05

Chapter 5

"Taray, perfect. 'Yong sa math madame, pakopya," nakangising sabi ni Jenny.

Binigyan ko siya ng masamang tingin kaya agad din siyang nagpeace sign.

"Damot naman," bulong niya na umabot pa rin sa pandinig ko. "Bakit ka ba nagagalit, perfect score nga di ba?" Inilabas niya ang kanyang papel. "Gusto mo palit na lang tayo."

Bumuntong-hininga ako at tinupi ang papel. Kababalik lang ng seatwork namin na sinagutan noong nakaraan. The one where I was late at hindi nangalahati ang sinagutan. So... Onli did not submit my paper. Sa halip ay ang sinagutan niya ang kanyang pinasa and boom, perfect score. Pero bakit hindi ako natutuwa? Feeling ko pa may utang na loob ako sa kanya. I know that's it is my competitive nature and pride which is making me unhappy right now.

"Girl, okay na iyan. Magpasalamat ka na lang, arte mo," nangigigil na sabi ni Jenny. "Halika, puntahan natin."

"Ayaw ko." Hindi kaya ng pride kong magpasalamat sa kanya!

I debated with my self kung ano ang gagawin ko. Should I confront Onli for not submitting the paper na ako ang sumagot o hayaan ko na lamang? Sa huli ay nanaig pa rin ang pagnanais kong mapanatili ang standing sa klase. Siyempre, perfect score din 'yon. Hindi na ako mag-iinarte pa at magpasalamat na lamang kay Onli. Maybe I'll do it... but privately.

"Hays, sulyap na sana kay June, naging bato pa!" Jenny sulked on the side. Hindi ko siya pinansin at nag-isip ng paraan kung paano ko siya kakausapin upang magpasalamat.

Bilhan ko kaya siya ng iced coffee? Lunch? Ah, wag na baka gawin pang issue iyon ng mga kaklase namin. Siguro aabangan ko na lang siya mamayang uwian. Kapag nakaalis na ang mga classmates namin, saka ko siya pasasalamatan nang walang makarinig. Pwede ko rin siyang itext, kaso it will seem so ungrateful lalo na't nagmaldita ako sa kanya. I should do a proper thank you.

"Si Onli at June ba 'yon?" Tanong ni Jenny at sinundan ng tingin ang dalawang pares na naglalakad sa pathway.  "At sina Clarise at Bella ba 'yong kasama nila?"

Napatingin ako sa sinasabi niya. It was indeed Onli and June, kasama sina Clarise at Bella. Mukhang nagpartner-partner pa sila. Mula sa kabilang section sina Clarise at Bella. Kilala sila dahil sila ang mean girls ng San Nicholas High School. Palaging kilay on fleek at pulang-pula ang nguso at pisngi dahil sa lip and cheek tint.

My eyes focused on Onli and Bella. Naniningkit ang mga mata ni Onli sa kangingiti kung anuman ang sinasabi sa kanya ng babae. Tila may sarili silang mundo habang nag-uusap at may pahampas-hampas pang nalalaman si Bella.

"Sugurin ba natin?" Tanong ni Jenny. "Oh, bakit nakabusangot ka diyan?"

Padabog na ibinalik ko sa bag ang mga notebook. "Anong nakabusangot?"

"Ayan oh!" Tinuro niya ang mukha ko. "Huwag mong sabihing..." Napatili siya nang malakas. "Omg! Crush mo ba si Onli?"

Pinanlakihan ko siya nang mata sabay lingon sa paligid. Mahirap na baka may makarinig sa amin at magkalat pa ng fake news. "Jenny, ano ba! Hinaan mo nga 'yang boses mo."

She leaned closer and whispered. "Omg, crush mo ba si Onli?"

"Kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo! Ako, magkakacrush, tapos kay Onli pa?!"

Nakapameywang na hinarap niya ako. "Ano ba ang hindi kacrush-crush kay Onli? Gwapo, matalino, masipag, mabait. Ano pa bang kulang?"

"Mayaman," kaswal na tanong ko.

Jenny nodded. "Oo nga. Pero masipag naman kaya hindi ka naman siguro magugutom, sis."

Not that I have something with Onli's social status. Kung titingnan siya ay hindi naman siya mukhang naghihirap. He takes care of his appearance always, pero hindi rin naman siya feeling mayaman. Wala yatang araw na nakita kong gusot ang uniporme niya. Ang kanyang sapatos ay kahit luma na ay hindi mo makikitang nababalot ng alikabok.

Pasimpleng nilingon ko ulit sina Onli na ngayon ay papasok na sa gusali. Nag-init ang ulo ko sa hindi ko alam na kadahilanan. In the end, I decided to be happy na may distraction na si Onli. Buti nga at tuwang-tuwa siya kay Bella, sana palagi na lamang silang magkasama. That way, he will be distracted and it will be easier for me to take the top spot dahil iyon lang naman ang mahalaga sa akin.

Kinuha ko ang cellphone at nagpasyang itext na lamang si Onli para magpasalamat. I did not save his number kaya hinanap ko pa ang palitan namin ng text message noong nakaraan.

To: Unknown Number
Hndi mo pala pinasa ang papel ko. got a perfct score. Anyway, tnx!

I waited for minutes ngunit wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Hanggang sa natapos na ang lunch break ay hindi pa rin siya nagreply. I tossed my phone in my bag at niyaya si Jenny na bumalik na sa classroom.

Pagbalik namin ay wala si Onli. Pasimpleng tiningnan ko ang kabuoan ng lugar but he was nowhere to be found. Kinuha ko na lamang ang headset at nakinig ng music habang nagbasa. Wala pa naman ang subject teacher namin sa hapon kaya earbuds na muna ako. My reading was interrupted when someone pulled my earbuds.

"Mahilig ka pala sa mga local artists?"

It was Onli, who now listens to my music. Hinili ko ang earbuds at pinasok sa bag.

"Wag ka ngang basta-basta sumusulpot," irap ko.

"Anong basta-basta, dito ako nakaupo," nakangising sagot niya. It was the same smile he projects kaninang magkausap sila ni Bella.

"Oh, tapos ka ng makipaglandian?" tanong ko. It was too late to realize that it was a wrong move. Anak ng tokwa, nagtunog nagseselos ba ako?

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya ngunit hindi siya nagsalita. Nakangiti lamang siya at hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

He shook his head. "Nakita mo kami ni Bella?"

"Malamang, hindi ako bulag eh." BAKIT BA MALI-MALI ANG SAGOT KO?!

He moved his chair closer to me. "Napadaan lang kami sa classroom nila, tapos nakita kami ni Sir Ping kaya inutusan niya kaming dalhin 'yong testpapers sa faculty office. Marami-rami rin 'yon kaya nagvolunteer na sina Bella na tumulong."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pakialam ko ba sa inyo?" Gusto ko sanang sabihin na nagtext ako pero hindi siya nagreply, pero huwag na lang. Baka  ano pang sabihin niya.

"Sorry, hindi ako nakareply sa'yo. Nakitawag kasi Bella, baka naopen niya 'yong text mo kaya hindi ko napansin na may new message—"

Mabilis na pinutol ko ang sasabihin niya. "Wala akong pakialam, okay?"

He nodded to agree before helding out his hand. "Pahiram ulit ng cellphone."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Makikitawag ka na naman?" Aba, bakit nagpapahiram siya ng cellphone kay Bella tapos sa akin makikitawag?

He nodded again.

"Wala akong load."

Hindi pa rin niya inaalis ang nakaawang na palad sa harap ko. "Sige na."

"Wala nga—"

"Please? Emergency," sabi niya.

I sighed before handing him my phone. "Lakas din ng trip mo no? Nagpapatawag ka sa iba tapos sa akin ka makikitawag."

He laughed before dialing a number on my phone. Biglang napalis ang ngiti sa labi niya at napatingin sa akin. "You did not save my number?"

Nahimigan ko ang kung ano sa boses niya. Bakit parang tunog nagtatampo siya or was it just my imagination? Umiling ako bilang sagot. "Nakalimutan ko."

"Bakit mo naman kinalimutan? I'll save it, for future reference mo," sabi niya at kung ano ang kinulikot sa cellphone ko. Hindi nagtagal ay ibinalik na niya iyon sa akin at saktong pumasok na ang aming subject teacher. I looked at him a bit confused before scrolling on my contacts.

Nanginit ang buong mukha ko nang mabasa kung anong pangalan ang sinave niya sa contacts niya.

My One and Onli.


***

Katatapos lamang ng practice namin. Dalawang linggo na lang ay magsisimula na ang week-long festival. Busy ang buong school sa paggawa ng booth at mga props para sa street dancing. Nakapagfitting na rin ako para sa susuotin bilang festival queen.

Everything was going smoothly. Maraming paghahanda ang ginawa to make sure San Nicholas will be victorious.

"Devon!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Kyan Torres, dating schoolmate namin na anak ng principal. Agad siyang lumapit sa akin at tila nahihiyang ngumiti.

"I was watching your rehearsal, mukhang sure nang mananalo ang San Nicholas sa festival queen ah," pambobola niya. "Pauwi ka na ba?"

I picked up my bag and smiled. "Bolero ka," sagot ko sa kanya. "Oo pauwi na ako. Ikaw ba?"

"Pauwi na rin, hatid na lang kita, gabi na eh," sabi niya at tila nahihiyang ngumiti.

"Naku, huwag na nakakahiya naman sa'yo." Ang totoo niyan ay ayaw ko lang talagang sumama sa kanya.

"Sige na, gabi na masyado. Baka wala ng traysikel ngayon. Kung maglalakad ka naman, delikado at madilim sa may tubuhan," he insisted.

Tiningnan ko ang suot na relo. It's eight minutes past 8. Hindi naman masyadong malayo ang bahay namin. Isang sakay lang ng traysikel kaso nga lang gabi na, baka mahirapan akong maghanap. May lumang pickup ang tito kong si Tito Alex pero lumuwas siya sa bayan para magdeliver ng suka sa tubo.

"Pwede rin na magdinner na lang tayo, masarap daw ang barbeque doon sa kanto."

Nag-alangan akong sumama sa kanya, una dahil gabi na at pangalawa, siya si Kyan, ang anak ng prinsipal na kilalang sakit sa ulo. Isa siya sa mga kabataang nambubulabog sa San Nicholas dahil sa maiingay nilang motor na nagkakarera sa kahabaan ng daan tuwing gabi o madaling araw. May mga kwento ring kung sinu-sino na lamang ang babae nito at matapos maikama ay iiwan. And I don't want to be associated with someone like that.

He handed me a nutshell helmet. "Tara?"

Pero alam ko ang mga tipo ni Kyan dahil nabiktima na niya si Jenny dati. He likes girls that play hard to get. Gusto niya iyong nachachallenge siya. Gusto niya iyong umaayaw pero kapag pinilit ay sasama rin naman. He will surely use his charm, that definitely works all the time. He will also use his "anak ng principal" card, which works as well.

But I don't think that will work on me. Ayaw ko sa matalino, pero ayaw ko rin naman sa sobrang bobo. Kyan tried to get into a decent university ngunit hindi makapasa sa entrance exam— for two years.

"Pasensya ka na, Kyan. May hinihintay kasi ako," iyon na lamang ang naging sagot ko.

"Sure ka?" paninigurado niya. "Mukhang mabigat iyang dala mo eh."

Napatingin ako sa bitbit na mga props at kung anu-anong costume. I have to make sure it fit me better kaya dadalhin ko na lamang iyon sa bahay.

"Okay lang, paparating na rin naman iyong sundo ko—"

"Serena!"

Napalingon kaming dalawa ni Kyan sa hinihingal na si Onli. There were tiny sweats on his temple as he tried to catch his breath. Pagdating niya sa tabi ko ay kinuha niya ang panyo at pinunasan ang sarili.

"Sorry to keep you waiting, medyo natagalan lang kami," nakangiting sabi niya at kinuha ang mga dala ko. "Naghintay ka ba nang matagal?"

Hindi ako nakasagot at nakangangang napatingin sa kanya. What? It's not like I was waiting for him! Tila saka lamang niya napansin si Kyan.

"Ikaw pala, Kyan."

"Onli." Masama ang tinging sambit ni Kyan. Right, noong elementary kami ay si Kyan ang palaging nambubully kay Onli. He was always picking on him because he has no parents. Siya ang nagpakalat na putok sa buho si Onli. Onli was a small and thin kid back then. Dahil mas matanda si Kyan nga dalawang taon, he would always make fun of Onli at kung anu-anong utos ang ginagawa. It was like Onli was one of his many lackeys by force that he used to terrorize back then until he was found out. His mother, who was not yet a principal back then apologized to the whole school. Mula noon ay wala ng binubully si Kyan.

Suddenly, puberty hit Onli like a truck. There was no trace of his thin self back then. Tumangkad rin siya at ngayo'y hanggang baba niya lang si Kyan. Daig pa niya ang pokemon na nag-evolve.

I heard Kyan heaved a sigh. "Mauna na ako, Devon." He nodded at Onli before trudging towards his motorcycle. Tahimik na pinanuod lang namin siya hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

"Ginugulo ka ba niya?" mayamaya ay tanong ni Onli.

"Hindi naman," sagot ko at akmang kukunin sa kanya ang mga gamit ko ngunit agad niya iyong naiwas. "What was that? Hindi naman kita hinihintay ah. Akin na 'yan, uuwi na ako."

"You look like you can use some help," sagot niya. "Mabigat pala 'to kaya ako na ang magdadala."

"Ako na," pagpupumilit ko. "Uuwi na nga kasi ako—"

"Ihahatid kita."

My mouth gaped open ngunit agad din naman akong nakahuma. "Susunduin ako ni Tito Alex."

"Magkasama sila ni Tatang na nagdeliver sa bayan. Baka madaling araw na sila makauwi."

I just frowned at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan. Sana lang talaga ay may mga traysikel pa roon kasi ayaw kong maglakad kasama si Onli!

I tried to think of anything para hindi kami awkward habang naglalakad. "Anong nangyari sa inyo ni Kyan? Bakit parang tiklop siya sayo ngayon?"

He shrugged. "Hindi ko alam. Siguro alam niyang marami akong alam tungkol sa kanya."

Maliit lamang ang San Nicholas kaya kahit alas otso pa lamang ay tila wala ng tao sa daan. Nagmukha iyong ghost town dahil sa walang katao-taong paligid.

"Now that I remember, siya ang kasuntukan mo noong sinira mo ang painting ko." I remembered that day clearly. Nakahilera ang mga canvas namin, ready for judging nang bigla na lamang nakipagsuntukan si Onli sa grupo ni Kyan. They ruined the venue, and my artwork cannot be salvaged anymore dahil natapon ang mga pintura.

He sighed. "Sorry about that."

"Siyempre, iyan naman talaga sinasabi mo sa lahat ng pagkakataon. Saka sanay na rin naman akong hindi na nagugulat sa pananabotahe mo," I said with a laugh. Wala na, tapos ko ng iyakan iyon so all's left was my pent up frustration on everything that Onli has done.

"Nakipagsuntukan ako kay Kyan noon kasi sabi niya hihintayin ka niyang magdalaga na, so he can... alam mo na," mahinang sabi niya. "I guess he's starting that move right now."

Bahagya akong natigilan. Nakipagsuntukan siya dahil sa sinabi ni Kyan tungkol sa akin? Si Onli? Hmm, imposible. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya at hindi na rin naman siya nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa sakayan. Like the road, it was empty.

"Akin na iyang mga gamit ko, dito na lang ako maghihintay baka mayamaya ay may darating din," sagot ko at sinubukang kunin sa kanya ang mga gamit ngunit agad naman niya iyong naiwas.

"Let's walk," saad niya. "Sumakay na lamang tayo kung may makasalubong tayong traysikel, kaysa naman lalamukin ka sa paghihintay rito."

Nagtataka man sa inaasal niya ay pumayag na lamang ako. Still, I didn't let it go without much inquiry.

"Bakit parang ang bait-bait mo sa akin ngayon? Is this like the calm before the storm? The next thing I know ay sinisira mo na naman ang buhay at mga pangarap ko," wika ko. I know I am being too much by saying he's only set to ruin my life pero iyon naman talaga ang nangyayari.

"Mabait talaga ako, hindi mo lang alam," sagot niya. He stopped walking and suddenly faced me. "Sabihin mo sa akin kapag nilapitan ka ulit ni Kyan."

"Oh, hindi pa pala tayo tapos mag-usap tungkol sa kanya?"

Nakita ko ang bahagyang pagdilim ng kanyang mukha. Saglit niya akong tinitigan bago huminga nang malalim. "Kahit anong mangyari huwag kang sasama sa kanya."

"Ano bang pakialam—"

"Promise me, Serena. Walang magandang maidudulot sayo si Kyan. Baka kung ano pang gawin niya sa'yo. Do not be deceived with his money and vehicle." Hindi ko alam kung ano ang rason niya ngunit mukhang seryoso talaga siyang kumbinsihin akong lumayo kay Kyan.

"Hindi mo na ako kailangang paalalahan kasi alam ko ang ginagawa ko. Isa pa, pakialam ko ba sa motor niya eh sure naman akong nanghihingi pa iyon ng paggasolina sa mga magulang niya," sagot ko. "Nakakaturn off."

Ngumiti si Onli na tila nabunutan ng tinik. Nilingon ang bahagi ng kalsada kung saan nagmumula ang ingay ng paparating na traysikel. "Good."

Hindi na ako nakasagot dahil pinara niya ang traysikel. Mas malapit lang ang kanila dahil taga Poblacion lamang siya kaya mas una siyang bababa. Ililibre ko na lamang siya ng pamasahe para pasalamat ko sa pagdala ng mga gamit ko. I know that sounded so cheapskate kasi ano ba naman ang sampung piso?

I have no time to think anymore dahil huminto na sa tapat namin ang traysikel. Pinauna niya ako ng sakay bago siya sumakay at umupo sa tabi ko. Bago ko pa man nahigit ang pitaka ko mula sa bag ay inabutan na ni Onli ang driver ng singkwenta.

"Tatlo po, dalawang papunta Purok 4 tapos isang pabalik ng Poblacion," sabi niya sabay abot ng pamasahe.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya ngunit hindi niya lang ako pinansin. Tinanggap niya ang sukli at nagkunwaring hindi nakita ang pagtaas ko ng kilay sa kanya.

"Onli—"

He cut me off before I can even speak. "It's late at marami kang dala kaya ihahatid na kita. Don't worry, hindi ko naman hiningi sa magulang ang pinamasahe natin. Sahod ko 'yon sa pagtu-tutor."

Nanahimik na lang ako hanggang sa makarating ako sa amin. Kung hindi lang ako nagpumilit na huwag na ay baka sa mismong pintuan pa niya ako ihatid kasi nga raw mabigat ang dala ko. Akala niya naman isang gallon 'to ng purified water o di kaya ay tanke ng LPG. It was just two paper bags and a headdress!

Nang makaalis na ang traysikel ay kinuha ko ang cellphone at agad na nagtext.

To: My One and Onli
Tnx! ❤️

Huli na nang marealize kong heart emoji pala ang napindot at nasend ko. Napabulalas ako ng mura at nabitawan ang mga dala.

What the heck?! Bakit walang undo o remove button ang pagtetext! Sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Bakit ba kasi magkatabi ang heart at smiley emoji sa history ng keyboard ng cellphone ko?!!!!

From: My One and Onli
No problem. See you tomorrow, Serena. ❤️

Anak ng tokwa! Baka ano pang isipin niya!

To: My One and Onli
Wrong emoji. Dapat kasi smiley yun🤧

From: My One and Onli
🥲

Aba?! Anong irereply ko sa emoji na iyan?!

To: My One and Onli
bakit ba ganto nsave mong contact name?! i'll change this

From: My One and Onli
🥲

Ano ba, sinasabi ko sa inyo ilayo n'yo si Onli sa mga emojis! Pumasok na lamang ako sa bahay bago pa ako mabaliw sa kaiisip tungkol sa kanya.

#

ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top