35th MCS
Nakauwi na kami sa bahay namin dito sa villa. Wala na kasing ulan kaninang umaga kaya nakaalis na din kami sa kubo. Para ngang walang ulan na nangyari. Buti hindi tumakbo yung dala ni Dex na kabayo. Pero kanina nagsimula nanaman ang ambon, hanggang sa napalitan nanaman ulit ng isang mas malakas na ulan, compare kagabi.
Hapunan na pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Dexim. Hindi din siya nag nagmeryenda.
"Ang mabuti pa Cali, maupo ka na at tatawagan ko lang si Dex." Sabi ni Manang Mildred. Siya yung katiwala namen dito pag wala kami.
"Ah Manang!" Huminto siya sa paglalakad at tumingin sakin. "A-ako na po ang tatawag sa kanya." Tinignan lang niya ko saka siya nag salita ulit.
"Oh sige! Nandudoon lang ako sa kusina, tawagin niyo na lang ako pag may kailangan kayo." Tinanguan ko na lang siya at umakyat sa second floor kung saan naroon ang mga kwarto namin.
Nakailang katok na ko sa pintuan ng kwarto ni Dex pero walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang doorknob.
"Bukas naman pala eh." Bulong ko sa sarili ko. "Dex??" Tinatawag ko lang siya sa pangalan niya. Madilim ang buong kwarto. Nakapatay ang ilaw at nakaladlad lang yung mga kurtina. Mahina lang yung aircon, hindi kasi ganun ka lamig. Kinapa ko yung switch ng ilaw... bumungad sakin si Dex na balot na balot yung katawan ng comforter at nanginginig sa lamig. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Dexim... Dex wake up." Tinapik tapik ko pa ang pisngi niya. Nung dumilat siya, napayakap talaga ako sa kanya ng mahigpit. "Wait lang ha." Pinatay ko yung aircon at bahagyang binuksan yung bintana. Nagpunta ako sa banyo niya at binuksan yung heater. Habang hinihintay ko na uminit yung tubig kumuha ako ng face towel. Kumuha na din ako ng alcohol.
Dahil wala naman maliit na planggana sa banyo ni Dex, sa tabo ko na lang nilagay yung maligamgam na tubig at nilagyan ko ng alcohol.
Nagpunta ako sa kanya at tinanggal ko ang comforter at nakita ko na nanginginig nga siya sa lamig. Wala ng malisyahan, pero hinawakan ko ang laylaya ng tshirt niya at akmang itataas pero hinawakan niya lang ang kamay ko. Pinilit niyang mag mulat ng mata pero nanghihina siya.
"Dex... p-punasan lang kita. Ang taas ng lagnat mo." Medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko at binitawan na din tuluyan. Iniangat ko ang damit niya hanggang sa mahubad yun. Hindi ko matignan ang abs niya... damn! Feeling ko ako ang may lagnat eh. Kinuha ko yung face towel at piniga ko sa may tabo. Inuna kong punasan ang mukha niya, sumunod yung sa neck niya, sa magkabilang shoulders, sa d-dibdib. Shocks!! Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ang dibdib niya. Golay! B-bakit ganito? Oo... m-may nangyari samin... pero hindi ko naman alam na siya yun eh. Hayss! Sunod kung pinunasan ang abs niya. Dahan dahan lang, b-baka masaktan siya. Bago pa tumagal ng 36284 years, tinigil ko na ang pagpunas sa abs niya. Pinunasan ko na lang yung noo ko na kanina pa nagpapawis.
Ibinalik ko yung face towel sa may tabo. Kumuha ako ng panibagong tshirt ni Dex at sinuot ko sa kanya yun. Piniga ko yung face towel at inilagay ko sa may noo niya.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Nakita ko si Manang Mildred na nililinis yung dirty kitchen.
"Manang, pa-prepare naman po ng soup. Nilalagnat po kasi si Dexim."
"Naku, ikuha mo muna ng paracetamol diyan. Ipainom mo muna sa kanya para medyo guminhawa ang pakiramdam at makakain ng ayos."
"Sige po." Nagpunta ako dun sa may first aid kit sa may gilid ng switch. Pag ka-check ko, wala namang gamot sa medicine kit.
"Manang wala na pong mga gamot."
"Ganon ba? Tignan mo na lang sa kwarto ng magulang mo. Kunin mo yung susi sa may gilid ng vase sa pagitan ng kwarto niyo. Isusunod ko na lang sa itaas ang soup."
"Sige po." Umakyat ulit ako at kinuha yung susi tapus binuksan ko na yung kwarto nila mommy at ini-open yung switch ng light.
Hinanap ko kung saan nakalagay ang medicine box dito sa kwarto. Inuna ko sa walk-in closet nila mommy. Pero wala doon. Nung palabas na ko ng kwarto, napansin ko yung isang cabinet na naka-awang, out of curiosity, nilapitan ko yun at binuksan. Ini-open ko yung pinakababang drawer. Marami akong picture na nakita dun. Kinuha ko lahat yun at tinignan isa isa.
Napapakunot ang noo ko kada nakikita ko yung random pictures na hawak ko. Lahat yun si mommy. May hawak hawak siyang cassette tape na may pirma niya. Meron pa nga siyang picture na parang nag re-record ng song. Singer din si mommy? Akala ko... model siya? Naagaw ng pansin ko yung isang picture na may kasama siyang lalaki, nakaakbay sa kanya. Parang nakita ko na tong lalaki na to... pero hindi ako sure. Pero basta... familiar siya eh. Ka-batch siguro ni daddy. Pero halatang bata pa dito sila mommy. Siguro mga early 20s pa lang.
Itinago ko na yung mga pictures, except dun sa may kasama si mommy. Iniilagay ko yun sa bulsa sa likod ng shorts ko. Lumabas na ko ng walk-in closet para hanapin ang medicine box... nakita ko yun sa may maliit na table papuntang cr. Binitbit ko na lang yung palabas at nagpunta sa kwarto ni Dex.
"Dex... wake up! Take this medicine." Hindi niya ko pinapansin kaya kumuha na lang ako ng tubig, sakto namang pagdating ni Manang Mildred.
"Ako na ang bahala kay Rio. Kumaen ka na Cali."
"Mamaya na po ako. Ako na lang po ang magpapakain kay Dex. Ako na po ang m-mag aalaga sa kanya." Inilapag niya ang tray na dala niya sa gilid ng kama ni Dex. "Akala ko po ba pupunta kayo sa bahay niyo?"
"Oo... pero mamaya na. Marami pa akong gagawin."
"Ako na din po ang bahala dun Manang Mildred. Kung iniisip niyo po ang mga ligpitin sa ibaba, ako na po ang gagawa. Lumalakas na po ang ulan. Baka po abutin kayo ng baha."
"Wag na... nakakahiya naman ineng."
"Manang... ayos lang po yun. Kayo lang po ang inaalala ko, pati na rin po sila Tata Lucio. Hindi niyo na po kami kailangang intindihin. Kaya ko na po."
"Oh sige. Nako! ikaw talagang bata ka oh! Hindi nagbabago." Umiiling na lumapit si Manang sa may pinto. Pero tinawag ko ulit siya... may gusto kasi akong malaman eh.
"Manang... singer po pala si mommy nung kadalagahan niya no??" Nakangiti siyang lumingon sakin.
"Abay oo naman! Mahusay na singer ang mommy mo. Buti nga at nabigyan siya ng break nung nag mo-model siya. Ang aking Cleope ay hangang hanga sa kanya." Si Cleope ay panganay na anak ni Manang, matanda lang si mommy dun ng ilang years.
"Sa kanya po siguro ako nagmana." Mas nagtataka ako kung bakit hindi man lang nabanggit ni mommy na dati pa lang siyang singer. Kung ganon... bakit niya sinasabi na walang mararating sa pagkanta?? Tutol din kaya sila lolo at lola sa kanya? Hay! Hindi ko ma-gets.
"Oo ineng. Kaboses na kaboses mo si Arianne nung nasa edad mo siya." Tumango tango na lang ako. Lumabas na din si Manang nung hindi na ko nagsalita. Lumapit ako kay Dex at ginising ko ulit siya.
"Dexim, gumising ka na! Kailangan mong kumaen... iinom ka pa ng gamot." Nang hindi pa din siya gumigising, hinawak hawak ko lang yung dulo ng ilong niya. May kiliti kasi siya dun eh. Medyo iminulat mulat na niya ang mata niya... ang cute lang. Parang bata. Umungol lang si Dex, siguro masakit din ang katawan niya. Inisandal ko siya sa headboard, at kinuha ko yung soup. Medyo mainit pa.
Hinihipan ko muna yun bago ko isubo sa kanya. Medyo naiilang na nga ako kasi kung makatitig siya sakin, parang nakakalusaw. Kaya hindi ko napapansin na sunod sunod na pala ang pagsubo ko sa kanya.
"T-teka. Hindi n-naman ako patay gutom eh! H-hinay hinay lang." Pag rereklamo ni Dex, medyo nasamid na din kasi siya eh, kaya nagreklamo na.
"S-sorry!" Inabutan ko siya ng tubig na agad din naman niyang tinanggap. Pag kainom niya ipinatong na niya sa mag maliit na mesa sa gilid ng kama. Nung naubos yung soup na ginawa ni Manang, inabutan ko siya ng gamot at tubig. Kinuha ko yung baso pag katapos at iniligpit ko sa tray. Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung laylayan ng damit ko.
"Wag mo akong iwan dito mag isa." Nagkatitigan kami pagkasabi ko nun. Nagmamakaawa ang mga mata niya. Wala naman akong magawa. Ang sama ko naman kung tatanggi ako, eh ako din naman ang puno't dulo kung bakit siya nagka-flu. Ibinalik ko yung tray sa may mesa at naupo ulit sa kama. Umayos siya ng higa at umusod ng konti. "Tabihan mo ako... nilalamig ako eh." Magrereklamo pa sana ako pero inunahan niya agad ako. "Please?? Tabi lang naman eh!" Wala na kong nagawa nung bigla niya kong hinila pahiga. Bumagsak ako sa tabi niya at niharap niya ko sa kanya. Magkalapit na ngayon ang mukha namin. Iniayos niya yung kumot niya at kinumutan din ako.
"D-dex, may gagawin pa ko sa ibaba." Sabi ko sa kanya sa pagitan ng malakas na pagtibok ng puso ko.
"Kahit ngayon lang... pagbigyan mo ako." Pumikit siya pagkasabi niya non. Wala na kong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Mahal ko naman siya eh! Kahit na alam kong mali.
(c) Eilramisu
SALAMAT PO SA PAGHIHINTAY NG UPDATE. KAHIT MAHIGIT 34872874 YEARS BAGO KO I-POST ANG NEXT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top