36th MCS

Tatlong araw na din simula nung makabalik kami ni Dex. Sa ka-sweetan na ipinakita niya sakin nung nasa Villa kami, hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi. Hindi ko na kasi siya nakausap. Muntik ko ng masabi na mahal ko din siya. Hays! Buti na lang hindi. Dahil baka umasa lang ako.

"Jasmint, bakit napatawag ka?"

"Eh kasi! Eeeehh!! Uuwi na ko. Makakapag bonding na tayo." As usual, ang lakas pa din ng boses ng gaga!

"Eh di mabuti. Pasalubong ko ah!"

"Oo naman no! Si Cassie, makakasama ba?"

"Hindi ko alam eh. Sa pagkakaalam ko, matatapos na yung event nila mommy. Siguro naman free na siya."

"Eh baka naman si Ryan ang gustong makasama ni Cassie."

"Hindi yan. Iba-bribe ko si Ryan para lang lumubay siya sa bonding natin."

"Eh kung isama na lang natin siya?"

"Mao-op lang tayo. Sweet sila.... pano naman tayo? Jaw drop... nganga!!"

"Oo nga pala. Sige... wag na lang."

"How's your--" Napatol ang pagtatanong ko nung biglang may kumatok sa kwarto. "I'll end the line, Jasmint... call you later. Bye!" Hindi ko na hinintay na sumagot si Jasmint at pinatay ko na agad... kasi kumakatok pa din kung sino man yun. "Bukas yan!"

Bumungad si Yaya Sally. "Ma'am may bisita po kayo... nasa ibaba po."

"Sino daw?"

"Si Sir Rio po." Biglang kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan niya.

"S-sige. Susunod na ko sa ibaba." Lumabas na din ang maid. Lumapit naman ako sa pinto at ini-lock yun, dumiretso din ako sa may tapat ng bintana at naupo dun. Bahala siya! Hindi siya nagparamdam for three days, tapos pupuntahan niya ko dito! Ang kapal ng apog niya.

"CALIMIA!!" Napatayo ako agad agad nung may tumawag sakin. Naku! Nakatulog pala ko.

"Mom! W-what are you doing here?"

"Anong what are you doing here? Ikaw, anong ginagawa mo? Pinaghintay mo si Dex ng isang oras, ang sasabi mo susunod ka na, pero heto ka at natutulog!"

"N-nakatulog lang naman ako eh."

"That's it! Nakatulog ka! Pinaghintay mo siya."

"As if sinasadya ko yun mom."

"Cali!! What's wrong with you?"

"Nothing mom!"

"Nothing?? Hindi ka na ba talaga magbabago? Ganyan ka na ba talaga kay Rio? Eh dati dati naman close kayo. What happened to that closeness??"

Napaiwas ako ng tingin kay mommy ng maalala ko yung dahilan kung bakit ako umiwas kay Dex. "Wala mommy. Walang nangyari." Walang nangyari kasi pinsan ko siya... kung itatanong naman kung bakit ko siya iniiwasan ngayon... kasi may nangyari!!! Literal na nangyari!!

"Wala naman pala. You should talk to him and apologize."

"Wala naman akong dapat i-apologize."

"Hindi kita pinalaki na ganyan ha! Kaya umayos ka!"

"Eh bakit po ba pinipilit niyo kong kausapin siya? Hindi nanaman maibabalik yung dating closeness namin. Mag pinsan kami, at yun na yun. Kahit anong gawin kong pag iwas sa kanya makakaharap ko pa din siya... kasi nga pinsan ko siya!" Naupo ako sa gilid ng kama. Nakokonsensya ako na isang oras palang naghintay si Dex. Pero... galit ako! Kaya bahala siya.

"Dapat pa nga magpasalamat ka sa kanya eh! You know why? Kasi all these years... pinagtatanggol ka niya samin. Akala mo ba hindi namin alam ang tungkol sa pagkanta mo? Kahit na binabawalan ka namin sa pagkanta, tuloy ka pa din. Dahil yun kay Rio. Dahil sa kanya kaya hinahayaan namin yang pagsisinungaling mo samin ng daddy mo. Kahit na ayaw ko talaga diyang sa lestseng pagkanta kantang yan!"

Nagulat ako sa sinabi ni mommy. Una, dahil kay Dex. Hindi ko alam na ganon pala yung ginawa niya. Ano naman ang idinahilan niya para mapapayag si mommy at daddy. Pangalawa, hindi naman ganito si mommy eh! Hindi niya ko sinisigawan!

"Bakit po ba ayaw niyong kumakanta ako? Eh kumakanta din naman kayo dati ah? Singer kayo noon di ba? Kaya anong dahilan niyo para pigilan ako?" Nagulat si mommy sa sinabi ko. Hindi niya siguro akalain na malalaman ko yung tungkol dun.

"P-paano mo... n-nalaman?"

"Why??" Tumayo ako at lumapit sa may table sa gilid ng kama ko, kinuha ko yung picture niya na nakita ko sa kwarto niya. "Ayan! Now, tell me mom, bakit ayaw niyo akong pakantahin?"

"DAHIL DITO!" Pinagpupunit ni mommy ang picture na yun kasama nung lalaki na naka akbay sa kanya. "Dahil sa kanya! Dahil sinira niya ang buhay ko!!!" Itinapon niya yung punit punit na picture sa sahig. "Because of him!" Umiiyak si mommy na napaupo sa kama ko. Nataranta ako kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"I-im sorry! I'm sorry, mommy!"

"Minahal ko siya! Pinagkatiwalaan ko siya, pero kami pwede. Sinabi ko naman sa kanya na ipinagkasundo ako ng lolo at lola mo. Wala akong nagawa... minahal ko na din naman si Enrico! Nung gabi na tinapos ko na ang lahat lahat saming dalawa..." Huminto si mommy dahil napahagulgol nanaman siya. Hindi ko alam kung bakit sumisikip na din ang dibdib ko. "Binaboy niya ko... ginahasa niya ko. Walang hiya siya. Hayop siya! Hayop!!"

Nagtuluan na lang din ang luha ko ng marinig ko yung sinapit ni mommy.

"H-hindi na nagawang idemanda nila mamà ang hayop na yung dahil inisip nila ang kapakanan ko... ang magiging image ko paglumabas sa media na ginahasa ako ng sikat na singer din. At alam nila nung mga panahon na yun, nobyo ko ang hayop na yun.Nagbunga ang ginawa niya sakin." Natulala ako sa huling sinabi ni mommy. Anong ibig sabihin niyang nag bunga? "Nabuntis ako dahil sa isang gabing kahayupan niya sakin. Pero pinakasalan pa din ako ni Enrico. Kahot nagdadalang tao ako... hindi niya ko tinalikuran. Tinulungan niya kong makaahon ulit."

"A-ako ba yun?" Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang hindi ako sobrang nasasaktan kung hindi naman pala si daddy ang tunay kong ama. Kalahati ng pagkatao ko ang masisiyahan... dahil ibig sabihin hindi ko pinsan si Dex...

"Hindi." Dun ako napahagulgol sa sinabi ni mommy. Ang bigat... yung maliit na chance ko... nahipan ng hangin at lumipad palayo sakin. "Nakunan ako... kaya mas lalo kong kinasuklaman ang hayop na yun. Kinuha na nga niya ang pagkatao ko... nawala pa sakin ang anak ko."

Nakagat ko ang labi ko. Dapat pala sana, may kapatid ako? May tatawagin akong ate o kaya kuya? Sana, sana tanggap sa lipunan ang pagmamahal ng higit pa sa kamag-anak. Pero hindi pwede.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: