33rd MCS
Na-miss ko din si Happy. Buti na lang kilala niya pa ko. Ang lambing niya kasing paliguan eh. Nakakatuwa siya. Lagi kasing nagpapagpag kada buhos ko ng tubig. Kaya medyo basa na din ako.
Nag ikot ikot ako sa buong villa. Almost two years akong hindi nakapunta dito. Wala namang gaanong pinagbago. Relaxing pa din dahil ang dami ng mga puno. Nagpunta ako sa may ilog sa bandang dulo nitong villa, alam nilang merong ilog, pero hindi sila nagpupunta dito, kaya ever since ako lang talaga ang madalas magpunta dito nung high school pa ko pag dito kami nag babakasyon. Kasi lumuloblob talaga ako dun para mag vocalize. Nakatulong din yun ng husto, kasi madalas christmas vacation kami nandito, kaya malamig. Nagawa kong labanan yung ginaw noon makapag practice lang.
Isa rin sa nagustuhan ko dito ay ang tahimik ng lugar na ito, yun flow lang ng tubig ang maririnig mo pati na yung mga huni ng ibon. Nakaka relax kasi. Isa to sa pinakagusto kong music, ang nature. Parang nagagawang huminto ng utak ko sa pag iisip ng mga problema. Kaya nahiga ako sa mga damo at pinikit ko na ang mga mata ko.
Nagising ako dahil sa lakas ng ulan na talagang pumapatak sa mukha ko, madilim na din sa kapaligiran. Shit! Nakatulog aki ng sobrang tagal. Nagpunta ako sa pinagsabitan ko ng tali kay Happy, pero wala siya dun. The hell!! Where's happy? Sinabit ko lang yung tali niya dun sa may sanga, and obviously, putol yung sanga. No choice kundi.ang hanapin si Happy. I'm doomed.
Nagsimula na akong maglakad kahit na ang lakas lakas na sobra ng ulan. Sisigaw ko din yung Happy. Tanga na kong maririnig pa ko ng kabayo dahil napakalakas ng ulan, nilalamig na din ako kaya medyo garalgal na ang boses ko at hindi na rin ako makasigaw ng malakas.
Nanginginig na yung chin ko sa sobrang lamig. Feeling ko, any moment, babagsak ako sa sobrang lamig. I can't stop myself from chilling.
Good thing nakakakita ako ng kubo. Pinakadulo na to ng villa kasi may mga wood fence na sa likod ng kubo at mas maraming mga puno. Parang gubat na tong nasa kabilang lupain. Hindi na ako nag atubiling pumasok sa kubo. Pahingahan siguro talaga to. Hindi kalakihan yung kubo, pero sapat na din para mabawasan ng konti yung lamig na nararamdaman ko sa labas. Napayakap na din ako sa mga tuhod ko. Sobrang lamig na, dahil pag humihinga ako may lumalabas ng usok. Mas lalo pang lumakas yung ulan, kubo lang to, kaya tagusan pa din yung hangin dahil gawa to sa kawayan at hiwahiwalay.
Nakadagdag pa sa lamig yung basa kong damit. Feeling ko bigla na lang akong magiging yelo dito. Anu na bang oras na, nasan na ba si Happy. May maghahanap kaya sakin? Ngayon ko naramdaman na mag isa lang ako.
Napatingala ako nung may narinig akong kaluskos. Pagtingin ko sa may bungad, may isang malaking ahas na palapit sakin. Mamamatay na ba ko? Napaluha na ko sa takot. Sobrang sama ko na ba talaga? Kaya lahat iniiwan ako?
Malapit na talaga yung ahas sakin. Sana hindi na lang ako natulog sa may tabi ng ilog. Kung alam ko lang na uulan ng malakas. Eh di sana, hinahanap ko na si Happy. Okay lang kaya siya?
Napapikit ako nung tutuklawin na ko ng ahas. Pero walang tumuklaw sakin. Kaya nagdilat ako na mata. Nakita ko yung ahas na may nakabaon ng swiss knife sa may bandang nguso nun. Napatingin ako sa harapan ko. Nakita ko si Dex na nakatayo at basang basa. Kaya napatayo din ako at napayakap sa kanya at naiyak na lang ako. Akala ko wala ng mag hahanap sakin.
"D-dex. T-thank you. I'm s-sorry!" Napabuntong hininga si Dex at niyakap ako.
"Thank God your safe."
"I'm scared."
"Nandito na ko, hindi kita iiwan."
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top