21st MCS

FLASHBACK

"Britz, anung ginagawa mo dito?" Nakakapagtaka naman si Britz nandito sa Music room, eh friday ngayon, practice ng choir. Every tuesday ang Music namin na subject.Hindi sa pag aano, pero di naman siya member ng choir.

"Kinuha ko kasi si Ms. Ynna, magpapa-voice lesson ako sa kanya." Ah. Kaya pala.

"Para san? mag o-audition ka na din ba sa choir?"

"Hindi. Gusto ko kasi mag audition sa annual play natin. The Secret Garden daw yun eh."

"Ah, oo. Balak ko nga din mag audtion." Pareho talaga kami ng bestfriend ko.

"G-ganon ba? Sabay na lang tayo mag audition." Nginitian ko na lang siya. Gusto ko din na sabay kami. Para hindi ako masyadong kabahan.

**

Ang bilis ng mga araw, audition na, malapit na ang annual play. Pagkatapus nun, practice na ng graduation.

Ang dami dami kong ginawa. Kinausap pa kasi ako ng principal namin. Kasi valedictorian ako. Niko-congratulate nya nga ako eh. Tapus may binigay siyang paper sakin, petition for valedictorian. Pinapirmahan niy sakin sa lahat ng teacher ko. Nakakaloka. Ang daming arte ng school na to. Fifteen minutes na nga lang mag ko-close na ang audtition para sa annual play. Kailangan ko makahabol. Kaya tinakbo ko na para makarating sa theatre room.

"CALİ!!" Napahinto ako sa pagtakbo ko, kasi nakasalubong ko Si Britz.

"Bakit? Nakapag audition ka na ba? Sorry ah, di ako nakasabay sayo. Ang dami ko kasing ginawa."

"Ok lang Cali, naiintindihan kita. Nga pala. Pinapatawag ka ni Mr. Reyes, nasa music room siya." Huh?? Eh wala na kong oras. Mag o-audition pa ko. Bakit naman kaya? "İmportante daw."

"Ganon ba? Sige. Pupunta na ko." Ang layo pa nun. Sa Fifth floor pa ang music room, sa kabilang building. Grabe hingal na hingal na ko. Feeling ko ako na si Wonderwoman. Apat na floors pa.

Napahawak na ko sa railings. Tinignan ko ang oras. Five minutes lang. Mag ko-close na talaga ang audition for the annual play.

"Miss Romualdez?" Napaangat ako ng mukha.

"Mr. Reyes, pinapatawag niyo daw po ako sabi ni Britz." Napakunoot ang noo niya, may nasabi ba kong mali?

"Wala naman akong pinasabi sa kanya, in fact hindi ko siya nakakausap." Huh?? "Nakapag audition ka na ba?"

"Hindi pa nga po. May pinagawa pa sakin si Miss Donna. Tapus sabi pa ni Britz tawag nyo daw po ako,u importante. Kaya dumiretso po ako dito." Napailing na lang si Mr. Reyes. Tapus kinuha niya ang cellphone biya at nag dial.

"Ynna, Romualdez will audition for Mary's role." Asawa niya kasi si Miss Ynna. "Yeah. She's with the principal a while ago... ok." Tapus binaling nya yung tingin niya sakin. "Let's go?" Kahit na medyo naguguluhan pa ko dahil hinihingal ako, na-compose ko pa rin yung sarili ko.

Medyo kinakabahan ako, kasi konti na lang yung audience. Tapus nahagip ng mata ko si Britz na nakatitig sakin. Kaya nginitian ko siya.

After the audition, napost agad yung mga cast sa bulletin board. Kinalabahan akong nagpunta dun. Lahat ng nadadaanan ko, nginingitian ako.

Nung nakita ko na yung mga cast. Nagtatatalon ako sa tuwa. One month din kaming nag practice para sa play.

Nung natapus na yung play, lahat ng parents ng mga cast, nagsilapit to congratulate their child. But me? İ'm alone. Nobody in my family watch the play İ starred.

"Lyra!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

"D-dex, what are you doing here?"

"Nanuod ng play, syempre. Grabe, ang galing galing ng pinsan ko. Aba, pinagmamalaki kita sa mga kaibigan ko na kasama ko dito." Tapus ginulo niya ang buhok ko.

"S-salamat Dexim." Nabasag na yung boses.

"Sssshhh. Wag ka ng umiyak. Halika nga dito." Hinatak niya ko at niyakap.

"Wala sila mommy. She doesn't like the idea that İ joined the play. She's not proud of me. They're not proud of me." Mas umiyak pa ko.

"Hush baby Lyra! Baka may dahilan kung bakit ayaw nila. Wag ka ng umiyak. Ako proud na proud ako sa'yo. Ako ang number one fan mo. Ang husay husay mo. İn fact, na-video-han ko ang buong play. İlalagay ko to sa youtube. Para malaman ng buong mundo na magaling ang pinsan ko. Kaya tahan ka na."

"S-salamat Dex."

**

Ngayon, first year highschool na ko. Syempre, kasali pa din ako sa choir. Naglalakad ako sa hallway papunta sa room. Tapus may naririnig akong mga bulungan.

"Alam mo ba, sabi ni Britz, kinausap daw ni Cali si Mr. Reyes para pakiusapan si Ms. Ynna na siya na ang maging Mary." Napahinto ako sa narinig ko, ako? Hindi ko magagawa yun.

Pupuntahan ko na sana yung nag bubulungan (na hindi naman talaga bulong kasi dinig na dinig ko sila) para i-confront. Pero may umakbay sakin.

"Hayaan mo na yan baby Lyra. Mga inggit lang sila. Tara, ihahatid na kita sa room mo." Buti na lang nandito si Dex, pano kung wala siya? İ was bullied by these two ugly girls.

İpinagtatanggol ako ni Dex sa mga taong nang-aaway sakin para lang hindi ako gumawa ng action or gumanti. Nung grumaduate siya ng highschool, kay Ryan niya ko pinaubaya.

Hindi na ko pinapansin ng so called bestfriend ko. We're like strangers. Well, İ hate traitors, that's why İ started to hate her.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: