37th MCS

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ba tulala ka na lang diyan?" Tanong sakin ni Jasmint. Nandito kami ngayon sa bahay nila Cassie. We decided to spend our remaining sembreak here. Wala naman yung parents niya. May pool naman dito kaya hindi na namin kailangan pang lumayo.



"Wala naman. May iniisip lang ako." Iniisip ko pa din yung kwento ni mommy sakin kahapon.


"Ang mabuti pa i-enjoy na lang natin ang masasayang araw natin. Wohooooo! Party party na no!" Masiglang sumayaw sayaw si Cassie sa harap namin.


"CASSIE MY LOVE!!!" Napairap ako ng mabosesan ko ang nagsalita. Walang iba kundi si Ryan! Hay!!



"Nandiyan ka na pala my love!" Gabi na kasi eh, dito din ata tutulog itong si Ryan. Gabi namen sinimulan ang mini pool party, para naman mas maenjoy namin.



Niyakap ni Ryan si Cassie at hinalikan yun sa labi. Napairap na lang kaming dalawa ni Jasmint.




"Hi baby girl! Hi cheeks." Cheeks ang tawag ni Ryan kay Jasmint, nung una nagulahan kami. Dahil ang akala namin 'chiks' as in 'babaeng sexy' yun pala pisngi. Ang taba daw kasi ng pisngi ni Jasmint.



"Tseee!"



"Nga pala, may kasama ako."




"Sino? Nasan na?" Tanong ni Jasmint.



"Ryan, kunin mo yung isang bag sa trunk." Napatingin ako sa nagsalita... it was Dex. What is he doing here?

Tumingin sakin si Cassie, tumingin din siya kay Dex, at binigyan ako ng isang nakakalokang ngiti. "H-hi Dex... buti naman nakasama ka kay Ryan." Nagkatinginan kami ni Dex, pero wala akong emosyon na nakita sa mga mata niya. Parang kinilabutan ako, agad din naman siyang nag iwas ng tingin.

"Pinilit lang ako ni Ryan... isa pa wala rin naman akong ginagawa."

"Eh di ayos!! The more, the merrier." Hindi ko alam kung dapat nga ba akong matuwa gaya ng sinabi ni Jasmint. Merrier? Shut up!!! AWKWARD kamo.

Nakaupo lang ako dito sa gilid ng pool, dito kami mag o-overnight. Let's just say na, dito namin i-spend ang remaining days namin bago mag pasukan nanaman. Meron kaming mini pool party. Lima lang kami... supposedly, four... pero dahil nandiyan si Dex, ayan... ang awkward na. Pero, ang lakas pa rin ng hatak niya sakin. Ewan ko ba! Feeling ko sobra na kong makasalanan... kasi nagmamahal ako ng higit pa sa dapat na pagmamahalan ng magpinsan. Ibang level yung nararamdaman ko para sa kanya. Ang sarap lang niyang tignan habang nag iihaw ng barbeque. 

"Alam mo, mas mukhang maluluto agad si Dex diyan sa mga titig mo kaysa sa iniihaw niya." Nagulat ako ng nasa may tabi ko na pala si Jasmint.

"Hindi ko naman siya tinitignan eh."

"Wag ka na ngang tumanggi. Kanina pa kita napapansin. Kung matitigan mo siya, para siyang isang abstract na kailangan titigan para maintindihan."

"Bakit ko naman siya kailangang maintindihan?"

"Dahil hindi ka niya pinapansin..." Tama si Jasmint. Hindi ako pinapansin ni Dex, ni tignan nga hindi niya magawa sakin. Para akong isang nakakadiring nilalang. Isang beses lang siyang tumingin sakin. Pagkatapos nun... hindi na ulit.

"Galit lang siguro siya... kasi nagpunta siya sa bahay kahapon, hindi ko naman siya napuntahan, kasi nakatulog ako."

"Dahil ayaw mo rin naman talaga siyang makausap."

"What do you mean?"

"Alam naman natin na mahal mo siya... at ang awkward lang kasi pinsan mo siya."

"Matagal ng issue yan, Jasmint. Let's just move on."

"Madali namang sabihan yan... pero sa'yo pa rin naman babalik ang topic... nakapag move on ka na ba?" Tinignan ko lang si Jasmint sandali at lumusob na din ako sa pool. 

