14th MCS
"Hoy babae. Nasan ka ba?" medyo nilayo ko pa yung cellphone sa tenga ko, dahil pag si Jasmint ang kausap mo, wasak ang eardrums.
"Nandito sa garden malapit sa cafeteria. Bakit ba?"
"Anong bakit? absent ka kaya kahapon."
"Anong bago dun? madalas naman akong umabsent."
"Sa bagay. Pero nag cut ka ng class. Hanggang 6 lang ang class mo ngayon, 7pm na ah!. Hinihintay mo ba kami? Tsk. Anw, pupunta na kami diyan ni Cassie. Wait us, ayt?"
"Ok, bye!"
Binalik ko na lang ulit yung tuon ko sa laptop, ang tahimik dito, nakakapag concentrate ako, malamang mamaya pag dumating yung dalawa, iingay nanaman.
"Mamamia baby!" oh Gadd, isa pa to. Nilingon ko na lang, tapus nakita ko na may napatigil na dalawang babae sa likod niya, tapus nag bulungan. Sumimangot na lang ako.
"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sayo, nagtatampo na ko nyan."
"Tigilan mo ko." nung nakalapit siya hinalikan niya ko sa noo. Tapus may naalala ako. Haysss.
"Bakit ikaw lang? Nasan ang mga kaibigan mo?"
"Wala pa, mamaya nandito na rin yun."
"Cali, tulungan mo naman ako."
"Saan nanaman?"
"İ wanted to talk to Cassie."
"Ryan, pinagpalit mo ang super model sa cheerleader. So, be it."
"Hindi no. Ayaw kasi akong tantanan ni Jannie. Nung araw na nakita ako ni Cassie, kinakausap ko si Jannie nun na wala siyang aasahan sakin. Tapus bigla niya kong hinalikan. Hindi ko naman alam na nasa likod ko si Cassie nun."
"Bakit ka sakin nag e-explain?"
"Kasi pinsan kita, kasi kaibigan mo si Cassie."
"Ry, hindi ka dapat nag e-explain sakin. Si Cassie ang kausapin mo."
"Hindi niya kasi ako pinapansin at iniiwasan pa niya ko. Tulungan mo naman ako Baby girl."
"Ryan, ikaw ang lalaki. İkaw ang mag effort."
"Please. Tulungan mo ko. Para magawa ko na yung effort ko. Para pansinin niya ko, ng masimulan na yang effort na yan. Please. Please. Please Baby girl?" Hays, may magagawa pa ba ko?
"Ok, fine."
"Yes!!" Tapus niyakap niya ko patagilid dahil nakaupo kami. "Sabi na nga ba di mo ko matitiis eh. Thank you, Baby girl." Hinalikan pa ko sa pisngi, napaka touchy nitong lalaki to. Kaya napapa--
"Malandi kang babae ka." Before İ could react, may sumasabunot na sakin na nasa harap ko. Takte, ang sakit. Punyeta, buhok ko yan.
"Jannie tama na." Pero walang naririnig ang demonyita, hindi siya natinag ni Ryan, napatayo ako para hindi maubos ang buhok ko sa pagsabunot nitong imfucktang to.
"Malandi ka, malandi. Mang aagaw. Flirt!" Dafuqq???
Pagtayo ko, dinaganan ko siya kaya natumba kami pareho, at nasa ibabaw niya ko. Ako naman ang sumasabunot sa kanya, nakahawak pa din yung kamay niya sa buhok ko. Kaya pinag sasasampal ko siya.
Shet! naiiyak ako sa sakit ng anit ko. Punyeta tong babaeng to.
Sinampal ko siya ng malakas dahilan para tumigil siya sa pag mumura sakin.
"Una sa lahat wala kang karapatang molestyahin ang buhok ko." Sinampal ko ulit siya.
"İkalawa, wala kang karapatan na sabihing malandi ako." Sinampal ko ulit siya ng mas malakas.
"İkatlo, wala akong alam sa mga binibintang mo." Sinigurado ko na mas malakas ang pangatlo kong sampal sa kanya.
"Sinungaling ka, nilalandi mo si Ryan. Kitang kita ng mga mata ko. Malandi kang babae ka. Malandi."
"Nilalandi? Tanga ka ba? Huh?" Sinampal ko ulit siya kaliwa't kanan. Dadagdagan ko pa sana kaso naramdaman kong may humila sakin patayo.
"Baby girl tama na." si Ryan pala. İnalalayan ng iba si Jannie para makatayo. Ang dami na rin palang nakiki-usi.
"Hindi pa tayo tapus, malanding babae." Tapus nag iiiyak na siya. Papalampasin ko na sana kaso, tinawag pa kong malandi. Kaya nilapitan ko siya at sinampal pa for the last time.
"Ang babaeng to na nasa harapan mo at tinatawag na malandi, mang aagaw at sinungaling ay PİNSAN ng lalaking kinababaliwan mo."
Sasampalin ko sana siya ulit, pero may nauna na sakin na sampalin siya. Pag tingin ko, si Cassie pala.
"Pathetic bitch. İkaw ang malandi, ikaw ang mang aagaw."
"Cassie, tama na. Let's go."
Umalis na kaming tatlo kasama si Jasmint na bitbit yung gamit ko.
"This is all your fault Ryan."
"Sorry Baby girl, hindi ko naman alam na tazmanian devil pala yung babaeng yun eh."
"Yung ganung klase ng babae ang ipapalit mo kay Cassie. Tsk." Napatingin ako kay Cassie na tahimik lang.
"Babe, sorry na. Mag usap na tayo Cassie oh, please?"
"Mabuti nga mag usap kayo, para wala ng ibang nadadamay. Hoy ikaw Ryan umayos ka ha! Tara Jasmint, hayaan na muna natin yang dalawang yan."
Nung papunta kami ng cr, pinag titinginan ako ng iba, siguro dahil sa hair ko na magulo. Pag nabawasan ang buhok ko, kakalbuhin ko talaga yung babaeng yun.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top