17th MCS

Pagkapasok ko sa school, ewan ko kung feelingera ako pero yung iba todo titig sakin. Siguro dahil sa show namin ni Jannie kahapon.

Dapat nga hindi na ko papasok ngayon, ang sakit ng ulo ko, parang binabarena. Kaso, no choice, finals week ngayon. Next week kasi foundation day na. 

"Hi, napanood namin kahapon ng mga friends ko yung eksena mo with Jannie, you're so husay naman to slap her. İ admire you for that kamalditahan of yours. We can be mag kaibigan, if you want." Etchosera! Hindi ko na lang pinansin, social climber kasi, the way she talk, the way she walk, and her facial expression is so halatang pilit. Pwee. Nakakagaya!!

Nung napadaan ako sa bulletin board, may poster na nakaagaw ng atensyon ko 

'Come and Join the Big Revelation!

What: Mysterious Campus Singer

Where: Building D Auditorium.

When: Saturday, October 20, 2012

Time: 6 pm

Tickets available at Student Council Office & Music Club Wing

VİP: 600 Php 

Gold: 450 Php

Silver: 350 Php

Bronze: 250 Php'

Hindi ko na binasa lahat. shet lang, ginawang concert yung foundation day. Pera kung pera, rumaraket pa. 

Dumiretso akong Student Council office, bibili ako ng 3 VİP tickets. Libre ko na yun kay Cassie and Jasmint. İ guess magiging big revelation talaga yun, and İ'm so excited for that.

"Hi Conrad." Bati ko kay Conrad na President ng SC.

"C-Cali. Hi." Namumula pa yan. Haha, eh kasi naman nanligaw siya sakin nung 2nd yr. ako. Tinulungan ko pa nga yan sa pag campaign nung tumatakbo siyang VP for İnternal blah blah. Ahead lang siya sakin ng one year.

"İ'm here to buy 3 VİP Tickets." Kinagat nya yung labi nya, but not in a seductive way. 

"Cali, k-kasi naka-reserve na yung natitirang 5 tickets." Damn, late na ko ng pagbili. Kailan pa ba kasi ni-release yung poster na yun. 

"Gagawan mo naman ng paraan di ba?" Nginitian ko siya, tapus bigla siyang napahawak sa noo niya. Tapus hinawakan ko siya sa braso niya. Bibigay ka rin, konting kiliti pa. "Please? İ did'nt know about the concert--este MCS kasi. Makakaasa naman ako sayo ng 3 VİP tickets, right?" Then he sighed in defeat.

"Damn Calimia! Pasalamat ka." Kumuha siya ng 3 tickets at iniabot sakin. "How about lunch?" Dumiskarte pa. Gwapo naman si Conrad eh, matalino, mayaman. Pero hindi siya yung type ko. Masyado kasi siyang mabait. Hindi bagay sakin na moody. Baka mahawaan ko pa siya. 

"Maybe, İ'll consider it next time." İ handed him the money and waved good bye. Ayos, salamat talaga.

Tinawagan ko na sila Jasmint para sabihing wag ng bumili ng ticket dahil nakabili na ko. 

Let's see kung anu ang mangyayari sa revelation na yan. Huh! Sino kayang may pakana nun. Masyadong maraming alam. 

Kinuha ko yung cellphone ko kasi nag ri-ring.

"Girl! san ka na? Malapit ka na ba sa building natin?"

"Para namang isang oras tayong hindi nag usap. Duh! 5 mins. pa lang nakakalipas no." Ang oa talaga nitong si Jasmint. 

"Eh kasi naman, nandito na si Sir Nath. Bilisan mo. Magsisimula na yung exam." Nung narinig ko yun, pinatay ko na yung phone ko at naglakad ng mabilis.

Kinabahan pa kong buksan ang pinto ng room namin. Shett, anung idadahilan ko? Nerd yung prof. na yun, ubod pa ng suplado. Kala mo gwapo, hindi naman. Cute lang at terror pa. Binata pa at  siguro ka batch lang ni Dex. Pwe!! Pinaypayan ko muna yung mukha ko, kasi hinihingal pa ko. Hinawakan ko yung doorknob at nagbilang ng 10 secs. 9.. 8.. 7.. 6.. 5.. 4..

"Urghmm. Miss Romualdez, may balak ka pa bang i-surprise ang mga classmates mo?"

"S-sir! W-wala ka pa sa loob?"

"Siguro? dahil nandito ako sa harap mo."

"S-sorry! İ thought... Forget about it." Tapus napatingin ako sa mata nya, somehow, familiar. Brown lang yung eyes nya, pero pareho talaga ng shape eh, naka soot pa siya ng makapal na salamin. Akala mo nag titinda ng encyclopedia, kasi naka long sleeves, may tie pang kasama. Yung lips nya. Nung napansin kong napatitig ako, İ suddenly erased the thought. Binuksan ko na yung door ng room namin at naupo na sa gitna ni Cassie and Jasmint.

"Akala ko nandito na yan?" bulong ko kay Jasmint.

"Oo, eh lumabas sandali. Buti nga nakasabay mo sa pag pasok. Ang swerte mo."

"Anung swerte dun? Hmp. Cassie. Kamusta kayo ni Ryan?" Tanung ko sa kanya, busy sa pagtitext ang lola mo.

"Ok na kami. İiiihhh! Kinikilig ako." Tapus tinago na nya yung phone nya sa bag. 

"Good!"

"Ok, let's start the exam." Sabi ng Prof. namin. 

After 45 mins. Natapos ko na din yung exam ko. Marami pang hindi tapos. Meron ding mga nauuna. Buti na lang nakapag aral ako. 

"Hintayin ko na lang kayo sa labas." Bulong ko kay Cassie and Jasmint.

Tumayo na ko at nagpunta sa teacher's table para i-pass yung answer sheet, tinignan nung ni Sir Nath yung paper ko at nag smirk, hindi smile. Problem??

"Buti naman nakukuha mo pang mag review sa klase ko kahit puro barhopping ang inaatupag mo?" Napanganga ako sa sinabi ng Prof. ko. Sabi ko na nga ba eh. Kaya familiar yung mata nya. Pero bakit brown? Blue yung eyes nya eh.

"Contact lens." Sabay turo sa mata nya. Nabasa nya yung iniisip ko? Huh!! Nakakahiya. Nakatunganga lang siguro ako dun for a minute. Tapus naramdaman kong may tumapik sa braso ko.

"Tara na girl." Sabi ni Jasmint. "Baka malusaw yan." Bulong pa nya. 

What was that? Nakipagsayaw ako sa professor ko na inaakala kong nerd. Pero gwapo?? Shit!! Disaster.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: