28th MCS

Nandito kami ngayon ni Nath sa jetski section ng resort. May ilan din na nag ji-jetski. We decided na solo kami sa jetski. Excited na nga ako eh. Ang tagal ko na kasing di nakapag jetski eh.

Pagkasuot namin ng lifejacket, lumapit na kami ni Nath sa jetski namen. Tapus nagbigay kami ng signal para sa isa't isa. Paunahan kasi kaming magpunta sa floating gazebo eh. Medyo malayo din yun sa seashore at sa jetski section.

"3.."

 

"2.."

"1.."

"GO!!!" Pagkasigaw niya nun, pinaandar ko na ang jetski. Shett, ayokong matalo. Dahil may consequence pagka nahuli. I really love the splash of the water.

Talagang binigay ko yung best ko para mauna. Konting push na lang, malapit na kami sa floating gazebo at..

"NATH!!!!! I'LL CRASH YOU." Tapus medyo bumagal yung pagpapatakbo niya at sinulyapan ako."YES!!!" I shouted. Naunahan ko siya. Tapus nakasunod na din siya sakin. Sumampa ako sa floating gazebo, naupo ako dun, at yung paa ko, nasa may water. Pinapadyak ko yung paa ko, para mag splash pa yung tubig. Ginaya niya lang din yung ginagawa ko.

"What did you just said?" Sabi ni Nath pag kaupo niya.

"Kailan?"

 

"A while ago."

 

"Alin dun? Yung yes?"

"No, the first one."

 

"Nath, i'll crash you?? Why?" Tapos umiwas siya ng tingin sakin.

"Nothing. Akala ko crush mo na ko. Crash lang pala." Kaya ba siya na-distract?

"Hmm, I like you." Totoo naman eh. Gusto ko siya. But not that deep. Tapus nag katinginan kami. Gadd, so gwapo this nilalang. Nginitian niya ko. Ngiti na kahit sinong babae nanaisin makita.

"I like you too." Nginitian ko na lang din siya, baka kasi akala niya joke lang, tapus binaling ko na lang ang tingin sa seashore. May nag sa-sunbathing din. Ang ganda ng kabuan ng resort namen. "Nakaisip na ko ng consequence mo." Sabi ko sa kanya at tinignan siya. Tapus nakatitig lang pala siya sakin. "SIR!!" Tapus biglang kumunot ang noo niya.

"I told you not to call me Sir."

"Haha! Ikaw kasi, nalulusaw na nga ako sa init ng araw, nilulusaw mo pa ko sa tingin mo. Seriously, oily na ba yung face ko?" Tapus umiling lang siya.

"You're very pretty." Umiwas ako ng tingin. Feeling ko kasi malapit na kong tumili eh.

"Wag mong iligaw ang topic. Anw, sige na mag swimming ka na. Yun ang consequence ko, and the twist, you'll remove your clothes, up to thr last garment."

"CALI! That's too much."

"Nah!! Just do it." Nagkasukatan kami ng tingin, sa huli. Panalo pa din ako.

"Fine!" Pagkasabi niya nun bigla siyang nag dive sa dagat. Nung lumitaw yung ulo niya, tinanggal na niya yung sando niya, tapus hinagis sakin at iniwasan ko, joke. Syempre nasalo ko at pasimpleng inamoy. Hahaha, kahit na basa na ng tubig alat, ang bango pa din. Medyo lumubog ng konti si Nath at pag ahon ulit, inikot ikot pa niya yung shorts niya sa daliri, saka ibinato ulit. Tawa lang ako ng tawa kasi nakakatuwa siya.

"Sa'yo ko lang nagawa to Cali! Grabe ka!"

"Ikaw lang din naman ang pinagawa ko nyan eh. Sige na, tuloy na ang show!!" Lumubog ulit siya sa tubig, itinaas niya ang kamay nya na may hawak na brief! Uh oh! Parang gusto ko ng sumisid. Pwede na bang mag diving? Maygadddd!

Ang tindi ng init... ng araw!!!! Hoo, mapapawi ba ng salt water ang init. Pag ka litaw ni Nath sa dagat, parang ang sexy sexy ng dating niya. Parang naging 5000 days bago makaikot ang earth sa sun, nag slow motion talaga, ipinilig pa niya ang ulo niya dahil siguro sa hapdi ng tubig alat sa mata. Gaddd!! The way his hair sway, makes my everything jelly. Nabitawan ko ang damit niyang inihagis sakin dahil tumawa si Nath. Hindi lang basta tawa. Feeling ko nise-seduce niya ko. Ang husky ng pagtawa niya. Bago pa ko makatalon sa dagat para sugurin siya. Nagmadali na kong sumakay sa jetski.

"See you at the shore Nath." Nagmadali na talaga ko sa pag punta sa seashore. Grabe. Dapat di ko na pinagawa yun sa kanya. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung mahal ko pa si Dex.

Feeling ko bumigat yung dibdib ko. Pero there's a part of me sayong na yun naman talaga yung gusto kong mangyari. Ang kalimutan ang nararamadaman ko sa kanya. Pero parang ayaw ko. Ah! basta. Ang gulo ko.

Pagdating ko sa jetski section, hinintay ko pa si Nath. Hindi naman siya ganun ka tagal. Ang bilis nga eh.

"You're so wicked, Cali. You left me there, ALONE! Paano kung may pating dun?" Litanya nya sakin, nung nilapitan ako na nakaupo sa may buhangin.

"Bago ka pa makain ng pating, luto na yun. Ang hot mo kaya." Ooops! Too late!! Nadulas na ko. Tapus tumawa ulit siya. Confirm. Inaakit nga niya ko. Lol. Hahaha!!

"So, crush mo na ko?" Nadulas na ko, lubusin na.

"Yeah, I told you that I like you." Pagkasabi ko nun Tumayo na ko sa pagkakaupo sa buhangin at iniwan siyang nakanganga.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: