi na healthy kung madadagdagan pa yun."

"Eh paano sila mommy at si daddy?"

"Why? Pumayag naman sila sa deal ko na ikakasal ka sakin." Pumayag ba ko? UNFAIR!!!

"Bakit ba hindi nila pinaalam sakin? Wala naba kong karapatan na malaman ang mga nangyayari tungkol sa pamilya ko?"

"Ayaw lang siguro nila na magkaroon ka ng malisya sakin." Ngumiti siya ng nakakaloko at kinindatan ako. Kaya naman umiwas ako ng tingin. "You have two options Lyra, you'll marry me or I'll marry you."

(c) Eilramisu

LAST THREE CHAPTERS, INCLUDING THE EPILOGUE =))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: