25th MCS
Pagkadating namin sa Royal suite, tumuloy na ko sa room ko at nagpalit ng ng damit. Alangan namang naka supra pa ko eh mag su-swimming ako sa beach.
Nag apply na din ako ng sunblock lotion. Ayaw ko namang mangitim no. Hindi naman ako tulad ng iba na talagang mag bababad sa araw masabi lang na na-enjoy ang sembreak.
Nagsuot lang ako ng dress na dalawang dangkal lang ang haba mula sa hips ko, kaya super iksi niya talaga, manipis pa, para kahit papaano di agad ma-expose ang two-piece ko at ang body ko. Haysss. Mahaba haba pang bakasyon to. Buti na lang mag a-alas tres na, kahit na sobrang init ng araw, mahangin naman. Ber months na kasi.
Nag dadalawang isip pa ko kung mag dadala ako ng camera, para may remembrance, o wag na lang. kasi mag su-swimming ako sa dagat. At dahil under water camera siya. Dinala ko na. Paglabas ko ng room ko, nakita ko agad si Dex na nakatayo lang sa may gilid ng pinto ng room ko.
"Anu namang drama mo dyan sa buhay mo? Balak mo bang mag model?" Ang astig kasi ng itsura niya. Pero wag ka, nagmumura ang abs niya. Shettt! Wala kasi pang suot pang itaas eh. Tapus naka short lang siya. Ready-ng ready na ko sumisid sa kanya--este dagat.
"Ang tagal mo naman." Napataas ang kilay ko. Anung kinalaman ko dun?
"Eh ano naman? natural, nag bihis pa ko. Anu bang ginagawa mo dyan?" İniwan ko na siyang nakasandal dun, baka kasi maki-pose ako sa kanya eh. Haha. Tapus naramdaman kong sumunod siya sakin.
"Ang daya mo naman baby Lyra eh. Pagkatapus kitang hintayin, iiwan mo lang pala ko." Eh??
"Sino ba kasing may sabing hintayin mo ko? Eh panu pala kung natulog muna ko?"
"Maghihintay pa din ako."
"Tseeee, arte mo." Kumag na to, wag mo kong itulak sayo, nahuhulog ako, TANGA! Di mo naman ako sasaluhin. Hmp!! "San ba punta mo?"
"Kung san ka pupunta. Eh sa suot mo pa lang na parang pinagsama samang sinulid, malamang maraming aaligid sayo. Baka mabastos ka pa." Ok lang. Atleast, di ko sila pinsan. Gusto kong i-voice out yunnnnn. Pero shett! Wala akong kakayahan at karapatan.
Hindi ko na lang siya masyadong pinansin, nagkunwari na lang akong busy sa pag tingin ng mga pictures sa camera ko. Hanggang sa makarating kami sa may sea shore. Tinanggal ko muna yung flipflops ko. Gaddd! White sand beybe! Ang ganda talaga dito, nakakarelax. Siguro sa ibang araw ta-try ko din mag jetski, tapus pupunta ko dun sa may floating gazebo. Pero sa ngayon, gusto ko muna mag floating, kaya tinanggal ko na din yung dress ko na according kay Dex, sinulid na pinagsama sama.
Pagkatanggal ko binagsak ko na lang yun sa may buhangin tapus nilugay ko yung hair ko. Wavy beybe!! Nung medyo binuhaghag ko pa yung hair ko, may narinig akong mga sumipol. Keber! Biniyayaan ng magandang genes eh.
"H-hoy, anung ginagawa mo."
"Nag-tu-toothbrush. State the obvious Dex. Kita mo nagtatanong ka pa." Panu kasi, tinanggal ko yung pagkakabuhol ng pang itaas ko na swimsuit, masyado na kasing maluwag yung pag kaka-ribbon, pero may hook naman yun, OA lang nitong si Dex, anung tingin niya sakin burlesque queen?
"Tsk!! Tulungan na nga kita." Akalain mo yun, naisip niya pa talaga yun. Nakaka-touch!!! Nung dumikit yung daliri niya sa likod ko napa-igtad ako sa gulat ko sa kuryenteng dumaloy sa likod ko. Para kong ni-ground. Para di ako mapahiya, bigla akong umupo. Pero hindi yung nakalapat yung pwet sa sand.
"B-biglang nangati yung paa ko. Hehe!" Kinamot ko pa kunwari. Tengenge kasi!! Di dapat ganun yung reaction ng skin ko sa skin niya. Nung tumayo ako, inayos na lang ulit niya yung pag ribbon, di na lang ako masyadong pahalata. Pagkaayos niya ng buhol, iniabot ko sa kanya yung camera ko at tumakbo sa dagat. Gusto ko nga kasi mag floating.
