12th MCS

"Mom, bakit naman ako pa?" haysss. Paano na yon?

"Darling, alam mo naman na wala akong ibang maaasahan. Gusto ko man na ako mismo ang mag punta dun. But I can't. Busy ako, malapit ng mag launch yung magazine."

"Mommy, ang dami mong tauhan, you have four secretaries. Para saan pa sila kung hindi mo sila maaasahan?" nakakainis naman kasi, bakit kailangan ako pa?

"May mga in-assign na ko sa kanila, please naman, pagbigyan mo na ang mommy. Pretty please baby?"

"Mom, wag mo ng gamitin sakin yan, ayt? It doesn't work anymore!" narinig ko siyang bumuntung hininga, kaya pag tingin ko sa kanya, seryoso na yung mukha niya. Uh oh!! Not again!

"Calimia Lyra, I'll give you two options, pupunta ka sa Batangas for a week para sa monthly visitation ng resort natin dun o imo-model mo yung mga bagong collections ko. I'll give you a minute to think."

"MOMMY! You're so unfair."

"29 seconds."

Nakakabwisit. Ano pa nga ba pipiliin ko?

"You know that I don't like the latter." tapus ngumiti na si mommy, ngiting nag tagumpay. Nakakaasar!!

"Ok, bigyan mo ako ng reports ng mga dapat ayusin at idagdag sa resort."

Hay, matagal pa naman yun, sa sembreak pa, pero kahit na. May mga nakaplano na kong gawin sa sembreak. Two weeks nga lang yun eh, mababawasan pa ng one week. Hindi ko muna papakaisipin yung monthly visitation ek-ek. Hindi na rin naman masama kung dun ko uubusin ang isang linggo, mag e-enjoy na din ako dun. Isasama ko na lang sila Cassie.

Pagkatapus namen mag usap ni mommy, lumabas na ko ng office niya. Um-absent pa ko sa first subject ko ng dahil dun, pwede namang pagusapan sa bahay. Tsk! Buti na lang 2pm pa yung next class ko.

"Ouch!" ang sakit, bad vibes shet!! Tinignan ko yung mga nakabangga sakin na dirediretso lang sa pag lalakad.

At dahil ako si Calimia Lyra de Guzman Romualdez, hindi ako mag papa-api. Kaya naman hinabol ko yung mga nakabangga sakin, na parang linta kung maglandian. Nakaakbay yung guy kay girl tapus hinahalikan si girl sa tenga, tapus yung kamay ni girl nasa may likod ni guy na parang medyo pinipisil pa at kiliting kiliti sa pag halik ng guy sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nanggigil ng sobra.

Sana madapa kayo sa kalandian niyo.

Nung papasok na sila sa elevator, humarang ako sa kanila tapus tinignan ko yung lalaki sa elevator at sinenyasan na i-close na, since kilala niya ko dahil ako ang anak ng may ari ng building na to, sumunod siya sakin. Tapus hinarap ang dalawang taong bulag na naglalandian. Anong akala nila sa company namin, motel?

Huh! Ang kapal ng mukha!

"What are you doing Lyra?" yes, si Dexim yung guy. One week na nga palang nakalipas yung pagaaway namin nung kasama ko si Jon.

"Ikaw anong ginagawa mo, Dex? sa sobrang kalandian niyo, hindi niyo namamalayaan na may nabangga na pala kayo."

"Ganon ba? Sorry." Tapus tinignan ko yung girl, si Jayzel, dafuqq!

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba naliligaw lang kayo at maling building ang napasukan? Dahil obviously, hindi ito motel. Wala kayong ma che-check in-an dito. Lahat ng nasa loob ng building na to, desente." Tinanggal ni Dex yung pag kaka-akbay niya kay Jayzel, tapus yumuko ang babaeng malandi, dapat lang bitch!

"Baka nakakalimutan mo Calimia na ang kausap mo ay isa sa stockholder nitong company na 'to."

"Baka nakakalimutan mo din Dex na ang kausap mo ay anak ng Major stock holder, President at CEO ng kumpanyang to. Ikaw, bilang pamangkin ng may ari nitong company na 'to, matuto ka sanang rumespeto. Ikaw naman bitch, bago ka pa lang, pinapakita mo na ang kalandian mo sa iba, pakalat kalat pa kayo."

Tapus tinalikuran ko na sila, pandagdag bwisit lang sila sa araw ko.

'Buti nga sa Jayzel na yun, kala mo kung sino.' Sabi nung isang employee.

Nagpunta na ko ng carpark. Hindi ko na lang muna papasukin yung iba kung subjects. Na bad vibes na ko. Kailangan ko mag saya.

Pag sinabing mag saya, isang lugar lang ang alam ko, at dun ako pupunta.

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: