20th MCS

Nagpunta na ko ng Building D Auditorium, nandun na kasi sila Cassie and Jasmint. 5 minutes na lang daw mag sisimula na ang show. Buti na lang VİP ticket ang binili ko, kasi hindi sila magsisimula kung kulang yung mga nasa VİP seats. 

Naupo na ko sa gitna nila Jasmint and Cassie. 

"Ang tagal mo naman." Bungad sakin ni Cassie, napansin kong nasa kanan nya pala si Ryan.

"Hi baby girl."

"Whatever Ry."

"Huy girl! Bakit ang laki ng bag mong dala? Wag mong sabihin na naglayas ka?" Ang daming napapansin nitong si Jasmint. Kahit kailan talaga.

"Hindi no."

Nung nakita ako ni Conrad na nasa gilid ng stage, nag thumbs up na lang ako sa kanya, at ayun, nagsimula na ang program. Mamaya show ko naman. 

Ang dami pang kaekekan nitong program na to. Kung sino sino pa nag pe-perform. Bakit di na lang kasi straight to the point yang revelation na yan? Eto namang si Jasmint, tili ng tili pag may mga grupo ng lalaki na sumasayaw, si Cassie naman kilig na kilig pag may lalaking kumakanta, kaya kuntodo selos nitong si Ryan. Eh lahat naman naka mask. Masquerade kasi yung theme ng concert na to. Buti na lang, hindi sila nag request na pati ang audience naka mask din. Hmp!

Hayss, after 2020202020 years, eto na ang pinaka hinihintay ko. Hmm, İt's showtime!! Hahaha

"And now, let's give a big round of applause to our very own SYMPHONY!!" Nagsimula ng magtilian ang mga audience, juskoo, parang may gyera lang, di ba pwede pumalakpak na lang sila.

Nung nagsimula na siyang kumanta, dafuqq?? Kinakabahan?? Eh di ba si Symphony sanay sa stage? Hindi nun alam ang salitang 'Stage Fright' kaya bakit mukhang kabado ang isang to? 

May narinig akong mga bulungbulungan, pero hindi ko masyado maintindihan. Bahala sila, hmp!

"Siguro kinakabahan si Symphony kasi aamin na sya. But then again, İ like her pa rin." Sabi ni Jasmint. 

Nung nasa chorus na yung kanta, ok naman, hindi naman pumiyok. Medyo naging smooth naman na yung boses nya. Mukhang hindi na kabado.

Nung natapus na siyang kumanta, syempre nagpalakpakan yung mga tao. Tapus in-announce nung MC na may makakaduet nga si Sympho na 'FRİEND' ko, pero in-offer-an ko lang yan. 

Wala man lang silang napapansin? Ganun ba sila ka engrossed sa pag-iisip kung anung itsura ni Sympho? Tss! Dapat sila ay mapanuri, mapagmatyag, MATANGLAWİN. Lol. Haha, excited na ko. Di na ko mapakali sa kinauupuan ko.

Nung tapus na silang mag duet, tinignan ko yung time quarter to 9 na pala. Ang bilis ng oras.

Siguro akala ni Symphony, sa kanya matatapus ang program na to, pero hindi nya alam, nasa akin ang last show. 

"Good evening everyone, sana nag enjoy kayo sa mga napanuod nyo, at hindi nasayang ang mga binayad nyo sa ticket. Kaya tayo nandito ay dahil sa iisang dahilan. Kaya naman hindi ko na papatagalin pa." Somehow, familiar yung boses nya. Tumalikod siya sa audience, tapus tinanggal yung mask, hmp! 'F' siya. Tapus unti unti siyang humaharap, may background music pa ha! Ang sosyal na nya. 

Nung humarap siya, may mga narinig agad akong bulungan, may mga napasinghap. May nag palakpakan. Familiar talaga sakin tong babae na to. Nakalimutan ko lang kung saan ko siya nakita. Basta, familiar siya sakin.

Maganda naman siya, maputi. 

"Wow! Hindi dapat, tinatago ang ganyang ganda." Komento nung MC. Tapus ngumiti lang yung Symphony. Pwe!

"Ang ganda nya no? Pero maganda pa din ako." - Jasmint

"Hoy, Ryan! Pag di mo sinarado yang bibig mo, ipapalsak ko sayo ang mask nyani Symphony." Nabaligtad na, si Cassie naman ang nag seselos.

"Mag c-cr lang ako." Paalam ko sa kanila. Tapua tumayo na ko at lumabas ng auditorium. Dun ako dadaan sa pinto ng backstage. 

Nilapitan ko si Conrad sa may backstage na nag bibigay ng instruction sa iba nyang kasama.

"Cali, naiabot ko na yung flowers kay Symphony, ikaw na yung next." Bungad nya sakin, nung nakita ako.

"Sige, i-ready mo na yung kakantahin ko. Yung spotlight. Lahat na. İ-ready mo na." Pumasok ako sa dressing room sa backstage ng auditorium.

Nag ayos na ko, nag palit pa ko ng dress, syempre, masyado ng exposed tong dress ko, gusto ko pag akyat ko ng stage, iba ulit ang suot ko. Tinali ko yung hair ko, messy bun lang naman. Konting retouch. Tapus sinuot ko na yun mask. Nung okay na yung itsura ko, lumabas na ko ng dressing room.

"Conrad, İm ready."

"C-cali--" Nganga ang presidente ng Student Council sa ganda ko. Langya! May mask ako, tapus gandang ganda siya sakin.

"Ssshh." Lumapit na ko sa may hagdan paakyat ng stage, medyo madilim. Kasama yan sa drama ko. 

"But before we end this program, may we call on our special guest." Pagkasabi ng MC, tumugtog na yung kakantahin ko. Pero hindi pa ko agad nagpunta ng stage. 

'She's just a girl, and she's on fire

Hotter than a fantasy, lonely like a highway

She's living in a world, and it's on fire

Feeling the catastrophe, but she knows she can fly away'

Kahit na medyo madilim, kita ko pa rin yung mga audience na biglang nagkatingininan, tapus nag bulungan pa. Si 'Sympho' patingin tingin sa paligid 

'Oh, she got both feet on the ground

And she's burning it down

Oh, she got her head in the clouds

And she's not backing down'

Tapus unti unti ako naglakad papuntang stage, at nakatutok na sakin yung spotlight. Huminto ako sa stage.

'This girl is on fire

This girl is on fire

She's walking on fire

This girl is on fire'

Ngayon, wala ng atrasan. Haharapin ko na lang ang consequence nito. Ng dahil sa babaeng to, masisira ang tinatago ko.

'Looks like a girl, but she's a flame

So bright, she can burn your eyes

Better look the other way

You can try but you'll never forget her name

She's on top of the world

Hottest of the hottest girls say'

Humarap ako kay 'Sympho' Nakita ko yung mata nya na medyo teary, serves you right. Familiar talaga siya sakin.

'Oh, we got our feet on the ground

And we're burning it down

Oh, got our head in the clouds

And we're not coming down'

Nanginginig siya, siguro dahil sa nerbyos. Aba, dapat lang. Ako nga nangingig sa stress. Tapus napansin kong nabitawan nya yung bouquet of flowers na hawak nya.

'This girl is on fire

This girl is on fire

She's walking on fire

This girl is on fire

 

 

Everybody stands, as she goes by

Cause they can see the flame that's in her eyes

Watch her when she's lighting up the night

Nobody knows that she's a lonely girl

And it's a lonely world

But she gon' let it burn, baby, burn, baby'

Tapus tumalikod ako sa audience. Para saan pang naging performer ako diba?

Kasabay ng pagkanta ko ang pagharap ko at ang pagtanggal ng mask ko. Parang coffee lang yan, 3 in 1.

'This girl is on fire

This girl is on fire

She's walking on fire

This girl is on fire

 

Oh, oh, oh...

 

She's just a girl, and she's on fire'

Lahat sila shock. Nung na-absorb na siguro nila yun, tumayo sila at nag palakpakan. Standing ovation ang peg.

Tinignan ko sila Jasmint at Cassie na naka nganga pa. Tapus nag vow na na lang ako. Tapus nakipalakpak na rin si Jasmint and Cassie.

"At first, İ dont have any idea about 'Symphony, will reveal her true identity.' İ just ignore it. Pero habang lumilipas ang mga araw, marami na kong naririnig na usapan tungkol dito. Naisip ko na baka pakulo lang to ng SC officers. Kasi sino nga ba naman ang maglalakas ng loob diba?" Tapus tumingin ako dun kay FAKE, nakayuko at umiiyak. "Pero na-confirm kong totoo nga nung makita ko yung poster. So, İ have to make an action. Unang beses ko pa lang tumapak sa stage, pinangako ko sa sarili ko na walang makakaalam nito. İ'm thankful kasi, İ've been doing this since İ was a freshman. Pero ngayon, alam nyo na. Nakita nyo na kung sino talaga si Symphony. Kayo na lang ang mag decide kung sino para sa inyo si Symphony. Pero sana hindi na makalabas ng campus ang tungkol dito. Ginagawa ko to for some personal reason. Kaya sana, makaasa ako ng support sa inyo." Tapus nagpalakpakan lang ulit sila at nag chant ng...

"SYMPHONY/CALI!!" 

