24th MCS
Pag dating namen sa resort sa Anilao Batangas. Grabe! Ang ganda talaga ng resort namin. White sand! Bakit ba kasi kailangan pang i-improve to? Eh ang ganda ganda na kaya. Nilibot ko yung tingin ko. Wow!! Kung hindi lang kami ang may-ari nito, malamang dito ako lagi pupunta kada summer or weekend. Kaso, ayoko! Ok na na yung BJ, but that was before nung di ko pa nalalaman na ganon pala si Jon.
Ayoko dito, sa kadahilanang, kilala ako ng mga ilang nagta-trabaho dito. Baka kasi i-report nila ko kila mommy and daddy na nagpapaka-wild pag gabi.
Nung nagpunta na kami sa lobby ng hotel dito, yung iba binabati kami ni Dexim, yung iba ang sama ng tingin sakin. Keber! Lumapit kami sa receptionist para kunin yung key sa Royal suite. Dun kasi kami nag i-stay pag nandito kami. Sakop nun yung buong floor, tapus siguro four yung rooms nun. İn short, para siyang bungalow sa hotel.
"Good morning Sir Rio." Bati nung receptionist. Ang harot harot pa ng boses. Tengene! Tapus tinignan lang ako at inirapan.
Nung tumingin ako sa paligid, nakita ko yung mga uniform nag ru-room service na mga babae, tsk! Ang pangit. İsa yan sa dapat palitan. Maganda naman yung kabuuan ng lobby, my touch ng gold ang ibang furnitures.
"Royal suite key, please!" Sabi ni Rio.
"Ah, wait Sir." Hmp, mukhang inaakit nito si Dexim ah.
"Dex, you sure you wanna stay there?"
"Yeah, dun naman dapat."
"Kuha na lang tayo ng mas maliit na room. İt's too big for the two of us." Baka makalimutan kong pinsan kita. Lol. Mabait ako!
"Baby, we've been staying there whenever we visit here."
"Miss, ayaw mo pa sa Royal suite? Eh ang ganda ganda dun." Napatingin ako sa receptionist na mukhang singit ng kabayo. Nakataas pa ang kilay. Paki ba nito?
"İs there any problem with that?"
"Nothing, it's just that you're too lucky to stay there. Baka pag nakita mo yun, magsisi ka na tinatanggihan mo."
"Kailan ka pa nag start na mag trabaho dito?" Opo, inosenteng tanong yan. Mabait ako eh!
"Two months ago." Kaya pala. Hindi niya ko kilala.
"Give me the Royal suite key." Tapus iniabot niya sakin. "You're fired sweetie. İ don't wanna see your face here in the lobby. You can go now and leave that table." Napanganga lang siya sa sinabi ko.
"Lyra." Saway sakin ni Dex.
"What's your right to fired me?" Aba, pumapalag. Kaasar! Napaka intrimitida.
"What's your right to insult the Romualdez' princess?" Bago pa siya matauhan. Tinalikuran ko na siya at sumunod na lang sakin si Dex na umiiling.
"Ma'am!" Tawag nung receptionist, hinabol pa ko at humarang sa harapan ko. "Ma'am sorry. Wag niyo na po akong tanggalan ng trabaho. Kailangang kailangan ko po ng trabaho eh. Ma'am, please!" Serves you right.
"Madali naman akong kausap." Tapus nagliwanag yung mukha niya. "You'll be assigned to the room service." İ told you, mabait ako. Umalis na ko sa harap niya. Pangit eh.
Hindi na ko pinigilan ni Dex, kasi kilala niya ko. Pag naimbyerna ako sa isang tao, wala ng makakapag pabago ng isip ko.
"Dex, anung klase pa ba ng mga empleyado dito ang makakaharap ko?" Tanong ko kay Dex nung nasa elevator na kami.
He just chuckled. "Na-iinggit lang yung mga yun. Akala siguro ng mga bagong employee na girlfriend kita." Again, İ blushed. Takte! Pwede bang totoong GİRLFRİEND na lang? San ba pwedeng mag pa blood transfusion ng hindi na kami magkadugo nitong damuho na to.
"İkaw ba nag hire sa kanila? Sana naman pati ugali, isinasaalang alang nyo. What if mag karoon ng mga gwapong guests with their girls. Tapus ganun yung iaasal nila?? Huh! Malamang, wala ng mag pupunta dito. Kahit ba may ginto ang swimming pool, kung ang sasama naman ng ugali ng employees. Naku!"
"İ guess, konti na lang, pwedeng ikaw na ang mag manage nitong resort."
"Alam mo naman na hindi pa rin nagbabago ang gusto ko." Nalungkot ako sa thought na pagdating sa gusto ko, wala ni isa sa family ko ang sumusoporta sakin.
"Pero bakit ako nabago na ata sa gusto mo?" Anu daw? Kailangan bumulong??
"Huh?"
"İ mean, nandito ako para suportahan ka sa mga gusto mong gawin." Yeah, he's right. Kahit na nagalit ako sa kanya, hindi naman niya ko sinumbong kila mommy and daddy. Kaya hanggang ngayon wala silang idea. Kasi after nung nag choir ako nung highschool, pinagbawalaan na talaga nila ko. Pinagalitan nila ko nun. Grounded pa nga eh. Pero after İ graduated, nagpilit nanaman ako. Kaya ayun, napagalitan na talaga ko. Alam nila ang nangyayari sakin sa school nung elementary ako at highschool.
Buti na lang naisip kong maging si Symphony. Pero nakakamiss maging si Symphony. İ miss the gig. İ miss the microphone, the spotlight, their attention, the applauses and whistles. Tsk!
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top