Hooo, sarap mag floating. Dapat pala nag suot ako ng shades. Naka-pikit kasi ako, pero puro red lang ang nakikita ko. Maaraw pa kasi eh.
Nagmulat ako ng mata nung may narinig akong sigawan at murahan. Nung nakatayo na lang ako sa dagat, nakita kong nagkakagulo sila sa sea shore.
What's with the commotion? Tapus nakita ko si Dex na hawak hawak ng mga lalaki, Sir Nath?? Dinuduro no Dex yung lalaking hawak hawak ng ilang lalaki sa kabaling panig. Kaya Umahon na ko sa dagat.
Nung nasa may balakang ko na lang yung water level ng dagat, napatingin sakin yung mga lalaki na kaaway ata ni Dex. Tapus napailing na lang ako. Nganga kasi sila eh. Problema ng mga yun?
"HOY!!!" Sigaw ata ni Sir Nath, kaboses niya eh. Anu kayang ginagawa nito dito. Lumapit na ko sa kanila agad.
"Anung nangyayari dito? Dex? Sir Nath, what are you doing here?" Tapus binitawan na ni Sir Nath si Dex.
"Eh eto kasing lalaking to." Dinuro ni Dex yung lalaki sa kabilang panig. "Kinukuhanan ka ng picture. İkakalat pa daw sa facebook." Aba!! walang hiya. Manyakis! Ok na sana yung titigan na lang nila, pero yung kinukuhanan pa ko ng picture? Siguro lahat ng anggulo meron ako niyan!
"Bakit? Anu bang problema mo??" Sigaw nung lalaking kumukuha DAW ng picture ko. "Maganda ang katawan niya kaya dapat pwede naman sigurong ishare sa facebook o kung san mang networking sites. Tiyak, papatok yan."
"Eh walang hiya ka pala eh. Bastos ka!" Susugurin na sana ulit ni Dex, pero napigilan ulit ni Sir Nath.
Dumating naman yung dalawang guard. Kukunin na sana yung lalaking manyakis. Pero sinenyasan ko sila. Nilapitan ko yung lalaki, at hinawakan ko siya sa balikat niya tapus nginitian ko siya. Masyado siguro siyang na-overwhelm sa pag hawak ko sa kanya, kaya binitawan na siya ng mga humahawak sa kanya.
"Hmm, can İ see the pictures? Maganda ba naman yung mga kuha mo sakin?"
"Syempre, part time photographer ako. Bagay na bagay kang maging cover girl ng FHM. Grabe, ang perfect ng katawan mo sa malapitan." Kinuha niya sa likod nya yung camera. Wow. DSLR. Sosyal! Hmm.
"Aba, loko to ah!" Susugudin na dapat ulit ni Dex.
"Dex. Relax. Ok? Mukha namang harmless ang isang ito."
Nag smirk lang yun MANyakis. Tapus iniabot sakin yung DSLR niya. Na-shock ako sa mga picture na meron siya. Pero hindi ako nagpahalata. Shucks!! So laswa. As in, my humps, my humps, my humpsss!! Dafuqq, san naman pumwesto ang isang ito talagang halos makita na ang dapat makita.
"Nice shot!" Ngumisi ulit siya sakin at kinindatan ako. At dahil naimbyerna ako sa ngisi niya. Humarap ako sa may dagat at hinagis ang DSLR niya. Bwisit na to. Nag eenjoy na nga sa view, hindi pa nakontento. Pag harap ko sa kanya, gulat na gulat siya. Titingin siya sakin, tapus titingin sa dagat, tapus sakin ulit.
"That's perfect! Much better, right?" Sabi ko sa kanya.
"WHY DİD YOU DO THAT??!!" Wow, takot naman ako sa sigaw niya.
"Guard, paalisin niyo na siya sa resort KO!" Tapus Tumingin ako kay Dex. "Let's go!" Sumunod din naman agad siya, kasama si Sir Nath. Mag uusap kami mamaya ng crush ko. Haha, landi!
Ayoko kasi ng patuloy akong nahuhulog sa kanya. Hindi kami pwede. Kasi pinsan ko siya! Kung sana, hindi ako lumingon sa kanya noon. Eh di sana hindi naman ako mao-awkward at hindi makakaramdam ng ganito. Nakakainis.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top