"Sorry. Ginawa ko lang naman to dahil naiinggit ako sayo Cali, simula nung 1st yr. high school tayo, ikaw na lang ang magaling, ikaw ang laging the best sa paningin ng mga teachers natin noon. İkaw na lang lagi. Hindi ko alam na hanggang ngayong college, ikaw pa din. I planned all these, kasi ang akala ko, wala namang Symphony na magpapakita, kasi ayaw mong magpakilala. Akala ko hahayaan mo lang. Tinakot pa kita, akala ko hindi ko, ok na ang lahat, since hindi ka naman nag re-react. You're so calm." Sabi ng FAKE tapus yumuko siya at tumakbo sa backstage.

Sabi na nga ba, familiar siya sakin. Siya yung bestfriend ko nung 1st year high school na nag backstab sakin. Dahil sa İNGGİT?? Dafuqq. Kaya naman hinabol ko siya, to clarify things.

"Britz, wait!!" 

 

"Cali, where are you going?" Hindi ko muna pinansin si Conrad nung nadaanan ko siya.

Dahil naka heels ako, lintik, ang hirap tumakbo, kung si Cinderella nga naiwan ang isang heels kakatakbo, ako pa kaya na totoong nilalang. Kaya huminto ako, ang binitbit ang heels ko at tumakbo ulit. Dahil naka heels din si Britz, naabutan ko siya, hinila ko siya sa braso niya.

"Ano pa bang kailangan mo Cali? Ikaw nanaman ang magaling, ikaw nanaman ang bida! Ikaw na lang lagi." Siya pa may gana magalit? Lokohan??

"Teka, anu bang problema mo? Anu bang gusto mo? Anung pinagsasasabi mo?"

"Cali, elementary pa lang tayo, pinaghandaan ko yun ko na ang singing, kaya nung grade. 6 tayo, nag audition ako sa school para sa annual play na maging ang batang Mary ng The Secret Garden. Ako dapat ang mapipili, pero dumating ka. It was so unfair on my part, kasi late ka sa audition. Pero ikaw. IKAW ang napilit. Pinilit kong suportahan ka. Kasi bestfriend kita. Pero nung nag highschool tayo? The spotlight was all yours, you got everybody's attention. Ako laging nasa tabi mo, pero ikaw lang lagi ang napapansin. Nagiging invisible ako pag nasa tabi mo. I can't bare seeing myself as if I was just a wind."

"Hindi lang ikaw ang may pangarap. Maswerte ka pa nga eh. Akala mo ba masaya ako nung play na yun? Akala ko matutuwa ang parents ko. Pero hindi, hindi nga nila ko sinilip nung play na yun. Pero ikaw, kahit na ibang role ang ginampanan mo, nandun ang family mo. Wag mong isisi sakin ang lahat, dahil tulad mo, nangangarap lang din ako." Tinalikuran ko na siya. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong umiyak sa harapan ng iba. Nandun lang pala si Cassie, Jasmint, Conrad and Ryan, nakatayo.

 

 

Nung papunta na ko sa way nila at nginitian sila, pero hindi ko alam kung umabot ba sa mga mata ko. Niyakap ako ni Jasmint and Cassie.

"You're so unfair. Bakit di mo sinabi samin? Eh di dapat, kami ang kikita ng pera dahil sa mga ticket. Isa pa, binabawi ko na, mas maganda pala sakin si Symphony. Hahaha!" Biro ni Jasmint. Alam ko, sinusubukan lang nilang pagaanin ang sitwasyon.

"Kailangan nating mag celebrate, kasi hindi naman pala pang mermaid na nanginginig ang boses. Talentong di mo inakala. Sa pangangabayo mo ba yan pina-practice?" Tuluyan na kong tumawa. Buti na lang nandito sila. Hindi nila ko iniiwan. 

"Tara, i-celebrate natin ang pagladlad ng pinsan ko. Sabi na nga ba, kalahi ko talaga yung Symphony na yun, kahit takip ang mukha, ramdam kong maganda. Pinsan ko pala, no wonder." Ang yabang na si Ryan, kaya binatukan ni Cassie.

May nasasandalan ako sa mga oras na feeling ko maa-out of balance na ang buhay ko. Kahit na ganyan sila, maaasahan pa rin sila sa ganitong bagay. Wala ng tanong tanong kung bakit ko nagawang mag lihim sa kanila. Hinayaan lang nila, at dinadamayan pa ko. Well, alam ko pa rin na may susuporta sakin sa oras na malaman ng parents ko to at magalit sakin. Bahala na! Maganda na rin siguro tong ganito, hindi na ko magtatago. Eto naman ang gusto ko eh! Ang malaman ng lahat ang talent ko, dahil ito ang pangarap ko.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: