27th MCS
After kong i-tour si Sir Nath, nagpunta na ko sa royal suite. Grabe, nakakapagod. Suot ko pa din yung t-shirt niya. Hindi ko na iku-kwento pa ang napagusapan namin. Dahil kinikilig lang ako.
Nalaman ko din na kaya siya nag susuot ng contact lens na walang grado at makapal na salamin na wala ring grado, ay dahil ayaw niyang pinagkakaguluhan siya. Gusto niya maging normal yung pagtuturo niya. Walang issues about student-teacher relationship. Passion niya daw kasi talaga ang pagtuturo.
Tanghali na din ako nagising. Sa pagod na din siguro sa byahe kahapon at sa mga nangyari. Paglabas ko ng kwarto ko, may napansin ako na kakapasok lang sa kitchen. Kaya sumunod ako dun. Nakita ko si Maureen. Medyo na-badtrip ako, kasi ang suot niya, t-shirt ni Dex, malamang malaman ko. Pang lalaki eh. Inirapan ko lang kahit nakatalikod siya. Nung papasok ako ng kwarto, lumabas si Dex sa kwarto niya. Topless.
Hindi ko na lang pinansin, binalibag ko lang yung pinto eh. Badtrip!! Nagpalit na lang ulit ako ng ibang swimsuit at nag apply ng sunblock at nagpatong ng dress. Sa resto na lang ako mag la-lunch.
"Cali!!" Automatic akong lumingon.
"Nath."
"Lunch?" Anung karapatan kong tumanggi??
"Sure."
Nagpunta na kami ni Nath sa resto. Medyo marami ang customer na nagla-lunch. Humanap kami ng table, ang napili namen dun sa may bandang sulok. Tapus may lumapit agad na busgirl, tipong nag uunahan pa para lang makalapit samin. Alam ko naman ang reason kung bakit. Syempre, hunk ang kasama ko. Natural na mag uunahan nga yan, makapaglandi lang. Hmp! Ilang minuto lang din dumating na yung order namin, and we started eating.
"How's your sleep?" Basag ni Nath sa katahimikan.
"Ok naman. Medyo napasarap pa nga eh. Kaya tinanghali na ko ng gising."
"Good. Kasi marami tayong gagawin mamaya."
"Like what? Barhopping?" Tapus tumawa siya. Seriously, what's funny??
"Mas nakakaenjoy pa sa pag sasayaw." Tapus binigyan nya ko ng makahulugang tingin, at nag init ang pisngi ko dun. Naaalala ko nanaman kasi yung dirty dancing. "Ie-enjoy natin ang dagat, mag ji-jetski tayo, diving, banana boating, and the like."
"Game ako diyan. Balak ko nga din eh. Kaso naisip ko wala akong kasama. Lalo na ngayon, may kasama si Dex." At naiinis ako sa thought na yun. After namin kumain, umorder kami ng dessert.
"Pero Cali, wag mo sanang mamasamain ah. Paano mo naitago yung pagiging Symphony mo for three years?" Nangiti lang ako sa sinabi niya.
"Siguro dahil sa kagustuhan kong kumanta. Ingat na ingat nga ako eh. Ayokong makaabot sa parents ko yun, lalong lalo na kay mommy. Si daddy kasi, wala naman siyang sinasabi. Tahimik lang siya pag tungkol dun ang topic. Pero si mommy, halos mag hysterical na."
"Did you ask them why?"
"Of course, and I remember what my mom told me about it. 'Anong mapapala mo sa pagkanta? Magagamit mo ba yan sa pakikipag negotiate? Kakantahan mo ba ang mga possible investors para makapag close ka ng deal? Hindi!! Wala kang mapapala sa pagkanta. Hindi ka mabubuhay diyan. Sisikat ka lang sa umpisa, kasabay ng pagkalaos mo ang paglipas ng mga panahon.' Sobrang sama ng loob ko sa kanya that time. It feels like she doesn't believe in my talent. Nung Grade school ako, gustong gusto ko mag pa voice lesson every summer. Pero inuunahan na nila ko, they enrolled me to a different clubs, like, golf and polo. They even force me to join the equestrian club in our school. Sabi pa nila mas hahanga daw ang mga associates nila sa mga ganung kakayahan. Kasi businessmen love that kind of sports." Seryosong nakikinig lang sakin si Nath. Nakatingin lang siya sakin. Parang ang lalim ng iniisip.
"Siguro may reason sila kung bakit. Hindi pa enough yung reason na binigay nila sayo. Only child?" Tumango lang ako sa tingin niya. "Ikaw lang pala ang taga pagmana. Baka gusto lang nila na ikaw ang magtuloy ng mga pinaghihirapan nila ngayon. Hindi mo naman din sila masisisi. Sa pagkakaalam ko isang sikat na business tycoon ang daddy mo. Dapat lang siguro na pangalagaan niya at siguraduhing magiging secured ang mga business nyo. You're not getting younger Cali, so are they. Minsan hindi naman masamang pagbigyan ang gusto ng mga parents natin. Nagawa at napagbigyan mo na din naman ang sarili mo sa gusto mo. Why don't give it a try?"
Napaisip ako sa sinabi ni Nath. May point siya, pero mahirap ibaon ang isang pangarap lalo na kung may foundation na.
"May point ka naman eh. Minsan naiisip ko na rin yan. Pero talagang kusang umaatras ang mga paa ko."
"Pag-isipan mo din minsan. Hindi rin naman pang habang buhay ang pag kanta. Dadating pa rin ang time na maiisip mong mag settle." Sa bagay. Pero di ba pwedeng pagsabayin na lang?
"Can we join?" Kilala ko nanaman kung sino yun eh. Kaya hindi na lang ako tumingin sa kanila. I just nodded.
"Sure." Sabi ni Nath. Nag usap pa si Nath and Dex. Di ko na lang inintindi. Medyo nailang pa ko kasi napansin kong nakatingin sakin si Maureen?
"Any problem?" Tanong ko sa kanya. Kaasar kasi, nakatitig sakin. Umiling siya at ngumiti.
"Nothing." Nagsukatan pa kami ng tingin. Napansin ko din na nakatingin na samin si Dex at Nath. Nakikiramdam.
"Uhmm, Mau, here. Try this." Pilit na pinapagaan ni Dex ang situation. Tinaas ko pa yung kilay ko. Talagang may gustong mangyari tong babaeng to. Wag niyang sabihing artista siya. Nakakairita.
"Cali, let's go? Sobrang init na. Kailangan na natin magawa yung mga plano natin." Hindi ko rin siya pinansin. Anung balak nitong babaeng to? Makipaglaro ng titigan? Ang maunang sumuko, talo? So childish.
"Mau, your phone is ringing." Dun lang nabaling yung atensyon niya, tinignan niya si Dex at kinuha yung cellphone niya na nag ri-ring, tapus tumingin siya sakin na parang sinasabing 'Hindi pa tayo tapos.' Umiling na lang ako saka tumayo.
"Let's go Nath. Nang makarami na tayo." Naglakad na ko palayo sa table na yun. Tapus kinilabutan ako nung inakbayan ako ni Nath. "You're really that fast, ha?"
"As long as you're involve."
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top