"Ang mabuti pa... mag swimming na tayo." Napailing na lang si Jasmint sa itinuran ko. "Magandang mag vocalization dito."

"Tseee! May utang ka pa samin ni Cassie dahil sa pagtatago mo kay Symphony. Hmp!!" Tumawa lang ako at nag simula ng lumangoy.

"Truth or consequence?" Tanong ni Jasmint kay Ryan. Nag lalaro kasi kami ng spin the bottle. Nakakapagod kasi lumangoy ng lumangoy. Nasa right side ko si Jasmint, sa left ko naman si Cassie, katabi niya si Ryan na nasa left side niya si Dex... so parang kaharap ko si Dex.

"Consequence. Para naman maiba." 

"Ikaw ang pumili niyan ah! Walang atrasan." Tumayo si Jasmint at nagpunta sa kabilang table. Kumuha siya ng glass at sinalinan yun ng wine, kinuha din niya ang bote ng Mang Tomas at suka tapos inihalo sa wine. Napangiwi ako ng ma-realize ang ipapagawa niya kay Ryan. Ganon din sila Cassie.

"Here, drink this. Bottomless ah?"

"Seryoso ka ba, Jasmint?" Nakangiwing tanong ni Ryan, tapus inamoy pa niya yung wine with mang tomas and suka.

"Yep! Para maiba naman di ba?"

"My love... help me!" Naka puppy eye na tumingin si Ryan kay Cassie.

"Who you??" Natawa ako sa sagot ni Cassie! Shemay lang! 

Nakapikit at nakatakip ang ilong na nilunok ni Ryan yung pinainom sa kanya. Halos masuka suka siya ng malunok yun kaya dali dali siyang inabutan ng tubig ni Cassie.

"Babawi ako cheeks! Tandaan mo tong gabing to!!" Tumatawa lang na umirap si Jasmint sa inasal ni Ryan. Nakailang ikot din, at ang swerte swerte ko kasi hindi pa tumatapat sakin yung bote, ngayon si Cassie ang nagspin at tumapat yun kay Dex... 

"Truth or dare?" Nakangising tanong ni Cassie.

"Dare." Walang ka gana ganang sagot ni Dex.

"Halikan mo ang pinakamahal mo saming apat." Napa what the heck ako sa dare ni Cassie. Napaka obvious naman na si Ryan... kasi kapatid niya. "Kahit saang part ng mukha." Pahabol pa ni Cassie.

Tumayo si Dex at humarap kay Ryan. Tumingin ako sa ibang direksyon na nakangiti. Ano kayang feeling na hahalikan mo ang kapatid mo, lalo na kung pareho kayong lalaki. Parang nakakabak--automatic na lumaki ang mata ko dahil sa gulat. Hindi ko ini-expect na magkalapat na ang mga labi namin ni Dex. Sa gulat ko, naitulak ko siya. Tumingin ako kay Cassie at Jasmint na parehong nanlalaki ang mga mata. Umiiling naman si Ryan.

Tinalikuran ko silang lahat at naglakad ako papasok sa bahay nila Cassie. Nung hahakbang na ko sa stairs nila, may humawak sa braso ko... si Dex.

"Why the hell did you that??!!" Halos pasigaw kong tanong sa kanya.

"What's wrong with that??" Bullsh*t??

"Wrong??? You kissed me infront of my friends and infront of Ryan."

"So??"

"Anong so?? Baliw ka na ba? MAG PINSAN TAYO!! TAPOS HAHALIKAN MO KO SA LABI?"

"Higit pa diyan ang nagawa natin, Lyra." Itinulak ko siya sa balikat.

"What's wrong with you, huh??"

"Ang problema sakin... pagod na ko."

"Pagod na saan, Dex?? Pagod sa kakatanggol mo sakin sa parents ko? Sa pagpapabango ng pangalan ko sa kanila? For what reason??" Nagulat siya sa sinabi ko, pero agad din naman siyang nakabawi at umiling.

"Pagod na kong itago sa'yo na hindi naman talaga tayo magpinsan!!" Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Paanong hindi kami mag pinsan? May hindi pa ba ko alam?? 

(c) Eilramisu

MALAPIT NA PONG MATAPOS =))) 4 CHAPTERS NA LANG, INCLUDING THE CONCLUSION =)))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: